The Living Arrow (SWSCA BOOK 2)

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 69

The Living Arrow (SWSCA #2)

by alyloony

Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow

=================

First Shot

The Living Arrow

Second book of "She Who Stole Cupid's Arrow"

By Aly Almario

~*~

First Shot

WEST.

(January, 2017)

Nakailang tingin ako sa reflection ko sa laptop screen ko. Maayos ang necktie,
maayos ang pagkaka tucked-in ng long sleeves sa pantalon, okay ang itsura ng buhok
ko ngayon at malinis ang lense ng salamin ko. Halos paliguan ko na rin ang sarili
ko ng pabango kanina bago ako umalis sa bahay.

Mukha siguro akong tanga ngayon. Parang isang teenager na hindi


mapakali sa crush niya. I know I'm too old for this shit. But damn! Today is her
first day. At oo inaamin ko hindi ako mapakali. Kaninang umaga, parang automatic na
na kumilos ang katawan ko para magpa-pogi at mag ayos. Kung dati basta hugot na
lang ako ng maisusuot sa opisina, ngayon talagang pinili ko ang pinaka maayos kong
longsleeves at tie. Pina-plantsa ko pa ulit yun kahit unat na unat na ito.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 10 minutes na lang, time na. Sabi ko
mag report muna siya sa akin bago siya mag-simula sa trabaho. Any minute panigurado
darating na siya. At habang gumagalaw ang kamay ng orasan, mas lalo akong hindi
mapakali.

Malapit na. Malapit ko na ulit makita ang babaeng matagal ko nang


gusto.

Si Jillian Evangelista.

Naalala ko nung first time siyang nag apply dito. I am the editor in
chief back then. Nung ini-interview ko siya, halatang kabado siya. Bawat sagot niya
hindi confident. Hindi rin ako sigurado kung gusto niya ba ang posisyon na ina-
apply-an niya. But I hired her just because wala nang ibang applicant at kailangang
kailangan namin ng proofreader noon. Maganda rin naman ang resume niya. Siguro
sadyang takot lang siyang sumagot sa interview.

Maayos naman ang trabaho ni Jillian nung una. Pag pinupush mo siya, mas
lalo siyang nag susumikap. Kailangan mo lang talaga siyang ngaragin sa deadlines.
At first, she's just a typical employee to me. Pero nung time na may pinagtanggol
siyang isang senior na siningitan ng isang boss, doon ako napahanga ng babaeng 'to.

That girl has some guts. Habang nasa opisina ko siya at pinapangaralan,
kita ko ang tapang sa mata niya. Yung hindi siya aatras at wala talaga siyang
planong humingi ng sorry nun dahil alam niyang wala siyang ginawang mali.

Ayun yung panahong naisipan kong protektahan siya. At simula nung araw
nay un, palagi ko na siyang napapansin. Yung hindi siya mawala sa isip ko. At
nakakainis.

Alam niyo yung planado ko na ang buhay ko. Naka-set na ang mga dapat
gawin ko. Punong-puno ang ng schedule ang nakalista sa planner ko.

Pero wala doon ang mainlove kay Jillian. Wala.

Pinigilan ko naman at pinilit kong itago. Lagi ko siyang pinapagalitan.


Lagi kong hinahanapan ng pagkakamali. Kasi natatakot ako na baka mahalata niya na
nagugustuhan ko na siya. Pag nabuko ako, hindi ko alam ang gagawin ko. At
nababadtrip ako sa sarili ko kasi bakit ba ako ganito? Kahit noon pa man hindi ko
na alam kung paano kumilos sa harap ng isang babae. Hindi ako marunong makipag
small talks sa kanila. Madalas akong nerbyosin lalo na kung ang babaeng kaharap ko
ay gusto ko. May point pa nga sa buhay ko na siguradong sigurado akong tatandang
binata ako kasi ang lala ng pagiging torpe ko.

Tapos last year, bigla pang nag resign si Jillian. Kasabay ng pag r-
resign ni Jillian ay naaksidente naman ang kuya kong si Zyron. Ayun na ata ang
pinaka depressing na taong nagdaan sa buhay ko.

Pero makalipas ang isang taon, bigla ulit siyang bumalik sa buhay ko.
Nung i-send sa akin ng isa naming proofreader ang resume ni Jillian, hindi ko alam
ang dapat kong maramdaman.

Isang taon na ang nakakalipas eh. Akala ko yung nararamdaman ko para sa


kanya lumipas na rin. Pero ewan ko ba. Nung magtama ulit ang mga tingin namin,
pakiramdam ko mas lalong lumalim ang pagkagusto ko sa kanya.

I even blurted out that I missed her! Damn!

Pero this time, hindi ko na sasayangin ang oras ko sa pagtatago ng


nararamdaman ko. I really like this girl.

It's about time para tantanan ko na ang pagiging torpe.

Napatingin ulit ako sa orasan ko. Five minutes na lang ah?

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Dapat nandito na si Jillian eh. Sana


naman hindi siya late sa first day niya 'di ba?

Lumabas ako ng opisina ko at nilapitan ko ang secretary ko.

"Wala pa yung bagong proofreader?" tanong ko sa kanya.

"Ah sir, hindi pa po siya umaakyat eh. Do you want me to check kung
nasa office na siya sa baba?"

Umiling ako, "no thanks. Ako na lang ang pupunta sa baba."

Pagkababa ko sa 6th floor, chineck ko ulit ang wrist watch ko. Saktong
10am na. Ibig sabihin late na si Jillian. Nakasimangot akong pumasok sa office at
sabay sabay naman na nag good morning ang mga employees sa akin. Tinanguan ko lang
sila at dire-diretso ako sa office ni Elise---ang bagong editor in chief.

"Good morning Sir West!" nakangiti niyang sabi.

"Elise, nandyan na ba si Jillian?"

"Ah... sir hindi pa po siya dumarating, eh."

Mas napakunot ang noo ko.


"She's already late. First day na first day niya ah? Na-inform mo ba
siya sa oras ng pasok niya?"

"Opo. I texted her last night and she confirmed. She told me that
she'll be here on time."

"Hindi siya on time. It's already past 10! Please send her to my office
pagkarating niya? Pakiramdam ko first day na first day niya mase-sermonan ko siya."

"Y-yes sir West!"

Lumabas na ako sa opisina at bumalik na sa office ko.

Jillian naman, eh. Ba't ka ba kasi late? Bukod sa bad record yun para
sa isang empleyado, hindi mo ba alam kung gaano ako ninenerbyos sa'yo?

Nakakainis naman kasi. Ano bang tumama sa akin at ba't nagkakaganito


ako?!

Sinubukan kong mag trabaho muna habang inaantay si Jillian. Kaso bwiset
naman, hindi ako makapag concentrate. Siya ang naiisip ko. Naalala ko ang itsura
niya last week nung interview-hin ko siya. Ang simple lang ng ayos niya, but
goddammit! Mas lalo siyang gumanda ngayon.

Tapos nung niyakap pa niya ako nung sinabi kong hired na siya.

Muntikan ko nang 'di mapigilan ang sarili ko nun. Muntikan na akong


umamin.

Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko at tinanggal ko ang salamin


ko.

Malala na talaga ko. Iba na ang tama ko.

Dahil hindi na rin naman ako makapag-concentrate, nagpatimpla na lang


muna ako ng kape. Naupo ako sa sofa ng opisina ko na nasa harapan ng TV. I opened
the TV at nanuod muna ng news habang umiinom ng kape.

"Isang babae ang nasagasaan ng isang rumaragasang sasakyan kaninang


alas nuebe y media ng umaga. Nakilala ang babae na si Jillian Evangelista, ang anak
ni Senador Ricardo Evangelista."

Bigla akong napatayo nang makita kong ifinlash sa screen ang litrato ni
Jillian. Nanlalaki ang mga mata ko at parang ayaw paniwalaan ng utak ko ang
sinasabi ng reporter sa TV.

Shit. Jillian. Shit!

No! No no no no!!!

"Ayon sa ulat ay dead on arrival ang dalaga."

At tuluyan kong nabitiwan ang tasa ng kape na hawak-hawak ko.

~*~

CUPID.

"Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko kaya!"

"Mahal."

Nilapitan ako ni Psyche at hinawakan ang kamay ko.

"Jillian! Naku naman! Ano ba naman ang pamangkin ko na yun?! Ano ba


naman 'yan! Nakaligtas nga siya kay Ayesha pero eto naman siya, sukat nagpasagasa
sa sasakyan! Ngayon ano na? Paano na siya? Tigok na siya! Hindi pa nga sila ni West
eh! Ang sakit talaga sa ulo!"

Napailing ako habang hinihimas-himas ko ang noo ko. Napuperwisyo talaga


ako. Bakit ba naman ganyan ang kapalaran nitong si Jillian?! Nakaka-stress!

"Ano nang mangyayari sa kanya?" tanong ng aking mahal na asawa.


"Magiging goddess na ba siya? Dito na ba siya sa atin?"

Mas napakunot ang noo ko.

"Kung magiging goddess siya rito, ano siya? Goddess ng kamalasan?"

Napatawa ng mahina si Psyche.

"May solusyon pa naman 'di ba, mahal?"


Napa buntong hininga ako.

"Ito talagang si Jillian ang hilig akong pinapahirapan eh. Ayaw nang
normal na happy ending. Gusto dramatic. Ang sakit talaga sa ulo! Puputian ako ng
buhok sa kanya."

"Gwapo ka pa rin naman mahal kahit pumuti ang buhok mo."

Nilingon ko si Psyche at nginitian.

"Talaga?"

"Oo naman. At alam kong maso-sulosyonan mo 'to."

Napa-buntong hininga ulit ako.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Tumayo ako at isinukbit ko ang pana sa aking likuran atsaka ko


hinalikan sa labi si Psyche.

"Kailangan ko munang umalis."

"Saan ka patungo?"

"Saan pa nga ba edi sa underworld. Kailangan kong makausap si Hades."

Nakita ko ang gulat sa mata ni Psyche, "si Hades? Bakit? Bakit sa kanya
ka hihingi ng tulong?"

"Dahil nasa kanya ang hourglass ni Kronos. At itong hourglass na 'to


ang may kakayanan makapag-bukas ng portal pabalik sa nakaraan. Ayun lang ang
makakatulong kay Jillian ngayon."

"P-pero tutulungan kaya niya tayo?"

"Siguro naman. Pero pakiramdam ko hindi siya tutulong nang basta basta
lang. Sigurado akong pahihirapan niya muna kami. At doon ako kinakabahan."

Napabuntong hininga ulit ako.


Sa susunod na makita ko si Jillian, babatukan ko talaga siya ng
malakas.

~*~

WEST.

(January, 2016)

Halos wala nang tao sa opisina. Kanina pa umuwi ang secretary kong si Jane. Kanina
pa rin nagsiuwian ang mga empleyado ko.

Pero ako, nandito pa rin sa opisina at nagpapakalunod sa trabaho.

Ilang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang mailibing naming si


kuya Zyron. Car accident. Ang hirap paniwalaan na wala na ang kapatid ko. Kahit
hindi ko siya tunay na kapatid, minahal ko siya na parang siya na ang kuya ko.
Kahit sina mama at papa ay ganun din kay Kuya Zyron. Lalo na si mama. Malapit
talaga sila sa isa't-isa kaya naman hanggang ngayon ay sobrang lungkot pa rin ni
mama.

Napatingin ako sa litrato na nasa desk ko. Ito yung litrato na kuha sa
Subic ng mag outing kami. Nandito pa si kuya Zyron nito.

Nandito rin si Jillian.

Si Jillian ang babaeng matagal ko nang gusto. Ngayon ay nag resign na


siya sa kumpanya namin. At nag resign na nga siya't lahat, ni hindi ko pa na amin
ang nararamdaman ko sa kanya.

Napabuntong hininga ulit ako. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko dahil sa


mga nangyayari. Kung pwedeng lunurin ko na lang ang sarili ko sa trabaho para hindi
ko na maisip ang mga bagay na 'to eh.

"West!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
Napatayo ako at nanlaki ang mata ko nang makita kong may lalaking nakatayo sa may
pintuan ng opisina ko.

"Paano ka nakapasok dito?!" tanong ko sa kanya.

Pakiramdam ko nagtaasan ang balahibo sa katawan ko.


Shit. Naka-lock ang pinto ko. At kung bumukas man ito, maririnig ko.

Ganito ba ka pre-occupied ang utak ko at hindi ko napansin ang taong


'to?!

Itinaas niya ang kamay niya.

"Hindi ako masamang tao. Sa gwapo kong 'to?"

"Sino ka?!"

Dire-diretso siyang lumapit sa akin.

"West, si Cupid 'to."

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Basta! Anong date na ngayon?"

"Huh?"

Kinuha niya ang kalendaryo na nakapatong sa desk ko at tinignan ito.


Biglang lumawak ang ngiti niya.

"YES!" sigaw nito. "January 2016! YES! Mabuhay! Gumana! Ang galing
galing ko talaga! I'm the best! Dapat after nito ilibre ako ni Jillian!"

"T-teka nga. Sino ka ba? At ba't alam mo ang pangalan ko? A-at ba't mo
kilala si Jillian?!"

"Mahabang kwento! Basta yang nakatadhana sa'yo na 'yan ang sakit sa


ulo. Hindi niya ba alam kung gaano kahirap ka-deal itong si Hades?! At ayokong
ayoko talagang pumupunta sa underworld eh! Jusko! Pero ito nga, January 2017,
mamamatay si Jillian. At ikaw, West, ang magiging daan para hindi mangyari ang
bagay na 'yun."

Tinignan kong maigi ang lalaking nasa harap ko.

Baliw ba 'to? Ano bang pinagsasasabi nito?

Mukhang kailangan ko nang magpatawag ng security.


"O wag mo 'kong tignan ng ganyan! Wag mo na ring tangkain na tumawag ng
security!"

Nanlaki ang mata ko sa kanya.

Shit. Ba't nahulaan niya ang nasa isip ko?!

"Basta West, magtutulungan tayo. Dati si Jillian, ngayon ikaw naman."

"Ang alin?"

"Ang magiging living arrow ko."

"A...a what?"

He took a step forward at nginitian ako.

"Maiintindihan mo rin. Dahil ngayon, kailangan ko nang ibalik ang


alaala mo."

May inilabas siyang isang vial mula sa bulsa niya at binuksan niya ito.
Isang kulay asul na usok ang lumabas dito at pumalibot sa akin.

At bago pa ako makalayo, bigla na lang umikot at nag dilim ang paligid
ko.

To be continued...

Author's Note:

Eto naaaa! Mag start naaaaa! Guys, baka sa The Living Arrow, mas marami naman ang
POV ni West. Ayun. Sana na-enjoy niyo ang first chapter! I'll post the next one
after Christmas! <3

=================
Second Shot

Important note. PLEASE READ.

Hi guys, if ever maka-encounter kayo ng putol putol na words dito sa update ko na


'to and/or hindi niyo mabasa ng maayos, please update your wattpad app. O kaya try
reading this chapter sa browser or sa laptop/computer. Thanks! Enjoy reading!

Second Shot

WEST.

Napahawak ako sa desk ko bilang suporta dahil pakiramdam ko, tutumba ako. Umiikot
ang paligid ko. Wala akong halos makita.

Shit, what's happening to me?!

Napapikit ako at parang tumigil ang pag-ikot nang paligid ko. Sunod nun
ay hindi ko na alam ang nangyayari. Parang may pintong nagbubukas sa isipan ko.
Parang yung makapal na ulap na nakaharang sa memorya ko ay unti-unting nawawala.

Napaluhod ako.

No.

"Kuya....Zyron..."

"Naalala mo na."

Napa-angat ang tingin ko kay Eros. Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Ayaw
paniwalaan ng isip ko ang mga naalala ko pero wala eh, malinaw na malinaw lahat.
Alam kong nangyari ang mga 'to. Alam kong totoo.

Pero ang hirap pa rin paniwalaan.


"He died...because of me.."

Napatayo ako pero ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko.


Nanginginig ang buong katawan ko.

Si Kuya Zyron. He did not die in a car accident.

He died because of me.

"West.."

Hinawakan ni Eros ang balikat ko pero agad koi tong tinabing.

"Umalis ka. Gusto ko munang mapag-isa."

"Pero West--!"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Nilapitan ko siya at


kinwelyuhan.

"Bakit hinayaan niyong mamatay si Zyron?!" sigaw ko sa kanya.


Nanginginig ang buong katawan ko. "Bakit ha?! Bakit hinayaan niyong ipalit niya ang
buhay niya sa akin! Dapat ako yun eh! Dapat ako yung namatay! Bakit hinayaan niyo
siya ha?!"

"Pre ano ba!" tinabing ni Eros ang braso ko. "Alam kong mahirap
intindihin at masakit. Pero West, hiram lang ang buhay ni Zyron. At ngayon,
ibinigay niya ang hiram na buhay na yun sa'yo para maging masaya ka. Gusto kitang
hayaang mag luksa pero kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat!"

Napailing ako.

"S-si Jillian, kamusta siya? Anong nangyari sa kanya? May naalala ba


siya?"

"Wala West. Kahit alaala ni Jillian ay binura ko. Kinailangan kong


gawin iyon dahil hindi magiging normal ang buhay niya kung maalala pa niya ang
nakaraan. Ikaw rin. Hindi ko ginusto na tanggalin ang alaala niyong lahat, kaya
lang kinailangan kong ibalik sa'yo ngayon ito dahil kailangan ko ang tulong mo."

May inilabas na hourglass si Eros at ipinatong niya ito sa desk ko.

"Sa loob ng isang taon, pag naubos na ang buhangin sa hourglass na 'to,
mamatay si Jillian."
"H-ha? Bakit?!"

"Tanga siya eh. Nasagasaan. Hindi marunong tumawid. Dadalhin ko na sana


siya sa road to forever niyo. Kaso mukhang allergic siya sa forever kaya nagpa-
tigok sa road."

Napakunot ang noo ko. Ngumiti naman si Eros at nag peace sign.

"Joke! I mean, eksaktong isang taon mula ngayon, sa January 2017,


mamatay si Jillian dahil sa isang aksidente. Kinailangan kong bumalik sa past,
which is ngayon, para mailigtas siya."

Mas napakunot ang noo ko lalo.

"Ibig sabihin, galing ka na sa future?"

Tumango siya, "that's right. I'm Cupid year 2017!"

Nakapag time travel ka?

Tumango ulit siya at nakangiti na parang proud na proud sa sarili.

"Kung nag time travel ka, ba't di ka na lang bumalik sa isang oras bago
ang aksidente, o ilang minuto, para mailigtas mo si Jillian! Ba't kailangan isang
taon pa?!"

Nawala ang ngiti sa labi ni Cupid, "that, my friend, is a very good


question."

Lumapit siya sa upuan ko at naupo roon na parang hari at siya ang boss
sa opisinang ito.

"Pero bago ang lahat, may kape ka ba? Para masarap ang kwentuhan
natin."

Sinimangutan ko siya. Akala ko ba nagmamadali kami? Ni hindi niya ako


hinayaang ipagluksa ang kapatid ko eh. Tas bigla siyang manghihingi ng kape?!

I think I better call the security.

Napaayos ng upo si Eros.


"Wag naman! Grabe ka! Wag mo naman akong ipakaladkad sa sikyo!"

"Are you reading my mind."

"Hmm.. slight.."

"Ano ba kasi ang gagawin! Pwede bang sabihin mo na? Buhay ni Jillian
ang pinaguusapan natin!" pagtataas ko ng boses.

Kasi sa inaakto niya parang wala wala lang 'to sa kanya eh.

"Okay okay, ipapaliwanag ko na. Kaya bumalik ako isang taon bago ang
aksidente ay dahil sa magaling na si Hades. Mukhang pinag t-tripan niya tayo. Bored
na siya sa buhay eh."

"Pwedeng ayusin mo ang paliwanag mo? You're not making any sense! Sino
si Hades?"

"Hindi mo kilala si Hades?! Wow! Hindi ka nakikinig sa greek mythology


nung lesson niyo sa English literature 'no?! Grabe ka West! Paano ka pumasa?!"

Napapikit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka bigla
na lang akong makasapak ng tao----o immortal.

"Joke lang," nag peace sign ulit siya then he cleared his throat. "Okay
seryoso na talaga. Si Hades ang God of underworld at anak siya ni Kronos, ang God
of time. Hawak ni Hades ang hourglass ni Kronos kung saan pwede mo itong gamitin
para makapag-time travel. Yung sinabi mo kanina sa akin, na sana bumalik na lang
ako ilang minuto bago ang aksidente, yun talaga ang plano ko kasi hindi naman ako
ganoong ka-shunga para mag antay ng isang taon. Kaya lang itong si Hades binigyan
ako ng pagsubok. Ipapagamit niya sa akin itong hourglass pero babalik ako isang
taon bago ang aksidente. Ibig sabihin ay ito yung panahon kung saan hindi ko pa
kayo pinapana ni Jillian. At ang deal niya? Kailangang mahulog sa'yo si Jillian
without my arrow. At bawal ko rin ibalik ang alaala ni Jillian. Kaya ngayon West,
ikaw ang magiging living arrow ko."

"P-pero paano kung hindi ko magawa?"

"Kukunin ni Hades si Jillian at dadalhin sa underworld."

Napaupo ako sa silya sa harapan ko.

Ang gulo ng utak ko. Kung anu-ano ang tumatakbo rito. Malinaw pa sa
memorya ko ang mga nangyari sa cave.
Naalala ko nun, kinuha ako ng isang babae. Ayesha raw ang pangalan
niya. May isinaboy siya sa akin at nakatulog ako. Nang magising ako, nasa kweba na
ako. Nakita ko si Ayesha na may ball of light sa kamay. Sa harap niya ay si
Jillian. Naalala kong tumakbo ako papalapit kay Jillian nun. Sinalo ko ang ball of
lights at tumama sa akin. Naalala kong nakaramdam ako ng grabeng sakit. Yung parang
sinusunog ang lamangloob ko. Unti-unti akong kinakapusan ng hininga hanggang sa
mawalan ako ulit ng malay. Pagkagising ko, nakita ko nang umiiyak si Jillian habang
yakap yakap si Kuya Zyron. Doon ko nalaman na ibinigay ni Zyron ang buhay niya sa
akin. Naalala ko nag wala ako nun. Pinipilit ko sina Eros na ayusin yun. Na ibalik
ulit kay Zyron ang buhay na ibinigay niya sa akin. Hindi nila ako tinitignan o
pinapakinggan. Kahit si Jillian. Iyak lang siya nang iyak nang panahon na yun. Nang
hawakan ako ni Eros, nawala na ang alaala ko.

At ngayon malinaw na ulit lahat. Tapos ito ang malalaman ko?

Una si Kuya Zyron, and now, si Jillian naman.

"West, ikaw lang ang susi para mailigtas si Jillian. Please, help her.
Para sa inyo 'to. Jillian is destined to be with you. At para matupad yun,
kailangan mong gumawa ng paraan."

Napayuko ako.

I should be happy right? Jillian is destined with me.

Pero ang bigat sa pakiramdam dahil alam kong dapat ay para siya kay
Kuya Zyron. Na hindi naman talaga kami ni Jillian eh. Naiba lang ang guhit ng
kapalaran dahil sa mga nangyari.

Am I worthy enough? Kaya ko bang tapatan ang pagmamahal ni kuya sa


kanya?

He chose to die para maging masaya si Jillian. That's how much he loves
her.

Ganun din ba ako?

Hindi ko alam na darating sap unto na ku-kwestyunin ko ang sukat nang


pagmamahal ko kay Jillian.

Tumayo ako at lumabas sa opisina ko. Naramdaman kong naka-sunod sa akin


si Eros pero masaya ako na hindi siya nagsasalita. Gulong-gulo ang utak ko sa mga
nangyayari.

Tuloy-tuloy akong bumaba sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Wala na


si Eros. Hindi na siya nakasunod sa akin. Pero alam kong babalikan ulit ako nun.
Dumiretso ako sa café kung saan kami nagpupunta noon ni Jillian.
Nakakatawang isipin na kahit nung mga panahong burado na ang alaala ko, madalas pa
rin ako rito.

Ewan kung anong meron sa café na 'to at mas nakakapag-isip ako.

I occupy the couch seat near the window then I order a caramel latte.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan ko ang nag-iisang stolen shot ni Jillian
sa phone ko.

Ito yung outing namin sa Subic noon. Kasama niya si Eros at


nagtatawanan sila. Her smile is so beautiful that's why I want to capture it. Oo
ang creepy ng dating. Ang stalker ng dating. Malamang pag nalaman niya 'to, mag f-
freak out yun. Pero gustong gusto ko lang kasing tinititigan ang ngiti niya.

Am I worthy enough?

Napahinga ako ng malalim.

I need to make her fall in love with me. Pero paano ko gagawin yun?
Magagawa ko ba yun? Kaya ba niya akong mahalin? Kamahal-mahal ba ang isang tulad
ko? Bagay ba kami? Magiging masaya ba siya pagka kasama niya ako? Mapapasaya ko ba
siya? Matatapatan ko ba ang pagmamahal ni Kuya Zyron sa kanya?

Tama ba talaga ang tadhana na ako ang iduktong kay Jillian?

Hindi ko alam.

Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya.

"Eh ayun naman pala!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Eros.


He occupied the couch in front of me.

"Ang sakit sa ulo pakinggan ang thoughts mo pre! Dami mong doubt sa
sarili mo. Nakakabanas na ha? Mahal mo 'di ba? Mahal na mahal mo?"

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya napayuko na lang ako.

"O-oo."
"At iniisip mo na si Zyron nagawang ialay ang buhay niya para kay
Jillian. Kaya ngayon nag d-doubt ka kung kaya mo bang tumbasan ang ganoong klaseng
pagmamahal?"

Tumango ulit ako.

"Eh ulyinanin ka pala bro. Baka nakakalimutan mo na sinalo mo ang ball


of light na dapat tatama kay Jillian. Kaya nga ikaw unang na-tigok 'di ba at
kinailangan kang iligtas ni Zyron?"

Napa-angat bigla ang tingin ko kay West.

"Nagawa mo na rin i-alay ang buhay mo kay Jillian. At kung iniisip mo


kung kaya mo siyang pasayahin? Nagawa mo na rin noon 'yan West."

"H-ha?"

Napa-palo si Eros sa noo niya habang iiling-iling.

"Alam mo pre, gwapo ka eh. Maporma, madating. Pwede ko na sabihing


magkahawig tayo kaso mas lamang lang ako ng sampung paligo. Wala eh. Greek God eh.
Anak pa ng goddess of beauty. Pero yun nga, gwapo ka nga, ang slow mo naman."

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Ay slow nga. Mahal ka ni Jillian! Manhid ka ba tsong? Kaya nga depress
depressan siya nung nalaman niyang sa iba siya nakatadhana. Kaya nga pilit ka niya
nun tinutulak dati kasi akala niya hindi ka para sa kanya. Pero nasasaktan siya nun
West kasi mahal na mahal ka ni Jillian. At ngayong burado ang alaala ni Jillian,
kailangan mo lang ipaalala sa kanya kung ano ang feelings niya sa'yo."

"M-mahal ako ni Jillian?"

"Ang haba ng speech ko tas itatanong mo ulit sa akin yan? Bagay nga
kayo ni Jillian. Pareho kayong sakit ng ulo."

Hindi ko napigilian na unti-unti akong napangiti.

"Mahal ako ni Jillian!"

"Oo nga sabi!"

Tumayo ako.
"O, saan ka na naman pupunta?"

"Sa bahay niya. I'll talk to her. Aamin na ako!"

"Wow ang confidence tumaas porket nalaman na mahal siya. Pre, sasapakin
ka nun pag nagtapat ka. Pustahan tayo basted ka doon ngayon."

Napakunot ang noo ko.

"T-teka akala ko ba mahal niya ako?"

"Oo nga. Pero limot na niya. Tandaan mo, burado ang alaala niya. Ang
memory niya sa'yo ngayon ay isa kang boss na ubod ng sungit at sinusumpa niya. Kaya
ang feelings niya para sa'yo ngayon ay hatred."

Napahawak ako sa noo ko.

"Shit."

"Shit talaga. Pero wag kang mag-alala, I'll help you."

Inangat ko ang tingin ko kay Eros.

"T-tingin mo ba deserving talaga ako para sa kanya?"

Napahinga ng malalim si Eros at nginitian ako.

"West, ikaw lang ang makakapag sabi niyan. Kung tingin mo sa ngayon eh
hindi, edi gumawa ka ng paraan para maging deserving ka sa kanya. Save her and be
with her for the rest of your lives. Para na rin hindi masayang ang sakripisyo ni
Zyron para sa inyo."

Tumango ako.

"I will. I'll do anything para mahalin niya 'ko. This time, wala na
talagang atrasan."

"Good. Edi pwede ko nang ibigay sa'yo 'to."

May inilabas si Eros sa bulsa niya na isang kwintas at inilapag sa


table.
Nakita kong may palawit na compass ito.

"May ganyan si Jillian dati yun lang malaki ito at umiikot. Itong sa'yo
maliit at hindi gumagalaw ang mga kamay. Pero lagi mong dadalhin 'yan West. Ayan
ang po-protekta sa'yo."

"S-sino naman magtatangka sa akin?"

"Malay mo may sumulpot ulit na kagaya ni Ayesha? Better safe than


sorry."

Kinuha ko ang kwintas at tinignan ito.

"Maliligtas din ba ako nito sa mga magnanakaw, o snatcher, o holdaper,


o kidnapper?"

"Pre, hindi anting-anting yan. Wag kang mangarap!" sigaw niya.

Napasimangot ako.

"Nagtatanong lang eh..."

"Tsaka na nga yan. Ngayon kailangan na nating kumilos. Kailangan mong


magpa-book ng flight!"

"Flight?"

Tumango si Eros at ngumiti ng malawak.

"Oo. Uumpisahan na natin ang Oplan: Pa-ibigin si Jillian. At ngayon,


mag se-set up tayo ng kunyaring coincidence na magkakasabay kayo ng bakasyon sa
iisang lugar."

"At saan naman yun?"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya.... at ewan ba't ako kinakabahan?

"Sa Japan."

To be continued...
Kronos' Hourglass

~*~

West's Compass

Author's Note

Sa mga nalito sa timeline sa first chapter. Yung first part, yung may nakalagay na
January 2017, ayun ay yung time na naaksidente si Jillian. NO. HINDI TYPO ANG 2017
DOON. :)

Sa second part, yung nakalagay na January 2016, bumalik sa past yung timeline. Yung
bago pa maaksidente si Jillian at halos kakamatay pa lang ni Zyron. Ayun yung time
na nakabalik na si Cupid sa past kaya una niyang tinanong kay West ay kung anong
date na.

Sana po ay malinaw na.

At sa mga nangapi again kay bebe Cupid dahil bakit daw kailangang one year pa
bumalik kesa 10 minutes, one day, o one hour bago ang aksidente... ayan po malinaw
na sana ang dahilan. Wahaha, wawa naman si Cupid, ang hilig niyo siyang inaapi
kahit ilang beses na niyang napatunayan ang sarili niya. Enebee. It's about time
para magtiwala tayo sa kanya. (Sige kayo aalisan niya kayo ng lovelife!) XD

~ Aly A.

P. S. sa totoong greek myth, wala talagang hourglass si Kronos. Echos ko lang yun
para sa ikagaganda ng kwento xD (Inunahan ko na yung mga greek myth fans na pupuna
nito. Fiction to guys. Fiction xD)

=================
Third Shot

Third Shot

WEST.

"West, si Cupid 'to. Puntahan mo ako sa mall. Nagawan ko na ng paraan ang pagpunta
mo sa Japan!" masiglang sabi ni Eros—este Cupid mula sa kabilang linya ng telepono.
Yes, he insisted na Cupid na lang ang itawag ko sa kanya kesa Eros. Kung bakit,
wala akong idea.

Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng cellphone at kung paano niya
nalaman ang number ko. Pero kailangan ko pa bang alamin? He's a freakin' Olympian
God.

"Kailangan ba talagang pumunta ako dyan? Agad agad?"

"Oo. Dali na! Iniintay kita. Yung travel agency na nasa tapat ng
Starbucks, andoon ako."

Bago pa ako makasagot, binabaan na niya agad ako ng telepono.

Buti na lang din at saktong lunch break na ngayon.

Ibinilin ko sa secretary ko na medyo ma-l-late ako ng balik at kung may


mga dapat asikasuhin, kay Sasha na lang niya muna sabihin.

Dumiretso naman ako sa mall na sinabi ni Cupid at pinuntahan ang travel


agency na sinasabi niya. Nang makarating ako doon, ang lawak nang ngiti ni Cupid.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niyang 'yan at kinakabahan ako
palagi?

"West! Okay na ang tour mo. Na-book ko na!" masiglang sabi ni Cupid na
may kasama pang thumbs up. "Kinuha ko yung same tour ni Jillian. Pati flight
kaparehong-kapareho. End of February na ang alis mo."

Napangiti ako, "talaga? Thanks pare," tinapik ko siya sa braso.


"Magbabayad na lang."

"Ah okay."

Lumapit ako doon sa babaeng nasa desk para i-settle ang payment.

"Sir half po ba ang babayaran or full na?" nakangiting tanong niya.

"I-f-full ko na siguro. How much ulit?" tanong ko habang binubunot ang


credit card sa wallet ko.

"Php 300,451 sir."

Napahinto ako sa pagkuha ng credit card ko at nilingon ko siya.

"Magkano ulit?!"

"Php 300,451 po sir," ngiting ngiti niyang sabi.

"Ba't ganyang kamahal?!"

Nawala ang ngiti sa labi nung babae at nilingon niya si Cupid na parang
takang-taka siya. Si Cupid naman, nginitian ako at nag peace sign ulit.

"Cupid! Ano 'to?!"

"Eh West, mahal talaga yung kinuhang tour ni Jillian eh. Two weeks tour
kasi siya sa Japan. Pero included na diyan ang plane ticket."

"At inabot nang mahigit three hundred thousand?!" hindi makapaniwalang


tanong ko.

"Ah sir, Php100,150.33 po per head," sabi naman nung babae. "Included
na rin po diyang ang hotel niyo pati breakfast, lunch and dinner. Kaya po pagdating
doon, pasalubong na lang ang gagastusin niyo."

"Eh bakit umabot ng mahigit three hundred thousand?!"

"Ah... syempre binayaran mo ang tour ko at ang tour ni Psyche ko,"


ngiting-ngiti na sabi ni Cupid.

"Huh?!"
Hinatak ko siya palayo doon sa babae at tinignan ko nang masama.

"Ba't kailangan bayaran ko pa yung inyo? Mahal na nga na ako lang mag-
isa eh!"

"Kaya mo na 'yan. Rich kid ka naman! Kailangan mo kami ni Psyche doon."

"Eh, 'di ba kaya mo naman mag teleport? May kapangyarihan kayo 'di ba?!
Ba't kailangan pa kitang bayaran? Ba't di ka na lang pumunta doon!"

"Syempre kailangan mo kaming pasakayin ng eroplano! Isa pa paano kami


makakasama sa tour sa'yo kung 'di kami bayad. Kaya mo na 'yan! Babayaran din naman
kita. At yung ibabayad ko sa'yo, di mahihigitan nang anumang salapi."

Nagtaas-baba ang kilay ni Cupid habang naka-ngisi sa akin.

I'm positive, inuuto ako nang isang 'to. Malamang eh gusto lang nito
makasakay sa eroplano at sumama sa tour.

Mas lalong naging creepy ang ngiti niya sa akin.

Damn it!

"Oo na! Sige na! Wag mo lang akong ngitian nang ganyan!"

"Yun oh! 'Di bale pareng West, para naman kay Jillian lahat nang 'to
eh. Isipin mo na lang na siya ang pinagkakagastusan mo."

"Oo. Kahit mukhang ako ang sasagot nang pang honeymoon niyo nang asawa
mo sa Japan," inis kong sabi sabay lapit ulit doon sa babae para magbayad.

Pag nakita ng mom ko ang nagastos ko ngayon, malamang ku-kwestyunin ako


nang husto nun. Kahit pa sabihing sa savings ko nanggagaling ang perang yun.

Nang matapos kaming magbayad, nagpapalibre naman sa akin ng lunch ang


isang 'to. Hindi na ako pumayag. Aba namimihasa na siya.

"Grabe ka West! Ginugutom mo ako? Ako na si Cupid kung saan nakasalalay


ang lovelife ng mga tao eh ginugutom mo? Grabe ka. Grabe ka talaga. Magagalit ang
mga fans ko sa'yo. Ibabash ka nila!"

"Manahimik ka nga. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho!"


"Eh! 'Di ba 'di ka pa nag l-lunch? Idamay mo na 'ko sa lunch mo! Sige
na pre! Kahit sa Jollibee lang!"

"May sandwich ako sa opisina."

"Sandwich? Pagkain ba yun ng mayaman na tulad mo? Nag d-diet ka ba?


Nagpapalaki ng katawan para kay Jillian? Pre kahit maging isang dosena pa ang abs
mo, kung torpe ka naman at kuripot, walang mararating 'yan!"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko si Cupid.

"Nakakain ka ba ng pwet ng manok at hindi matigil ang bunganga mo sa


kakasalita?"

"Kain na kasi tayo ng lunch!"

Napahawak na lang ako sa noo ko habang iiling-iling.

Hanga ako kay Jillian kasi nagawa niyang pakisamahan itong si Cupid
noon. Ang haba haba siguro ng pasensya ni Jillian. Samantalang ako, gusto ko na
talagang manapak.

"Sus si Jillian mahaba ang pasensya? Hindi rin. Ako pa ang mahaba ang
pasensya sa kanya!"

Tinignan ko siya nang masama.

"Ayan ka na naman sa pagbabasa ng...." I trailed off.

Napatulala ako sa nakikita ko sa harapan ko.

"Huy. Anyare?" lumingon si Cupid sa tinitignan ko. "Uy! Si Jillian---!"

Agad kong hinila si Cupid patago sa may fire exit para hindi kami
makita ni Jillian.

"Huy, ba't nagtago ka? Na-torpe ka na naman pre?"

Hindi ko pinansin si Cupid at sinilip ko si Jillian. Parang


nagkakarerang kabayo sa bilis ang pintig ng puso ko. Matapos ang lahat ng nangyari,
ngayon ko na lang ulit siya nakita. Gusto ko siyang lapitan kaya lang alam kong pag
ginawa ko yun ngayon, mayayakap ko siya at mahahalikan kaya pinigilan ko na lang
ang sarili ko na lapitan siya.

Pinagmasdan ko na lamang siya sa malayo. Naka-upo siya sa bench na


katapat ng fountain na nasa gitna ng mall. Ang lapit lang ng pwesto niya sa amin.
Sobrang lapit kaya nagagawa ko siyang titigan ng husto.

Walang halos pinagbago ang itsura niya pero bakit ganoon? Pakiramdam ko
ang ganda ganda niya ngayon?

She's smiling brightly. She looks so peaceful and happy.

Nung sinabi sa akin ni Cupid na burado pa rin ang alaala ni Jillian, na


depress ako nang husto. Lagi kong hinihiling sana pwede na lang ibalik ang memories
niya. Lalo na yung alaala niya about sa aming dalawa. Nakakalungkot na ako na lang
ang nakakaalala kung ano ang naging relasyon namin at kung paano namin napasaya ang
isa't-isa.

Pero ngayong nakikita ko siyang masaya at peaceful, nagpapasalamat na


rin ako na wala siyang naalala.

Sigurado akong dadalhin niya ang pagkawala ni Kuya Zyron. Paniguradong


nasugatan siya ng malalim dahil sa mga nangyari. Isang sugat na hindi madaling
gumaling.

Kahit ako, ayokong naalala ang nangyari kay kuya. Mahirap tanggapin.
Sobrang sakit. May mga times pa rin na nagiisip ako na tama ba 'tong ginagawa ko?
Jillian is supposed to be with Kuya Zyron and not me. Sila naman ang original na
mag soulmate eh.

Kaya lang, mas ifino-focus ko ang sarili ko ngayon sa will na mailigtas


si Jillian kaya naman hangga't maari, pilit kong ibinabaon sa kailailaliman ang mga
doubts na naglalaro sa utak ko.

"Uy ang tagal mo!" nakangiting sabi ni Jillian sa isang lalaking


lumapit sa kanya.

Matangkad, mestizo, artistahin. Inakbayan nito si Jillian.

"Sorry, sorry, sobrang traffic eh."

"Ay sus. Nagdahilan pa. Tara na nga mag lunch!"

"Sige! My treat nang makabawi naman ako sa'yo."

"Aba'y dapat lang!" tatawa-tawang sabi ni Jillian.


Inalis nung lalaki ang pagkakaakbay niya kay Jillian pero ipinulupot
naman ni Jillian ang braso niya doon sa lalaki.

Napatingin ako kay Cupid.

"May boyfriend si Jillian!" sabi ko rito.

Yung kaninang magaan na pakiramdam ko napalitan ng bigat. Parang gusto


kong sumugod sa kanila at gulpihin ang lalaking kasama niya!

"Weh?" sagot naman ni Cupid at sinilip din si Jillian na ngayon eh


palayo na sa amin kasama yung lalaki.

"Shit West, ang gwapo nung kasama ni Jillian ah? Artistahin. Mukhang
modelo. Pakiramdam ko may abs 'yan. Di na kailangan mag workout niyan pre!"

Natataranta akong tumingin kay Cupid.

"P-paano na? Sino ba yang lalaki na yan? Mapagkakatiwalaan niya ba yan?


Totoo bang mahal niya 'yan ha? Paniguradong sasaktan lang siya ng gagong yun kasi
sa akin nakatadhana si Jillian! Sa March ba talaga pa kami magkikita? Pwede bang
magpakita na ako ngayon at ilayo na si Jillian sa lalaking 'yon?!"

"Kahit ilayo mo si Jillian sa lalaking 'yon, 'di lalayo si Jillian


doon. Baka ikagalit pa niya 'yan sa'yo!"

"Shit. So mahal niya talaga?!"

"Oo."

Napahawak na lang ako sa noo ko at parang sasabog sa inis ang dibdib


ko.

I know it sound so selfish pero ayokong ayoko na nakikita at naririnig


na may ibang gusto na si Jillian. Masakit eh. Gusto ko akin lang siya.

"Nagmumukmok ka na naman diyan? Jusko bagay nga kayo ni Jillian!"

"H-hindi mo naman kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Pan aka lang
nang pana. Minsan hindi mo naisip na masakit na masyado ang pagpana mo."

"Wow kumo-quotable quotes! Sinisi pa ang pana ko. Umayos ka West! Half-
brother ni Jillian ang kasama niya ano ba!"

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"H-half-brother?! Talaga?!"

"Oo. Anak yun ng daddy niya sa pangalawa nitong asawa. Kasama na ni


Jillian ang father niya at okay na silang dalawa. Close siya sa mga half-siblings
niya."

Napangiti ako nang malawak.

"Ayun naman pala!" tinapik ko sa likod si Cupid. "Sana sinabi mo nang


mas maaga!"

"Eh naka-emote ka dyan agad eh! Ang dali mong mag doubt sa sarili mo
alam mo yun? Baguhin mo 'yan West."

Napayuko ako at napaiwas ng tingin kay Cupid.

"Hindi ko maiwasan eh. Hindi ko maiwasang mag-isip kung kaya ko ba


'to."

"Wag mong isipin kung kaya mo. Dapat ang iniisip mo ay kailangang
magawa mo ito kasi nakasalalay ang buhay ni Jillian dito. Siguro niloko-loko ko
lang nung una at mukhang hindi ako seryoso, pero West, pag pumalpak tayong dalawa,
malaki ang consequence na magiging kapalit nito. Maaring hindi mo na makita pa ulit
si Jillian. Mamaya gawin pang kabit yun ni Hades sa underworld."

Napahinga ako ng malalim at hinayaan kong mag sink in sa utak ko ang


sinabi ni Cupid.

Naiinis ako sa sarili ko. Ako yung tipo ng tao na sigurado sa lahat ng
ginagawa niya. Kalkulado ko na ang mga mangyayari. Palagi akong may back-up plan.
Never akong nag doubt sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko o hindi.

Pero ngayon, eto ako, hindi pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Siguro nga
si Jillian ang weakness ko. But at the same time, she's also my greatest strength.

I love her. I don't want her to die.

Kaya tama si Cupid, dapat magawa ko 'to. Walang lugar ang doubt ngayon
sa isip namin. Bawal mag dalawang isip.
I want to be with Jillian that's why I need her to live. At mas lalong
ayoko na maging kabit siya ni Hades sa underworld!

Napatingin ako kay Cupid.

"Bakit nga pala gusto ni Hades si Jillian? Sa dinami-rami ng mga babae


rito, bakit siya pa?"

"Half goddess eh."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatakip naman ng bibig si


Cupid.

"A-ano?! S-Si Jillian...?!"

"Uhmm... kain tayo?"

"Cupid! Ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin tungkol kay Jillian?!"

"Ahmmm... naghihilik siya pag natutulog?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Ika-cancel ko ang tour niyo ni Psyche sa Japan o sasabihin mo sa akin


ang totoo? Mamili ka."

"Ito na nga! Sasabihin na!"

Ikinuwento sa akin ni Cupid ang lahat. Yung tungkol sa ina ni Jillian


na anak pala ni Aphrodite sa isang mortal. Kaya naging part goddess si Jillian. At
kadugo pa siya ni Cupid.

"Pero hindi na isang goddess si Jillian ngayon, West," pagpapatuloy ni


Cupid. "Isa na siyang ganap na tao dahil ito ang buhay na pinili niya. Yun lang,
pag namatay siya, pwedeng mapunta siya sa mundo namin. Kaya siya gusto ni Hades.
Malakas ang pinagmulang bloodline ni Jillian at may potensyal naman talaga siyang
maging isang malakas na goddess."

Natahimik ako. Parang mas lalo pa akong kinabahan dahil sa sinabi ni


Cupid, eh.

Mas lalong dapat kong seryosohin ito. Bawal pumalpak.


I need her to fall in love with me.

Then, I'll do my best to make her happy.

That night matapos kong mag-trabaho, naisipan kong dumiretso sa isang


bistro para uminom saglit. Madalang lang akong uminom, pero may mga pagkakataon
talaga na kailangan ko ito para pakalmahin ang sarili ko.

"Sir West?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga


proofreader namin na si Edgar.

"Uy, nandito ka."

Naupo si Edgar sa katabing barstool na kinalulugaran ko.

"Sir, mag-isa kayong umiinom ah? Problemado ba?"

"Ah, hindi. Natripan lang. Ikaw? Ba't wala kang kasama? Gusto mo mag-
shot?"

"Hindi na sir. Bawal uminom kahit isang shot. Magkikita kasi kami ni
Diana. Eh ipagmamaneho ko. Ayoko namang ipagmaneho ko siya nang nakainom ako. Alam
mo na, prinsesa ko yun eh."

Napangiti ako habang iiling-iling.

Si Diana ay yung sikat na beauty queen na ngayon eh girl friend na


nitong si Edgar. Lahat kami nagulat sa totoo lang.

Pero nakakatuwa naman kasi kitang-kita na mahal na mahal niya ito.

"Alagang-alaga mo talaga ah?"

"Naman sir! Mahal ko eh! Ay, sir ah wag kang mawawala sa kasal naming
dalawa ah? Next month na 'yon!"

"Of course I'll be there."

"Ayun oh! Ayos 'yon!"


I sighed.

"Pre, may tanong ako. Yun lang medyo ma-keso. Pero for research
purposes naman.

"Ano yun sir?"

Napakamot ako sa likod ng ulo ko at parang nagiinit na naman ang mukha


ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong kong ubod ng korny.

Pero bahala na!

"Uhmm.. p-paano mo nalaman na si Diana na ang babaeng gusto mong


pakasalan?"

Nakita kong nabigla rin si Edgar sa tanong ko sa kanya at parang mas


lalo akong nahiya. Mamaya kung ano isipin ng isang 'to eh!

Pero curious lang ako. Gusto ko lang talagang malaman.

"Ang hirap naman ng tanong niyo ser!" natatawa-tawa niyang sabi.

I laugh awkwardly, "o-oo nga. Wag mo nang pansinin!"

Umiling si Edgar.

"Sa totoo lang sir, mahirap sabihin 'yan. Walang signs, basta
mararamdaman mo na lang. Ewan, siguro kung yung pakiramdam mo ay 'di na kumpleto
ang buhay mo pag wala siya? O willing kang gawin ang lahat, kahit mag mukha ka pang
tanga, mapasaya lang siya? Siguro yun. Ewan. Ang keso rin ng sagot ko."

Napatango ako.

"Ayos lang. Gets ko."

Bumuntong-hininga si Edgar.

"Sa totoo lang sir, sa umpisa nakakaduwag din. Si Diana yung minahal ko
eh. Hindi lang siya basta-basta. Alam mo na, sikat siya, maganda, beauty queen eh.
Maraming lalaking naloloko sa kanya. At sino naman ako? Hindi naman ako kagwapuhan
kumpara doon sa mayayaman at mapopormang mga gagong nanliligaw sa kanya noon. Pero
ewan, swerte ko dahil ako ang minahal niya kahit minsan napapa-isip ako kung ano ba
nagustuhan nun sa akin," natatawa-tawang sabi ni Edgar. "Pero wala eh, minahal ko
rin ng husto eh. Yung kahit na maraming may ayaw sa akin o maraming hindi
makapaniwala na sa akin na-hulog ang isang Diana Martin, eh wala na akong paki.
Kahit anong sabihin nila o kahit anong paninira nila, bahala sila. Basta mahal ko.
Basta si Diana ang focus ko at gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Siguro,
dahil ganoon ang nararamdaman ko para sa kanya, sigurado akong siya ang gusto kong
pakasalan. At siguro kasi pakiramdam ko, yung best self ko nailalabas ko dahil sa
kanya kaya alam kong siya na talaga."

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Edgar at napaisip ako nang husto. Alam
kong marami akong empleyado na bwiset kay Edgar. Pero lately nga napapansin ko mas
nagiging okay na siyang makitungo sa iba. Mas umaayos din ang performance niya.
Palagi rin siyang masaya.

Pwede ka talagang baguhin ng pagmamahal. Kung minsan nakakasama, pero


may positive part din naman pala.

At ako?

Sigurado akong si Jillian lang ang babaeng kaya kong mahalin nang
husto. Wala nang iba.

At ngayon, willing na talaga ako. Ayoko nang sukatin ang pagmamahal ni


Kuya Zyron para kay Jillian. Ayoko nang mag doubt kung kaya ko ba siyang pasayahin.

Mas lalong ayoko nang husgahan ang nararamdaman ko.

Papatunayan ko na lang ang lahat.

Jillian, wag ka munang ma-i-inlove sa iba ah? Wait for me.

To be continued...

=================

Fourth Shot

Fourth Shot
JILLIAN.

"Ate Jill ah? Mag-iingat ka doon. Susulat ka. Magpapadala ako sa'yo ng size ng paa
ko," pagbibiro ng half-brother kong si Andrei.

Hinampas ko nga ng mahina sa braso.

"Two weeks lang akong mawawala! At hindi kita bibilhan ng sapatos!"

"Mamimiss kita! Wala nang taga-prito ng hotdog at bacon pag almusal!


Matakaw pa naman si Andrew!"

Natatawa na lang ako habang iiling-iling sa kapatid kong 'to.

Si Andrei – second year college – ay panganay na anak ni daddy kay Tita


Sally, yung second wife niya. Si Andrew naman yung bunso, na ngayon eh third year
highschool na.

Parehong maloko ang magkapatid na 'yan. Pero kahit ganyan ang mga 'yan,
madali ko silang nakasundo nang mag decide akong tumira na kasama si daddy.
Pinaramdam agad nila sa akin na welcome ako sa pamilya nila kaya naman sobrang
nagpapasalamat ako. Ang saya pala ng pakiramdam ng may kapatid---kahit minsan ang
sakit nila sa ulo.

Pinag-drive ako ngayon ni Andrei sa NAIA dahil flight ko papuntang


Japan. I booked a 12 days trip to Japan and yes, mag-isa lang ako na lilipad. Busy
si daddy at mommy (Tita Sally). Sina Andrew at Andrei naman, parehong may
pupuntahang summer camp.

At ako? Kailangan ko ng inspiration. Dahil wala nga akong trabaho


ngayon, plano kong sumulat ng nobela since isa yun sa pangarap ko noon. Dapat sa
Baguio lang ako pupunta. Pero itong si daddy gustong bumawi sa akin kaya sinagot
niya ang trip to Japan ko.

Kahit mag-isa lang ako, excited pa rin ako. Ilang beses na rin naman
akong nakapag-travel mag-isa at naenjoy ko yun.

"Ate, uwian mo ako ah?" sabi ni Andrei habang tinutulungan niya ako sa
maleta ko.

"Ano ba gusto mong uwi?"

"Paki uwi ang Mt. Fuji."


"Hay naku Andrew, ang tino mo talagang kausap."

"Ganun talaga pag pogi!"

He kissed the top of my head at nag paalam na sa akin.

Since maaga akong nakarating sa airport, maaga rin akong natapos sa pag
ch-check-in. I decided to stay sa coffee shop muna bago pumunta sa waiting area.

Doon sa katapat kong table, may isang lalaking nakaupo at naka-headset


doon habang nag h-headbang. Mukhang aliw na aliw sa pinapakinggan niyang kanta.
With feelings pa ang pag headbang eh.

Ang gwapo niya. As in sobrang gwapo. Kaya lang mukhang sira-ulo.

"Mr. Kupidoooo ako naman'y tulungan mo..."

Yes, kumakanta na yung gwapong baliw sa tapat ko. Nakapikit pa siya.


With feelings talaga.

"Ba't hindi panain ang kanyang damdamin at nang ako ay


mapansiiiiinnnn~"

Oh, pumiyok pa.

Idinilat nung gwapong baliw ang mata niya at nagtama ang tingin namin.
He grinned at me sabay kindat.

The fuck?

"Mahal! Ito na ang kape natin!" dinig kong sabi ng isang babae at
lumapit siya doon sa lalaking gwapong baliw.

Napatingin ako sa babae at halos malaglag ang panga ko dahil sobrang


ganda niya.

Pareho sila nung lalaki. Gwapo't maganda. Kala mo mga artista.

Scratch that.

Para silang Olympian gods.


"Thanks mahal!" sabi ni poging baliw sabay kuha ng kape doon sa magandang babae.

Lumingon sa akin yung babae at nagulat ako nang ngitian niya ako. I gave her an
awkward smile in return.

"Tara na mahal," sabi ni pogi sabay akbay. "Ang sama ng tingin sa akin
nung babaeng nasa harap ko. Parang may malaking galit sa akin."

Kinurot naman siya sa tagiliran nung babae.

"Ikaw kasi!"

At nag lakad na sila palayo.

Sana wag ko na siyang makita. Obvious na obvious akong tinititigan ko


sila eh! Bakit ba! Ang hirap alisin ng tingin ko sa kanila kasi....kasi... gwapo
sila at maganda?

No. Hindi lang yun. May dahilan pa at hindi ko maintindihan kung ano.

Hindi ko na lang sila pinansin at ininom ko na lang ang kape ko habang


nagbabasa ng libro. Maya maya lang din ay dumiretso na ako sa holding area at
nagantay sa flight ko.

Sabi three hours ang byahe papuntang Japan. For sure gabi na ang dating
ko nito sa Tokyo. Malamig pa rin kaya doon? Last day of February na eh. Nung
sinearch ko sa net ang weather sa Japan, sobrang lamig pa raw kaya naman nag dala
ako ng mga winter clothes.

Maya maya lang din, pina-board na kami sa plane. Sakto dahil window
seat ang nakuha kong upuan. Mukhang hindi naman full ang flight dito. I hope na
wala akong katabi.

Biglang may bumatok sa akin ng malakas kaya napatingin ako sa likuran


ko.

"Ay sorry, sorry miss!"

Napakunot ang noo ko. Siya yung lalaki kanina sa coffee shop. Yung feel
na feel kumanta ng Mr. Kupido. Sa may window seat, doon nakaupo yung babaeng
maganda.

Tinignan ko siya ng masama yung lalaki at nag peace sign naman siya sa
akin. Kainis! Tinamaan kasi ako ng backpack niyang malaki habang inilalagay niya sa
taas. Ang sakit nun ah! Feeling ko na-alog ang utak ko. Tapos ngiting ngiti pa siya
na parang hindi siya nagsisisi na nabatukan ako ng bag niya!

Hinimas-himas ko ang likod ng ulo ko.

"Mag-iingat kasi," bulong ko.

"Sorry na nga miss! Ikaw naman, ang highblood!" naka-ngisi pa rin


niyang sabi.

Feeling close naman ang isang 'to!

"Jillian..."

Napalingon bigla ako sa tumawag sa akin at nagulat ako nang makita ko


ang dati kong boss na naglalakad papalapit sa amin. Naupo siya sa tabi nung lalaki,
sa may aisle seat.

"Sir West.."

He gave me an awkward smile, "y-you're here?"

I tried my best not to roll my eyes at him. Malamang nandito ako kasi
wala ako doon.

"Yeah," sagot ko.

"K-kamusta na?"

Napakunot ang noo ko. Ba't nauutal 'to? Samantalang dati kung sigaw-
sigawan ako nito talo pa ang babaeng nag me-menopause.

"Ayos lang po. Masaya."

Hindi ko siya tinanong kung kamusta na siya. I don't want to engage


myself sa pakikipag small talk sa kanya. Aba inis pa rin ako sa taong 'to hanggang
ngayon. Mortal enemy ko 'to eh. At ayokong makipag plastikan.

"Magkakilala pala kayo ni miss mataray!" sabi nung lalaking pogi na


baliw at feeling close. "I'm Cupid nga pala. Gwapong pinsan ni West!" pakilala niya
sa sarili niya. "At ito naman si Psyche, asawa ko."
"Cupid ang name mo?"

"Yep!"

"At Pscyhe ang pangalan ng asawa mo?"

"Right!"

Napatawa ako ng mahina.

"Wow. Cupid and Psyche. Totoong pangalan niyo yun?"

"Oo naman! Bakit may problema ka ba doon?"

Umiling ako. "Wala. Lakas maka Greek mythology ng name niyo. Cupid and
Psyche."

Inilagay ni Psyche ang kamay niya sa braso ni Cupid at nginitian ako,


"kaya nga meant to be kami eh."

"Tsaka kami talaga yun," sabi ni Cupid.

I snorted.

Ang korny ng sense of humor ng isang 'to.

Hindi ko na sila pinansin at naglagay na pasak ako ng headset sa tenga


ko hanggang sa mag take-off ang plane.

Sana hindi ko makasabay sa tour ang grupo nila. Okay lang si Psyche
pero 'di ko feel yung Cupid. Parang ang kulit kulit eh.

Isa pa si Sir West. Jusko. Ang napakasungit kong ex-amo. Ang mortal
enemy ko.

Please lang, hindi ko pa nakakalimutan lahat ng mga panahong


pinapagalitan niya ako na parang wala na akong nagawang tama. 'Di niya alam kung
gaano kasarap sa pakiramdam ang mag resign kasi sa wakas hindi ko na makikita ang
mukha niya at hindi ko na maririnig ang cold niyang boses.

Kaya ayoko siyang kasama. Baka masira lang ang trip ko.
~*~

WEST.

"Ba't mo naman sinadyang batukan ng bag mo si Jillian?!" inis na bulong ko kay


Cupid.

"Eh wala eh! Kailangan ko siyang batukan. Nakakainis kasi siya! Sukat
nag pasagasa doon sa future!"

Napahawak na lang ako sa noo ko habang iiling-iling.

"West, ganito pala feeling ng nasa eroplano 'no? Wala akong ma-feel.
Kala ko pa naman thrilling. Walang kwenta pala."

Tinignan ko siya ng masama.

Gumastos ako ng plane ticket niya for the sake na maranasan lang niyang
sumakay sa eroplano. Gusto ko talagang gulpihin ang isang 'to. Kung hindi lang siya
pinsan ni Jillian eh!

Napatingin ako sa harap kung saan nakaupo si Jillian. Mukhang tulog na


siya. Nakapatong ang ulo niya sa window ng eroplano. Bakante ang mga upuan sa tabi
niya at kanina pa ako nangangating lumipat at tabihan siya.

"Tabihan na kasi!" sabi ni Cupid na parang nandedemonyo pa.

"Wag kang magulo!"

"Wag kang torpe!" he hissed.

"Kita mo nga kanina halos ayaw makipag-usap sa akin. Tas tatabihan ko


pa?"

"Weak mo pre."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Wag mo nang guluhin ang diskarte ko pwede?"

"Ano ba ang diskarte mo? Umupo dito at titigan si Jillian hanggang


matunaw siya?"
Isa pa sasapakin ko na 'to.

"Torpe, weaaakk, boooo!"

Tinignan ko siya ng masama. Nakakainis talagang kasama ang isang 'to.


Hindi ko alam kung paano ko natitiis.

Madalas siyang nasa condo ko. In-occupy nila ni Psyche ang guest room
ko. Thank god wala pa akong naririnig na mga unnecessary noise mula sa kwartong yun
kundi palalayasin ko silang dalawa.

Pero yun nga. Madalas silang nandoon. Tapos madalas kinakain ang mga
pagkain ko. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng palamunin.

Kung di lang talaga para kay Jillian, pinalayas ko na sila doon.

"Ayaw mo talagang tabihan siya?" sabi ni Cupid.

"Wag kang magulo!"

"Eh bahala ka. Mainggit ka sa amin ni Psyche."

Hinila niya si Psyche palapit sa kanya at hinalikan sa labi.

Shit naman. Ang PDA naman.

After that, inakbayan niya si Psyche at ipinatong ang ulo nito sa


dibdib niya.

"West, sige na. Tabihan mo na siya," mahinahong sabi ni Psyche habang


nakangiti sa akin.

Kung si Psyche ang unang nagsabi, baka ginawa ko pa agad. Mas mahinahon
kasi siyang kausap at mabait kesa dito kay Cupid. Mas may sense rin siya.

Tinulak-tulak ako ni Cupid.

"Sige na! Tabihan na! Alis ka na dito! Dali!"

"Oo na!"
Inis akong tumayo. Mamaya masapak ko pa ang isang 'to.

Lumapit ako kay Jillian. Tulog nga siya at naka-headset. Parang


nagkakarera na naman sa bilis ang puso ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya kinalabit.

Napadilat siya at inalis ang headset sa tenga niya.

"Hmm?" kunot-noo niyang sabi.

"Ah.. p-pwedeng dito m-muna ako umupo?"

Mas kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

Napalunok ako. Parang naiirita siya. Gusto ko nang bumalik sa upuan ko.

"Ah.. k-kasi kailangan ng privacy ng pinsan ko at ng asawa niya. Alam


mo na... honeymoon. Pero okay lang sige balik na ako."

"Sige dyan ka na."

Napangiti ako.

"T-thanks!"

I-o-occupy ko sana ang seat na katabi niya kaya lang bigla niyang
inangat ang bag niya at pinatong dito. Doon tuloy ako naupo sa tabi ng aisle.
Tatluhan kasi ang upuan at ngayon, may isang seat sa pagitan naming dalawa.

Kahit medyo disappointed ako, naupo pa rin ako. Okay lang. Mas malapit
na naman ako sa kanya.

Ibinalik ni Jillian ang headset niya sa tenga niya at natulog.

Tama nga si Cupid, yung alaala ni Jillian sa akin ay hindi maganda.


Mahirap nga ito. Hindi pwedeng gumamit ng pana si Cupid kaya mangangapa kami kung
paano mawawala ang galit ni Jillian sa akin at kung paanong magugustuhan niya ako.

Hindi madali. Ngayon pa lang nalulungkot na ako kasi yung way na tignan
niya ako, parang gusto niya akong suntukin.

I can't blame her though. Kung paano ko siya tinrato noon ay hindi
maganda. I'm a jerk. Masyadong duwag sa nararamdaman. Ang alam lang na
pagpapapansin ay pagsusungit. Ayan, ayan ang napala ko.

Pero bahala na. Gagawin ko ang lahat.

Nilingon ko siya. Nakapikit ang mata niya. Ang lakas din siguro ng
music sa headset niya kasi medyo naririnig ko ang tunog.

"I love you," I whispered.

Kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

To be continued...

Author's Note:

Sa mga naguguluhan pa rin po sa setting ng story, itong TIMELINE na 'to ay AFTER


mamatay ni Zyron ar Ayesa. After nang lahat nang nangyari doon sa chapter 65 ng
SWSCA at after BURAHIN ni Cupid ang alaala ni Jillian, West, at lahat ng
nakapaligid sa kanila.

Ito po yung time na si Jillian ay nakabalik na doon sa daddy niya.

Sa First chapter po, yung first part doon, YEAR 2017 yun kung saan nasagasaan si
Jillian at na-tegi. Ayun yung katuloy ng epilogue ng SWSCA. Meaning, year 2017 ang
epilogue ng SWSCA.

Then bumalik si  Cupid sa year 2016 para ma-prevent na mamatay si Jillian. Kaya ang
timeline na nating ngayon ay year 2016--again, after ma-tegi ni Ayesha at Zyron.

Kaya po si Edgar ay ikakasal pa lang at wala pa silang anak ni Diana rito. Yung
epilogue sa SWSCA ay year 2017 na po iyon. Kaya po lahat ng nangyayari sa mga
characters ay "past" kasi malamang bumalik si Cupid sa past.

Ayun, nilinaw ko lang. Gets naman ng lahat eh. Pero nakakagulat na may dalawa o
tatlong hindi naka-gets. Malinaw naman.
Medyo nakakaloka na po mag explain. Pag maraming hindi naka-gets, sige i-explain
ko. Pero pag mag-isa ka lang, ay naku. Read the comments na lang o maybe basahin mo
ulit at subukang i-analyze kasi lagi ko naman mina-make sure na understandable ang
mga plot twists ko.

=================

Fifth Shot

Another important AN:

Guys medyo may sira ang watty. If may mga parts na putol-putol dito sa update ko,
please update your Wattpad app or sa browser niyo basahin ang update para mabasa
niyo ng maayos.

I inserted photos in this update and pag 'di niyo ma view, mas okay po na sa
browser niyo basahin :)

~*~

Fifth Shot

JILLIAN.

"Jillian? We're here."

Napadilat ako bigla nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at


bumungad sa akin ang pagmumukha ng dati kong boss na masungit.

Nung una, nag loading pa ang utak ko kung bakit nasa harapan ko si Sir
West at ginigising ako. And then it hit me. Nasa Japan na pala kami!
The whole plane ride ang lalim ng tulog ko. Ang sakit din ng tenga ko
gawa ng headset ko at sobrang lakas kasi ng music ko.

Agad kong pinunasan ang gilid ng bibig ko dahil feeling ko tulo ang
laway ko kanina habang

"Mag l-land na ang plane. Mag seat belt na raw," sabi ni West.

Tumango ako at ikinabit ko ang seat belt ko. Biglang nawala ang antok
ko nang maramdaman kong unti-unti nang bumababa ang eroplano.

Shit! Nasa Tokyo na kami!

Para akong kiti-kiting hindi mapakali sa upuan ko. First out of the
country trip ko kasi ito. Tapos sa Japan pa! Aba! Naalala ko nung may pinroofread
akong novel sa publishing company nina West dati. Yung setting ng story niya nasa
Japan. The way na dinescribe ng author ang Japan, sobrang nakakamangha kaya naman
simula nun, pinangarap ko nang makapunta rito.

"First time mo rin sa Japan?" tanong sa akin ni Sir West.

Tinanguan ko lang siya nang hindi nakatingin sa kanya. Gusto ko nang


lumabas ng plane at humiwalay sa grupo nila. Sana hindi ko na sila makita pa sa
whole trip ko.

Mukhang nakaramdam naman siya na ayoko siyang kausapin kaya nanahimik


na lang siya. Mabuti naman. Mas okay na nagkakaintindihan kami na hindi kami ayos
dalawa.

Nang pababa na kami sa plane, may kumalabit sa akin. Yung Cupid na


pinsan ni West na sobrang kulit. Naka-ngisi sa akin.

"Bakit?!" irita kong tanong.

"Hindi ka gumagalaw buong plane ride. Natakot ka 'no? Sus. Wala ngang
thrill eh!"

Pinandilatan ko siya ng mata.

"I'm sleeping!"

"Weh? O baka dahil na po-pogi-an ka lang sa katabi mo?"


"What?!"

Lumapit siya sa akin at binulungan ako.

"Atin-atin lang 'to, 'yang pinsan kong si West, single yan. Pero
naghahanap na rin yan ng girl friend. Gusto mo reto kita? Bagay na bagay kasi
kayong dalawa eh."

"What the hell?!"

"Dali na! Pogi naman si West 'di ba? Mayaman pa, responsible,
organize---"

"Pero masungit!" pag putol ko sa sinasabi niya. "Kaya nevermind."

At dali-dali akong naglakad palayo sa kanila. Jusko wag na wag ko na


sana talaga silang makasabay.

Paglabas ko sa airport, sinalubong agad ako ng sobrang lamig na hangin


kaya napayakap ako sa jacket ko. Kung sa Pinas summer na summer na, dito, grabe ang
lamig. Yung hininga ko umuusok. Ang nipis pa naman ng suot kong damit sa ilalim ng
jacket ko. Hindi nga talaga uubra ang isang layer lang ng sweater dito.

Nilapitan ko ang isang babaeng Japanese na may hawak na papel kung saan
nakasulat ang travel agency na nagasikaso ng tour ko. Nagpakilala siyang si Ayako,
ang tour guide namin. Sabi niya, may apat pa raw kaming iniintay na makakasabay ko
sa tour.

Maya maya lang, may lumapit sa amin na isang lalaki. Tama lang ang
height pero una kong napansin ang mata niya. Ang ganda ng mata, bilugan tas parang
buhay na buhay. Maputi rin siya at mamula-mula ang labi. Siguro dahil sa lamig ng
panahon dito. May pagka-singkit. At oo, gwapo siya. Akala mo kung sinong artista.

Shit. May kasama akong gwapo sa tour! At mukhang mag-isa rin lang siya!
Feeling ko pinagpala ako ah.

"Wanderlust Travel?" tanong nung lalaki kay Ayako.

"Yes! What's your name, sir?" nakangiting tanong niya rito.

"Ryan Sabillana."

Tinignan ni Ayako ang listahan niya.


"Oh Ryan-kun! I'm Ayako and I'll be your guide for your entire tour.
Now we're just waiting for West-kun's group."

Napatingin ako kay Ayako.

"W-West?"

"Yes! Do you know him?"

Sinilip ko ang papel na hawak ni Ayako at ayun nga, nakasulat ang


pangalan ni West kasama si Cupid at Psyche. At hindi nga talaga sila nagbibiro na
Cupid and Psyche ang name nilang mag-asawa.

And right on cue, narinig ko ang nakakairitang boses niya.

"Oh kasama pala natin si Miss Sungit!"

I glared at him. May galit ba sa akin ang tadhana?! Akala ko pinagpala


na ako kasi may kasama akong pogi. Tas biglang kasama ko rin pala itong mga 'to?

"H-Hi Jillian," bati naman ni Sir West na para bang nahihiya-hiya pa.

Hindi ko siya pinansin.

"Great! We're complete!" masiglang sabi ni Ayako kaya lahat ng atensyon


namin ay natuon sa kanya.

Nagpakilala ulit siya kina West at mukhang tuwang tuwa naman si Cupid
sa kanya.

Masiyahin at friendly kasi ang aura ni Ayako. Maliit lang siya pero
parang palaging ang taas ng energy niya.

Sumakay na kami sa bus na maghahatid sa amin sa hotel na tutuluyan


namin. And guess what? Kasama ko rin sila sa hotel. Buong tour kasama ko sila. Ang
saya nga naman talaga.

Habang nasa bus, pinaliwanag na sa amin ni Ayako ang pupuntahan namin


bukas at kung anong oras ang call time. Pero ngayong gabi, on our own muna kami.

Binigay na sa amin ang designated rooms namin. Katabi ko ng room si


pogi pero sa kabilang side ko, andoon ang kwarto ni Cupid at Psyche. Sa tapat ko
naman, ang room ni West.
Hanggang sa kwarto katabi ko sila. Ibang klase talaga.

"Jillian, do you want to come with us? Kakain kami ng dinner sa baba,"
yaya ni West.

"Ah.. hindi. Una na kayo."

"Pero hindi ka pa kumakain..."

"May baon akong cup noodles."

Hindi ko na siya inantay sumagot at pumasok na ako bigla sa room ko.

Sa totoo lang wala naman akong dala at talagang plano ko rin kumain sa
labas. May nadaanan kaming ramen shop kanina na 'di kalayuan dito at doon na lang
ako kakain. Magpapahinga na lang muna ako dahil baka makasalubong ko sina West.

Okay, I know I'm being rude. Ako na niyayaya ako pa ganito. Pero kasi
naman, meron talagang pagkakataon na alam mong ayaw mo sa isang tao at gusto mo na
lang siyang iwasan. At ganun ang nararamdaman ko sa grupo nila. Hindi ko alam.
Naiinis ako kay Cupid dahil feeling close masyado samantalang kanina pa lang kami
nagkakilala.

At kay Sir West....

Oo, isang factor na yung sa trabaho namin. Ang hirap kalimutan nung
sinungitan niya ako, na pinapagalitan niya ako na parang wala na akong ginawang
tama. Yung mga ganoong pangyayari hindi madaling makapag move on. Feeling ko nung
mga panahon na yun, parang napaka bobo ko. Halos lumipat na nga ako sa opisina niya
kasi maya't-maya pinapatawag ako. Palagi siyang masungit sa akin. Parang isang
malaking nuisance ang existence ko sa opisina.

Tapos ngayon bigla niya akong yayayain ng ganyan? Biglang ang bait niya
sa akin? Kung makapagyaya kala mo friends kami?

Ayoko. I refuse.

Nag shower muna ako at nagpahinga saglit. Nang okay na ako, bumaba na
ako para pumunta sa ramen shop. This time, nag-suot ako ng three layers of
sweatshirt bago lumabas. Pinatungan ko pa ng makapal na coat. Pero kahit ganoon,
ang lamig pa rin. Perfect nga ang ramen na kainin.

"Miss!"
May tumapik sa likod ko at nakita ko si pogi na kasama namin sa tour.

"Oh.. hi."

"Filipino?" tanong niya.

Napangiti ako, "yep. Pinoy 'to."

Napangiti rin siya, "oh thank god! Naghahanap ka ng makakainan?"

Tumango ako, "actually may nakita akong ramen shop."

"Pwede ba akong sumabay?"

"Sure! Tara."

Sabay kaming naglakad dalawa papunta sa ramen shop.

"What's your name again?" tanong niya sa akin.

"I'm Jillian. Ikaw?"

"Ryan. So Jillian, wala kang kasama sa tour?"

"Wala. Solo lang. Ikaw? Mag-isa ka rin?"

"Yep. Actually I'm a travel blogger and I usually travel alone."

"Oh.. wow. Ang saya naman ng work mo!"

Narating na namin ang ramen shop. Nagpapasalamat talaga ako na sumabay


sa akin si Ryan dahil medyo shu-shunga-shunga ako at hindi ko alam kung paano o-
order. At dahil nga travel blogger siya at madalas mag travel, nag research muna
talaga siya sa Japan bago pumunta dito.

Sa labas ng ramen shop may parang vending machine. Pipindutin mo doon


ang ramen na order mo then ihuhulog mo ang bayad mo. After that, may lalabas na
ticket doon.
"Ano na ang gagawin?" tanong ko kay Ryan habang hawak ko ang ticket ko.

"Ibibigay natin 'to sa loob para magawa na nila ang order natin. Let's
go!"

Pumasok kami ni Ryan at inabot niya ang mga tickets namin sa isa sa mga
staffs. Hindi kalakihan yung ramen shop. Isang mahabang paikot na parang barstool
lang ang upuan at sa gitna noon, nandoon ang pinaka-kitchen nila at pwede mong
panuorin ang mga chefs sa pag gawa ng ramen.

"So Jillian, what's your work sa Manila?" tanong ni Ryan habang kumakain kami.

"Actually... wala. I mean nakabakasyon ako ngayon kasi nag resign ako
sa work ko. Pero I'm planning to write a book kaya eto nandito ako, naghahanap ng
inspiration."

Napatingin sa akin si Ryan at nginitian ako.

Ang ganda ngumiti ng pogi na 'to bwiset.

"Inspiration sa Japan..." tumango si Ryan. "Pareho kayo nung isang


kakilala ko."

"Isang kakilala mo?"

"Oo. Yung almost girl friend ko."

"Wow. Almost girlfriend. Pwedeng intrigahin kung bakit may almost?"


"Sige ikukwento ko sa'yo ng buo. Mamaya ma-inspire kang isulat ang
kwento namin."

"Patabi ah."

Napalingon ako bigla sa gilid ko at nakita ko si West doon. Positive


ako kanina na narinig ko na silang bumaba at kumain eh! What the hell is he doing
in here?!

"Hey! Kasama ka rin namin sa tour 'di ba?" tanong ni Ryan kay West.

Nag kibit-balikat lang si West sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Ryan at sa mga tingin niya, parang nagtatanong


siya kung anong problema ni West.

Hindi ko rin alam.

Nilingon ko siya.

"I-I thought kumain na kayo nina Cupid."

Tinignan niya ako.

"I thought may dala lang mga cup noodles."

O—kay? Bakit parang ang init ng ulo nito? At ba't parang naiinis siya
na nagsinungaling ako? Eh paki ba niya?

Hindi ko na siya pinansin. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Kahit si


Ryan hindi na nagkwento ng about sa almost girl friend niya. Natahimik kami pareho
kasi parang nagkaroon ng awkward vibes sa paligid namin simula nang dumating si
West.

Nang matapos kaming kumain, tahimik kaming naglakad pabalik sa hotel.

"Good night Jillian. See you tomorrow," sabi ni Ryan.

"Good night!"

At pumasok na si Ryan sa room niya.


"Night West," sabi ko kay West habang binubuksan ko ang pinto ng room
ko.

Hindi siya sumagot kaya napalingon ako.

At nagulat ako na sobrang lapit niya sa akin.

"W-West... what the hell?!"

"Bakit mo ba ako sinusungitan?" seryosong tanong niya.

"H-ha?! Hindi ah..."

"Jillian, I know you."

Napalunok ako. Ang seryoso ng tingin niya sa akin. Parang bumilis ang
pintig ng puso ko. Ang lapit niya sa akin at ang hirap huminga.

Bubuksan ko na sana ang pinto ko at lalayasan ko na siya doon nang


bigla niya akong isinandal sa pader at iniharang ang braso niya sa gilid ko.

Holy cow. Bakit pakiramdam ko nagaakyatan ang dugo sa mukha ko?! Ano ba
'to!

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Yung dati kong boss na sobrang


init ng dugo sa akin, ngayon kino-corner ako at sobrang lapit niya sa akin.

"Jillian, bakit ka ba galit sa akin?" mahinahong tanong ni West. His


expression softens.

No, more like, parang nasasaktan siya.

Or am I just imagining it?

Itinulak ko siya palayo sa akin.

"Ano ba. Hindi naman talaga tayo okay 'di ba? Sa work pa lang mainit na
pareho ang dugo natin sa isa't-isa. Well guess what sir West? Hanggang ngayon dala-
dala ko pa rin yun. Kaya kung pwede wag mo na lang akong kausapin. Ayokong masira
ang tour ko."
Agad ko siyang tinalikuran. Ewan. Hindi ko kayang makita ang expression
ng mukha niya. Bakit ganun? Bakit kasi ganyan siya umasta?!

Nakakapanibago.

Papasok na sana ako nang bigla niya ulit hatakin ang braso ko.

At nagulat ako na makitang naka-ngisi siya sa akin.

"Well, makakasama mo ako sa tour mo. At hindi kita lulubayan kahit


ipagtulakan mo ako. Wala kang choice. Good night, Jill."

Binitiwan niya ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Samantalang ako,


naiwan sa labas at napatulala na lang sa nangyari.

To be continued...

=================

Sixth Shot

Guys, from now on, I'll be inserting photos in between updates para mas ma-
visualize niyo yung lugar na pinupuntahan nina Jillian. Kaya I suggest, iupdate
niyo ang Wattpad app niyo sa pinaka latest version para mabasa niyo ng maayos ang
mga updates ko. OR, pwede niyong basahin sa browser para mas maayos.

Yung putol na word last update, hindi browser at app ang may problema, yung author.
Putol talaga. Lutang eh. Hahaha XD

Happy reading!
Sixth Shot

WEST.

What the hell, West?! What the hell?!

Nagpalakad-lakad ako sa hotel room ko. Hindi ako makatulog. Gusto kong
i-umpog ang ulo ko sa pader.

Kasi naman! Kasi kasi kasi! Hindi ko alam kung anong masamang demonyo
ang sumanib sa akin kanina?! Paano ko nagawa yun kay Jillian? Isinandal ko siya sa
pader, nilapitan ko siya nang sobrang lapit, tinitigan ko siya sa mata, at sinabi
ko na hindi ko siya lulubayan?

Napahilamos ako sa mukha ko at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

Nakakapanghina ng tuhod.

Alam ko nababasa ko na 'yan sa mga rom-com novels na pinupublish namin.


Typical scene. Sabi nila nakakakilig daw eh.

Pero langya, pag ginawa mo pala talaga ng actual, ang creepy at ang
gago ng datingan. Malamang na-creep out si Jillian sa akin. I invaded her personal
space. Maswerte na ako at hindi niya ako sinipa palayo sa kanya. Pero positive ako
na mas lalayo na siya sa akin.

Mag sorry na kaya ako?

Pero anong oras na! It's already past 3am. Malamang tulog na yun.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong mag relax. Napupuno ng


negative thought ang utak ko.

Proofreader ko dati si Jillian kaya malamang nabasa niya talaga yung


mga rom-com novels namin. Alam niyang nakakakilig yung ginawa ko kanina.

Kaya mag-a-assume na lang akong kinilg siya?

Kaso hindi naman ako katulad ng mga lalaki doon sa mga nobelang yun!
Yung sobrang confident nila sa babae. Yung hindi tumitiklop. Alam na alam nila
paano kausapin ang babae. Yung ngitian pa lang nila ito, kinikilig na sa kanila.
Eh ako?

Mag hi nga lang kay Jillian nauutal na ako eh. Lumapit pa lang sa kanya
kailangan ko na nang matinding lakas ng loob. Feeling ko kapag ngingitian ko siya
mukha akong serial killer.

At kanina?

Oo. Nadala ako ng selos ko. Wala pa kaming 24 hours sa Japan, may
pumoporma na sa kanya.

Pero ibang klase pala talaga ang selos. Parang alak lang ang tama sa
sistema ng isang lalaki. Tipong bigla ka na lang magkakaroon ng lakas ng loob gawin
ang mga nakakatangang bagay.

At katulad ng alak, pag humupa na, gugustuhin mo na lang iumpog ang ulo
mo sa pader dahil sa mga pinag gagagawa mo.

Halos isang oras lang ang naging tulog ko. I have to wake up at 6am
para maligo at mag-ayos. Mga bandang 6:30am, palabas na ako sa kwarto ko para
pumunta sa buffet hall at kumain ng breakfast.

At saktong pagbukas ko nang pinto ko ay ang pagbukas ng pinto ni


Jillian na katapat ng kwarto ko.

Nagkatitigan kami.

1 second... 2 seconds.. 3 seconds...

"Ah Ji---"

Sinaraduhan niya ako ng pinto.

Napahinga ako nang malalim.

Tama nga ang hinala ko. Na creep out siya sa ginawa ko kesa kinilig.

Naglakad ako palapit sa room niya at kakatok na sana ako para mag sorry
nang biglang may humatak sa akin palayo.

"Pre, masyado mong kinukulit si Jillian! Relax ka lang!" sabi ni Cupid.

"Kailangan kong mag sorry! Mamaya hindi siya bumaba para kumain eh!"
"Sus, si Jillian pa?! Hindi niya papalagpasin ang buffet breakfast.
Tara na sa baba! Gutom na ako."

"Teka katukin muna natin si Jillian. Isabay na natin."

"Hindi yun sasabay sa'yo. Kagabi nga mas pinili niya sumabay sa
stranger kesa sa'yo 'di ba?"

Tinignan ko ng masama si Cupid.

Alam ko dapat tinutulungan ako nito eh. Pero bakit wala akong
maramdamang suporta mula dito?!

"Ako na tatawag kay Jillian. Umuna ka na sa baba," sabi ni Cupid sa


akin.

"Mas hindi sasama sa'yo yun," sabi naman ni Psyche. "Mas masama ang
tingin niya sa'yo kesa kay West."

"Grabe ka naman sa akin mahal!" sabi ni Cupid. "Sa pogi kong 'to? Hindi
mahihindian ni Jillian ang charms ko."

Napailing na lang si Psyche.

"Ako ang tatawag kay Jillian dahil sa ating tatlo, mas sasama siya sa
akin," mariin na sabi ni Psyche na para bang hindi na kami pwedeng makipag talo sa
kanya.

At effective dahil ang tanging nagawa na lang namin ni Cupid ay tumango


at umuna na sa buffet hall.

Kumuha na kami ng pagkain ni Cupid at in-occupy ang seat for four.


Halos magkanda haba ang leeg ko sa pagtanaw kay Jillian at Psyche. Maya maya lang
din nakita ko na silang dumating.

Kaso hindi sila tumabi sa amin. Sa kabilang table sila naupo.

"Huy, hindi tumabi sa atin sina Jillian!" bulong ko kay Cupid.

"Hindi ako bulag. Nakikita ko."

"Bakit hindi sa atin tumabi?!"


"Malamang kasi nandyan ka. Pag umalis ka lilipat sila dito."

Tinignan ko si Jillian. Inangat niya ang tingin niya at nagtama ang


tingin namin. Pero hindi ko inalis ang titig ko sa kanya.

At inirapan niya ako.

"Cupid! Inirapan ako ni Jillian!"

Nilingon ko si Cupid at busy kumain.

Ano ba 'to?! Kala ko ba tutulungan niya ako? Ba't lamon lang siya nang
lamon diyan?!

"Cupid! Inirapan nga sabi ako ni Jillian!" paguulit ko sa kanya.

"Oh anong gusto mong gawin ko sa kanya? Tusukin ko ang mata?"

"She's mad at me."

"Ikaw kasi eh. Sinungitan mo nang sinungitan dati. Ayan tuloy."

Yumuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Eh kaya ko lang naman kasi nagawa yun kasi natakot ako na baka
mahalata niya na gusto ko siya eh."

Napahinga ng malalim si Cupid.

"Pareng West, mag chill ka kasi muna. Alalahanin mo yung mga bagay na
ginawa mo noong panahong na-inlove sa'yo si Jillian. Masyado ka kasing atat ngayon
eh. Take it easy bro."

"Ang sungit niya kasi sa akin," I mumbled.

"Eh paano kung titigan mo akala masarap na lechon si Jillian. Iwas iwas
din sa pagtitig ng matagal."

Hindi ako sumagot. Ano bang magagawa ko kung gusto ko siyang tititigan?
Eh kasi ang ganda niya eh.
At miss ko na siya. Miss na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang
lapitan at yakapin.

~*~

JILLIAN.

Ilang beses kong nahuling nakatingin sa akin si West. Ilang beses ko na rin siyang
inirapan.

Seryoso, anong probelma ng isang yun? He acted like a jerk last night.
At ngayon kung tignan ako akala mo lulusawin ako.

Bakit ganyan ba umasta 'yan? Feeling niya nasa opisina pa rin kami ang
empleyado niya pa rin ako? Feeling niya masisindak ako sa kanya?

Nakakainis!

Pero buti na lang talaga at hindi sila lumipat nung pinsan niyang
makulit dito sa table namin. Mukhang napagsabihan din ni Psyche.

At na t-touch din naman ako sa kind gesture ni Psyche. She's on a


honeymoon with his husband pero mas pinili niya na samahan ako sa breakfast. Medyo
nakakakonsensya rin. Sanay naman akong kumain magisa. I told her na okay lang ako
pero hindi niya talaga ako iniwan.

Madaldal si Psyche. Ang dami niyang kwento. Pero yung mga kwento niya,
hindi nakaka awkward. Nagkakasundo nga kaming dalawa eh.

Talking to her feels like talking to an old friend. Komportable na agad


ako sa kanya.

After namin kumain ni Psyche, bumalik na agad kami sa hotel room namin.
We still have 30 minutes to prepare bago dumating ang tour guide namin. Since
nakapag ready na naman ako, kinuha ko na agad ang gamit ko at bumaba. May nakita
kasi akong Japanese garden kanina nung kumakain kami. Gusto ko sanang puntahan.

Bago ako bumaba, I checked the weather. 8 degrees C sa labas. Three


layers of jacket ang suot ko plus yung pinaka coat ko. Pero pag labas ko ng hotel,
ang lamig pa rin. Itinaas ko ang hood ng coat ko dahil ramdam na ramdam ko ang
lamig sa tenga ko.

Sabi ko na eh, dapat nagdala ako ng cap man lang o ear muffs.
Yung kamay ko rin naninigas sa lamig dahil wala akong gloves.

Ka shungahan ko naman kasi. Sukat hindi ako prepared! Hindi ko inexpect


na sobrang lamig pala talaga. Akala ko kasi patapos na ang Winter dito ngayon.

Sa gilid ng entrance yung Japanese garden na nakita ko. May malaking


pond sa gitna at maraming lumalangoy na koi fishes. Ang dami ring maliliit na puno
at halaman na hindi ko alam ang tawag. Pero wala pang mga dahon ang mga puno gawa
na rin siguro na winter pa rin dito sa Japan.

Buti na lang may isang lugar kaming pupuntahan kung saan may early cherry blossom
kaya kahit papaano makakakita ako ng cherry blossom.

Inilabas ko yung phone ko at nagkukukuha ako ng photos doon. Kahit


namamanhid na ang kamay ko sa lamig, push pa rin.

Itinaas ko ang phone ko para mag selfie at ayun na nga, ang


nakakatangang nangyari, nabitiwan ko ang cellphone ko—at may biglang sumalo nito.

"Oopps!"

Napatingin ako sa gilid ko at halos mapatalon ako sa gulat nang makita


ko si West sa tabi ko.

"Muntik na ang phone mo," sabi niya sabay abot sa akin.

"T-thanks. Teka, are you following me?!"

Umiling siya, "dito rin ako sa hotel na 'to. Pwede bang gusto ko lang
din makita ang Japanese garden?"

Sabi ko nga. Kasi naman yung inaasta niya kagabi, yung sinabi niya,
parang pinapaalam niya sa akin na i-stalk niya ako. Hindi naman sa pag aassume,
pero kahit sinong tao ang sabihan nang ganun, ang stalker lang talaga ng dating.

"Akin na kamay mo."


"Huh?"

"Kamay mo."

"Baket?!"

"Your hands look pale. Ba't kasi wala kang gloves?"

"So ano? Mag t-take advantage ka? Hahawakan mo kamay ko?!"

Napailing ulit siya.

"Wag kang assuming. "

At kinuha nga niya ang kamay ko.

Pero hindi para hawakan. Sinuotan niya ako ng gloves.

After nun, binitiwan na niya at naglakad siya palayo. Tinignan ko ang


gloves sa kamay ko. Fit na fit.

"W-West!"

Lumingon siya.

"Hmm?"

"Ba't ka may gloves ng babae?"

Kumunot ang noo niya.

"Kay Psyche 'yan."

"Ah.... Okay."

Napabuntong hininga siya.

"Uso magpasalamat."

Tinalikuran na niya ako at tuloy-tuloy na siyang naglakad palayo sa


akin.

"Salamat!" sigaw ko.

Pero hindi siya lumingon. Dire-diretso lang siya sa paglalakad. At


namumula pa ang tenga.

Dahil sa lamig?

To be continued...

Ate A's Note~

Katulad po ng sabi ko doon sa AN sa taas, just in case na nilagtawan niyo, each


update mag lalagay ako ng photos para mas ma-visualize niyo yung mga pinupuntahan
nina Jill. So para iwas sira sa update like puto putol na words, please update your
wattpad app into the latest version or read the update sa browser :D

Mostly na photos na ilalagay ko dito ay ang mga photos na nakuhanan ko nung


nagpunta kami sa Japan last year. May mga infos din ako na ilalagay. If ever may
readers ako na taga Japan at may mga maling info ako na nalagay, please feel free
to correct me! :D

Gusto kong ipakita ang ganda ng Japan sa inyo <3

Ayun! At dahil makapal ang mukha ko, ayan picture ko. Nag selfie rin ako sa
Japanese garden. Hahahaha. Unang selfie ko yan sa Japan. XD Dami kong pimples 'no?
XD

(At wala akong coat na suot. Nanginginig ako nyan guys! XD)

by the way, 23 years old na ako dyan sa photo. 24 ako ngayon. HINDI AKO BATA.
*paglilinaw lang xD*
=================

Seventh Shot

Dedicated to auroraalexus

Maraming salamat sa magandang cover ng SWSCA <3

~*~

                 

Seventh Shot

JILLIAN.

Saktong 8am, nasa lobby na kaming lahat at ready to go para sa tour namin. May
lumapit naman na isang Japanese na babae sa amin na tingin ko is mga around 23 to
25 years old ang edad. Maliit, balingkinitan ang katawan, above the shoulder length
ang buhok at masayang naka-ngiti sa amin.

            She introduced herself as Chiharu. Substitue raw siya ni Ayako since


may emergency si Ayako kaya si Chiharu na ang makakasama namin buong tour.

            Pero katulad ni Ayako, masiyahin at puno rin ng energy si Chiharu.


Actually pansin ko karamihan ng mga Japanese puro masisiyahin at palangiti. Kanina
nga sa elevator may nakasabay akong girl tapos lahat ng papasok sa elevator
binabati niya ng "ohayo" or "good morning."

            Pinaliwanag ni Chiharu ang itinerary namin today. At since lilipat na


kami ng hotel sa Shinjuku tonight, dala-dala na rin namin ang mga bagahe namin.

            Ngayon ko lang na realized na ang bigat ng maletang dala ko. Paano kasi
si Tita Sally ang daming ipinadala sa akin na sweatshirts, scarves at coats. Takot
na takot na ginawin ako.

            Pero pareho naming nakalimutan ang gloves.


            Napatingin ako sa gloves na suot ko. Color itim siya at may design na
ribbon na pula sa may pinaka wrist, Natatanggal din yung tela sa may index finger
at thumb para pag gagamitin ang phone, hindi ako mahirapan.

            Nakita ko si Psyche na nakasunod kay Cupid. Dala niya ang backpack ni


Cupid habang buhat-buhat naman pareho ni cupid ang mga maleta nila.

            Nilapitan ko si Psyche.

            "Uy Psyche!"

            "Oh hi Jillian!" nakangiti niyang sabi. "Sabi ni Chiharu may kasabay


raw tayo sa tour na apat na babae. Magbabarkada ata. Pero mga Pinoy naman daw."

            "Oh.. I see! Edi maganda! Nga pala, pinahiram sa akin ni West yung
gloves mo. Sorry ah?"

            "Eh?"

            Pinakita ko yung gloves na suot ko. Nagtataka naman na tumingin sa akin


si Psyche.

            "Sabi ni West akin 'yan?"

            Tumango ako, "uhmm.. hindi ba sa'yo?"

            Bigla siyang napangiti ng malawak. Tatanungin ko sana kung bakit kaso


biglang may kumuha sa maleta ko.

            "Uy teka--!"

            "Ako na," sabi ni West at tuloy-tuloy siyang naglakad palapit sa bus


habang hatak-hatak ang maleta ko at hindi man lang humaharap sa akin.

            Nagtataka kong tinignan si Psyche na ngiting-ngiti naman sa akin.

            "Gentleman si West. Shy lang," sabi nito. "Bagay sa'yo yung gloves.
Alam na alam ni West kung ano ang magugustuhan mo."

            Bago pa ako makasagot, naglakad na rin papasok ng bus si Psyche.

            O—kay?
            Ba't ang weirdo nila ngayon? Anong nangyayari?

            Sumunod na ako kay Psyche. Sinalubong naman ako ng Chiharu at sinabing


walo lang kami sa bus na sasakay kaya kahit saan ako umupo. Doon ako pumwesto sa
likod ni Ryan.

            Tumayo si Ryan at sinilip ako sa likuran niya habang nakangiti.

            "Hey, do you think kakain tayo ulit sa ramen house? Nag c-crave ako sa
ramen!" sabi niya.

            Napangiti naman ako. "Hindi ko alam eh. Pero ako rin sobra. Yung kinain
natin kagabi, the best talaga!"

            "Oh my gosh ang pogi naman!" dinig kong sabi nung mga babae sa bandang
unahan ng bus. Sila yung magbabarkada na kasama namin sa tour.

            Sinilip ko kung sino yung tinutukoy nila.

            It's Cupid.

            Naka leather jacket ang loko at naka shades pa tas ngiting-ngiti. Nung
umakyat sa bus, nag s-swag pa siya. Lecheng 'to. Alam kong gwapo siya. Oo gwapo
talaga siya. Pero bakit kada nakikita ko siya, gusto ko siyang batukan ng malakas?!

            "Hi! Ang gwapo naman ng kasama namin sa tour!" sabi nung isang babae na
may mahabang buhok, pulang-pulang lipstick at nag b-beautiful eyes na matang
nakatingin kay Cupid.

            Nagulat ako nang biglang lumapit si Psyche kay Cupid at isinkubit niya
ang braso niya sa braso ni Cupid.

            "Mine," mariin na sabi ni Psyche.

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cupid.

            "Sorry girls, I'm married"

            Napangiti rin ako. Kahit bwiset 'tong si Cupid at ang sarap sipain most
of the time, ewan pero kinikilig ako sa kanila ni Psyche. Pag nakikita ko kasi
silang magkasama, halatang sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa.
            "Ayan si West single 'yan!" sabi naman ni Cupid sabay turo kay West na
kaakyat lang din sa bus.

            Napatingin naman si West doon sa mga babae na takang-taka kung ano ang
pinaguusapan nila.

            Yung isang babae na matangkad at naka-perm ang buhok, hinatak si West.

            "Dito ka na lang umupo," sabi niya at inalis ang bag sa tabi niya.

            Napa-irap ako. Ang landi bwiset. Ano, nagpunta ng Japan para humanap ng
jowa? Kurutin ko 'to sa singit eh.

            Tinignan ko si West. Hindi siya umupo doon sa tabi nung maharot na


babae pero hindi rin siya makaalis sa unahan dahil iniinterview siya ng mga babaeng
yun. Tinatanong na kung ano ang trabaho niya, saan siya sa Manila nakatira, etc.
Bwiset.

            Biglang may nag snap ng daliri sa harap ko kaya napatingin ako dito.
Nakangiti sa harap ko si Ryan.

            "Malapit nang mamatay yung mga babae sa talim ng tingin mo," natatawa-
tawa niyang bulong sa akin.

            "Landi kasi," pabulong na sabi ko naman sa kanya.

            Napatawa siya ng mahina.

            "Crush mo 'no?"

            "Huh?! Huy anong crush ang sinasabi mo diyan. Hindi 'no!"

            Mas natawa siya, "o joke lang yun. Wag kang defensive!"

            Sinimangutan ko si Ryan. Grabe 'to, pinagtitripan ako.

            Kung alam niya lang kung gaano ako ka-inis kay West! At hindi ako
nagseselos. Hindi. Naiirita lang ako sa mga babae. Makakita lang ng gwapo, para ng
mga kiti-kiti. Kainis.

            "May girlfriend ka na, West?" tanong sa kanya nung isang babae.

            Napalingon siya sa akin at nagtama ang tingin namin. Agad kong iniwas
ang tingin ko.

            Titingin-tingin niya rito?! Kainis.

            "Wala," sabi nito at nag tawanan naman ang mahaharot.

            O ayan sige, dahil wala kang girlfriend makipagharutan ka sa mga yan.


Magsama-sama kayo. Malalandi.

            "Pero may nililigawan ako."

            Napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya. He's looking at my


direction....o guni-guni ko lang na sa akin siya nakatingin?

            Bakit siya nakatingin dito?!

            "Excuse me."

            Naglakad palayo si West doon sa mga babae at in-occupy niya yung seat
sa likuran ko.

Dahil nga walo lang kami sa bus, tig-iisang row kami at pare-parehong walang katabi
para lahat, nasa window side.

            Well, except kay Cupid at Psyche na nag tabi.

            Nagsimula nang umandar yung bus namin. Nagpakilala ulit si Chiharu sa


amin. Sabi niya ang first stop namin is sa Meiji Shrine Habang nasa byahe,
ipapaliwanag niya yung iba't-ibang lugar na nadadaanan namin.

            At ako? Lumulutang ang isip.

            Wala ngang girlfriend pero may nililigawan naman. May nililigawan pala
siya pero isinandal niya ako sa pader, sinuotan pa niya ako ng gloves. Anong ibig
sabihin non?!

            Wala. Walang ibig sabihin. Wag mong bigyan ng meaning.

            At oo nga! Ba't ko bibigyan ng meaning? Eh inis nga ako sa kanya. Dapat


itatak ko sa isip ko nainis ako sa kanya.

            Shit. Bakit ko ba kasi siya iniisip?


            Nang makarating na kami sa Meiji Shrine, kita ko mula sa bus na ang
taas ng araw kaya hindi ko na isinuot pa yung pinaka-coat ko. Kaya lang bwisit, pag
labas ko ang lamig lamig kahit ang taas ng araw. Napa-balik tuloy ulit ako sa loob
para kuhanin ang coat ko at isinuot ko na rin ang hat na binili ni Tita Sally para
sa akin.

            Pagbaba ko sa bus, nakita ko na naglalakad na sila palayo. Mukhang


hindi ako napansin. Pero si West nahuhuli. Lumingon siya sa akin at nang makita
niya akong nakasunod na, binagalan niya ang paglalakad hanggang sa kasabay ko na
siya.

            Ewan ko bakit ako biglang nahiya sa kanya. Dumistansya ako ng onti.


Medyo nauuna sa akin si West kaya naman napagmamasdan ko siya.

            He's wearing a black duffle coat na ipinatong niya sa cream turtle neck
niyang sweatshirt. Ang simple lang ng attire niya pero kung dalhin niya ang sarili
niya para siyang modelo ng mga winter clothes.

            Hindi siya palangiti tulad ni Cupid. There's something mysterious about


him. Siguro yung aura na niya na yun ang humahatak sa mga kababaihan kanina doon sa
bus. Feeling ko kahit hindi sabihin ni Cupid na single si West, palilibutan pa rin
siya ng malalandi nay un.

            Napailing ako bigla sa sarili ko. Jusko Jillian. Pinupuri mo ba si Sir


West?! Ano bang nangyayari sa'yo? May gayuma ba 'tong gloves na pinahiram niya sa
akin?!

            Binilisan ko ang paglalakad at hindi ko napansin na nakahinto na si


West sa unahan ko kaya naman bumangga ako sa likod niya.

            "Aray!"

            Napalingon siya.

            "Ay, sorry." Iniwas niya ang tingin niya sa akin at diretsong tumingin
sa harap. "Look."

            Napa-angat din ang tingin ko sa tinitignan niya at nakita ko ang isang


malaking torii gate.

"Wow!"

            "Uy picture!" dinig kong sigaw ni Cupid at inabot niya sa akin ang
phone niya. "Pa-picture kami ni Psyche!"

            Pumwesto sila sa harap ng torii gate at binuhat ni Cupid si Psyche na


pa-bridal style. Pinicture-an ko sila na ganun ang posing at tuwang tuwa naman ako
sa litrato nilang dalawa.

            "Newly wed na newly wed ah!" sabi ko habang inaabot yung phone kay
Cupid.

            "Mahal bagay na bagay talaga tayo!" sabi naman ni Cupid habang


pinapakita yung litrato kay Psyche.

            "Oo naman. Bawal kang mapunta sa iba. Akin ka lang ha?" at kinurot niya
sa ilong si Cupid.

            "Oo. Sa'yo lang ako."

            At napuno ng langgam ang Japan.

            "O kayo naman mag picture!" sabi ni Cupid at ipinuwesto kami ni West
doon.

            "T-teka. Magkasama kami sa picture?!"

            "Bakit? Masama? Para hindi kayo mukhang loner dalawa."

            Kinuha ni Cupid ang phone ni West at kami naman, pumwesto kami doon.
Medyo magkalayo kami at ni-hindi nagdidikit ang mga braso namin.

            "Nandidiri ba kayo sa isa't-isa? Closer naman!" sabi ni Cupid.

            Medyo umusog ako hanggang sa magdikit na ang braso namin.

            "Ano ba naman 'yan. Ang boring naman ng itsura niyo diyan. Onting
posing naman."

            "Anong gusto mong gawin ko? Buhatin ko rin si Jillian?" tanong ni West
na medyo may pagka-sarcastic ang tono.

            Pero kesa maasar si Cupid, ngumiti pa siya.

            "Pwede rin. Buhatin mo si Jillian!"


            "S-shut up," sabi ni West.

            "Posing na!" utos ni Cupid.

            Nag peace sign na lang ako at hindi ko nililingon si West. Ang awkward
masyado ng picture na 'to. And I can't understand why my heart is fluttering.

            "One... two.." pagbibilang ni Cupid.

            Nagulat ako nang bigla akong hilahin palapit ni West at inakbayan.

            "Three."

            Shit! Anong itsura ko doon sa picture!

            Inalis ni West ang pagkakaakbay niya sa akin at napatakbo ako papalapit


kay Cupid.

            "Patingin!"

            Pinakita niya yung photo sa akin. Ang laki ng ngiti ni West samantalang
ako nanlalaki ang mata dahil sa gulat sa biglaan niyang pag-akbay sa akin.

            "Burahin mo! Ang panget!"

            Inagaw ni West ang phone niya at tinignan ang picture.

            "Ang ganda. Iuupload ko 'to."

            "What?! No!"

            Pilit kong inagaw yung phone sa kanya kaya lang itinaas niya ang kamay
niya kaya hindi ko maabot. Leche! Ba't ang tangkad nito?!

            "Ayoko. Phone ko 'to. Wala kang karapatan."

            "Mukha ko yung nandyan! May karapatan ako!"

            "Eh basta. Gusto ko yung pic."


            Itinago niya yung phone niya sa bulsa ng coat niya. Tinignan ko siya ng
masama.

            "Burahin mo na. Mag picture na lang tayo ulit."

            "Style mo Jillian!" pang-asar naman ni Cupid. "Gusto mo lang ulit


akbayan ka ni West eh!"

            "H-hoy! Hindi 'no!"

            "Sige isang picture pa raw kayo ni Jillian, West. Pero buhatin mo raw
siya."

            "O-oy--!"

            "Pwede rin."

            Napalingon ako kay West. Nakangisi siya sa akin.

            I blink.

            Shit. Ba't ang ganda ng ngiti niya?

            ESTE NAKAKAINIS! PINAGTITRIPAN NA NILA AKO!

            "Ewan ko sa inyo!"

            Tinalikuran ko sila doon at nilapitan ko si Ryan na busy kuhanan ng


picture ang lugar.

            Sa kanya na lang ako sumabay ng paglalakad. Feeling ko ang pula ng


mukha ko kasi nararamdaman ko ang init nito.

            At weird, kasi ang lamig lamig ng panahon dito.

            "Ang ganda 'no?" tanong ni Ryan.

Napatingin ako sa kapaligiran. Paglagpas kasi ng torii gate, dadaan ka sa mga hile-
hilerang mga puno. Para kang naglalakad sa gitna ng forest. Ang ganda ganda ng
lugar. Sobrang relaxing. Nag request pa ako kay Ryan kung pwedeng picture-an niya
ako ng solo. Isesend ko mamaya kina daddy para makita nila.

            Bago kami makarating sa pinaka-shrine, may nadaanan pa kaming mga sake


barrels. Nag selfie naman kaming dalawa ni Ryan doon. After that, umuna na ako ng
pasok sa kanya sa loob ng shrine dahil kailangan pa niya mag take ng maayos na
photo para sa magazine at blog niya.

            Pagpasok ko sa pinaka shrine, nakita ko si Chiharu kasama yung apat na


babae. Nilapitan niya ako.

            "Jillian-san, you should wash your hands here."

            May nilapitan kaming isang parang maliit na well. Doon sa well, may mga
nakapatong na bamboo sticks na may pang scoop sa dulo.

Sinundan ko si Chiharu sa kung paano ang gagawin. She took the scoop using her
right hand at kumuha siya ng tubig. After that, ibinuhos niya ang tubig doon sa
kaliwang kamay niya.

            Ginawa ko ang ginawa niya. Tinanggal ko ang suot kong gloves at


hinugasan ang kaliwang kamay ko. Feeling ko magkaka frost bite ako sa lamig ng
tubig.

            After that, inilipat niya sa kaliwang kamay niya ang pang scoop at yung
kanang kamay naman ang hinugasan. Sunod non, inilipat ulit namin sa right hand
namin ang pang scoop then naglagay kami ng tubig sa kaliwang kamay at idinikit sa
labi namin.

            Tradition pala talaga dito iyon. Isa sa mga form of respect nila before
entering the shrine.

Lumapit ako doon sa isang parang board kung saan may mga nakasabit na mga piece of
woods na korteng square kung saan may mga nakasulat dito.

   "That's called ema."

            Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si West.


            "Wooden wishing plaques," sabi niya. "Diyan nila sinusulat ang prayers
at wishes nila."

            Napatango ako.

            "Oh. I see. Nakakatuwa ang mga traditions nila 'no?"

            Tumango si West.

            "Jillian."

            "Hmm?"

            "West! You're here!"

            Biglang may lumapit sa kanyang babae at isinukbit nito ang braso niya
sa braso ni West. Yung babae na kasama namin sa bus. Yung lakas maka-perm ng buhok
di naman bagay sa kanya.

            "Oh! Mga wishes 'yan 'no?" masiglang sabi nung babae habang nakaturo
doon sa mga ema. "Wish ko sana samahan ako mamayang gabi ng crush ko," sabi niya
then she giggled.

            Ang harot nakakairita!

            Inalis ni West ang pagkakahawak ni Miss Perm sa braso niya at nginitian


niya si Ms. Perm.

            "May wish din ako."

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni babaeng perm kay West.

            "Ano? Baka maging totoo," at kinindatan niya ito.

            Hindi ko alam bakit nanggigigil ako. Tinalikuran ko sila. Nakakainis na


kasi eh.

            "Wish ko sana hindi na ako pagsungitan at itaboy ng babaeng gusto ko."

            Napahinto ako bigla at napalingon kay West.

            He's looking at me.


            Anong ibig niyang sabihin?

            Nginitian niya ako and then, iniwan niya na kaming dalawa nung babae na
parehong takang-taka sa sinabi niya.

To be continued...

Aly's Note:

Hi guys! Kung mapapansin niyo po iniba ko ang tour guide nina Jillian. Nawala sa
isip ko na Ayako rin ang name ng character ni Kuya Ray sa 23:57. Hindi po
magkaduktong ang mga stories namin. Iniba ko na lang para hindi na malito ang iba.
Ayun.

And thank you sa mga comments last update! Sa mga ayaw maniwala sa edad ko, bahala
kayo. Wahahaha. Sa mga nagtatanong kung nakapunta na ako sa Japan, yes po. No,
hindi po ako rich kid. Sadyang childhood dream ko ang makapunta ng Japan at matagal
kong pinagipunan ang perang ginastos ko doon. I choose to invest my money para
matupad ko ang childhood dream ko. It's all worth it though <3 Walang mamahaling
gadget ang makakapantay sa experience :D

You might also like