Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Philo 10 WFR1 (WF 8:30 – 10 n.

u) Miyerkules, November 11, 2015


Pangkat 2 – Dos Mrs. Arlyn Pinpin-Macapinlac

 Cruz, Adrienne Joy Vincent, Bayla  Fajiculay, Mae Criste, Daclag (Tagasulat)
 Cu, Carmichael Ethan, Lim (Tagapamuno)  Fortu, Gerome Peter, Fonte
 Dela Cueva, Nicole Ann, Agdon  Garcia, Gabriela Marta, Mayo
 Estrella, Emmanuel Lorenzo, Saldana

PANGGRUPONG GAWAIN UKOL SA PILOSOPIYANG ‘TAO’


I. Paliwanag sa 3 kaisipan.
A. Ang “Tao”
1.) Ang ‘Tao’ ay hindi maaari o kayang mabigyan ng isang tiyak o depinitibong sagot dahil
hindi na ito ang tunay kung sakali. Ngunit maaari natin itong tingnan o unawain bilang
konsepto ng Walang Hanggan, Ang Daan o Landas. isang unibersal na konsepto/batas na
hindi tumatanggap o walang nagaganap na pagbabago. Maaari ring unawain bilang
pinakasukdol o armonya. Ang armonya ay ang maayos at panatag na relasyon ng lahat
ng bagay.
2.) Mga linya:
 Ang Tao na mailalarawan ay hindi ang walang hanggang Tao. (Kab. 1)
 Ang Tao ay tulad ng isang lalagyang walang laman; hindi ito mawawalan at hindi
rin mapupunan. Walang hangga ang lalim, ito ang pinagmumulan ng lahat ng
bagay.
... Ito ay mas matanda pa sa konsepto ng Diyos (Kab. 4)
 Ang Tao ay walang pangalan at walang pagbabago. Bagama’t tila napakaliit,
walang makapagsisilid nito. (Kab. 32a-b)
 Ang dakilang Tao ay umaagos nang tuloy-tuloy sa bawat direksyon. (Kab. 34)
 Ang pag-unawa sa Armonya ay pag-unawa sa Hindi Nagbabago. (Kab. 55)

3.) Relasyon – Ang mga nabanggit na kabanata ay ang mga sumusuporta sa paglalarawan sa
number 1. Sa Kabanata 1 ay hindi natin talaga mabibigyan ng isang tiyak o depinitibong
pagbibigay-kahulugan dahil kapag ito’y nabigyan hindi na ito ang totoong Tao. Kaugnay
naman sa Kabanata 2, hindi natin malalagyan o maalisan ng kahit anong bagay o
katangian dahil abstrakto ito sa kanyang likas. Hindi natin ito masusukat o maikukulong
sa isang kahon. Ang Tao ay mananatili habang buhay ayon sa Kabanata 32a-b. Ang Tao
ay tuloy-tuloy kahit saan, kahit kalian at walang makakapigil nito. Ang Tao ay matatawag
o mauunawain rin bilang Armonya o ang panatag na koneksyon ng lahat ng bagay sa
mundo ayon naman sa Kabanata 55.

B. Ang “Yin-Yang”
1.) Ang Yin-Yang ay isang importanteng konsepto sa Tao na sumasalamin ng mga prinsipyo
nito. Saliwa sa ating pagkakaunawa, ito ay hindi dapat tanawin bilang isang simbolo ng
salungatan; kundi bilang isang kabuuan kung saan ang dalawang kulay sa loob ito ay
komplemento ng bawat isa.
2.) Itong depinisyon ay sinusuportahan ng Kabanata 2: Kapag ang mga tao ay tinatanaw na
maganda ang mga bagay, nalilikha ang kapangitan. Kapag ang mga tao ay tinatanaw na
mabuti ang mga bagay, nalilikha ang kasamaan. Ang pag-iral at di-pag-iral ang lumilikha sa
isa’t isa. Ang mahirap at madali ay bumabagay sa isa’t isa...
3.) Kagaya ng nabanggit sa Kabanata 2, makikita na ang pag-iral ng isang bagay ay ang pag-iral
rin ng kasalungat nito. Hindi pwedeng magkaroon ng kasamaan, kung walang mabuti. Hindi
rin pwedeng magkaroon ng kapangitan kung walang maganda. Kaya naman, ang yin at yang
ay komplemento sa isa’t isa at hindi magkasalungat. Nagbibigay sila ng balance sa ating
mundo sa pamamagitan ng palikha sa isa’t isa na nagpapahayag ng isang kabuuan.

C. Ang konsepto ng Hindi Pagkilos.


1.) “Kumilos sa pamamagitan ng hindi pagkilos; gumawa sa pamamagitan ng hindi paggawa.”
Ang prinsipyo ng hindi pagkilos ay ang hindi pagkilos ayos sa iyong niloloob kundi
pagbibigay-daan sa kung ano ang likas. Dapat hayaang mangyari kung ano ang likas.
Nangangahulugan ito ng Malaya o espontanyong (spontaneous) na aksyon a t kilos.
2.) Kabanata 2: Ang Maestro ay maaaring kumilos nang walang ginagawa at magturo nang
walang sinasabing salita.
Kabanata 24: Ang mga nakatingkayad ay hindi nakatayo ng matatag. Ang mga nagmamadali
ay hindi nakalalayo. Ang mga nagsisikap na maging higit na sikat kaysa iba ang siyang
nagpapadilim ng sariling kasikatan...
Kabanata 34: Ang dakilang Tao ay umaagos nang tuloy-tuloy sa bawat direksyon.
Kabanata 42: Ang tawag dito’y tahimik na pag-unawa sa nararapat na kalagyan.
Kabanata 43: Iilang lamang sa mundo ang nakauunawa.
Kabanata 48: Hindi mauunawaan nang lubos kung babaguhin ang lika.
Kabanata 55: Salungat sa landas ng Tao ang baguhin ang likas.
Kabanata 63: Kumilos sa pamamagitan ng hindi pagkilos; gumawa sa pamamagitan ng hindi
paggawa. Magsaya sa payak at karaniwan. Hanapin ang kadakilaan sa maliliit.
Kabanata 69: Ang tagumpay ay mapupunta sa panig na siyang may mas matinding hapis.
3.) Ang prinsipyo ng hindi pagkilos ay sentrong kaisipan upang maging dakilang Tao. Ang landas
ng dakilang Tao ay likas dahil ito’y umaagos nang tuloy-tuloy sa lahat ng direksyon. Hindi
nito tinutukoy ang literal na hindi paggawa kundi ang hindi pagkatinag sapagkat ito rin ang
tahimik na pag-unawa sa nararapat na kalagyan ng mga bagay. Salungat sa landas ng Tao
ang baguhin ang likas dahil makauunawa ng lubos ang isang tao kung hindi siya kikilos
upang baguhin ang likas.
II. Pagtalakay sa mensahe ng imahe ng sanggol, babae at tubig.
Ang imahe ng sanggol: Nabanggit na nga na ang sanggol ay isa sa tatlong simbolo ng tunay na
tayo. Sa unang tingin sa sanggol, makikitaan talaga sila ng kahinaan sapagkat hindi naman nila
maiipaglaban ang kanilang mga sarili laban sa external na mundo. Ngunit kung titignan ang
ibang angulo, may ibang katangian ang makikita sa kanila na makakapagbigay kahulugan sa
pagiging isang "tao". Isa rito ang katatagan nila hanggang sa marating nila ang sukdulan ng
kanilang pag-iisa sa buhay at tibay kung papaano nila ito haharapin sa haba ng panahong ilalaan
nila. Ang sanggol ay "tao" sapagkat ito ginagawan ng lahat upang maipalayo sa panganib at di
ninanais upang mapreserba ang buhay. Mayroon man itong ibang kahinaan sa pangkalahatan,
gumagawa naman ito ng paraan gamit ang "instincts" upang magampanan ang kinakailangan
upang matapatan ang kahinaan tulad na lamang ng pagbabago sa ibang kaugalian upang mas
mapabuti ang ibang aspeto ng buhay. Likas sa kanyang mga buto at dugo ang anumang
mayroon ang isang tunay na tao. Ang mga likas na ito na walang halong pagbabago ang
nagbibigay sa kanya ng halaga bilang isang tunay na "tao".

Ang imahe ng babae: Ang Tao ay tinatawag na Ina ng Sangnilikha dahil dito nanggaling ang lahat
ng bagay, kasama na ang realidad. Isa itong konseptong hindi maipaliwanag nang maayos at
kongkreto dahil ito ay abstrakto at mahirap unawain. Maaari rin nating unawain ang imahe ng
babae bilang mapagkumbaba dahil sa lumang China, ang mga babae ay sumasailalim sa mga
kalalakihan.
Ang imahe ng tubig: Ang tubig ay maihahalintulad sa Taoismo dahil una, ito’y hindi
sumasalungat sa kahit anong bagay. Patuloy itong umaagos kahit saan tulad ng Tao.

You might also like