Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

INTRODUKSYON

Ang pagbabago ng panahon ay ang pag-usbong din ng makabagong teknolohiya. At sa

pag-usbong nito ay marami rin itong nagiging epekto sa mga tao. Hindi maipagkakaila na malaki

ang naitutulong nito sa mga tao, napapadali ang lahat ng bagay; komunikasyon, pagkalap ng mga

impormasyon at napapalago nito ang ekonomiya ng isang bansa. Marami itong naibibigay na

benepisyo ngunit may mga suliranin din itong nabibigay. Maraming bagay ang pwedeng

maapektuhan nito at isa na sa mga iyon ay ang edukasyon.

Ang wikang Filipino ay kabilang sa mga nakapaloob sa edukasyon ng mga Pilipino,

mahalaga ito dahil ito ang pambansang wika ng pilipinas. Nakatutulong ito hindi lamang upang

magkaintindihan ang mga tao kundi upang magkaisa ang buong bansa. Ngunit sa pagkakaron ng

makabagong teknolohiya, malaki ang naging impak nito sa edukasyon, marami itong nagiging

epekto hindi lamang sa mga asignatura kundi pati na rin sa pag-aaral ng wika.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nabuo ng mga mag-aaral ng UST-SHS upang masiyasat na

makita ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino. Naglalayon ang

mga mananaliksik na malaman kung ano-ano ang nagiging epekto ng makabagong teknolohiya

sa pag-aaral ng wikang Filipino particular kung maganda ba ang nagiging epekto nito o ito ay

nagiging dahilan ng suliranin ng mga mag-aaral. Naglalayon din ang mga mananaliksik na sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito ay masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang nagiging epekto nito Ano ang mga epekto ng makabagong teknolohiya sa

edukasyon sa pilipinas?

2. Ano ang nagiging epekto nito sa mga estudyante?

3. Ano ang mga nagiging epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante ng wikang Filipino?

LAYUNIN

Ang wika ng isang bansa ay ang isa sa mga pinaka mahalagang bagay na masasabi na

nagmula sa sariling atin. Marapat na ito ay pahalagahan dahil ito ay isa lamang sa mga yaman ng

bansa na kahit kalian man ay hindi mapapalitan. Ang wika ang siyang nagbubuklod sa isang

bansa at ang maaari ding maging sanhi ng pagkakawatak-watak nito. Nakatutulong hindi lamang

sa mga mamayanan kundi sa bawat isa na nakapaloob sa nasasakupan nito. Malaki ang

pagbabagong naibibigay ng makabagong teknolohiya ngunit marapat pa rin na malaman kung

nakatutulong ba ito sa pag-aaral ng wikang Filipino o dinadagdagan lang nito ang mga dahilan

upang mapalayo sa mga Pilipino ang sarili nilang wika.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang layunin ng pananaliksik ay ang malaman kung ano nga ba ang nagiging mga epekto

nito sa edukasyon sa pilipinas at sa pag-aaral ng wikang Filipino. Layunin rin nitong iusbong ang

wikang Filipino upang makasabay ito sa pagbabago at pagtagal ng panahon. Ngunit sa pagkalap

ng mga impormasyon ay may mga limitasyon din na kailangan sundin, ang mga impormasyon ay

mula sa edukasyon lamang ng pilipinas hanggang sa pag-aaral ng wikang Filipino, hindi

nakapaloob ang ibang mga assignatura. Ang mga gagamiting impormasyon ay mula sa mga

survey na pinasagutan ng mga mananaliksik at pangtulong na impormasyon ay mangagaling sa

mga libro at internet na may mga kasamang sanggunian.

You might also like