Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

3

Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo

Basic Literacy Learning Material


Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION
Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo
Karapatang Ari 2005
KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO
Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng
organisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto


Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo
Pag-aralan Natin
Paghambingin ang mga larawan.

1
Basahin Natin
Iya : Magandang umaga po! Naghahanap po ako ng bumibili ng
uling.
Gene : Saan ba galing ang uling ninyo?
Iya : Sa kaingin sa tumana. Pero bukas pa po aahunin ang uling
kaya humahanap na ako ng bibili.
Gene : Marami ba? Ilang sako ang makukuha?
Iya : Hindi ko po tiyak. Bukas pa malalaman kung ilang sako ang
makukuha.
Gene : Sige, dalhan mo ako ng sampung sako bilang paghahanda
sa sobrang taas ng LPG.
Iya : Pati rin po ba kayo ay gagamit na rin ng uling?
Gene : Wala tayong magagawa, patuloy kasi ang pagtaas ng LPG.
Kaya lang, nasisira ang ating kalikasan dahil sa pag-uuling.
Nauubos ang mga puno sa kagubatan.
2
Iya : Wala tayong magagawa. Iyan lamang ang paraan para
kumita ng pera. Nakararaos din kami sa pang-araw-araw
na pangangailangan sa malinis na paraan.
Gene : Ngunit...paano ang ating kalikasan?
Iya : Naisip ko na po iyon. Nasisira nga po ang ating kalikasan.
Kaya naggugulayan na po ako. Huli ko na pong pag-uuling
ito.
Gene : Salamat naman kung ganoon. Sana, Iya magtanim ka na
ng puno sa bahaging iyong kinaingin.
Iya : Opo, Ka Gene. Nagtanim na nga po ako ng niyog at atis
doon sa aking kaingin.

3
Alamin Natin Halina’t sasamahan
ko kayo, nang inyong
madama kagandahan
ng kagubatang ito.

A. Magtungo Tayo sa Gubat

Halina sa kagubatan
nang ating malaman
mga bagay na wala rito
sa kapatagan
Sige na, nang makita
ang mga puno, ibon,
at hayop na doo’y
naninirahan.

Salamat, makikita
ko na rin ang mga
unggoy na kamag-
anak nitong aking
alaga.

4
B. Ang Kagubatan Natin

Ang gubat ay isang


Halina! Tayo ay malawak at pabagu-
pupunta sa gubat. bagong komunidad.
Kukuha tayo ng pulot, Binubuo ito ng iba’t-
kahoy, pagkain, ibang uri ng halaman at
halamang-gamot at hayop na umaasa sa
Iba ang pakiramdam kabuti. Mainam ding
kapag nasa gubat. isa’t-isa sa maraming
magpiknik doon. paraan. Ang iba pang
Bakit nga kaya? Lalanghapin natin ang bumubuo ng kagubatan
sariwang hangin. ay mga lupa, tubig at
Doon makikita ang ang mga mineral sa
malinis na tubig, ang ilalim ng lupa.
Ang lahat ay
naggagandahang
magkakaugnay at
mga bulaklak at iba’t
walang nasasayang
ibang puno. Makikinig
sa gubat. May
din tayo sa huni ng
perpektong
mga ibon.
“ecosystem” ang
kagubatan.
Alam ba ninyo na
ang kagubatan ang
nagsisilbing tirahan
ng libu-libong uri ng
kulisap, halaman at
mga hayop.

5
Tubig, Hangin at Enerhiya sa Kagubatan

6
Ang “Food Chain” sa Kagubatan

Ipinakikita ng “food chain” kung paano naisasalin o naililipat ang


enerhiya, buhat sa isang organismo patungo sa isa pang organismo.

7
Ang “Food Web” sa Kagubatan
Suriin ang “food web” sa larawan. Ipaliwanag kung paano nabubuo ang
“food web”.

Magkakarugtong na “food chain” ang “food web.” Nabubuo ito mula sa magkakaibang “food chain”.

8
Tandaan Natin

Nag-aalaga at
nagpapayaman ng
lupa
Pumipigil sa pag- Nagsisilbing
guho ng lupa at kamalig o tirahan
pagdaloy ng tubig ng iba’t-ibang
sa kapatagan uri ng nilikha.

Nagpapadalisay Kahalagahan
Pinagkukunan
ng tubig ng Kagubatan ng pagkain at
kagamitan

Binabalanse Nagdudulot ng aliw


ang klima dahil sa kanyang mga
puno at hayop

9
Mga yaman mula sa ating kagubatan

troso buhay-ilañg tulad ng baboy-


ramo at labuyo

rattan o uway mga bungang-kahoy


10
mineral mula sa halamang gamot orkidya
pagmimina

11
Ano ang kalagayan ng kagubatan sa mundo?

Heto ang pandaigdigang mapa ng kagubatan.

Noon, halos walumpung porsiyento (80%) ng kalupaan ay sakop ng mga gubat. Subalit ngayon ito
ay tatlumpu’t anim na porsiyento (36%) na lamang. Ito’y patuloy na lumiliit bawat taon dahil sa
pangangailangan ng mga tao. Napuputol ang mga troso dahil sa pangangailangan ng mga industriya.
Kinakaingin ang kagubatan para sa agrikultura at pangangailangan sa tahanan.
12
Orihinal at kasalukuyang sukat ng kagubatan sa bawat bansa.

5000
4500 Orihinal na sukat (libong km. kuadrado)
4000
3500 Kasalukuyang sukat (libong km. kuadrado)
3000 Source: Asia Pacific Cultural Center
2500 for UNESCO (ACCU), 2000
2000
1500
1000
500
Cambodia

Papua New Guinea


Pakistan

Thailand
Philippines

Vietnam
Bangladesh

Sri Lanka
Myanmar
Mongolia

Nepal
Indonesia
China

Malaysia
Bhutan

Iran
India

Laos

13
Paano mo mapananatiling masigla at malusog ang ating
kagubatan?

Iwasan ang walang humpay na pagtrotroso Magtanim ng mga punong-kahoy

Alagaan ang mga itinanim na puno Maayos na gamitin ang makabagong


teknolohiya sa pagtatanim
14
Maging paksa ng mga panayam ang pangangalaga sa kagubatan

Magtanim ng mga puno ng prutas


gaya ng atis, dalandan, langka, Sundin ang batas tungkol sa pagtrotroso
lansones, rambutan at iba pa.
15
Basahin Natin

Kalikasan Ay Kayamanan
Sadyang napakapalad ng ating buhay
Maraming biyayang bigay ang Maykapal
Lupa, tubig, hangin at kagubatan
Ang lahat ng mga ito’y dapat pangalagaan.

Ang kagubatan ay s’yang ating inaasahan


Na magbigay ng pagkain at pangangailangan
Subalit kapag ekosistem ay di alagaan
Masisira, mawawasak buong kalikasan.

Masamang epekto dala nito sa ating pamumuhay


Pati na rin ibang bagay na mayroong buhay
Pagkasira ng ekosistem kahirapan ang taglay
Kaya kalikasan ay paunlarin tungo sa tagumpay.

16
Alam Mo Ba?

1. Basahin ang bawat pangungusap. Ipaliwanag ang bawat


pangungusap batay sa pagkasira ng kagubatan.
a. Mga halaman at hayop ay mawawalan ng pagkain at tirahan.
b. Dahil sa pagkawala ng mga puno, ang lupa ay sasama sa baha.
c. Hindi na mapigilan ng mga kalbong bundok ang biglaang
pagbuhos ng ulan na nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig.
d. Ang pagkaubos ng kagubatan ang nagiging sanhi ng
pagtaas ng temperatura o pag-init ng klima sa buong mundo
e. Ang pagkawala ng ugat ng puno na kumakapit sa lupa sa
kagubatan ang sanhi ng pagkaanod ng lupa sa ilog.

2. Anu-ano ang mga dapat tandaan upang mapanatiling maganda


ang ating kagubatan?

17
3. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
ekosistem.

18
4. Ano ang gagawin mo sa ganitong mga sitwasyon?

a. Naibalita na malakas ang bagyong Lilang, signal #3. Ano ang


iyong gagawin sa mga saging na nasa inyong bakuran?

b. Halimbawa, nakakita ka ng bahay pukyutan. Ano ang gagawin


mo upang makuha mo ang pulot?

5. Magbigay ng pahayag para maipaliwanag ang paksa ng modyul:

“Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo”

19

You might also like