Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Sanaysay
Sanaysay
Annabel Vasquez
Maraming bagay na tayong nagagawa sa mas madali at mas mabilis na paraan, gaya na
lamang ng sa mga elektrisidad at mga kagamita ng de-makina, mas napapadali ang gawain ng
mga tao at hindi na kailangan pa ng mano-manong lakas sa pagtatrabaho mas mabilis at mas
marami ng natatapos na Gawain sa loob lamang ng maikling panahon. Gayon din sa sistema ng
transportasyon, kung dati ay umaasa lamang tayo sa mga alagang hayop at mga bangkang
panlayag upang makarating sa pupuntahan, ngayon ay marami na tayong mga makabagong
sasakyang panlupa, pangkaragatan at panghimpapawid na ginagamitan lamang ng lagis at
mabilis na tayong makakapag-lakbay sa kahit saang sulok man ng daigdig. Mas mabilis narin
ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ngayon, noon ay sa pamamagitan lamang ng mga sulat
na umaabot pa ng ilang araw o lingo bago pa matanggap ang mensaheng nais ipaabot, ngayon ay
pipindot kana lamang sa mga makabagong kagamitan katulad ng computer at cellphone ay
maaari mo nang maiparating ang iyong mensahe sa nais mong padalhan nito sa loob lamang ng
ilang segundo. Maaari mo na ring tawagan at makausap ang isang tao kahit pa milya-milya ang
layo nito sayo. Malaking tulong rin ang mga kagamitang ito sa pag-aaral at pagtutuklas ng mga
impormasyong nais mong malaman gamit ang internet, mas mabilis nang nagagawa at
natututunan ng mga mag-aaral ang kanilang mga Gawain sa paaralan. Sapamamagitan din nito
ay nakakasabay ang mga kabataang mag-aaral sa pandaig-digang kalidad ng edukasyon.
Subalit ang mga makabagong teknolohiyang ito na malaki ang naiambag sa ating
mabilisang pag-unlad ay mayroon din masamang naidudulot sa ating komunidad lalo na sa ating
mga kabataan. Nagiging pala-asa at nawawalan na ng tiyaga ang mga tao na gamitin ang mga
sariling kakayahan kahit pa sa mga simpleng Gawain na lamang. Ang ibang mga kabataan na sa
halip nagamitin sa pagkatuto ang mga makabagong teknolohiya ay naaadik sa kung ano-anong
mga laro sa computer at iba pang mga gadgets, gayon din sa paggamit ng mga social media na
nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang atensyon upang matutukan ang kanilang pagaaral, at
kung minsan ay humahantong sa pagkasira ng kanilng kinabuksan.
Hindi nga masama ang pag-unlad, subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating
gamitin ito ng wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya at
sa halip ay gamitin natin ito sa tamang pagpapalawak, pagpapayabong ng mga kaalaman patungo
sa mapayapang pag-unlad ng bawat isa at ng buong mundo.
SanaysayTungkolSaWikangMapagba
go
Ash
Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating
mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrument para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay
sa magandang ugnayan. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas at matatag na
Pilipino ang ating sariling wika ay regaling dapat pakaingatan para narin sa mga susunod
pang mga henerasyon. Ugaliin itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo makarating.
Laging pakatandaan naang wika ang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino. Ano ba ang
napapansin mo sa ating sariling wika? Marami na bang mga nagbago? Ano bang
naidudulot sayo ng ating wikang Filipino? Ang pagbabago ay kalian man hindi natin
maiiwasan bagkus gamitin ito ng tama namagdudulot ng positibong resulta.
Laging ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay at huwag itong
abusin. Dahilan narin ng mabilis na paglipas ng panahon maraming mga pagbabagong
naganap sa wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango
sa wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto upang maging maunlad ang
isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan. Gamitin itong wasto at
tama at mahalin para narin sa bawat isa sa ating mga Pilipino.
ANG WIKANG FILIPINO SA
MAKABAGONG PANAHON
Floriefe M.Gaytano
Ang wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga
ninuno.Ito ang nagsisilbing instrument para sa pambansang pagkaunawaan at tulay sa
magandang ugnayan.
Bilang isang mamamayan ng bansang pilipinas at matatag na Pilipino ang ating sariling
wika ay regalong dapat pakaingatan para na rin sa mga susunod pang henerasyon. Ugaliin itong
gamitin at ipagmalaki saan man tayo makarating laging pakatandaan na ang wika ang
sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.ano ba ang napapansin mo sa ating wika? Marami na bang
nagbago? Ano ba ang naidudulot sayo n gating wikang Filipino? Sng pagbabago ay kailianman
hindi natin maiiwasan bagkus gamitin ito ng tama na nagdudulot ng positibong
resulta.Mapapansin natin sa ating kapaligiran na bawat araw ay napakaraming mga pagbabagong
nagaganaap maging sa ating mga sarili merong mga pagbabagong nangyari. Ang pagbabago ay
hindi masamang bagay marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang resulta pero kadalasan
naman ay maganda ang kinalalabasan.
Noon, Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga Pinoy sa pulitika.
Ngayon, Halos lahat ng pulitiko ay kinaiiritahan at kinaiinisan ng mga Pinoy. Noon, Malaki ang
pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar. Ngayon, Itinuturing nang maraming Pinoy na
notoryus ang Pulis at militar at tipong ‘di kaligtas sa kanila dahil sa iba’t-ibang kontrobersiyang
kanilang kinasasangkutan. Noon, Isang sagrado at pinahahalagahan ng husto ang privacy ng mga
tao.Ngayon, Halos lahat nang mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos,
galaw at lugar napupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal. Noon,
Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat na prutas dahil sa kamahalan ng
halaganito. Ngayon, Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas marami pa rin
naman ang hindi makakain nito dahil sa kawalan ng pera. Noon, Library at hard to find
encyclopaedia ang sources ng research at term papers. Ngayon, Google, Wikipedia at iba pang
search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman.
Noon, Napakamahal at aabutin ng mahabang panahon bago ka magka-telepono. Simbolo rin ito
noon ng karangyaan. Ngayon, Minuto lang ang iyong kailangan para ikaw’y magkatelepono at
ito ay samurang halaga. Noon, Pilit na ikinukubli nang kalalakihan ang kanilang pagkabading.
Ngayon, As early as 10 years old ay lantarang ipinapakita na ang kabadingan. Noon, Proud ang
bawat Pilipino salikas at taglay na kulay kayumanggi. Ngayon, Marami sa mga Pilipino ay nais
pumuti kaya malakas ang benta ng Glutathione kahit ito’y mahal. Noon, Halos bawat kanto ay
may pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa. Ngayon, Halos wala ka nang nakikita o
naririnig napabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa. Noon, Napakahalaga ng buhay at
isusugal at isasakripisyo ng ina ang mismong sarili niyang buhay para lamang sa anak. Ngayon,
Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang marami sanang ina dahil ayon sa pag-aaral
higit sa kalahating milyong sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon. Noon, Ang
anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain .Ngayon, Ang panlalait
ay isa nalang pangkaraniwang ugali ng marami at marami-rami narin na pinagkakakitaan ang
gawaing Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas. Ngayon. Ang Pilipinas ay
kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo. 🙁
Po at Opo ang tugon ko sa mga taong nakakausap ko wikang Pilipino. Isang kayaman
ang ating namana mula pa sa ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrument ng paggalang ng
mga Pilipino. Ugaliin itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo makarating. Laging
pakatandaan na ang salitang ito ang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.
Ang pagbabago dapat ay limitado sa ating sarili sapagkat hindi lahat ng pagbabago ay
nakabubuti. Dahil ang tunay na pagbabago ay hindi lamang para sa ikabubuti ng ating sarili
kundi para sa ikabubuti ng mas nakararami. Tandaan mo na sa Pilipinas ka hindi sa Amerika.
Pilipino ang kausap mo hindi Amerikano. Matanda ang nagtatanong sayo hindi bata o katulad
mo. Kayat nararapat lamang na Po at Opo ang itugon mo ang pambansang wikang Pilipino.
Pilipino kadin diba? Alam mo ba na tayong mga Pilipino lang ang may tagalay ng salitang ito
maikot mo man ang buong mundo. Ibat iba man ang mga dialekto nating mga Pilipino iisang
wika parin ang mayroon tayo, ang Wikang Filipino. Na kung saan ditto nagkakaintindihan ang
mamamayang Pilipino. Kayat gamitin itong wasto, ipagmalaki at isapuso. Po at Opo angWika
ko, Wikang Filipino.