Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

zDON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

South La Union Campus


COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

ARALIN 3: Nanaginip ang Hari (saknong 28–45)

Mahahalagang Kaalaman:
Malaki ang bahagi ng mamamayansa isinusulong na realidad ng lipunan. Ang sama-samang paggawa ng
paraan upang makatulong ay nakababawas ng anumang pag-aalinlangan, suliranin, o pighati sa buhay.

Mahahalagang Katanungan:
Paano nakikiisa ang tao, malakas man o mahina sa pagsulong ng isang tahimik na lipunan? Hanggang
kailan dapat sagipin o tulungan ang isang tao?

Mahahalagang Pangkatauhan:
Anumang suliranin o pighati sa buhay ay magiging magaan kung sama-samang magtutulungan.

28Ang kanilang kaharian 34 Sa laki ng kalumbayan 40 “Sakit mo po, haring mahal


ay lalo pang nagtumibay, di na siya napahimlay, ay bunga ng panagimpan,
walang gulong dumadalaw, nalimbag sa gunamgunam mabigat man at maselan
umunlad ang kabuhayan. ang buong napanagimpan. may mabisang kagamutan.

29 Kasayaha’y walang oras 35 Mula noo’y nahapis na 41 “May isang ibong maganda
sa palasyo’y may halakhak, kumain man ay ano pa! ang pangalan ay Adarna,
ibong laya’t walang hirap, luha at buntong-hininga pag narinig mong kumanta
ang lahat na ay pangarap. ang aliw sa pag-iisa. sa sakit ay giginhawa.”

30 Ngunit itong ating buhay 36Dahil dito’y nangayayat 42 “Ibong ito’y tumatahan
talinghagang di malaman, naging parang buto’t balat, sa Tabor na kabundukan,
matulog ka nang mahusay naratay na’t nababakas kahoy na hinahapuna’y
magigising nang may lumbay. ang dating ng huling oras. Piedras Platas na makinang.”

31Ganito ang napagsapit 37 Nagpatawag ng mediko 43 “Kung araw ay wala roo’t


ng haring kaibig-ibig, yaong marunong sa reyno, sa malayong mga burol,
nang siya ay managinip di nahulaan kung ano kasama ng ibang ibong
isang gabing naidlip. ang sakit ni Don Fernando. nangagpapawi ng gutom.”

32 Diumano’y si Don Juang 38 Kaya ba ang mga anak 44 “Gabi nang katahimika’t
bunso niyang minamahal katulad ang reynang liyag, payapa sa kabundukan,
ay nililo at pinatay dalamhati’y di masukat kung umuwi at humimlay
ng dalawang tampalasan. araw-gabi’y may bagabag. sa kahoy na kanyang bahay.”

33 Nang patay na’y inihulog 39 Sa kalooban ng Diyos 45 “Kaya, mahal na Monarka


sa balong hindi matarok, may nakuhang manggagamot iyan po ang ipakuha’t,
ang hari sa kanyang tulog ito nga ang nakatalos gagaling na walang sala
nagising na nalulunos. sa sakit ng Haring bantog. ang sakit mong dinadala.”

BUOD:
Maunlad ang kabuhayan sa kaharian ng Berbanya. Walang gulo. Lubhang masaya ang nagsisipaglingkod sa
kaharian sapagkat mabuti ang mag-asawa. ng hari ay sanhi ng kanyang napanaginipan at ang tanging lunas ay ang
Ibong Adarna.Ngunit ang lahat ay nalungkot nang ang hari ay biglang magkaroon ng karamdaman. Napanaginipan
daw niya ang bunsong anak na pinatay at inihulog sa balon. Nagpatawag sila ng pinakamagaling na mediko sa
kaharian pero hindi rin nila nalaman ang sanhi ng karamdaman. Hanggang sa sila ay may makuhang isang
manggagamot at siya ang nakapagsabi na ang sakit
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

ARALIN 3: Nanaginip ang Hari

Malaki ang maitutulong ng isang kabataan para sa katahimikan ng bansa.


Una – Siya ang dapat maging modelo o huwaran sa kanilang pamayanan o komunidad. Ipakita niya ang nararapat
gawin.
Ikalawa – Makilahok sa kampanya o programa ng kanilang pamayanan at pamahalaan.
Ikatlo – Mag-anyaya ng mga kabataan sa pakikilahok sa nasabing programa.
Ikaapat – Anumang insidente na taliwas sa kagandahang-asal na makikita lalo na sa lugar ng pinangyarihan ay
dapat na ireport agad sa kinauukulan.

Nang magkasakit si Haring Fernando, ang mga mamamayan ng kaharian ay nagulantang at nagkagulo sa
loob ng palasyo. Hindi nila alam kung paano makatutulong sa hari nila na nagdadalamhati at malubha ang sakit.

Kung bibigyan natin ng malalim na pakahulugan, si Haring Fernando ay kumakatawan sa Pilipinas na


naghihi-ngalo dahil sa napakaraming problemang kinakaharap nito. Ang mga mamamayan ay sumasagisag naman
sa mga Pilipinong nagmamahal, nagmamalasakit, at nahahandang ipagtanggol ang bansa. Iyan ang ilan lamang sa
mga pagliling-kod na maaaring gawin ng isang Pilipino kapag nahaharap sa mga problema ang bansang
sinilangan. Ang isang taong nagmamalasakit sa bansa ay hindi inuuna ang sarili. Inilalayo niya ang bansa sa tiyak
na kapahamakan. Kapag may gustong sumakop dito, tiyak, dadanak ng dugo. Ang lahat ay gagawin at hindi
susuko mabawi lamang ang bansa. Bakit
ginagawa ito ng mamamayan? Sapagkat nakikita nila na itinataguyod at pinangangalagaan ng bansa ang kanilang
karapatan at pinahahalagahan ang kalusugan ng bawat isa. Ang nagiging pakiramdam mo tuloy ay talagang
mamahalin, pagmamalasakitan, at ipagtatanggol mo ang bansa.

Ikaw, tunay ka bang Pilipino na nagmamahal sa iyong bansa? Ano ang gagawin mo para mapaunlad ang
bansa at ilayo ito sa kapahamakan?

Natapos na ang halalan noong Mayo 10, 2010. Ang karahasan at masaker sa Maguindanao na kung saan
ang limampu’t pitong katao ay namatay ay hindi biro. Ito ay patunay lamang na nawawala na ang takot sa
Manlilikha, nawa-wala na ang pagpapahalaga sa buhay ng tao, at ang paggalang sa karapatang pantao. Dahil dito,
marami na ang takot na tumulong at nakiisa upang mailigtas at malayo sa kapahamakan ang bansa.

PAGSASANAY:
Buuin ang mga pangungusap sa ibaba ng mga kaisipang ipinahayag sa mga saknong.
1. Ang kaharian ni Haring Fernando ay matatag, walang gulong dumadalaw kaya________________________________.
2. Ang buhay ay lubhang mahiwaga sapagkat _____________________________________________________.
3. Ang nangyari kay Don Juan ay nakita ni Haring Fernando sa kanyang ___________________________________.
4. Naging parang buto’t balat at nangangayayat si Haring Fernando dahil _____________________________________.
5. Mapalad na may nakuhang manggagamot ang mga tauhan ni Haring Fernando kaya nabatid na siya ay may _______
____________________________________.
6. Ang sakit ng hari ay bunga ng ____________________________.
7. Kapag narinig na kumanta ang Ibong Adarna ang sakit ay ________________.
8. Ang ibon ay tumatahan sa ________________________.
9. Ang oras ng pag-uwi ng ibon ay sa gabi kapag ang lahat ay_________________.
10. Kapag nakuha ang ibon, ang hari ay tiyak na _____________________.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

ARALIN 4: Naglakbay Si Don Pedro

LAYUNIN:
A. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita sa teksto
B. Natatalakay kung paano maaaring mapaglabanan ang kabiguan at kawalang pag-asa

Mahalagang Kaalaman:
Ang pakikipaglaban sa kabiguan at kasiphayuan sa buhay ay sumusukat sa katatagan ng isang tao.

Mahalagang Katanungan: Paano maaaring maibalik ang pagasang nawala na?

Halagahang Pangkatauhan:
Huwag magpatalo sa kabiguan sa buhay, sa halip; kumilos upang pag-asa ay marating.

(saknong 46–80)

46Nang sa Haring mapakinggan 55 Magaganda’t kumikinang 64 Ngunit kahit anong lungkot 73 Sinimulan ang pagkanta
ang hatol na kagamutan, diyamante yaong kabagay, inaaliw rin ang loob awit ay kaaya-aya,
kapagdaka’y inutusan ‘pag hinahagkan ng araw sa kahoy siya ay nanubok, kabundukang tahimik na
ang anak niyang panganay sa mata’y nakasisilaw. baka anya may matulog. ay natalik sa ligaya.

47 Si Don Pedro’y tumalima 56 Sa kanyang pagkabighani 65 Patuloy ang paglalayag 74 Liwanag sa punongkahoy
sa utos ng haring ama, sa sarili ay niyaring ng buwan sa alapaap, nag-aalimpuyong apoy,
iginayak kapagdaka doon na muna lumagi sa dahon ng Piedras Platas mawisikang daho’t usbong
kabayong sasakyan niya. nang ang pagod ay mapawi. ay lalong nagpapakintab. nangagbiting mga parol.

48 Yumao nang nasa hagap 57 Habang siya’y naglilibang 66Sinisipat bawat sanga 75 At lalo pang pinatamis
kabundukan ay matahak, biglang nasok sa isipang kaunting galaw, tingala na’t ang sa Adarnang pag-awit,
kahit siya mapahamak baka yaon na ang bahay baka hindi napupuna’y bawat kanta’y isang bihis
makuha lamang ang lunas. ng Adarnang kanyang pakay. nakadapo ang Adarna. ng balahibong marikit.

49 Mahigit na tatlong buwang 58 Takipsilim nang sumapit 67 Datapwat wala, walang ibong 76 Pitong kanta ang ginawa’t
binagtas ang kaparangan, sa itaas ay namasid, makita sa punongkahoy, pitong bihis na magara,
hirap ay di ano lamang daming ibong lumiligpit, kaluskos na umuugong natapos na tuwang-tuwa’t
sa haba na ng nalakbay. kawan-kawa’t umaawit. daho’t sangang umuugoy. ang langit pa’y tiningala.

50 Isang landas ang nakita 59 Bawat ibong dumaraa’y 68 Pagkabigo’t pagtataka’y 77 Ang lahat na’y di napansin
mataas na pasalunga, walang hindi tinatanaw, kapwa nagbibigay-dusa, ng Prinsipeng nagupiling,
inakyat nang buong sigla nais niya’y mahulaan hanggang pati ng pag-asa sa pagtulog na mahimbing
katawan man ay pata na. ang sa kahoy ay may bahay. sa sarili’y nawala na. patay wari ang kahambing.

51 Sa masamang kapalaran 60 Ngunit laking pagtataka 69 Natira sa pamamanglaw 78 Ugali nitong Adarna
hindi sukat na asahan ni Don Pedro sa napuna, at inip ng kalooban, matapos ang kanyang kanta,
nang sumapit sa ibabaw ang kahoy na pagkaganda yamang walang hinihintay Ang siya’y magbawas muna
kabayo niya ay namatay. sa mga ibo’y ulila. mamahinga ang mainam. bago matulog sa sanga.

52 Di ano ang gagawin pa’y 61 Walang isa mang dumapo 70 Magparaan ng magdamag 79 Sa masamang kapalaran
wala nang masasakyan siya, pagtapat ay lumalayo, sa umaga na lumakad, si Don Pedro’y napatakan,
dala-dalaha’y kinuha’t mano bagang marahuyong pagod kasi, kaya agad biglang naging batong-buhay
sa bundok ay naglakad na. sa sanga muna’y maglaro. nagulaylay nang panatag. sa punong kinasandalan.

53 Sa masamang kapalaran 62 May maghagis man ng tingin 71 Tila naman isang tukso’t 80 Wala na nga si Don Pedro’t
ang Prinsipe’y nakatagal, saglit lamang kung mag-aliw, kasawian ni Don Pedro, sa Tabor ay naging bato,
narating ding mahinusay sa lipad ay nagtutulin ang Adarnang may engkanto at sa di pagdating nito
ang Tabor na kabundukan. parang ayaw na mapansin. dumating nang di naino. ang Berbanya ay nagulo.

54 May namasdang punongkahoy 63 Latag na ang kadiliman, 72 Ibo’y marahang lumapag


mga sanga’y mayamungmong, ang langit kung masaya man, sa sanga ng Piedras Platas
sa nagtubong naroroo’y ang lungkot sa kabundukan balahibo’y pinangulag
bukod-tangi’y yaong dahon. kay Don Pedro’y pumapatay. nagbihis na ang magilas.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

ARALIN 4: Naglakbay Si Don Pedro

BUOD:
Tatlong buwang naglakbay ang panganay na anak na si Don Pedro upang hanapin ang lunas sa
karamdaman ng ama. Nang sumapit siya sa ibabaw ng kaparangan, ang kanyang kabayo ay namatay. Wala siyang
magawa kaya siya ay naglakad patungo sa bundok. Nang makakita ng punongkahoy, siya ay nagpahinga.
Pinagmamasdan niya ang lahat ng ibong lumilipad at nagtataka siya kung bakit wala ni isa mang ibong dumadapo
sa punong makikinang ang dahon. Sa wakas ay dumating din ang Ibong Adarna. Sinimulan na nito ang pag-awit.
Dahil sa ganda ng awitin, ang prinsipe ay nakatulog. Pagkatapos umawit ay nagbawas ang ibon. Hindi sinasadya
na siya ay napatakan ng dumi ng ibon kaya’t naging bato.
Isa na namang masamang balita ang inihayag kamakailan lamang at ito ay ang tangkang pagpapakamatay
ng ina kasama ang dalawang anak niya. Inuna niyang inihagis ang mga anak sa ilog at sa kasawiang-palad ang mga
bata ay namatay. Nang siya ay tumalon, pinalad na mailigtas ng isang lalaki. Nang siya ay tanungin kung bakit niya
ginawa iyon, dala raw ng kahirapan. Sa kuwento niya, namahay sa kanyang puso ang kawalan ng pag-asa at labis
na kabiguan. Inisip niya na upang hindi na maghirap ang pamilya ay magpakamatay na lamang. Naramdaman niya
na ang buhay ay mapanganib, masama, at ang mga tao ay manhid. Walang pakiramdam.

Paano maaaring mapaglabanan ang kabiguan at kawalang pag-asa?

1. Ang pangangailangan na maranasan sa tuwi-tuwina ang lakas ng Manlilikha sa pamamagitan ng pagdarasal.


2. Ang pangangailangan na paniwalaan ang tunay na kahulugan ng buhay at ito ay pambihirang aginaldo na dapat
pahalagahan at pagyamanin minu-minuto at sa oras na ito ay magawa, makikita ang kagandahan sa halip na
kapangitan at mapag-aruga sa halip na hindi mapag-aruga at biyaya sa halip na kamalasan.
3. Ang pangangailangan na magkaroon ng values, mga priyoridad, at komitment sa buhay na sumesentro sa
integridad, katarungan, at pagmamahal sapagkat ang mga ito ay magiging gabay niya sa pagiging
responsableng tao. Ito rin ang tutulong sa kanya upang magdesisyon nang tama.
4. Ang pangangailangan na mahalin ang sarili at ang kapwa.
5. Ang pangangailangang pataasin ang espiritwal na aspekto na gagamot sa masakit na sugat dulot ng
kalungkutan, kabiguan, kawalan ng pagpapatawad at hindi pagkilala sa sarili bilang mahalagang tao.

Ang lahat ng nabanggit ang magpapalalim ng pagtitiwala sa sarili, pagkakaroon ng pag-asa, kaligayahan, at
pagmamahal sa buhay.

Sanggunian: Peace Ideas No. 38

Sa aralin ay nakaramdam si Don Pedro ng kabiguan hanggang pati ang pag-asa ay mawala na sa kanya. Nangyari
ito nang mainip at hindi makita ang ibong hinihintay sa puno ng Piedras Platas. Napakadali niyang manghina
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA
ARALIN 5: Nakipagsapalaran Si Don Diego

LAYUNIN:
A. Natutukoy ang mga salitang hindi kasama sa pangkat ng mga salitang magkakasingkahulugan
B. Natatalakay ang mga kaparaanan kung paano makaiiwas sa mga tuksong dumarating sa buhay
C. Naibabalik-alaala ang naipangako sa sarili upang hindi na muling matukso kung dumatal man ito muli sa
buhay

Mahalagang Kaalaman: Nasusubok ang pagpipigil at disiplina sa sarili sa panahong ikaw ay nagigipit at naaapi.

Mahalagang Katanungan:bKailan mo masasabing kapag puno na ang salop ay kailangan mo na itong kalusin?

Halagahang Pangkatauhan : Kung gusto mong hangarin ay maisakatuparan, tukso ay iyong iwasan.
81 Si Don Diego’y inatasang 91 Sa tabi ng punong ito 101 Dumapo sa Piedras Platas,
hanapin ang naparawal, may napunang isang bato, mahinahong namayagpag,
ang Prinsipe’y di sumuway sa kristal nakikitalo’t hinusay ang nangungulang
at noon di’y nagpaalam. sa mata’y tumutukso. balahibong maririlag.

82 Baon sa puso at dibdib 92 Muli niyang pinagmalas 102 Prinsipeng napagmasdan


ay makita ang kapatid, ang puno ng Piedras Platas, ang sa ibong kagandahan
magsama sa madlang sakit ang lahat ay gintong wagas “Ikaw ngayo’y pasasaan
sa ngalan ng amang ibig. ‘naki’y may piedrerias. at di sa akin nang kamay.”

83 Hanapin ang kagamutang 93 Sa kanyang pagkaigaya 103 Nang makapamayagpag na


siyang lunas ng magulang, sa kahoy na anong ganda, itong ibong engkantada,
kahit na pamuhunan inabot ng ikalima’t sinimulan na ang pagkantang
ng kanilang mga buhay. madlang ibo’y nagdaan na. lubhang kaliga-ligaya.

84 Parang, gubat, bundok, ilog 94 Sa gayong daming nagdaang 104 Sa lambing ng mga awit
tinahak nang walang takot, mga ibong kawan-kawan, ang prinsipeng nakikinig,
tinutunton ang bulaos walang dumapong isa man mga mata’y napapikit
ng Tabor na maalindog. sa kahoy na kumikinang. nakalimot sa daigdig.

85 Sa lakad na walang humpay 95 Kaya ba’t ang kanyang wika 105 Sa batong kinauupua’y
nang may mga limang buwan “Ano bang laking hiwaga, mahimbing na nagulaylay,
ang kabayong sinasakyan punong ganda’y di sapala! naengkanto ang kabagay,
ay nahapo at namatay. di makaakit sa madla! nagahis nang walang laban.

86 Sa ngayon ay kinipkip na 96 “Ganito kagandang kahoy 106 Sino kaya’ng di maidlip


ang lahat ng baon niya walang tumitirang ibon? sa gayong lambing ng tinig?
kabunduka’y sinalunga’t Hiwagang di ko manuoy, Ang malubha mang maysakit
nilakad na lang ng paa. sa aki’y lumilinggatong. gagaling sa kanyang awit.

87 Salungahing matatarik 97 “Sa kahoy na kaagapay 107 Pitong awit, bawat isa
inaakyat niyang pilit, mga ibon ay dumuklay, balahibo’y iniiba
ang landas man ay matinik punong ito’y siya lamang at may kani-kaniyang gandang
inaari ding malinis. tanging ayaw na dapuan! sa titingin ay gayuma.

88 Hindi niya nalalamang 98 “Dapwat anumang masapit 108 Matapos ang pagkokoplas
siya pala’y nakadatal, ako dito’y di aalis, ang Adarna ay nagbawas,
sa Tabor na sadyang pakay pipilitin kong mabatid si Don Diegong nasa tapat
rikit di ano lamang! ang himalang nalilingid.” inabot ng mga patak.

89 Noon niya napagmalas 99 Ano nga nang lumalim na 109 Katulad din ni Don Pedro
ang puno ng Piedras Platas, ang gabing kaaya-aya, siya’y biglang naging bato,
daho’t sanga’y kumikintab si Don Diego’y namahinga magkatabi at animo’y
ginto pati mga ugat. Sa batong doo’y nakita. mga puntod na may multo.

90 Biglang napagbulay-bulay 100 Sa upo’y di natagalan


ni Don Diegong namamaang, ang Prinsipeng naghihintay,
punong yaong pagkainam Ibong Adarna’y dumatal
Mula sa malayong bayan.
BUOD:
Katulad ng nakatatandang kapatid, si Don Diego ay naging isa ring bato. Napagutusan ito ng ama na hanapin ang
ibon bilang panlunas sa kanyang karamdaman. Hinalughog ang buong kagubatan, kaparangan, at kabundukan
kasama ang kanyang kabayo. Namatay ang kabayo dala ng labis na kapaguran. May nakita siyang isang puno na
ang mga dahon ay tulad ng mga batong hiyas. Nakita niya ritong namayagpag ang ibon, nagsimulang umawit at
nang makatapos ay nagbawas. Sa kasawiang-palad, napatakanang prinsipe at naging bato.

Si Don Diego ang kumakatawan sa maraming anak na may mabuting hangarin upang mailigtas ang ama sa
tiyak na kamatayan. Ngunit hindi naisagawa sapagkat siya ay naging bato dahil sa lambing at lamyos ng awitin ng
Ibong Adarna. Hindi niya napigil ang isang tukso na sumubok sa kanyang katatagan.

Tulad ng napakaraming kabataan, may mga mabubuting hangarin sila at pagnanais na makatapos ng
kanilang pag-aaral. Kaya nga lamang ay maraming tukso ang humaharang upang makapagpatuloy.

Ano ang dapat gawin upang makaiwas sa tukso?


1. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
2. Ilagay sa puso at isipan ang pangako sa sarili.
3. Isipin ang mga taong masasaktan.
4. Mahalagang may disiplina at kontrol sa sarili.
5. Hindi dapat maniwala sa mga taong hindi lubos na kilala.
6. Matutong magsabi ng ”hindi” kung hindi mo kaya.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA
ARALIN 6: Naglakbay si Don Juan
LAYUNIN:
A. Natutukoy ang salitang kasingkahulugan ng ilang piling salita sa teksto
B. Natatalakay kung paano nakikilala ang isang mabuting tao
C. Nakapagbabahagi ng karanasan ng ilang pagtulong na ginawa noong sila ay bata pa

Mahalagang Kaalaman: Ang pakikipagkapwa ay hindinasusukat sa dami ng taong tinutulungan, bagkus sa naging
positibong epekto nito sa iyong kapwa dahil sa tunay na pagtulong at kalinisan ng iyong puso.

Mahalagang Katanungan: Ano ang sukatan ng tunay napagkakawanggawa?

Halagahang Pangkatauhan: Gawing bahagi ng buhay ang pagtulong.


110 Nainip sa kahihintay 120 “Kaya po kung pipigilin 130 Hinihinging patnubayan
ang Berbanyang kaharian, itong hangad kong magaling, ang ulilang paglalakbay,
ama’y hindi mapalagay di ko kasalanang gawin hirap nawa’y matagalan
lumubha ang karamdaman. ang umalis nang palihim.” sa pag-ibig sa magulang

111 Ibig niyang ipahanap 121 Sa ganitong napakinggan 131 At makita ang kapatid
ngunit nag-aalapaap, hari’y biglang natigilan, na laon nang nangawaglit,
sa takot na mapahamak. na tiyak na magtatanan anuman ang napagsapit
ang prinsipeng si Don Juan. nawa’y ligtas sa panganib.
112 Saka hindi niya nais
ito’y malayo sa titig, 122 Kaya tinik man sa puso 132 Tuwing makaisang buwan
ikawalay nitong saglit ang hiling ng mutyang bunso, ng paglalakad sa parang,
libo niyang dusa’t sakit. ang ama’y di makakibo saka lang naiisipang
luha lamang ang tumulo. kanin ang isang tinapay.
113 Si Don Juan naman pala
naghihintay lang sa ama, 123 Si Don Jua’y lumuhod na 133 Gutom ay di alumana
ang puso ay nagdurusa sa haring may bagong dusa, lakas nama’y walang bawa,
sa nangyari sa dalawa. “bendisyon mo, aking ama walang hindi binabata
babaunin kong sandata.” mahuli lang ang Adarna.
114 Lalo niyang iniluha
ang lagay ng amang mutya, 124 Ang bendisyo’y iginawad 134 Apat na buwan nang ganap
kaya nga ba at nagkusa na ang luha’y nalalaglag, ang haba ng nalalakad,
Lumapit nang pakumbaba. gayundin ang inang liyag ang nakain na may apat
kalungkuta’y di masukat.” sa tinapay na tumigas.
115 “Ama ko’y iyong tulutan
ang bunso mo’y magpaalam, 125 Halos ayaw nang bitiwan 135 Sinapit ding maginhawa
ako ang hahanap naman ang anak na mawawalay, ang landas na pasalungat,
ng iyo pong kagamutan.” ang palasyo’y namanglaw si Don Jua’y lumuhod na’t
nang wala na si Don Juan. tumawag sa Birheng Maria.
116 Ngayon po’y tatlong taon na
di pa bumabalik sila, 126 Di gumamit ng kabayo 136 “Ako’y iyong kahabagan
labis ko pong alaala sa paglalakbay na ito, Birheng kalinis-linisan
ako ang hahanap naman tumalaga nang totoo nang akin ding matagalan
ang sakit mo’y lumubha pa.” sa hirap na matatamo. itong matarik na daan.”

117 “Bunsong anak kong Don Juan,” 127 Matibay ang paniwala 137 Nang sa Birhe’y makatawag
ang sagot ng haring mahal, di hamak magpakababa, ay sandaling namanatag
“kung ikaw pa’y mawawalay pag matapat ka sa nasa lubusang nagpasalamat
ay lalo kong kamatayan.” umaamo ang biyaya. sa Diyos, Haring mataas.

118 “Masaklap sa puso’t dibdib 128 Baon ay limang tinapay 138 Sa baong limang tinapay
iyang gayak mong pag-alis, siya kaya ay tatagal? ang natira’y isa na lang,
hininga ko’y mapapatid ngunit para kay Don Juan di rin niya gunamgunam
pag nawala ka sa titig.” gutom ay di kamatayan. na sa gutom ay mamatay.

119 “O, ama kong minamahal,” 129 Habang kanyang binabagtas 139 Landas na sasalungahin
muling samo ni Don Juan, ang parang na malalawak, inakyat nang walang lagim,
“sa puso ko nama’y subyang sa puso ay nakalimbag sa itaas nang dumating
makita kang nakaratay.” ang Birheng Inang marilag. katuwaa’y sapin-sapin.
140 Doo’y kanyang natagpuan 155 “Doo’y huwag kang titigil
isang matandang sugatan, 148 “Huwag maging di paggalang at sa ganda’y mahumaling,
sa hirap na tinataglay ano po ang inyong pakay? sapagkat ang mararating
lalambot ang pusong bakal. Ako po ay pagtapatan, ang buhay mo ay magmaliw.”
baka kayo’y matulungan.”
141 Ang matanda ay leproso 156 “Sa ibaba’y tumanaw ka
sugatan na’t parang lumpo, 149 “Kung gayon po ay salamat, may bahay na makikita;
halos gumapang sa damo’t hari na ngang maging dapat, ang naroong tao’y siyang
ang dito po’y aking hanap magtuturo sa Adarna.”
142 Anang matandang may dusa sa ama ko ay panlunas.”
“Maginoo, maawa ka, 157 “Itong limos mong tinapay
kung may baon kayong dala 150 “Ama ko po’y nakaratay dalhin mo na, O Don Juan,
ako po ay limusan na.” sa malubhang karamdaman, nang mabaon mo sa daan
Ibong Adarna nga lamang malayo ang paroroonan.”
143 “Parang habag na ng Diyos ang mabisang kagamutan.”
tulungan na ang may lunos, 158 Ang prinsipe’y di kumibo
Kung sa sakit ko’y matubos 151 “Bukod dito’y may isa pa, ngunit nasaktan ang puso;
ako nama’y maglilingkod.” ngayon po’y tatlong taon na, ang matanda’y hinuhulo
ang kapatid kong dalawa’y baka siya’y binibiro.
144 Sagot nitong si Don Juan: nawawala’t di makita.”
“Ako nga po ay may taglay, kung dumaing... Diyos ko! 159 Pagkakuwan ay nagbadya,
natirang isang tinapay “Maginoo, bakit po ba’t
na baon sa paglalakbay.” 152 Aba, naku, O Don Juan!” iya’y ibabalik mo pa
anang matandang nalumbay; gayong naibigay ko na?”
145 Sa lalagya’y dinukot na “malaki pang kahirapan
yaong tinapay na dala, ang iyong pagdaraanan.” 160 “Ugali ko pagkabata
iniabot nang masaya na magmalimos sa kawawa,
sa matandang nagdurusa. 153“Kaya ngayon ang bilin ko ang naipagkawanggawa
ay itanim sa puso mo, bawiin pa’y di magawa.”
146 Kaylaki ng katuwaan mag-ingat kang totoo
ng matanda kay Don Juan, at nang di ka maging bato.” 161 Pinipilit ding ibigay
halos ito’y kanyang hagkan ang limos niyang tinapay
sa ganda ng kalooban. 154 “Sa pook na natatanaw
sa pagtanggi ni Don Juan
ay may kahoy kang daratnan,
ang matanda ay nilisan.
147 Muli’t muling pasasalamat dikit ay di ano lamang
ang masayang binibigkas, kawili-wiling titigan.”
at sa nais makabayad
sa prinsipe’y nagpahayag.

BUOD:
Nainip ang hari sa hindi pagdating ng dalawang anak. Ibig niyang ipahanap kay Don Juan ang mga ito
ngunit siya ay nag-aalala na baka hindi rin makabalik ang kanyang bunso. Dahil sa kalagayan ng ama, nagkusa
nang magpaalam si Don Juan. Laban man sa kalooban, lumuha na lamang ang ama. Humingi ng bendisyon ang
anak sa ama. Umalis si Don Juan na hindi gumamit ng kabayo. Ang baon lamang niya ay limang tinapay. Sa
kanyang paglalakbay ay hindi niya nalilimutang magdasal. Nakarating siya sa kaparangan at dito ay nakilala niya
ang matandang leproso. Humingi ito ng tulong sa kanya at ibinigay niya ang isang natitirang tinapay. Itinanong ng
matanda kung bakit siya nakarating sa lugar na iyon at nabanggit niya ang tungkol sa kanyang dalawang kapatid.
Binalaan siya ng matanda na mag-ingat dahil baka siya maging bato. Ibinabalik ng matanda ang ibinigay na
tinapay pero ayaw itong tanggapin ni Don Juan sapagkat kapag naibigay na niya ay hindi na niya binabawi.
Sa panahon ngayon, mahirap makilala kung sino ang tunay at mabuting tao. Hindi lahat ng taong
tumutulong ay buo sa loob ang pagtulong. May tumutulong dahil gusting makilala at maging bida. Kung susuriin
mo ang mga commercials ng mga kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas, lahat sila ay nagnanais ng tumulong sa
mahihirap at maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan. Kung susuriin pa rin, kahit hindi ka Pangulo ng Pilipinas
o kung ano man ang posisyon mo sa pamahalaan, maaari kang tumulong.
Kahit mga bata ay maaaring tumulong sa pinakamaliliit na paraan. Hindi kailangang maging mayaman ka o
makapangyarihan upang tumulong. Ang mahalaga, tumutulong ka nang buong paggiliw sapagkat mahal mo ang
iyong kapwa.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

PANGALAN:___________________________ BAITANG: 7 PESTA: __________

ARALIN 4: NAGLAKBAY SI DON PEDRO

GAWAIN 1: Hanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig sa mga pangungusap sa hanay A.
Titik lamang ang isulat.

HANAY A HANAY B
____ 1. Mabilis na tumalima si Don Pedro sa iniutos ng ama na hanapin A. MARAMING DAHON
ang ibong magpapagaling sakanya. B. MAPAYAPA
____ 2. Iginayak ni Don Pedro ang kabayong sasakyan niya. C. NAKATULOG
____ 3. Narating nang mahinusay ni Don Pedro ang bundok ng Tabor. D. HUMIGA
____ 4. May isang bukod-tanging puno na ang mga sanga ay E. INIHANDA
mayamungmong subalit walang ibong dumadapo. F. SUMUNOD
____ 5. Nagulayl ay nang panatag si Don Pedro sa labis na pagod.

GAWAIN 2: Lagyan ng ekis ( X ) ang bilog na katapat ng pangungusap na hindi dapat kasali sa pangungusap.

1. A. Inutusan ng hari si Don Pedro na hanapin ang gamot na makapagpapagaling sa kanya.


B. Ayaw ni Don Pedrong sumunod sapagkat hindi niya alam kung saan iyon hahanapin.

2. A. Tinahak ni Don Pedro ang kabundukan pero siya ay sumuko kaagad.


B. Kahit mapahamak si Don Pedro ay hindi niya alintanang makuha lang ang gamot na kailangan ng ama.

3. A. Binagtas ni Don Pedro ang kaparangan nang dalawang buwan.


B. Kahit hirap na hirap si Don Pedro sa haba ng paglalakbay ay hindi niya pansin.

4. A. Nang makita ni Don Pedro ang mataas na lugar, inakyat niya ito nang masama ang loob.
B. Kahit pata ang katawan, sinikap ni Don Pedro na akyatin ang mataas na lugar.

5. A. Hindi inaasahan na namatay ang kabayo ni Don Pedro.


B. Pinalad si Don Pedro na makasakay sa isang kalabaw.

6. A. May nakita siyang punongkahoy pero walang kadahon-dahon.


B. Kapag ang mga dahon ay nasisinagan ng araw, tulad nito ay diyamanteng kumikinang.

7. A. Nagtataka si Don Pedro dahil ang napakagandang punongkahoy ay walang naliligaw kahit isang ibon.
B. May isang dumapong ibon subalit umalis kaagad.

8. A. Kahit nalulungkot si Don Pedro ay nakukuha pa rin niyang magsaya.


B. Sa kanyang kalungkutan, pinilit niyang manubok at baka may dumating na tao.

9. A. Dahil bigo sa kanyang inaasahan, tuluyan na siyang umalis.


B. Dahil bigo na hindi nakita ang ibon, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.

10 . A. Tiniis ni Don Pedro na huwag makatulog dahil alam niyang darating ang ibon.
B. Nang dumating ang ibon, nakatulog si Don Pedro
ARALIN 5: NAKIPAGSAPALARAN SI DON DIEGO

GAWAIN 3: Piliin ang salitang naiiba ang kahulugan sa bawat pangkat ng pangungusap.
__1. Si Don Diego ay inutusang hanapin ang kapatid at inisip ng ama na baka ito ay naparawal na.
( a. napahamak b. namasyal c. nadisgrasya )
__2. Pilit niyang tinutunton ang bulaos nang walang takot kahit mag-isa lang siya.
( a. landas b. daan c. lawa )
__3. Gaano man katataas ang bundok ay pilit na sinalunga ni Don Diego makarating lang sa puno ng
Piedras Platas.( a. sinalubong b. tinahak c. pinutol )
__4. Nang makita ni Don Diego ang isang puno na ang mga dahon at sanga ay nangingintab, siya ay
namaang kung bakit walang ibon ang humahapon dito.
( a. nagtaka b. namangha c. nagulantang )
__5. Akala ni Don Diego ay may piedrerias ang mga dahon ng puno ng Piedras Platas.
( a. batong buhay b. batong hiyas c. makikislap na bato )

GAWAIN 4:
1. Magbahagi ng karanasan ukol sa iyong hangarin sa buhay na naudlot dahil may tuksong hindi naiwasan.
2. Isulat kung pagkatapos mangyari iyon ay may naipangako sa sarili upang hindi na muling matukso tulad ni Don
Diego sa aralin.
3. Magkaroon ng sariling talaan kung paano makaiiwas sa tukso. Isulat ang mga kasagutan sa web organizer.

Hangarin Hindi maiwa- Naipangako


sang tukso sa sarili
Mag-aaral 1

Paraan Upang Makaiwas sa Tukso

ARALIN 4: NAGLAKBAY SI DON JUAN

GAWAIN 5: Piliin ang salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng mga salitang nasa kahon.

nag-aalinlangan 1. Ibig sanang ipahanap ni Haring Fernando ang dalawang prinsipe kay Don Juan kaya lang siya
ay nag-aalapaap na baka mapahamak ang bunso.
mabait 2. Lumapit nang pakumbaba si Don Juan sa amang hari at nakiusap na siya ay payagang
hanapin ang mga kapatid.
tinatalunton 3. Habang binabagtas ni Don Juan ang parang, naiisip niyang tumawag kay Birhen Maria.
iniisip 4. Hinuhulo ni Don Juan na baka binibiro lang siya ng matanda nang isinasauli ang ibinigay na
tinapay.
nagsabi 5. Hindi nakatiis si Don Juan at nagbadya na bakit kailangang ibalik ng leproso ang ibinigay na
tinapay.

GAWAIN 6: Isulat sa patlang ang K kung katotohanan ang isinasaad ng bawat pahayag at KK kung kuro-kuro o
opinyon ang isinasaad.
________ 1. Ang amang hari ay hindi mapalagay kaya lumubha ang karamdaman.
________ 2. Nag-aalala ang ama na utusan ang bunsong anak baka ito ay mapahamak.
________ 3. Mamamatay ang hari kapag wala sa paningin niya ang bunsong anak.
________ 4. Kapag umalis si Don Juan, ang buong kaharian ay malulungkot.
________ 5. Inihanda na ni Don Juan ang hirap na kanyang matatamo.
________ 6. Umaamo ang biyaya kung ang tao ay palabigay.
________ 7. Hiniling ni Don Juan na makaya niya ang paghihirap alang-alang sa pagmamahal sa magulang.
________ 8. Lahat ng biyayang tinatanggap dapat ay sa itaas ipagpasalamat.
________ 9. Ang isang bagay na ibinigay ay dapat may kapalit.
________ 10. Ugali ni Don Juan noong bata pa ay magbigay ng tulong sa mga nangangailangan
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Laboratory High School
Agoo, La Union
FILIPINO 7 : IBONG ADARNA

PANGALAN:___________________________ BAITANG: 7 PESTA: __________

ARALIN 4: NAGLAKBAY SI DON PEDRO

GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. 1. A B 6. A B
2. 2. A B 7. A B
3. 3. A B 8. A B
4. 4. A B 9. A B
5. 5. A B 10. A B

ARALIN 5: NAKIPAGSAPALARAN SI DON DIEGO

GAWAIN 3
1
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 4

Hangarin Hindi maiwasang Naipangako


tukso sa sarili
Mag-aaral 1

Paraan Upang Makaiwas sa Tukso

ARALIN 6: NAGLAKBAY SI DON JUAN

GAWAIN 5 GAWAIN 6
1. 1. 6.
2. 2. 7.
3. 3. 8.
4. 4. 9.
5. 5. 10.

You might also like