Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

NEOLOHISMO

SAWIKAAN at Wikang Pambansa

08/02/2010 / 4 MGA PUNA

Mainit na tinangkilik ng mga akademiko, estudyante, editor, manunulat, at iba pang may malasakit sa
wika ang nakaraang SAWIKAAN 2010 na ginanap noong nakaraang linggo sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman. May 250 kalahok mulang hilaga hanggang timog ng Filipinas ang nakiisa, at nagpalitan ng kuro-
kuro kung paano mapayayaman ang wikang Filipino. Ang Sawikaan ang isa sa mga tanyag na
pambansang kumperensiya na isinusulong ng Filipinas Institute of Translation Inc. (FIT) tuwing taon.

Nagwaging Salita ng Taon ang “jejemon” na ipinagtanggol ni Dr. Rolando Tolentino at pinili ng mga
hurado mula sa lupong binuo ng FIT. Napili sa ikalawang puwesto ang “ondoy” na ipinakilala ni Jayson
Petras at pumangatlo ang “korkor” ni Schedar Jocson at “tarpo” ni Jelson Capilos. Samantala’y
tumanggap ng People’s Choice Award ang “tarpo” mula sa buong kapulungan ng mga delegado.

Batay sa napagpasiyahan sa serye ng mga pulong ng FIT, ang Salita ng Taon ay “maaaring bagong likha;
bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika; luma ngunit may bagong kahulugan; at patay na
salitang muling binuhay.”

Ang mga panukalang salita ng taon ay dumaraan sa proseso ng pagpili mula sa kalipunan ng mga salitang
tinanggap ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT). Bawat salita ay inuusisa ang etimolohiya o
pinagmulan nito; ang mga tiyak na gamit nito sa pangungusap at bahagi ng pangungusap; at ang mga
pangangatwiran kung bakit dapat kilalanin yaon bilang salita ng taon.

Pagpapasiyahan ng Lupong Tagapagpaganap ng FIT kung aling salita ang karapat-dapat na tanghaling
nominado para sa Salita ng Taon.

Pagkaraan, ang napiling nominadong salita ay gagawan ng isang ganap na papel na magpapaliwanag
kung bakit dapat itampok iyong Salita ng Taon.

Ang mga isinumiteng papel hinggil sa Salita ng Taon ay susuriin ng mga editor at magbibigay sila ng mga
mungkahi kung paano mapahuhusay pang lalo ang nilalaman, balangkas, at talakay nito. Ang binagong
papel ang siya ngayong ihahain sa kapulungan ng mga delegado at pagpapasiyahang muli ng Lupong
Tagapagpaganap ng FIT.
Ang magwawaging Salita ng Taon ay ibinabatay sa “lawak ng pananaliksik, bigat ng mga patunay, at
linaw ng paglalahad at pangangatwiran.” Ang mga delegado sa kumperensiya ay binibigyan din ng
pagkakataon na pumili kung anong salita ang karapat-dapat magwagi, at dapat magkamit ng People’s
Choice Award.

Kabilang sa mga nominadong salita ang “load” nina Christine Marie Magpile at Geraldine Uy-Escolar;
“ampatuan” ni Vladimeir Gonzales; “emo” ni Anna Mariette Dy; “namumutbol” ni Joselito delos Reyes;
“ “spam,” ni Genaro Gojo Cruz; “solb” ni John Enrico Torralba; at “unli,” ni April Perez.

Mahalaga ang SAWIKAAN dahil ito ang nagsisilbing talyer ng wika sa buong kapuluan. Ang mga kalahok
ay malayang makapag-ambag ng mga mungkahi at puna kung paano ipakakahulugan ang mga salita; at
naisasaalang-alang kahit ang usaping pangkultura at kaligirang pinagmulan ng salita. Ang sinulat na
papel ng isang kalahok, halimbawa, ay maaaring dumaan sa masusing rebisyon, alinsunod sa mga
mungkahi ng tagapayo, editor, at buong kapulungan ng mga delegado.

Kabilang sa mga panauhing tagapanayam si Dr. Jaime Caro na ipinaliwanag ang impluwensiya ng
teknolohiya sa paghubog ng makabagong Filipino; at si Dr. Jesus Federico Hernandez, na nagpaliwanag
ng impluwensiya ng mga bakla sa paghubog ng makabagong Filipino.

Pinakamabigat ang tampok na panayam ni Dr. Zeus Salazar hinggil sa pagpapayaman ng wika, alinsunod
sa diskursong pangkasaysayan, at maaaring sumaklaw sa isang semestre sa kolehiyo. Inilugar niya ang
panghihiram ng salita ng Filipino sa mga wikang banyaga at paglikha ng neolohismo alinsunod sa aniya’y
“dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa kasaysayan ng bansa.” Namamayani ngayon ang Ingles
at Inglesero sa estado, ekonomiya, edukasyon, at kulturang poskolonyal sa loob ng lipunang Filipino. At
nagsimula ito nang magwagi ang pangkat ni Emilio Aguinaldo sa Kudeta sa Tejeros (1897) laban sa
Himagsikan ng 1896 ni Andres Bonifacio.

Nang mamayani ang Ingles, ani Salazar, ang mga institusyong pampolitika, pang-ekonomiya,
pangkultura, at iba pa ay isinalalay sa Ingles. Uminog sa Ingles ang mga transaksiyon at komunikasyon.
Maibibilang dito ang batasan, hukuman, edukasyon, agham, inhinyeriya, moda, musika, tanghalan,
kalakalan, at iba pa. Ginamit ang Ingles bilang midyum ng komunikasyon, at ito ang nagbukod sa mga
elitista at sa mga karaniwang mamamayan.

Lumubha pa aniya ang sitwasyon nang makipagpatintero ang mga Filipinong intelektuwal sa Estados
Unidos at iba pang bansang Anglophone sa pag-aakalang makikinabang sa magandang kabuhayang
ipinangangako ng mananakop. Ang ilang nangabigo ay nagkaroon ng nostalhiya sa Filipinas. Samantalang
ang ibang nagtagumpay makapasok sa akademya ng Estados Unidos at iba pang bansang Anglophone ay
nagpaulan ng batikos sa Filipinas, partikular sa mga “suliraning etnolingguwistiko” o dili kaya sa mga
wikang “inaaapi” umano ng Tagalog.

Ipinanukala ni Salazar na matatalakay ang panghihiram ng wika sa dalawang antas: una, sa


sosyolingguwistiko o panlipunang antas; at ikalawa, sa pang-lingguwistikang antas ng bilingguwalismo.
Walang hanggahan umano ang paglikha ng mga kataga [neolohismo]. Lipunan lamang ang nagtatakda ng
hanggahan batay sa mga taglay nitong “kaisipan hinggil sa seksuwalidad, moralidad, panlasa, a iba.”
Bagaman naitatakda ng diksiyonaryo ang hanggahan ng panghihiram, lalabagin at lalabagin umano ito
ng mga gumagamit ng wika sa pasulat man o pabigkas na pamamaraan.

Iminungkahi ni Salazar ang pagbubuo ng Akademya sa Wika, gaya ng Académie Française, na binubuo ng
mga tanyag na gumagamit ng wika sa iba’t ibang larang at aktibidad sa bansa. Mabubuo ng nasabing
akademya ang isang saligang diksiyonaryo at Ensiklopedyang Filipino sa sariling wika. Magpapakita
umano ito ng kabihasnang natamo ng Filipinas sa kasalukuyan, at sa maaaring makamit pa sa hinaharap.

Kabilang sa mga tumulong sa SAWIKAAN si Dr. Emerlinda R. Roman, pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas;
Dr. Sergio S. Cao, Tsanselor ng UP Diliman; Lirio Sandoval, pangulo ng Book Development Association of
the Philippines; Atty. Andrea Pasion-Flores ng National Book Development Board; Departamento ng
Edukasyon; Komisyon sa Wikang Filipino; Adarna House; at Nestle Philippines.

Ang SAWIKAAN ay itinaguyod ng Filipinas Institute of Translation, Inc., UP Sentro ng Wikang Filipino-
Diliman, Anvil Publishing, Inc., at Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman.

A neurolinguistic analysis of morphological deficits in a Finnish-Swedish bilingual


aphasic
M Laine, J Niemi, P Koivuselkä-Sallinen, E Ahlsen, J Hyönä
Clinical Linguistics & Phonetics 8 (3), 177-200

Christman S.S.
SE Louisiana Univ, Speech Language Hearing Program, PO Box 879, Univ Stn,
Hammond, LA 70402, USA

Buckingham, H. W., & Christman, S. S. (2013). Sublexical phonological processing and paraphasia: Recent
topics in the neurolinguistics of production in aphasia. In Neuropsychology and Philosophy of Mind in
Process: Essays in Honor of Jason W. Brown (pp. 114–133). De Gruyter.
https://doi.org/10.1515/9783110329438.114
ShoreB. M., BirleanC., WalkerC. L., RitchieK. C., LaBancaF., & AullsM. W. (2009). Inquiry Literacy: A Proposal for
a Neologism. LEARNing Landscapes, 3(1), 139-155. https://doi.org/10.36510/learnland.v3i1.322

1. Article

Charles Darwin and the Evolution of Human Grammatical Systems

Hugh W. Buckingham & Sarah S. Christman

Journal of the History of the Neurosciences, Volume 19, 2010 - Issue 2

Published Online: 03 May 2010

2.

Article

Abstruse neologism formation: parallel processing revisited

Sarah S. Christman

Clinical Linguistics & Phonetics, Volume 6, 1992 - Issue 1-2

Published Online: 30 Jul 2010

3.

Article

Uncovering phonological regularity in neologisms: Contributions of sonority theory

Sarah S. Christman

Clinical Linguistics & Phonetics, Volume 6, 1992 - Issue 3

Published Online: 09 Jul 2009

Sarah S. Christman (1992) Abstruse neologism formation: parallel processing revisited, Clinical


Linguistics & Phonetics, 6:1-2, 65-76, DOI: 10.3109/02699209208985519

REFERENCES

Barro, J. (2013). Sorry, haters: "derp" is a useful term, and it's here to stay. Business Insider. Retrieved

July 23, 2013, from http://www.businessinsider.com/sorry-haters-derp-isnt-going-away-2013-6

Becket, S. (2013). The origins of derp. Retrieved July 23, 2013, from

http://nymag.com/daily/intelligencer/2013/06/derp-meaning-origin.html
Brown, G., & Yule, G. (1989). Discourse analysis. Cambridge: Cambridge UP.Newmark, P. (1988). A

textbook of translation. UK: Prentice Hall International.

Chatzopoulos, C. (2008). OPTIMAL SMURFING IN ENGLISH AND GREEK . Retrieved July 23, 2013,

from Catherine Chatzopoulos personal website:

http://home.uchicago.edu/~cchatzop/Optimal%20Smurfing.pdf

Goddard, C. (1998). Semantic Analysis: A Pratical Introduction. New York: Oxford UP.

Smith, N. (2013, June 4). What is "derp"? the answer is technical. [web log post]. Retrieved July 23,

2013.

Suryawinata, L. (2001). The intended meaning of Smurf words in Smurf comic strips. Surabaya: Petra

Christian University.

You might also like