Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANAHON

KATUTUBO KASTILA PROPAGANDA HIMAGSIKAN


ESTADO NG - mayroong - nagkaroon ng - nagsipunta - Nagkaroon
PAMUMUHAY sibilisasyon o bahay at mga ang mga nasa ng rebolusyon
kabihasnan kasangkapan bukid sa - Naging
- walang - nagkaroon ng lungsod limitado ang
panatilihang mga kapistahan upang galaw ng mga
tahanan - nagkaroon ng magtrabaho tao
- Simple at libangan tulad ng sa pabrika - nagkaroon
matiwasay sabong, karera - nagkaroon ng pahayagan
- nagkakaisa/ ng kabayo at ng - naging
nagtutulungan teatro hanapbuhay magulo ang
ang mga tao - nagkaroon ng na pandaigdig pamumuhay
- sumasamba relihiyong ng mga tao.
sa Anito Katoliko
-nagkaroon ng
binyag
TEMA O - libangan - - makabayan - humihingi
PAKSA NG - paniniwala pananampalatay - panrelihiyon ng pagbabago
AKDA O - imahinasyon a - humihingi o reporma
PANITIKAN - pilosopiya - kabutihang-asal ng pagbabago - makabayan
- rebolusyon o reporma - pagnanais
- pangwika - pag aasam ng kalayaan
ng kalayaan
MANUNULAT - Pedro - Francisco Lopez - Jose Rizal - Jose Rizal
Bukaneg - Padre Pedro de - Apolinario - Andres
San Mabini Bonifacio
Buenaventura - Andres - Pio
- Mateo Sanchez Bonifacio Valenzuela
- Padre Jose - Emilio - Emilio
Burgos Jacinto Jacinto
- Jose Rizal - Marcelo Del - Apolinario
- Herminigildo Pilar Mabini
Flores - Pio - Jose Palma
- Antonio Luna Valenzuela
- Padre Antonio - Pedro
de Borja Paterno
PANITIKAN - Bugtong - Kasabihan (Ang - Nobela (Noli - Pahayagan
(Dahong kaginhawaan ay Me Tangere) (La
pinagbungan, nasa kasiyahan - Sanaysay Solidaridad)
bungang at wala sa (Filipinos - Tula
pinagdahunan kasaganaan) Dentro de (Katapusang
– Pinya) - Salawikain Cien Años Hibik ng
- Alamat (Anak na di - Parodya Pilipinas)
(Alamat ng paluhain, (Dasalan at - Awit
Nogas, Island) magulang ang Tocsohan) (Liwayway)
- Epiko ( Biag patatangisin)
ni Lam-ang) - Awiting Bayan
(Atin Cu pung
Singsing)

PANAHON NG KATUTUBO
I. PAMAGAT. Biag ni Lam-ang Ni Pedro Bukaneg
II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Si Pedro Bukaneg ay isang bulag, naisulat ang epiko sa
pamamagitan ng pagsalaysay niya habang may sumusulat. Isinalaysay niya ito para
maipakita na kahit bulag siya ay may malawak siyang kaisipan.
III. URI NG PANITIKAN. Epiko
IV. BUOD.
Si Lam-ang ay anak nina Don Juan Panganiban at Namongan na nakatira sa
Nalbuan, La Union. Malapit ng ipanganak si Lam-ang nang magtungo si Don Juan sa
bundok upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot.
Namangha si Namongan nanng ipanganak na niya si Lam-ang. Ang bata ay
may kakatuwang laki at matunong nang magsalita. Siya na ang pumili sa pangalan
niya at pati na ang kanyang ninong. Siyam na buwan pa lamang si Lam-ang ay isa
nang ganap na binnata. Pinuntahan niya ang bundok na pinatunguhan ng kanyang
ama at nakita niya ang pugot na ulo nito na sinasaywan ng mga Igorot. Sa matinding
poot, pinatay ni Lam-ang ang mga Igorot.
Nagbalik siya sa Nalbuan at pinaliguan siya nga mga babae sa ilog Amburayan.
Sa kapal ng kanyang libag, nangamatay ang mga isda sa ilog. Niligawan ni Lam-ang si
Ines Cannoyan. Isinama niya sa pagligaw ang kaibigang manok na tandang at aso.
Naksalubong ni Lam-ang sa pagtungo sa Kinalutian si Sumarang na isang manliligaw
ni Ines. Nakaaway ito ni Lam-ang at sa paglalaban nila'y naihagis ito ni Lam-ang sa
ikapitong bundok. Sa tulong ng mga alagang tandang at aso, nakamit ni Lam-ang ang
pag -ibig ni Ines. Sa paglipas ng panahon, nautusan ni Lam-ang ng Apo ng bayan na
siyang humuli ng rarang, isang isdang hindi pangkaraniwan. Atubuli si Lam-ang
sapagkag napanaginipan niyang siya ay mapapatay ng berkakan sa kanyang paghuli
sa rarang. Ipinagtapat niya ito kay Ines.
Nakain si Lam-ang ng isang berkakan nang hinuli niya ang isdang rarang.
Ipinasisid ni Ines kay Marcos na maninisid ang mga buto ni Lam-ang ayon sa payo ng
alaga nitong hayop. Sa tulong ng alagang manok at aso, muling nabuhay si Lam-ang
at namuhay sila nang payapa at maligaya ni Ines.

V. LAYUNIN NG AKDA. Layunin ng may akda na ipakita ang pagiging malikhain ng


mga Pilipino pagdating sa anumang panitikan.
VI. PAKSA. Pilosopiya
VII. BISA. Iniidolo ang may akda nito dahil sadyang malikhain ang kanyang isip. Ang
epiko ay nakakamangha sapagkat ang mga pangyayari ay lubos na di kapani-
paniwala ngunit kawili-wili.
VIII. MENSAHE. Ang pagiging malakas at matapang, minsa’y nakakapahamak. Kahit
gaanu man kalakas kung lahat nilulusob nang walang pag iingat ay maaaring may
manyaring di inaasahan.
IX. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN.
Sa panahon ngayon ang pagiging bayani ay hindi lamang sa pagbubuwis ng buhay
kundi sa pagtulong sa kapwa ng buong puso at walang hinihinging kapalit. Ang
pagiging malakas at matapang, minsa’y nakakapahamak, kung di marunong mag-
ingat ay magsisisi sa huli, katulad lamang ng mga taong lumalabas sa bahay kahit
wala namang iportanteng gagawin kahit na naka-quarantine at may curfew na
ipinatupad ang gobyerno, sila ay malakas ngunit sa panahong dinapuan ng sakit ay
siyang magsisisi.

PANAHON NG KASTILA
I. PAMAGAT. La Loba Negra Ni Padre Jose Burgos
II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Ang nagtulak sa may akda na isulat ang nobela ay
dahil sa nakikita niyang maling pananaw, kahirapan, at karahasan.
III. URI NG PANITIKAN. Nobela
IV. BUOD.
The Governor General Bustamante who received an order from King Philip V of
Spain to organize and manage Philippine taxes. He refuses to kiss the hand of a friar
which become the start of the conflict and worsen by his strict governance and
following the king’s order which leads to his death. Maria (wife of Gov. Gen.
Bustamante) angrily talks to a priest about his pretentiousness being a man of God.
The Curate rape her daughter and killed their sons. After the death of her husband,
Maria resolved to avenge his death. Making herself the leader of a band of tulisanes or
bandits. From then, the Black She-wolf (La Loba Negra) become famous for killing
many priests. She strikes terror into the countryside, above all concentrating on the
assassination of various Friars responsible for her husband's death. However, the
reign of the black she-wolf ended and got killed. Her daughter, Dolores, succeeded her
steps.
V. LAYUNIN NG AKDA. Nais ni Padre Burgos na ipakita ang kultura ng mga Pilipino,
na mabait o mabuti sa kapwa gayundin at ang pagiging maka-bayan. Gusto niya ring
ipahiwatig na dapat maging malikhain at huwag hahayaan na mangibabaw ang galit
para maisakatuparan ang paghihiganti. Gayundin din ang mahalin ang mga
magulang at gawin ang desisyon na nararapat.
VI. PAKSA. Pangkagandahang-asal
VII. BISA. Ang La Loba Negra ay may nagpapabago ng damdamin. Kapag ito ay iyong
binabasa makakaramdam ka ng poot at hinanakit sa mga taong walang ginawa kundi
ang sundin lamang ang kanilang gusto ng walang iniisip na may nasasaktan o
nadadamay. Pagiging balisa sa mga mangyayari at pagkaawa sa mga taong nasaktan
ng walang dahilan, hinahanap ang kasiyahan sa ibang pamamaraan at nilalabanan
ang kalupitan.
VIII. MENSAHE. Bilang isa sa kilalang akda ni Padre Jose Burgos, ang mensahe ng
nobela ay dapat nating timbangin at pag isipang mabuti ang bawat kilos o gagawin
natin. Kung ito ba ay makakabuti sa atin o makakasama lamang. Ang paghihiganti ay
hindi isang tama para itama ang mali o solusyon. Bagkus mas lalo lamang itong
magbibigay ng hinanakit sa bawat tao.
IX. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN.
Kung titingnan natin ang pandemyang COVID-19, hindi ito isang natural na sakit.
Noong una itong kumalat, sinasabaing nanggaling sa hayop na paniki, pero ang
totoo’y isa itong human-made na virus upang maisakatuparan ng mga tao sa likod
nito ang kanilang balak na “silent war”. Isa itong La Loba Negra na pumapatay ng
walang kalaban-laban at nandadamay ng mga inosente makamit lang ang kanilang
gustong mangyari. Kung ang virus ay talagang nanggaling sa paniki, matagal ng
natapos ang problema ng bawat bansa sa sakit na ito.

PANAHON NG PROPAGANDA
I. PAMAGAT. Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ni Andres Bonifacio
II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Pagmamahal sa kinamulatang lupa ang nag udyok kay
Andres Bonifacio na isulat ang akda gayundin ang paghahangad niya ng kalayaan.
Pati na rin ang hinaing ng mga tao na kanyang naririnig sa panahon ng isulat niya
ito.
III. URI NG PANITIKAN. Tula
IV. LAYUNIN NG AKDA. Layunin ni Andres BOnifacio na himukin o hikayatin ang mga
Pilipino na maging Maka-bayan.
V. PAKSA. Makabayan
VI. BISA. Binabago ang paniniwala ng bawat tao ukol sa buhay, kaligiran at
pakikipag-kapwa.
VII. MENSAHE. Ang gustong ipabatid ni Andres Bonifacio dito ay hindi lamang naka
pokus sa konsepto ng pag- ibig ng magkakaibigan, magkasintahan, mag-asawa at
mag-anak, kundi ang walang katulad na pagmamahal sa bayan dahil katumbas nito
ang pambihirang pagsasakripisyo. Ang mensahe nito ay pagiging matapat,
makatarungan at dakila. Ang baying ating kinamulatan ay katulad ng isang
mapagkalingang ina na nagbibigay ginhawa at nagsasakripisyo para sa kanyang mga
anak. Ayon kay Bonifacio, kapag ang ina ay nasa panganib o dinugisan ang puri at
dangal, wala ng iba pang dapat gawin kundi ang maghimagsik, maibalik lamang ang
kaginhawaan nito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kanyang mga anak.
VIII. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN. Sa kasalukuyan,
mayroon tayong kinakaharap na pandemya dahil sa COVID-19, ibig sabihin ang
Pilipinas (ang ating inang bayan) ay nasa panganib, hindi sa pananalakay o
pananakop ng mga rebelde kundi dahil sa sakit na kumakalat bawat sulok ng bansa.
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay nagpapahiwatig na dapat tayong magkaisa para
sa ating inang bayan, magtulong-tulong katulad na lamang ng pagsunod sa ating
gobyerno (manatili sa bahay dahil malaki itong tulong) at sa mga eksperto na
magkaisa din, mayroon mang opurtunidad sa ibang bansa dapat muna nilang unahin
ang kanilang kinamulatang lupa para maibalik ang kapayapaan at maibalik sa dating
normal ang lahat.

PANAHON NG HIMAGSIKAN
I. PAMAGAT. Mi Ultimo Adios ( Huling Paalam) Ni Dr. Jose P. Rizal
II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Angnag-udyok kay Rizal na isulat ang Huling Paalam
ay ang kanyang pagmamahl sa kanyang maiiwan sa buhay at pag aalala sa
mangyayari sa kanya buhat ng naitakdang barilin siya. Bilang pagpapahiwatig ng
kanyang kapalaran at kagustuhan isinulat niya ang tula.
III. URI NG PANITIKAN. Tula
IV. PAKSA. Makabayan, Pilosopiya
V. LAYUNIN NG MAY AKDA. Sinulat ang tula upang ipahiwatig ang pamamaalan at
paghahabilin sa maiiwan. Hinihikayat ni Rizal na anuman ang mangyari kung siya ay
mamatay ay hayaan na lamang sapagkat ito ay kanyang ikinararangal na ialay ang
buhay para sa bayan kahit na may pananabik at pag-asang pananalig.
VI. BISA. Kung sino man ang makakabasa nito ay makakaramdam ng samu’t saring
damdamin. Mapapaisip ng mga bagay-bagay katulad ng huwag ipapa-alipin ang sarili
sa sinuman, siguraduhing ang buhay ay masaya kahit maraming problema at huwag
magtanim ng galit sa kapwa dahil kailanman man di maitatama ang mali ng isa pang
mali.
VII. MENSAHE. Ang akda ni Rizal na Huling Paalam ay nagbibigay mensahe na
maging makabayan, mahalin natin ang sariling atin, maging may alam sa paggawa ng
desisyon sa buhay na maipagmamalaki at maging masunurin sa pamilya natin. Gusto
niya ring iparating na may mga oras tayong pinagdadaanan na di natin kontrolado
ngunit atin itong malalampasan dahil walang impossible sa lahat at higit sa lahat,
inalay ni Rizal ang kanyang buhay sa bayan para sa ating kalayaan kaya gawin natin
itong makabuluhan.
VIII. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN. Sa kasalukuyan,
mayroon tayong kinakaharap na pandemya dahil sa COVID-19, mayroong namamatay
dahil sa sakit na ito at lubos na masakit sa mga maiiwan ng taong namatay dahil
hindi tulad ng dati na makakasama pa natin ito sa bahay at gawin ang tradisyon,
ngayon mismong pamilya ng namatay dahil sa sakit ay hindi makakalapit o di man
lang nila makita at mahawakan ang bangkay nito. Ito ang pinakamasakit sa maiiwan
ng namatay. Ang kaugnayan nito sa Huling Paalam ni Rizal ay dapat nating ibuhos
ang ating pagmamahal sa mga mahal natin sa buhay dahil di natin alam kung
hanggang saan at kailan magtatapos ang hiram nating buhay.

You might also like