MTB Mle

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DAET ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


MTB-MLE 2
SY 2019-2020

PANGALAN: ____________________ BAITANG: __________


PAARALAN: DAET ELEMENTARY SCHOOL ISKOR: _____________

PANUTO: Basahin ang tula at piliin ang titik ng wastong sagot.


Ang Bayan Ko
Bayan kong Pilipinas
Dito anko isinilang
Lumaki at nag-aaral
Upang maging magalang

Lolo, lola, tatay at nanay


Tito, tita, ate at kuya
Mga alagang hayop tulad ng aso at pusa
Dito rin sila nakatira

Ikaw, siya, tayo’t sila


Mga kaibigan talaga
Sa bayang Pilipinas
Nagmamahalan lahat sila

1. Ilan ang ritmo ng tula?


a. 7 b. 8 c. 9
2. Ilang taludtod meron ang isang saknong?
a. 3 b. 4 c. 5
3. Alin ang magkakatugmang salita sa unang saknong?
a. Pilipinas- nag-aaral b. isinilang-Pilipino c. isinilang-magalang
4. Alin sa tula ang tumutukoy sa hayop?
a. Baka at kambing b. aso’t pusa c. kuneho’t manok
5. Alin naman ang tumutukoy sa lugar?
a. Pilipinas b. Pilipino c. magalang?
6. Ang mga salitang lolo, kuya, tatay at tito ay tumutukoy sa kasarian ng
a. Pambabae b. panlalaki c. walang kasarian
7. Sa tulang binasa, ang mga salitang ikaw, siya, tayo’t sila ay mga
a. Pangngalan b. panghalip c. pang-uri

8. Sa bayang Pilipinas nagmamahalan lahat sila. Alin ang panghalip sa


pangungsap?
a. Lahat b. sa c. sila
9. Ang mga Pilipino ay magagalang. Alin ang simuno sa pangungusap?
a. Ang mga Pilipino b. ay magagalang c. Pilipino ay magagalang

10. Piliin ang magagalang na salita na angkop sa larawan

a. Magandang umaga po!


b. Walang anuman.
c. Pasensiya na, hindi ko sinasadya.

11. a. Magandang gabi po!


b. Aalis na po ako.
c. Salamat.

12. Ano ang wastong pang-uri sa larawan?


a. Matamis
b. Mapakla
c. Lima

13.Ang puno ay mataas. Ang salitang naglalarawan sa pangungusap ay


a. Puno b. mataas c. ang

14.Ano ang tambalang-salita na nararapat sa larawan?


a. Akyat-bahay
b. pusong mamon
c. balikbayan
15. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil may nakikita silang bahaghari pagkatapos
ng ulan. Alin ang tambalang salita sa pangungusap?
a. Tuwang-tuwa b. bahaghari c. pagkatapos ng ulan

16. a. Binibini- BB d. kagalang-galang- Kgg.


b. Ginang- Gng. e. kapitan- Kap.
c. Doktor- Dra. f. Heneral- Henn.
Alin ang di wastong pagdadaglat?
a. A, B, C b. D, E, F c. A, C, F
17. Sino ang sasama sa pagsisimba? Ang pangungusap ay nasa
a. Pasalaysay b. patanong c. padamdam
Basahin at piliin wastong sagot sa pangungusap .

Noong unang panahon, may isang masayang bundok. Marami itong mga
puno at mga nananahanang mga hayop. Pagkaraan ng maraming taon biglang
nabulabog ang kabundukan. Maraming tao sa kabundukan na nagpuputol ng mga
puno upang maging malawak na plantang pang-enerhiya ang itatayo rito.
Nagliparan at nag-alisan ang mga hayop sa bundok na ito. Simula noon naging
malungkot ang budok gayundin ang mga hayop.

18. Bakit masaya sa bundok noong unang panahon?


a. Dahil may mga puno at mga hayop na naninirahan dito
b. Dahil maraming tao ang nagpuputol ng mga puno
c. Dahil nag-alisan ang mga hayop sa kabundukan
19. Ano ang itatayo sa kabundukan?
a. Planta ng yelo
b. Planta ng enerhiya
c. Planta ng kabundukan
20. Ano sa palagay ninyo bakit nag-alisan ang mga hayop na naninirahan sa
kabundukan?
a. Baka sila patayin ng mga tao
b. Dahil wala ng matirahan ang mga hayop at wala ng makain sa
kabundukan
c. Dahil malungkot na ang bundok
21. Ano kaya ang wakas ng kwento?
a. Nakalbo na ang bundok at wala na rin ang mga hayop na naninirahan
dito
b. Magkakaroon nang maraming puno
c. Gaganda ang paligid dahil sa napakaraming mga puno rito
22. Ano ang pangunahing kaisipan ng kwento?
a. Magkaroon ng malasakit at pag-aalaga sa likas ng yaman
b. Magkaroon ng wastong paggamit ng likas na yaman
c. Parehong tama ang sagot sa A at B
23. Alin ang unang pangyayari sa kwento?
a. May isang masayang bundok at marami ang mga hayop na
naninirahan dito
b. Naging malungkot ang kabundukan at gayundin ang mga hayop
c. Naging isang malawak na planta ng enerhiya ang kabundukan
24. Malawak na planta ng enerhiya ang itinayo sa kabundukan. Aling salita ang
may klaster?
a. Enerhiya b. planta c. kabundukan
25. Ano ang maaaring maging bunga ng sanhing ito?
Kalbo na ang kabundukan at patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga maliliit
na puno. Kapag sumapit ang tag-ulan ito ay
a. Magbabaha at magkakaroon ng pagguho ng lupa
b. Maliligtas ang mga tao sa pagbaha at pagguho ng lupa
c. Gaganda at tutubo uli ang mga puno sa kabundukan
26. Ano ang mensahe sa atin ng kwento?
a. Maging masipag sa pagputol ng puno
b. Maging maalaga at magkaroon ng malasakit sa kalikasan
c. Maging mabait at maunawain sa kalikasan
27. Alin ang may wastong bantas sa pangungusap?
a. Saan ka sasama!
b. Ang bata ay masayahin ay malusog.
c. Aray ko po? Masakit ang tiyan ko?
28. Alin ang may di wastong baybay sa pangungusap?
a. Si Gabriel ay may sore eyes.
b. Masarap na panghimagas ang ice cream.
c. Ang komonidad ay maunlad.
29. Narinig nina Ben ang balita sa radyo na magkakaroon ng malakas na ulan at
maaaring bumaha. Pinalilikas ang mga tao na malapit sa mga ilog at sapa.
Ang bahay nina Ben ay malapit sa ilog. Ano ang gagawin nina Ben?
a. Hindi papansinin ang balita.
b. Magkukulong sa kwarto upang hindi mabasa ng ulan.
c. Maghahanda ng mga gamit at lilikas.
30. Naligo sa Bagasbas si Leo kasama ang kanyang mga kaibigan. Maya-maya
biglang nagsigawan ang mga tao. Ano kaya ang nangyari?
a. Nalunod siya
b. Nagsayawan sila
c. Nag-ehersisyo sila

Inihanda ni:

Leny P. Cagalpin T-III


Daet Elementary School

Noted by:

Melicia A. Ibasco
Principal IV

You might also like