Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Banal na Imperyong Romano o Imperyo Romanong ay isang unyon ng mga

teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na


Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng
pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong
Emperador noong 962 AD.

Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng


pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay
ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng
kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.

Unang ginamit ang ang pariralang Sacrum Imperium noong 1157 sa panahon ni
Frederick Barbarossa at ang Sacram Imperium Romanum naman ay lumitaw lang noong
1184 na ginamit lamang hanggang 1254 at noong ika-15 siglo naman nadagdag ang
Bansang Aleman.

Sa pag tagal ng panahon, lumawak ang nasasakupan ng imperyo kung saan napabilang
ang ibang bansa sa gitna at Katimugang Europa tulad ng Kaharian ng Alemanya ,
Kaharian ng Italya, Kaharian ng Borgonya at marami pang iba.

Sa buong kasaysayan ng Imperyo ito ay hinati hinati lamang sa maliliit na mga


prinsipalidad, mga dukado, at iba pang maliliit na yunit. Nguniy kailanman man hindi
napabilang ang siyudad ng Roma sa Imperyo dahil sa panahong iyon kontralado ng
Santo Papa ang Roma.

Dahil sa pag babago at pagiging modern ng Europa noong ikaw-16 siglo at ika-17 siglo
lumiit ang kakayahang ng Imperyo na mag lunsad ng mga digmaan upang mapalawak
ang teritoryo, at dahil dito mas binigyan pansin nila ang pag tatanggol sa pansariling
batas at pag papatupad ng kapayapaan.

Binigyan ng Imperyo ng proteksyon ang mangilang-ngilang mga Prinsipe at Panginoon at


pag bibigay diin sa maliliit sa maliliit na pag suway sa kautusan ng Imperyo upang
mapanatili ito sa kapangyarihan.
Noong 1648, ang mga teritoryo at kaharian sa paligid ng Imperyo ay unti unting
napabilang sa tinatawag na Estado ng Imperyo kung saan napanatili nito ang
kapayapaan sa mahabang manahon.

Noong pumasok ang ika-18 siglo, lumakas ang kapangyarihan ng ibang bansa sa labas ng
Imperyo, kung saan hindi na nito kaya pang protektahan ang mga estadonito buhat sa
palisiya at impluwensiya ng ibang mga kaharian.

Ito ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyo. Dahil sa mga pananakop ng
digmaang Napoleoniko at kaalinsabayt na pag tatag ng Kumpederasyon ng Rino, unti-
unti ng bumaba ang kapasidad na pamunuan at noong Agosto 6, 1806 opisyal na
bumagsak ang Imperyo nang maghain ng pagbaba sa trono ng huling emeperador na si
Francis II.

You might also like