Third Periodical Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL Score:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7
THIRD QUARTERLY EXAMINATION SY 2019-2020
junior high school department

NAME: ________________________________ SECTION: _______________ DATE: _____________


I. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.
1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano
man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. Karunungan b. katarungan c. kalayaan d. katatagan
2. Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang magulang
na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase.
Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa
itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong
mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
d. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
b. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
c. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
d. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultural/Panggawi ang hindi totoo?
a. Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao.
b. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili
c. Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, opinion, ugali o damdamin.
d. Ito ay may layuning makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin
5. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
a. Pamana ng Kultura
b. Mga Kapwa Kabataan
c. Pamilya at Pag-aaruga sa anak b. Mga Kapwa Kabataan
d. Guro at Tagapagturo ng relihiyon
6. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang halaga ang nasisira kundi
pati ang taong hindi tumutugon dito.
b. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa nanatili pa
ring mabuti ang kanyang gawain
c. Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at
magkamit ng mataas na antas ng halaga.
d. Lahat ng nabanggit
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
8. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
a. tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
b. nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong
halaga na kanilang itinuro
c. walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga
paghuhusga
d. lahat ng nabanggit
9. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa tao.
b. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao pagyayamanin niya ito
at pahahalagahan.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas
makapagpapayaman dito.
d. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
10. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral maliban sa:
a. Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kanyang pag-araw-araw na
buhay
11. Ang ___________ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan
ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
a. pambuhay na halaga b. pandamdam na mga halaga c. ispiritwal na halaga d. banal na halaga
12. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawai ng ating isip ay makakamit sa pamamagitan ng
paghubog ng ________.
a. Intelektwal na birtud
b. Moral na birtud
c. Ispiritwal na birtud
d. Sosyal na birtud
13. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban sa:
a. Pagpapahalaga sa katarungan
b. Pagpapahalagang pangkagandahan
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
d. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan
14. Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming pera ngunit naghahanap pa rin ng ibang
bagay na mas makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong
pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. Ang halimbawang ito ay patunay sa
anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
a. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga
c. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito
d. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas
nito
15. Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:
a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip
b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.
c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang
isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.
d. Lahat ng nabanggit
16. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang
suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala
siya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga
kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Renato.
a. Pambuhay na halaga
b. Pandamdam na halaga
c. ispiritwal na halaga
d. banal na halaga
17. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa pagtulong sa mga
batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya
ang kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na
maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga ni Henry?
a. Pambuhay na halaga
b. Pandamdam na halaga
c. ispiritwal na halaga
d. banal na halaga
18. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang
kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
a. Pambuhay na halaga
b. Pandamdam na halaga
c. ispiritwal na halaga
d. banal na halaga
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:
a. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon
b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga
c. Mataas antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
d. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito
20. Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa panahon na labis na ang
kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan siya ng panahon upang magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang
binabantayan ang kanyang pagkain na kinakain upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang
pangangatawan. Nasa anong anta sang halaga ni Charmaine?
a. Pambuhay na halaga b. Pandamdam na halaga c. ispiritwal na halaga d. banal na halaga 
21. Sa paanong paraan mapananatili ang moral na integridad ng isang tao?
a. Kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at kabutihan
b. Kung isasaloob ang mga katotohanang unibersal at halagang moral
c. Kung laging pananaigin ang maingat na paghuhusga ng konsensya at pagsasabuhay ng mga birtud
d. Lahat ng nabanggit
22. Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay sa paggawa ng
__________________________.
a. Moral na paghuhusga
b. Obhektibong paglalahat
c. Matiwasay na pamumuhay
d. Mapanagutang pasya at kilos
23. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa konsensya?
a. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip.
b. Ito ay matuloy at natural na nahuhubog batay sae dad at karanasan ng tao.
c. Dahil sa konsensya nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon.
d. Kung nahubog ang tao na gamitin ang kanyang tamang konsensya, napalalakas nito ang kakayahan ng tao na
makabuo ng moral na paghuhusga.
24. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng isang bata at
maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at paunlarin ang
halaga ng kanilang mga anak
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang bata
ang mga halaga
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos
25. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang taong may moral na integridad maliban sa:
a. hindi nahihiyang gawin ang ano mang pinaniniwalaan niyang tama
b. may mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan
c. may tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kanyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng iba.
d. bukas at tapat sa pagbabahagi ng kanyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kanya upang
gawin ang isang bagay
26. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili maliban sa:
a. Gamitin ng lubusan ang kalayaan
b. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
c. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos
d. Magsikap na mag-isip at magpasya nang makatwiran
27. Para sa edukasyon ng konsensya ng isang bata mahalaga ang bahaging maaaring gampanan ng mga magulang at ng
mga guro. Ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang gampanan para sa mga kabataan maliban sa:
a. Maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao.
b. Maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuuan, sino man ang mga ito
c. Matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ninanais o hinahangad
d. Maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan upang ito ay
maitama
28. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahan ng isang bata na gamitin ang
tamang konsensya?
a. pagbuo ng moral na paghuhusga
b. pagbuo ng mabuting kalooban
c. pagbuo ng tamang pagpapasya
d. pagbuo ng matalinong paghuhusga
29. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung:
a. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang paghuhusga sa mga prinsipyong etikal
b. Sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama
c. A at B
d. wala sa nabanggit
30. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:
a. katarungan b. responsibilidad c. maingat na paghuhusga d. lahat ng nabanggit 
31. Ang isang pagpapahalaga ay nais maangkin, matupad o maging isang bahaging ________.
a. pamilya b. hayop c. tao
32. Malakas at _________ sa kaniyang pagkatao ang pagpapahalaga.
a. matatag b. maunawaan c. maawain
33. Ang kahulugan ng pagpapahalaga ay maaari ding ayon sa mga nakagisnang ________.
a. kultura b. tradisyon c. ugali
34. May pagkakaugnay ang pagpapahalaga at _________.
a. birtud b. gawa c. ugali
35. Mahalaga ang pagmasabuhay ng mabuting gawi ay patungo sa _________.
a. pagpapahalaga b. pagpapakatao c. pag-uunawa
36. Ang tao kapag siya ay may matuwid na isip siya ay gumagawa ng mabuting ____________.
a. kalooban b. kasamaan c. kagalingan
37. Ang pagiging ganap ng tao kung susuriin ay tunay na nagsisimula sa kaniyang ________.
a. kilos b. gawi c. isip
38. Lahat ng __________ ay nagtuturo ng mga pagpapahalagang moral para sa maging matatag sa pagharap sa mabibigay
na sitwasyon sa buhay.
a. paaralan b. relihiyon c. simbahan
39. Ang suporta at tulong ng _______ at mga awtoridad ang magpapalakas din pa paglutas ng mabibigat na sitwasyon ng
mga birtud.
a. kapwa b. kaibigan c. pamilya
40. Malaki ang ginagampanan ng malakas na pananampalataya sa Diyos sa pagpapalakas ng birtud na katatagan ng
_______.
a. lakas b. loob c. isip
41. Marami nang pagkakataong inalam mo ang ilang bagay sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagsusuri ng iyong
kalakasan at ________.
a. kalooban b. kasakiman c. kahinaan
42. May konsiyensiya ang tao upang isabuhay ang katangiang ___________.
a. moral b. pisikal c. espiritwal
43. Bahagi tayo ng isang pamayanan o _______________.
a. lipunan b. paaralan c. simbahan
44. May mga antas ng pagpapahalaga na makapagpapabilis sa paghubog ng ______________.
a. paggawa b. pagkatao c. pagsimba
45. Inaasan ng lahat ng tao na maabot ang rurok ng kanilang _____________.
a. kagalingan b. kaganapan c. kapalaran
46. Nabubuo an gating mabuting kalooban na makikita sa mabubuting pag-iisip at ______________.
a. paggawa b. pagganap c. pagkilos
47. Ang buhay na banal ay buhay na may __________.
a. kalooban b. kasamaan c. kaganapan
48. Binubuo ang katotohanan ng mga pananampalataya ng iba’t ibang __________.
a. sitwasyon b. relihiyon c. pananampalataya
49. Napakamahalaga na maging tapa tang mga tao sa katotohanang moral at banal ng kanilang________.
a. pananampalataya b. paniniwala c. pagmamahal
50. Isabuhay ang katapangan na isabuhay ang katapatan sa katotohang banal at _________.
a. tapat b. moral c. wasto

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you
know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.”
-Colossians 3:23-24

Inihanda ni:
Bb. Rose Angela M. Uligan
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL Score:

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
THIRD QUARTERLY EXAMINATION SY 2019-2020
junior high school department

NAME: ________________________________ SECTION: _______________ DATE: _____________


I. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.
1. Alina ng tanda ng isang taong may pasasalamat?
a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang
pinanggagalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depression.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang Sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog
ng presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
4. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan
5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot sa pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala moa ng mga kabutihang kaloob ng kapwa
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita moa ng pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao
6. Ang sumusunod ay mga Gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng Gawain sa bahay
c. Paghinto sap ag-aaral upang magtrabaho at matulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga
magulang
d. Pag-alala sa kaarawan sa taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya
7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. Kalooban b. isip c. damdamin d. konsensya
8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
9. Ano ang isang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong
10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natatanggap sa abot ng makakaya
b. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad
11. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng __________.
a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay
12. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katawan at ng kakayahang
magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop
b. kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos
d. may pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at
sumunod.
13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
b. napagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
c. nabubuklod nito ang mga henerasyon
d. naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib
14. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
15. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda
16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata
ay_______.
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda
d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad n autos ng kaniyang magulang
17. Hinahangaan ni Jay at Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang nagging lider ng
kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay
napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng __________.
a. katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod
18. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nanag
siya ay nagging biyuda. Panatag siya dahil alam niya napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon
ng nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng
________.
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang lingo
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/email kung nasa malayong lugar
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim nap ag-unawa sa kalagayan ng bawat isa
19. kilala ang pamilya nina Vargie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi
nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na makakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang
mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang
asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano
ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging
magaling, kailangan lang ng pagpapaalala
c. Siyaatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga
natuklasang
dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang
pagtatanggie
20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang
gampanan. Maraming kabataang tulad moa ng nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang
at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na narapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa
iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti
at kumilos ayon sa iyong kilos-loob
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali lalo na kung hindi naman
ikaw ang naapektuhan
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
21. Isang unibersal na tanda ng pagiging magalang na tao ang pagpapasalamat sa ________.
a. kapwa b. kaibigan c. kapuso
22. Nararamdaman natin ang pagmamahal at kabutihan sa atin ng Diyos mula sa kapwa na nagbigay sa atin ng
___________ o importansya.
a. pagpapahalaga b. pagpapasya c. pagunagawa
23. Ang pagiging mapagpapasalamat ay isang pagpapahalaga na nakalilinag ng mabuting _________.
a. pag-unawa b. pagkatao c. pagbibigay
24. Araw-araw ay mayroon tayong maaaring ipagpasalamat sa __________.
a. magulang b. Diyos c. Kapwa
25. Ang pagiging mapagpasalamat ay isang natutuhang ________.
a. pagpapahalaga b. pagpapatawad c. pakikitungo
26. Ang anak na namamasid ang mga mapagpasalamat na magulang ay nagiging mabuting halimbawa sa kaniya sa
maging _________ din.
a. mapagpasalamat b. mapagmahal c. maunawain
27. _____________ ng tao na maging mapapasalamat mula sa guro sa paaralan.
a. Natutuhanan b. Nalaman c. Nagawa
28. Ang mapagpasalamat ay hindi __________ ng kaniyang kapwa.
a. mapagkakatiwalaan b. mapanghusga c. maunawain.
29. Ang mapagpasalamat ay may kababaang-____________.
a. lakas b. ligaya c. loob
30. Ang mapagpasalamat ay kuntento sa mga biyayang kaniyang _________.
a. tinatanggap b. binibigay c. isinasagawa
31. Ang pasasalamat ay isang tungkulin o obligasyon na ipahayag ang katuwaan at kasiyahan sa ginagawang kabutihan ng
____________.
a. kapwa b. kaibigan c. kasapi
32. Maraming pamamaraan ng pagpapahayag at pagpapakita ng pagiging _______________.
a. mapagmahal b. mapagkaibigan c. mapagpasalamat
33. Ang mapagpasalamat ay isang natutuhang ______________.
a. pagpapahalaga b. pagpapagawa c. pagpapatuwa
34. Natutuhan ng tao na maging mapagpasalamat mula sa guro sa ________________.
a. paaralan b. simbahan c. tahanan
35. Ang mapagpasalamat ay kontento sa mga biyayang kaniyang ___________.
a. tinatamasa b. tinatanggap c. tinutupad.
36. Ang pagiging mapagpasalamat ay isang pagkilala na may kapangyarihang Diyos na pinagmulan ng lahat ng uri ng
__________.
a. kahalagahan b. kabutihan c. kasabihan
37. Pasalamatan natin ang Diyos sa ating daigdig at sa ______________.
a. kabundukan b. kabahayan c. kalikasan
38. Binigyan tayo ng Diyos ng lahat n gating kinakailangan upang mabuhay nang tama sa _____________.
a. daigdig b. kapaligiran c. kabahayan
39. Nilikha tayo ng Diyos bilang tao sa pamamagitan n gating mga ___________.
a. magulang b. guro c. kaibigan
40. Ang bawal pinuno ng isang samahan ay pinagkalooban ng awtoridad upang magampanan niya nang maayos ang
kaniyang pananagutan at gampanin bilang _____________.
a. pinuno b. awtoridad c. guro
41. Ang pagsunod at paggalang sa awtoridad ng magulang ay makapagbibigay ng kasiyahan sa mga magulang.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
42. Sa ating paligid ay makikita ang iba’t ibang larawan ng kakulangan ng kapwa sa mga pangunahing pangangailangan
sa buhay.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
43. Ang pakikipagkapwa ay batayan ng buhay.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
44. Ang kabutihang loob ay maaaring mga biglaang pagkilos.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
45. Ang kabutihang loob ay maaaring pagulong sa ginawa sa paraang di nakikita o napapansin.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
46. Ang kabtihang loob ay maaaring hindi pagbibigay ng mga simpleng bagay bilang pagpapahayag ng kasiyahan sa
kapwa.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
47. Ang kabutihang-loob ay karaniwang naghihintay ng kapalit o kabayaran sa kabutihang ginawa sa kapwa.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
48. Ang tao na may katapatan ay di nakakaranas ng biyaya ng Diyos.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
49. Ang katapatan ay pagpili na magsinugaling, mandaya, o manloko sa anumang pamamaraan.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian
50. Ang mabuting relasyon o pagsasamahan ng mga taong matatapat at nagbubuklod sa kanila sa mga gawain.
a. Tama b. Mali c. wala sa pagpipilian

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you
know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.”
-Colossians 3:23-24

Inihanda ni:
Bb. Rose Angela M. Uligan
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL Score:

ENGLISH 7
THIRD QUARTERLY EXAMINATION SY 2019-2020
junior high school department

NAME: ________________________________ SECTION: _______________ DATE: _____________


I. Write the letter on the space provided.
_______1. Artists have been painting pictures of animals ____________ centuries.
a. in b. for c. since d. by
_______2. Some people long _______ the way things used to be years ago.
a. in b. by c. for d. to
_______3. Science is the result ________ people trying to understand the world around them.
a. of b. for c. to d. by
_______4. Will you be going _______ the group?
a. of b. with c. on d. in
_______5. Every morning, I listen _____ the radio.
a. from b. on c. at d. to
_______6. _______ 2000, I have been a college student.
a. On b. Since c. To d. For
_______7. I have never been so insulted _______ a fellow student.
a. from b. to c. by d. at
_______8. What were the directions ______________?
a. to the meeting b. at the meeting c. on the meeting d. in the meeting
_______9. ___________________there is a small cabin to stay in.
a. At the ski resort b. During the hiking trip c. On our way to the park d. All of the above will work
_______10. Thomas went ______________ the gift shop to get there.
a. through b. around c. behind d. All of the above will work
_______11. My house is __________________ near the school.
a. at the corner b. in the corner c. from the corner d. None of the above will work
_______12. Were you ____________________ the store with me?
a. coming from b. leaving to c. arriving from d. None of the above will work
_______13. Billy found his dog _________________ the woods.
a. at b. on c. to d. in
_______14. Sally and Jane have been _____________________ each other all day.
a. arguing with b. arguing around c. arguing through d. arguing from
_______15. You are the only one______________________ your grades.
a. responsible to b. responsible for c. responsible behind d. responsible at
_______16. Sarah, do you _____________ ghosts?
a. believe at b. believe to c. believe in d. believe with
_______17. We will have to go _____________ the building to get there.
a. around b. through c. behind d. All of the above could work
_______I went there _________ some peace and relaxation.
a. to b. for c. with d. All of the above would work
_______19. I take Pilates classes ____________ my school.
a. on b. at c. with d. None of the above would work
_______20. ____________________ we had to use candle light to see.
a. During the blackout b. After the blackout c. Before the blackout d. None of the above would work
_______21. Like the Thomasites, the youth must have ideals of service.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______22. Enthusiasm makes even difficult things easy to accomplish.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______23. You should not cry too much when separated for a while from your loved ones.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______24. If motivated by service, you can go on a voyage even as a stowaway.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______25. You have to preserve to achieve an ideal.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______26. Gilbert S. Perez is the author of The Law of Choice
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______27. Marian Leanna dela Cruz is the author of The Thomasites to a New Land.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______28. Keeping one’s promises is a manifestation of love.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______29. White lies are okay to commit.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______30. Promises are not important.
a. True b. False c. All of the above d. None of the above would work
_______31. Which of the sentences is correct?
a. Last year I go to India.
b. Last year I went to India.
c. Last year I am going to India.
d. Last year I will go to India.
_______32. Which of the sentences is correct?
a. I usually getting the bus to work.
b. I usually gets the bus to work.
c. I am usually getting the bus to work.
d. I usually get the bus to work.
_______33. Which of the sentences is correct?
a. Next week I am going to the cinema.
b. Next week I will going to the cinema.
c. Next week I is going to the cinema.
d. Next week I went to the cinema.
_______34. Which verb is NOT in the past tense?
a. He walked. b. He went. c. He works. d. He bought.
_______35. Which verb is NOT in the present tense?
a. She listened. b. She talks. c. She waits. d. She watches.
_______36. Which verb is NOT in the future tense?
a. He will go. b. He will come. c. He will arrive. d. He leaves.
_______37. What tense is the verb in this sentence? 'I got home from work at 6.30pm.'
a. present b. past c. Future d. None of the above would work
_______38. What tense is the verb in this sentence? 'The children are playing outside.'
a. future b. past c. present d. None of the above would work
_______39. What tense is the verb in this sentence? 'I'll take you in my car.'
a. future b. present c. past d. None of the above would work
_______40. What tense is the verb in this sentence? 'They go to college on Mondays.'
a. past b. future c. present d. None of the above would work
_______41. Which tense would you use for describing last year's holiday? A) Past B) Present C) Future
_______42. Which tense would you use for talking about next weekend? A) Past B) Present C) Future
_______43. Which tense would you use for talking about your daily routine? A) Past B) Present C) Future
_______44. Which tense would you use for talking about your childhood? A) Past B) Present C) Future
_______45. Which tense would you use for talking about the area where you live? A) Past B) Present C) Future
_______46. What is the tense of this question? Did you go to the chemist's on your way home? A) Past B) Present C)
Future
_______47. What is the tense of this question? Was there anybody in when you called? A) Past B) Present C) Future
_______88. What is the tense of this question? Will Tom be able to mend that broken window? A) Past B) present C)
Future
_______49. What is the tense of this question? What are the shops like around here? A) Past B) Present C) Future
_______50. What is the tense of this question? What will you do when this course finishes? A) Past B) Present C) Future

Prepared by:

MISS ROSE ANGELA M. ULIGAN

You might also like