Professional Documents
Culture Documents
Puni
Puni
Ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may tropikal na klima ay sagana sa mga halamang may
mahahaba, matatalim, at matutulis na dahon tulad ng niyog at pandan, mga talahib at bakawan. Isang
dahilan ito upang ang kaalaman sa sining ay mapalawak at gawing kapaki-pakinabang ng mga ninuno.
Sinasabing ang pananahi o paghahabi, ay isa sa mga gawain ng mga kababaihan noong araw at buhat ng
dumating ang mga mangangalakal, nagbago na rin ang kasangkapang ginagawa rito, maging ang gamit
nito sa bawat tahanan pandekorasyon o panlibangan – ang Puni.
“Ang puni ay isa sa pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino – bilang mga Bulakenyo.”, ito ang
pahayg na ibinigay ni Gng. Rhiza Hernandez na nagtaguyod sa pagpapakilala ng puni sa mga mag-aaral
bilang panlibangan, pandekorasyon at kasangkapan sa gawain bilang mananampalataya. Sa katunayan,
ang palaspas na ginagamit tuwing Domingo de Ramos ay isang disenyo ng puni na tanyag tuwing Mahal
na Araw. Ang bayan ng Malolos, bilang kandungan ng pamanang kultural, ay bunga ng paghahabi ng
makulay na kasaysayan, pagtuklas at ina ng pamumukadkad ng sining na hatid ng puso’t pagkamalikhain.
Gayunpaman, sa balu-baluktot at mahigpit na pagbigkis ng mga dahon nito, darating din na ang
sariwa’t luntiang hitsura ng puni ay daratnan ng pagkalanta, tuluyang yuyuko at mawawala sa
idinisenyong hugis. Sa unti-unting paglaho ng paggawa ng puni sa bansa, isang pagpili lamang ang
mangingibabaw – ang maging tagahabi o tagasiga.