Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAMILYA MO, ALAGAAN MO PROGRAM

Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

Ika-05 ng Disyembre, 2019

Haba ng Panahong Gugugulin: Kada Anim na Buwan

Lugar ng Paglulunsaran: Lalawigan ng Batangas

Miyembro:

Esguerra, Daniele Jenna

Manigbas, Dhonna

Marzo, Fernando Ivan

Villena, Rieka Janthine


Pagpapahayag ng Background ng Proyekto

Ang panukalang may pamagat na "Pamilya Mo, Alagaan Mo Program" ay nakatuon


upang magkaroon ng simposyum para sa mga magulang/guardian sa lalawigan ng
Batangas ukol sa pagpapanatili ng matibay na pundasyon ng pamilya na gaganapin
dalawang beses sa isang taon, o pagkakaraan ng anim na buwan. Bukod pa rito
mayroon ding isasagawang open forum para mapag-usapan ang bawat suliraning
kinakaharap ng mga pamilya at pagbibigay ng panukalang solusyon sa nasabing
problema. Magbibigay rin ang ahensya ng hakbang upang maiwasan ang anumang
problema kahit sa simpleng paraan lamang. Dadaluhan ang simposyum ng isa o
dalawang miyembro kada isang pamilya. Ang nasabing simposyum ay ipapatupad sa
bawat baranggay sa bawat munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas. Ang mga LGU ng
bawat munisipalidad ng Batangas ang mamamahala sa nasabing simposyum sa kani-
kanilang lugar at barangay.

Layunin

Layunin ng symposium na ito na palalimin ang pang-unawa ng mga magulang o


guardian ukol sa kahalagahan ng bukas at tapat na komunikasyon sa pagitan nila at ng
kanilang mga anak sa loob ng kanilang pamilya. Mababanggit sa symposium ang
halaga ng pakikipag-usap sa loob ng pamilya sapagkat nagbibigay daan ito sa mga
miyembro na maipahayag ang kanilang mga pangangailangan, kagustuhan, at mga
alalahanin sa bawat isa. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay lumilikha ng isang
kapaligiran na nagpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya na maihayag ang kanilang
mga pagkakaiba pati na rin ang pagmamahal at paghanga sa isa't isa. Ang maayos at
masayang pamilya ay malaking susi sa maunlad at progresibong komunidad, lalawigan,
rehiyon at bansa.
Pangangailangan sa Pagsasakatuparan ng Proyekto

Kinakailangan ang proyekto na ito sapagkat hindi maikakaila ang malaking


porsyento ng mga pamilya na nagkakaproblema at nagkakawatak-watak. Ang
Departamento ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ay malaki ang paniniwala sa
simposyum na ito na mababawasan ang mga pamilyang nagkakahiwa-hiwalay at ang
mga magulang at anak na nalilihis ng landas nang dahil sa kakulangan ng pag-agapay
at gabay ng bawat isa. Maiisakatuparan ang proyekto na ito simula sa taong 2020.

Kabuuang Gastos

Ang kabuuang pondo na kailangan sa panukalang proyektong ito ay nagkakahalaga


ng limampung libong piso sa isang taon kada munisipalidad ng lalawigan ng Batangas.
Ang kaganapan ay dalawang beses mangyayare sa isang taon— kada anim na buwan.
Ang pondo sa bawat symposium ay dalawamput limang libong piso. Ito ay para sa
materyales na kakailanganin sa symposium, at sa iba pang pangangailangan sa
kaganapan na mangyayari. Ang gagamiting pondo para sa programang ito ay
manggagaling sa nakalaang badyet sa ahensiya ng gobyerno at sa iba pang kaagapay
na ahensiya ng gobyerno.

Mga Kailangan sa Simposyum Kaukulang Badyet


Upuan Php 1500.00
Sound System Php 2500.00
Kabayaran sa mga Tagapagsalita Php 7500.00
Alaala ng Pagpapasalamat Php 1500.00
Pag-aayos ng Baranggay Php 2500.00
Fliers Php 500.00
Pagkain ng Tagapagsalita Php 1000.00
Pagkain ng Dadalo Php 8000.00

Mga Taong Kinakailangan


Ang simposyum na ito ay kinakailangan ng malinaw na agenda mula sa pangulo ng
barangay kung saan ipapaliwanag ang magiging daloy ng programa at ang sakop ng
pagpupulong. Ang mga magulang sa bawat tahanan ay inaasahan din na dumalo
sapagkat para sa kanila ang gaganaping simposyum. Sila ang magsisilbing tagapakinig
at kalahok sapagkat sila ang haligi at ilaw ng tahanan na magpapanatili ng maayos na
samahan ng pamilya sa pagitan ng mga kasapi nito. Magpeperesinta naman ng mga
papel at datos ang mga kawani ng DSWD upang makapagdiskusyon ng maayos
tungkol sa usapin at makapagbigay ng mga angkop na rekomendasyon sa mga
magulang. DSWD ang ituturing na mga eksperto sa simposyum sapagkat sila ang
nangangalaga sa kapakanan ng mga tao lalo’t higit sa kalagayan ng mga bata.

Bago isasagawa ang open forum, ipapakilala muna ng host ang moderator na
magpapakilala sa pangunahing tagapagsalita at sa mga panelists. Ang moderator din
ang mangangasiwa ng diskusyon at magbabato ilang mga tanong sa panelists upang
magkaroon mabigyan ng ideya ang mga tagapakinig at magulang ukol sa mga bagay
na dapat nilang malaman at pagtuunan pa ng pansin. Sa open forum din may
pagkakataon ang mga magulang o guardian na magbahagi, magtanong, at maglabas
ng saloobin tungkol sa kani-kanilang mga karanasan at sitwasyon bilang ama/ina sa
tahanan.

Matatapos ang simposyum sa pagbibigay ng mga payo sa mga magulang at sa


pagrerekomenda ng mga epektibong pamamaraan ng pamamalakad sa isang pamilya.
Bukod pa rito, mas magiging malawak at makabuluhan ang pagsasama ng mag-asawa
bawat araw hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kanilang mga anak.
Magiging matagumpay lamang ang simposyum kung maisasagawa ang lahat nang
naaayon sa inaasahan gayundin kung may pagkakaisa ang mga taong kabilang dito.

Oras na Gugugulin
Ang simposyum ay gaganapin dalawang beses kada taon. Ito ay upang mas
malawak ang mapag-usapan sa pagpupulong at mabigyan ang mga magulang ng sapat
na panahon para maisagawa ang anumang natutunan nila sa simposyum. Tuwing
unang sabado ng buwan ng Marso at Setyembre nakatakdang ilunsad ang simposyum
upang sa gayon ay may oras na maiilaan ang mga kalahok para dito. Tinatayang
magsisimula ang simposyum sa ika-11 ng umaga at matatapos sa ika-2 ng hapon. Ang
tatlong oras na simposyum ay sapat na para sa usaping pampamilya sapagkat ang mga
magulang naman ay may kanya-kanya nang kaalaman ukol sa pagbuo ng pamilya.
Magsisilbing gabay ang simposyum upang maiwasan ang alitan o hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya gayundin ang maling
interpretasyon sa mga pangayayari araw-araw.

Sa pangkalahatan, ang pagsunod sa oras na gugugulin ay isa sa mahalagang salik


sa pagbuo ng panukalang proyekto/programa sapagkat dito nakasalalay ang
pagsasakatuparan ng programa. Kung walang timeframe, hindi magiging madali ang
pagsasagawa ng anumang proyekto dahil walang pagbabasehan ng mga kaganapang
gagawin. Ito ay nakadepende sa human resource demand sapagkat ang oras na ilalaan
ay base sa bilang ng mga taong dadalo at sa paksang pag uusapan. Ang kumpletong
hanay ng mga taong kasali sa simposyum at ang wastong timeframe ay
makapagdudulot ng kapaki-pakinabang na bunga para sa bawat pamilya.

Mekanismo ng Ebaluwasyon ng Programa


Pamprosesong Ebaluwasyon
Ang pamprosesong ebaluwasyon ay ginaganap kung nais makita ang naidudulot
ng isang bagay sa mismong kaganapan ng pagsasakatuparan ng proyekto. Ito ay
maaaring isakatuparan sa unang buwan ng simposyum-- tuwing unang Sabado ng
Marso. Habang ginaganap ang simposyum, mamimigay ng isang survey form kung
saan dito nakapaloob ang iba't-ibang katanungan ukol sa simposyum, kalagayan ng
pamilya at sa mga kaganapan na nangyayari ukol dito. Ipamimigay ito tuwing buwan ng
Marso sapagkat ito ang unang simposyum na mangyayari sa isang taon at dito ipakikita
sa mga taong kasangkot ang prosesong maidudulot nito sa pagpapabuti ng kalagayan
ng kanilang pamilya.

Pangresultang Ebaluwasyon
Ang pangresultang ebaluwasyon ay ginaganap kung nais makita ang naidudulot
ng isang bagay matapos ng pagsasakatuparan ng proyekto. Ito ay maaaring
isakatuparan sa pangalawang buwan ng simposyum-- tuwing unang Sabado ng
Setyembre. Habang ginaganap ang simposyum, mamimigay ng isang survey form kung
saan dito nakapaloob ang iba't-ibang katanungan ukol sa naganap na simposyum,
kalagayan ng pamilya sa nakalipas na anim na buwan at sa mga kaganapan na
nangyayari ukol dito. Ipamimigay ito tuwing buwan ng Setyembre sapagkat ito ang
pangalawang simposyum na mangyayari sa isang taon at nailahad na noong nakaraang
simposyum ang mga prosesong maidudulot nito sa pagpapabuti ng kalagayan ng
kanilang pamilya.

Kategorya ng Proyekto

Ang kategorya ng proyektang ito ay maiihanay sa kumperensiya o seminar.

You might also like