Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lumabas sa isang pag-aaral na dumarami ang mga millennials na sumasabak sa

maagang pakikipagtalik dahil sa epekto ng internet at social media. Ayon kay Juan
Perez III, Executive Director ng Commission on Population, isa sa tatlong babae at
lalaki na may edad mula kinse hanggang 19-anyos ang sangkot sa premarital sex.
Batay sa inilunsad na Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFS 4 ng UP
Population Institute and the Demographic Research and Development Foundation,
sinabi ni Perez na lumabas dito na ang mga kabataang may internet at pornographic
materials ang may posibilidad na ma-expose dito.

Aniya pa, ginagawa ito ng mga lalaki bilang isang sexual act habang ang babae naman
ay dahil sa pag-ibig. Madalas aniyang ginagawa ng mga kabataan ito sa bahay at
dormitoryo na walang gamit na proteksyon. Dahil dito, aabot sa 11 haggang 14
porsyento ang teenage pregnancy sa bansa lalo na sa Cagayan Valley, Cordillera at
Caraga Region sa Mindanao kung saan 10 porsyento dito ay mga kababaihang may
edad bente pababa. Kaya naman, plano ng ahensya na pababain ito sa 6 o 7 porsyento
sa loob ng limang taon. Nagbigay ng ilang rekomendasyon ang ahensiya kung paano
aaksyunan ang naturang problema sa National Economic and Development Authority o
NEDA. Maliban dito, sinabi rin ni Perez na importante ang papel ng mga magulang,
institusyon, mga guro, simbahan at maging ang mga nakakasama ng mga kabataan.
(Angellic Jordan, 2017)

Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang mga kabataan na


nakikipagtalik sa ka-partner na hindi pa nila asawa.  Napag-alaman din apat
sa bawat 100 kabataan ang nakipagtalik umano sa taong nakilala lang nila
sa internet o naging text mate.  sinabing sakop ng pag-aaral na 2013
Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFS 4 na ginawa ng UP
Population Institute at Demographic Research and Development Foundation,
ang mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

Sa pag-aaral na ginawa nitong 2013, lumitaw na isa sa bawat tatlong


kabataang Pinoy ang sumasabak sa premarital sex. Katumbas umano ito ng
6.2 milyon kabataang Pinoy na kumakatawan sa 32 porsiyento, na mas
mataas sa naitalang 23.2 porsiyento noong 2012. Nakakabahala din umano
na karamihan sa mga umaming sumasabak sa premarital sex ay walang
proteksiyon kapag nakikipagtalik na ang resulta at pagbubuntis ng wala sa
plano at posibleng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases o STD.

Llumabas din sa pag-aaral na mas marami ngayon ang paraan ng sexual


activities ng mga kabataan na casual sex o pagtatalik ng walang emotional
attachment at nadadagdagan din pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Ayon kay Josefina Natividad, director, UP Population Institute, dahil sa


modernong teknolohiya ang nagkakaroon ng paraan ang mga kabataan na
may makakilala. Sa ganitong pagkakataon, sinabing mahalaga umano ang
magiging papel ng mga magulang at maging ng buong komunidad na
ginagalawan ng isang kabataan. "May mga vulnerabilities dito tapos hindi
naman handa ang mga magulang na pag-usapan ang mga bagay tungkol sa
sekswalidad. Sana naman maging handa ang mga bata natin para dito,"
ayon kay Michael Tan, anthropologist. Bagaman nababahala rin, tiniyak
naman ni Dr. Rosalie Paje, Family Health Office, DOH, na patuloy ang
ginagawa nilang kampanya para tumugon sa naturang
usapin. (FRJimenez,2014)

You might also like