Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

(Bayang Pilipinas, 2011) kasalukuyan ng ipipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa

nitong kung tawagin ay K12. Ito ay nagdaragdag ng taon Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay

hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag kinder bilang unang hakbang sa

pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school naibig sabihin ay

magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa SeniorHigh ay maaaring mamili

ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang

pagpipilian. Ang programang ito ay naglalayong mapataasang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Papa (2012), ang K+12 ay ang pinaikling terminolohiya ng “Kindergarten +12 years in

elementary at highschool” na ginagamit ng maraming bansa sa mundo gaya ng mayayamang estado sa

Amerika at Europa. Ang elementarya ay bubuuin pa rin ng anim na taon at ang highschool ay mahahati

sa Junior High school (apat na taon) at Senior High school (dalawang taon).

Ayon sa Department of Education, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad

pa ng 10-taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng panahon

para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa mga bansang

maunlad sa buong mundo.

Ayon naman sa mga propesyonal at intelektwal, isang long term goal ang K+12. Kung ito ay

pagiibayuhin, tataas ang antas ng edukasyon at maaari nang makasabay ang ating bansa sa mga first

world countries sa mundo.

Batay sa isinulat ni Villar (nd.), maaari ng mag-apply ng TESDA Certificates of Competency (COCs)

at National Certificates (NCs) para makapagtrabaho ang mga gagraduate ng Senior high school sa
kakayahan nila. Kung nanaisin pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang ipagpatuloy ang pag-aaral sa

kolehiyo.

May mga maaaring piliin para sa specialization, o "specific tracks” o patutunguhan ng

espesyalisasyon:

Academic (para sa kolehiyo): Accountancy, Business & Management (ABM), Humanities & Social

Sciences (HUMSS) Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), General Academic Strand

(GAS).

Technical-Vocational-Livelihood, ang para sa technical at vocational learning. Kasama ang Home

Economics, Industrial Arts, Agricultural at Fishery Arts, Information, at Communications Technology,

Arts and Design

Sports

At ang bagong dagdag na Maritime


Kinondena ng Kabataan Party-list at ACT Teachers Party-list ang minadaling pagpapasa sa

second reading ng House Bill 6643 o ang K+12 sa Kamara sa kabila ng anila’y hindi pa pagiging handa ng

Department of Education para sa implementasyon nito. Ayon kay Kabataan Representative Raymond

Palatino na inamin ng nga nagpasa ng K+12 Bill na ang Department of Education ay nasa pilot-testing pa

lang ng repormang kurikular ng K+12.

Pahayag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, lumabas sa deliberasyon ng plenaryo

noong committee hearing na bigo ang mga may akda ng K+12 na patunayan ang kahandaan ng DepEd

upang epektibong maipatupad ang buong programa.

Ayon kay Mai Uichanco(2013), isang pangkalahatang kalihim ng League of Filipino Students, na

magkakaroon ng hindi magagandang epekto sa mga mag-aaral ang pagmamadali sa pagpapasa ng

programa sa kadahilanang hindi pa umano natutugunan ng DepEd ang mga kakulangan sa sektor ng

batayang edukasyon at itinutulak ngayon ang K+12 kahit na ang mga paaralan, ang mga guro at maging

ang DepEd mismo ay hindi pa handa.


Banyagang Literatura

Ayon sa artikulo ni Berbano (2014), isa sa maraming problema na kinakaharap ng mga

estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa,ang pinanggalingang paaralan ng mga

estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong maaaring maging suliranin ay ang pagkuha ng

hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sa kanya, may mangilan ngilan na estudyante na

napipilitang kunin ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay

naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na

problema ng kawalan ng estudyante ng interes sakanyang kurso. Ang pagpiling kurso ay

napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad ng landas na

tatahakin hanggang sa pagtanda.

Ayon naman kay Patricia Vizarra (2015), may mga mag-aaral din na humahantong sa puntong

hindi nila matukoy kung ano ba talaga ang kanilang gustong kuning kurso kung kaya naman nagkakaroon

problema dahil hindi sigurado ang mga mag-aaral sa ginawang desisyon.


Banyagang Pag-aaral

Nakasaad sa Kabanata II ng isang banyagang pagaaral na isa sa mga sanhi ng takot ng mga mag-

aaral sa sipnayan ay hindi dahil sa asignatura kung hindi dahil sa mga guro. Kinakabahan silang mag

presenta ng kanilang mga solusyon sa harap ng kanilang mga kaklase dahil ayaw nilang mapahiya, lalo

na't kung mahirap iyong kanilang pinagaaralan. Maliban sa mga guro, isa pang dahilan ng kanilang takot

ay ang kanilang mga magulang. Dahil ito sa kagustuhan ng mga magulang na maganda ang mga marka

na makukuha ng kanilang mga anak.

You might also like