Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Learninglinks Academy of

Leadership and Entrepreneurship


Brgy. Tibig, Silang, Cavite  

Unang Terminong Pagsusulit


Filipino 7: Ibong Adarna

Pangalan: _____________________________________ Marka: _______________________


Petsa: _____________________________

I. Salungguhitan​ ​ang tamang sagot mula sa panaklong na bubuo sa pangungusap. (​10


puntos​)

1. Ang taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna ay (nahihilo, namamatay, nagiging


bato, nababaliw, yumayaman).

2. Ang hiniling ni Don Juan sa kanyang ama bago siya umalis sa kanilang kaharian ay
(kanyang mana, bendisyun, baong pagkain, maging hari, mapapangasawa).

3. (Isang, Dalawang,Tatlong, Apat na, Limang) taon na ang lumipas simula nang umalis
sina Don Pedro at Don Diego mula sa Berbanya.

4. Isang (uwak, bwitre, agila, adarna, ermitanyo) ang nagdala kay Don Juan sa kaharian ng
de los Cristales.

5. Ang masamang ugaling taglang ni Don Pedro ay pagiging (sakim at mainggitin,


mayabang at pasikat, torpe at mahiyain, suwail at pabaya, mainipin at mahina)

6. Ang kahinaan ni Don Juan ay ang pagiging (palaaway, tamad, duwag, babaero,
makakalimutin).

7. Ang masamang katangian ni Don Diego ay pagiging (marupok, mahina ang loob, walang
paninindigan, sunod-sunuran, lahat ng nabanggit).

8. Bago umalis si Don Juan ay nanalangin siya at humingi ng gabay sa Dyos. Ito ay
nagpapakita na si Don Juan ay (matatakutin, mapanalanginin, mahina ang loob, nalilito,
may pananampalataya sa Dyos).

9. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng (sonata, korido, awit, alegorya, Oda).

10. Ang Ibong Adarna ay akdang nasa anyong patula na may ​4 na linya kada saknong at
(10, 11, 12, 13, 14) pantig kada linya.
II. Pagkilala sa mga Karater ng “Ibong Adarna”.​ Hanapin ang mga karakter na tinutukoy sa
kolum A mula sa kolum B.
A B

_____1. Ang butihing ina ng tatlong lalaking magkakapatid na pinuno a. Arsobispo


ng Berbanya.
_____2. Siya ang isa sa babaeng inibig ng bunsong anak ng pinuno b. Don Diego
ng Berbanya; Handa niyang hamakin ang lahat para sa
c. Don Juan
kanyang pag-ibig.
_____3. Siya ang naging tanging lunas sa karamdaman ng hari ng
d. Don Pedro
Berbanya.
_____4. Ang ikalawang nilalang sa Kaharian ng Armenya na may e. Donya Juana
pitong ulo na napatay ng bunsong prinsipe ng Berbanya
upang iligtas ang isang prinsesa. f. Donya
_____5. Mapanlinlang na hari ng de los Cristales na nagbibigay ng Leonora
imposibleng pagsubok sa mga manliligaw ng kanyang anak.
_____6. Ang nilalang na unang nakalaban ng bunsong prinsipe ng g. Ibong Adarna
Berbanya sa kaharian ng Armenya.
h. Ermitanyo
_____7. Mabait at makisig na anak ng pinuno ng Berbanya; umibig sa
iba’t ibang babae. i. Donya Maria
_____8. Siya ang nagpasya na si Donya Leonora ang dapat Blanca
pakasalan ni Don Juan dahil siya ang unang inibig nito.
_____9. Ang hari ng Berbanya na nagkasakit dahil sa lungkot j. Haring
matapos mapanaginipan na may masamang nangyari sa Fernando
anak na bunso.
_____10. Siya ang hayop na alaga ng isang prinsesa na gumamot sa k. Haring
Salermo
bunsong anak ng pinuno ng Berbanya.
_____11. Ang paulit-ulit na tumutulong sa bunsong prinsipe ng
l. Higante
Berbanya sa panahong nahihirapan siya; Nababakas daw sa
kanya ang imahe ng Dyos. m. Lobo
_____12. Ang unang babaeng inalok ng pag-ibig ng makisig na lalaking
mula sa Berbanya na nagligtas sa kanya mula sa isang n. Reyna
mapanganib na nilalang. Valeriana
_____13. Ang panganay na anak ng pinuno ng Berbanya na ilang
beses nagtangkang mapahamak ang bunsong kapatid dahil o. Serpyente
sa inggit.
_____14. Ikalawang anak ng pinuno ng Berbanya; tila mabait siya,
ngunit madaling madala sa sulsol ng panganay na kapatid.
_____15. Siya ang isa sa babaeng nagtiis, naghintay ng mahabang
panahon at umasang muli siyang babalikan ng lalaking
kanyang iniibig.
III. Pagtukoy sa mga lugar at termino mula sa Ibong Adarna.​ Hanapin ang pinakatamang
sagot na nilalarawan sa kolum A mula sa kolum B.

A B

_____1. Lugar kung saan matatagpuan ang punong tinitirhan ng a. Armenya


Ibong Adarna. b. Berbanya
_____2. Ang puno kung saan nakatira ang Ibong Adarna. c. Bundok Tabor
_____3. Kaharian nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. d. Tubig
e. Dayap
_____4. Kaharian nina Donya Juana at Donya Leonora
f. Ermita
_____5. Tawag sa uri ng tula na may 4 na linya sa bawat saknong
g. Singsing
at 8 pantig kada linya h. de los Cristales
_____6. Kaharian nina Donya Maria Blanca at Haring Salermo i. Korido
_____7. Ang ginamit ni Don Juan upang hindi siya makatulog sa j. Awit
awit ng Ibong Adarna. k. Piedras Platas
_____8. Ito ang lugar na tirahan ng mga ermitanyo.
_____9. Ang ginamit ni Don Juan upang magbalik sa dating anyo
ang naging batong sina Don Pedro at Don Diego.
_____10. Ang binalikan ni Don Juan sa balon ng Armenya kayat
napahamak siya.

IV. TAMA o MALI (10 puntos)

_____1. Ang pagmamahal na ipinaglalaban hanggang kamatayan, maging daan man ng


kapahamakan ng magulang at mga tao sa iyong paligid ay ang tunay at tapat na
pag-ibig.
_____2. Si Haring Salermo ay isang mabuti at maunawaing ama sa kanyang anak na si
Maria Blanca.
_____3. Ang setting ng kwentong Ibong Adarna ay sumasalamin sa kultura ng mga
katutubong Filipino.
_____4. Ang pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa magulang ay mga temang
makikita sa kwentong Ibong Adarna.
_____5. Ang korido ay kwentong nasa anyong patula na may elementong mahika o mga
hindi kapanipaniwalang pangyayari.
_____6. Ang lalaking napahamak sa panaginip ni Haring Salermo ay walang iba kundi ang
mabuting anak na si Don Pedro.
_____7. Si Don Diego, bagama’t mahinahon at ayaw ng gulo ay madali namang madala sa
udyok ng mapangahas na kapatid.
_____8. Bagaman pumayag si Don Diego sa balak ni Don Pedro, siya parin ang dahilan
kung bakit hindi tuluyang pinatay ang bunsong kapatid.
_____9. Ang korido ay kwentong nasa anyong patula na walang sinusunod na sukat o
tugma.
_____10. Ang matandang sugatan, matandang may dala ng pagkain at mga ermitanyong
nakausap ni Don Juan sa kanyang paglalakbay ay sumisimbolo sa Diyos na
gumagabay sa ating buhay.

V. Hanapin ang naiibang salita​. Sa bawat bilang ay may grupo ng mga salitang may
magkakapareho ng kahulugan maliban sa isa. Tukuyin ang salitang hindi kabilang sa
grupo at ​bilugan​. ​(15 puntos)

1. katipan kaaway nobya kasintahan iniirog

2. nililo niloko dinaya inibig pinagtaksilan

3. silo patibong bitag panghuli pantas

4. malumanay nakaratay mapagkumbaba mahinahon marahan

5. linggatong problema nahapo alalahanin himutok

6. dukha monarka hari reyna duke

7. nagbawas nag-alis dumumi tumae kumain

8. inilagda isinulat ipinirma sinabi minarkahan

9. gunitain alalahanin isipin paglimiin kalimutan

10. dukha mahirap pulibi kawawa mayaman

11. nakaratay masigla nakalugmok maysakit nakahiga

12. nilakbay nilakad nilibot pinuntahan namahinga

13. pantas matalino wais dulabhasa bobo/mangmang

14. tinadtad hiniwa-hiwa pinutol-putol pinagkabit-kabit pinaghiwa-hiwalay

15 nagtanan nagpakasal namasyal nag-asawa nagsama

VI. Pumili ng 5 salita mula sa itaas at gawan ng tig-iisang pangungusap.​ (10 puntos)
VII. Simbolismo sa Ibong Adarna.​ Hanapin ang pinakatamang sagot na nilalarawan sa
kolum A mula sa kolum B.

Sagot A B

1. Sumisimbolo ng buhay; lunas sa sakit at uhaw; paglilinis; a. Ermitanyo


ginamit din sa malaking paggunaw upang ipahayag ang
parusa ng galit. b. Donya Leonora

2. Sinisimbolo nito ang makapangyarihang sa lahat; Gabay c. Ibong Adarna


sa lahat ng lakad ng taong humihingi ng patnubay;
Makapangyarihan ngunit nagpakita ng pagiging d. Tubig
karaniwang tao.
e. Serpyente,
Higante at
3. Inilarawan niya ang taong walang panininidigan; May likas
Balon ng
na kabutihan ngunit madaling maudyukan ng kasamaan
Armenya
dahil sa mahinang personalidad.
f. Ibong Adarna
4. Sila ang nagbigay karakter sa mga paglililo o pagtataksil
g. Agila, at Asong
5. Binigyan niya ng persona ang babaeng may wagas na
lobo
pag-ibig ngunit tikom ang bibig dahil sa takot
h. Donya Maria
6. Inilarawan niya ang babaeng palaban at handang Blanca
ipaglaban ang kanyang karapatan kahit buhay pa ang
kapalit. i. Don Juan

7. Sinisimbolo nito ang partikular na lunas ng isang j. Don Diego, Don


karamdaman; Makakamtan lamang kung may dalisay na Pedro at
puso. Haring Salermo

8. Siya ang halimba ng mabuting tao ngunit may kahinaan,


lalo na pagdating sa mga babae

9. Sinisimbolo nila ang mga mabibigat na pagsubok sa


buhay ng tao bago makamit ang tagumpay

10. Ang mga ito ang sumisimbolo sa mga paraan upang


makamit ang tagumpay
VIII. ESSAY​. PUMILI LANG NG APAT na tanong at pangatwiranan. 5 puntos bawat tanong.
(20 puntos)

1. Makatarungan ba ang mga ginawa ni Maria Blanca para sa pag-ibig? Alin sa mga
ginawa nya ang tama o mali? Hanggang saan ba dapat ipinaglalaban ang pag-ibig?
2. Ano ang hindi magandang katangian ni Don Juan at bakit ito masasabing negatibo?
3. Sa inyong palagay, totoo ba ang “love at first sight”? Bakit?
4. Sa mga karakter ng Ibong Adarna, sino sa palagay ninyo ang nagpalamalas ng tunay na
pag-ibig? Bakit?
5. Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa Ibong Adarna? Ano ang dapat na maging
wakas nito na tiyak kapupulutan ng aral?
6. Anong magandang katangian ni Don Juan ang paulit-ulit na nabanggit sa maraming
bahagi ng akda na naging daan upang magtagumpay siya sa mga pagsubok? Ano ang
kahalagahan ng katangiang ito sa ating buhay?
7. Kung ikaw ang gagawa ng katapusan ng akdang Ibong Adarna, ano ang magiging
katapusan nito at bakit?
8. Magbigay ng limang mahahalagang leksyon na iyong nakita sa akdang Ibong Adarna?
9. Anong katangian meron si Don Pedro at sa kabila ng kasamaan na kanyang ginawa ay
nakamit niya si Donya Leonora at pagging hari sa Berbanya? Tama bang siya, at hindi si
Don Diego ang nagkamit nito? Ipaliwanag.

You might also like