Professional Documents
Culture Documents
Roland P
Roland P
Roland P
Matapos ang mga bida ng klase, bago ang mga anak ng mga tagasungkit,
tagatapyas, tagatapa’t kargador ng niyog at kopra, ay tatawagin ako ng
aming guro sabay ng agarang pananahimik ng klase. (Anak ng attorney ay
hindi lumuwas ng Maynila. Sarap na sarap pang magkwento sa paghahapin
at pagpapalipad na pagpapagayo).
Hanggang sa matuto akong mag-Ingles sa mababang paaralang iyon, inisa-
isa ko ang rikit ng aming munting baryo, pilit na biningwit ang mga kaugalian
ng mga tao, at pinatingkad ang kakaibang kulay ng simpleng buhay namin.
Aywan ko kung bakit ang mga iyon ang aking kinahihiligang ilarawan.
Marahil, hindi naman kami talagang mayaman na palagiang
nakakapagbakasyon sa Maynila. Marahil, ang mga nakahiligan kong kalaro’t
kasama ay yong higit na matatanda kaysa sa akin.
GANOONG kabagutan din ang naningala sa dalawa kong anak nang minsan
kong tangkaing patulan ang kanilang katanungan; bakit nga raw ba natalo
ang aking ibinotong presedente.
Lumala pa ang tanong na ito nang magbuntis ang aming aso na gayon ding
nakita ng aming mga anak na nakipagdikitan sa may kanto. Ano mang
pagpapaliwanag, palusot man o diretso, ay hindi maunawaan ng bunso, na
siya namang ipinanahimik ng panganay.
At bawat salitang bitawan ko’y katumbas ng ilan pang mga tanong. Bakit
may brown out, check point, bakit mahal ang bilihin, ano ang kalayaan,
salvage, NPA, sundalo, sino, ano, kailan, saan at maraming bakit.
Pilit kong inilalapit ang sagot sa kanilang karanasan. Ngunit yon din ay
nakakadagdag sa kalabuan ng aking sagot: sapagkat napakarami na pala
nilang nakita’t naranasan. Tulad noong maghahating-gabi naming pag-uwi at
may nakahandusay sa gitna ng madilim na kalyeng walang kabahay-bahay;
at ni isang sasakyan ay wala kang matataw. Titigilan ko ba at tutulungan?
Ngunit nababalita ang ganitong istilo ng hold-up sa lugar na ito. Kunwaring
na-hit-and-run ang isang mama, tapos ‘yon pala’y may nakaabang nang mga
kasamahan nito sa gilid ng kalye. Dala ko ang buo kong pamilya at iniwasan
ko na lang ang nakahandusay sa kalye. At yon din ang aking sinabi sa aking
anak na nagtanong kung bakit hindi namin tinulungan amg mama. Hold-
upper yon. Papaano niyo natiyak na hold-upper nga? Kamukha kasi noong
kontrabida sa sineng kapapanood namin. E, nasaan yong bida?
Kaya pati ang mga nakita nila sa iyo ay nasasali sa usapan. Dapat sana’y
nakabili ng hamburger kung hindi ka bumili ng beer para doon sa kaibigan
mong bumisita, Junk food ang hamburger. E, ano ba ang tingin ninyo sa
beer, junk drink?
Hindi iyon ang gusto kong ipaliwanag. Ang gusto kong ipaliwanag ay ang
saya ng pagdalaw ng isang kaibigang malaon ko nang hindi nakita. Papaano
ko lilinawin ang mga ito? Na ang kaibigan kong ito ay kababatang nagsukbit
ng prinsipyo at nakihalubilo sa mga karaniwang tao? Sugatan siya’t humiling
na sa amin muna manatili ng isang linggo.
Pinilit kong ipinaliwanag ang mga ito sa aming panganay: ang bulok na
lipunan, ang kawalanghiyaan ng mga nasa gobyerno, ang pangangailangang
ipaglaban ang paniniwala at pag-aasam ng magandang bukas. Waring ang
nakita ko sa kanya ay ang titser ko noong grade two, na tatango-tango
lamang.
Naintindihan kaya niya?
Nang magpaalam ang aming kaibigan at nagpabili uli ako ng beer, muling
nagtanong ang aking anak; ngayo’y may halo na ng pigil na galit. Wala na
ang iyong kaibigan, bakit hindi mo na lang ipunin ang pera para siya naman
ang maibili mo ng hamburger. Junk food ang hamburger. Junk drink ang
beer.
Hindi yon ang gusto kong ipaliwanag. Gusto kong sabihin na may lungkot na
humiwa sa akin nang umalis muli ang aking kaibigan. Matagal muli bago
kami magkita. Hindi ko nga alam kung magkikita pa kaming muli.
Makakaligtas ba siyang muli sa ilan pang pakikihamok na kanyang
haharapin. Ang mga ito at libo-libo pang agam-agam ang gusto kong sabihin.
Kung nanalo daw ba ang aking kandidato, malulutas kaya ang aming
pinagtatalunang problema? Aywan ko. Bakit daw ako nagagalit. Asawa ko na
ang nagtatanong. Hindi ako nagagalit. Nabubuwisit ako. Kanino? Anak ko
ang nagtatanong. Sa sistema sa lipunang ito.
At lalong lumabo ang aking mga sagot. Sistema? Aba’y kahit hindi bata,
mahihirapang intindihin ‘yan. Tulad noong pabinyag sa kapitbahay. Nang
magkalasingan na ang mga ama-ama ng block sa amin, pinulutan na ang
eleksyon. Palibhasa’y nasa low cost housing project kami, karaniwan na dito
ang paghahalo ng mga tao mula sa iba’t-ibang trabaho, probinsiya, relihiyon
at iba pang paniniwala.
Ilokano raw siyang hindi bibitiw sa kanyang loyalty. Siya nama’y Pilipinong
naki-EDSA. Batangueño yong isa, businessman ang isa pa, at yong madaldal
ay hindi raw naniniwalang baliw ang kanyang manok. Ako, nanood na lang
ako sa mga sampay-bakod nilang pamimilosopo. Si Cory ang dahilan. Hindi.
Si Marcos. Hindi. Ang mga corrupt na opisyal. Hindi. Ang mga tao mismo.
Aba, hindi na rin ako nakatiis sa aking pananahimik. E, bakit tao ngayon ang
sinisisi. Sila na nga ang biniktima ng mga kandidato nila, sila pa rin ang
sisisihin. Kung mga tulad nila ang mga tao, dapat nga sigurong tao ang
sisihin. Mabuti na lang at napagbalingan ng pansin yong dalawang asong
nagkadikitan.
Ang kaibhan nga lang sa kanilang pagtatalo, nauuwi iyon sa paglalaro. Hindi
sa tampuhan at mapapaklang ngiti kapag nagkikita sa sakayan papuntang
opisina. Sila, matapos magsigawan, matutulog lang bati na naman.
.
Pero hindi ang aking panganay. Nanggagalaiti itong nagsusumbong sa
katangahan, di umano, ng kanyang kalaro. Basta raw siya, ang iboboto raw
niya ay ang kandidato ko. Hindi yong maarteng asawa ng diktador. E,
tinanong daw siyang sige iboto mo: bakit makakaboto ka ba? At
pinagtawanan pa raw siya. Alam raw naman nilang hindi sila makakaboto,
tinanong pa. Nagtatalo lang daw sila tulad ng pagtatalo ng kanilang nga
magulang, tapos totohanang pabobotohin siya.
Pero ganoong kabata ring mag-isip kaming mga magulang nila. Ang
mapapaklang ngitian ay humantong sa hindi pagpapahiraman ng ilang gamit
na dati naman ay pinahihiram. O, yong isang may poso ay ayaw nang
magpaigib. Yong may tindahan ay hindi na mautangan.
Para eleksyon lang, sabi nga ng aking bunso, nag-aaway na. Akala ko ba,
kaya nga nag-eeleksyon, e para magkaisa na kayo. Hindi na ako
nagtangkang magpaliwanag. Sa halip ay sumusuko na akong payagan silang
makapanood ng telebisyon; nang sa gayo’y humupa ang panggagalaiti. Pero
natyempo sa news. May namatay na naman dahil sa eleksyon.
ISANG gabing nagbrown-out at labis ang init ay napagkaisahan naming sa
salas lahat matulog. Tuwang-tuwa ang mga bata na para bang
nagkakamping.
Kung puwede na lang daw na sa bakuran matulog. Maglagay na lang ng tent
na may siga sa harap. Hindi pwede dahil uso ang akyat-bahay ngayon. Wala
kaming laban kung matyempuhan kaming natutulog sa bakuran.
Ang init ng gabing yon ay nauuwi sa kwentuhan. Noong bata pa ako, at ang
baon ko ay dyis lamang pero marami na akong nabibili sa recess. Ang uso
noong high school ako ay bell bottom na siya namang pinauuso ngayon.
Nagkakilala kami ng kanilang mama sa college na at siya nga ang nanligaw
sa akin. Tawanan at alaskahan. Siguro totoo nga na si Mama ang nanligaw,
kasi si kuya siya rin ang nililigawan. E, ikaw crush mo si…
Sana kapag pinasulat din ang aking mga anak tungkol sa kanilang nagdaang
tag-araw, wag sana nilang paksain ang mga beach o swimming pool,
birthday party, o mga regalong pinadala ng kanilang mga pinsan sa America.
Laitin sana nila ako kung papaano natalo ang aking kandidato sa nagdaang
halalan.
Tawa ko lang sa magiging itsura ng kanilang titser.
https://www.facebook.com/notes/reuel-aguila/how-i-spent-my-summer-vacation-o-kung-paano-ko-
ipinaliwanag-sa-aking-mga-anak-an/10154217281599382/
JOURNAL
CITED:
Bolanos, Paolo. (2010). Isang Reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema
at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas”. Kritike : an Online Journal
of Philosophy. 4. 10.3860/krit.v4i1.1834.