Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Sikmura at Mga Bahagi ng Katawan

Nagtalo-talo ang mga bahagi ng katawan ni Lito kung alin sa kanila


ang may pinakamalaking ambag sa buhay nito. Isa-isa nilang ipinagmalaki
ang mga gawain na kanilang naisasagawa sa pang-araw-araw na
pamumuhay ni Lito.
Buong yabang na sinambit ng mga kamay na sila ang gumagawa ng
lahat ng pisikal na gawain ni Lito. Tutol naman ang mga binti ditto. Anila
nakakapunta si Lito sa kanyang trabaho dahil sa kanila. Hindi rin nagpahuli
ang bibig at buong lakas niyang sinabi na sya ang gamit ni Lito sa
pakikipag-ugnayan sa mga tao. Ayon naman kay utak, siya ang
nagpapagalaw kina, kamay, binti, at bibig kaya siya ang pinakamahalagang
bahagi ng katawan ni Lito.
Si sikmura lamang ang hindi nakikipagtalo sa kanila. Napansin ito ni
utak at binangit niya sa mga kasamahan niya kung paanong labis na
nakikinabang ang sikmura sa mga pagkain na natatanggap nito, gayong
hindi naman ito nakakaambag sa trabaho.
Bilang protesta, hindi nagbigay ng utos ang utak sa mga kamay, binti,
at bibig sa loob ng isang araw. Dahil ditto hindi nagkaroon ng laman o
pagkain ang sikmura. Kinabukasan, nanghina ang mga kamay, binti, bibig,
gayun na rin ang utak.
Noon lamang ipinaliwanag ng sikmura kung paano niya tinutunaw
ang mga pagkain upang maibahagi ang lahat ng enerhiya at sustansya nito
sa lahat ng bahagi ng katawan ni Lito. Naunawaan nila na dapat silang
magtulungan upang mapanatiling malakas at malusog ang isa’t isa.

You might also like