Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Guimaras State College

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Buenavista, Guimaras

PAGSUSULIT-WIKA (FIL 3-MASINING)

Bilang 1-40. MARAMING PAMIMILIAN. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Siya ang lalaking karaniwang makikita sa bukid, may pigil na araro. Balat na sunog sa araw.
Buhok na kumakapal, malaginto sa kauhawan sa pomada. Dibdib na wari’y bariles. Mga
brasong mapipintog sa masel. Anong elemento ng maikling kwento ang inilalahad sa pahayag?
a. tauhan c. tagpuan
b. tunggalian d. kasukdulan
2. Ang pagsusuri bilang isang likhang sining ay hindi pangkaraniwang gawain. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay ng pahayag na ito?
a. Ang manunuri ay dapat may sapat na kaalaman sa genre na susuriin.
b. Ang manunuri ay may sapat na kakayahang kumilalang kahinaan at kalakasan ng genre.
c. Ang pagiging tapat, objectiv, at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili ay dapat
taglay ng manunulat.
d. Lahat ay tamang sagot.
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop gamitan ng kumpas na paturo?
a. Nakatinging araw at payapang umaga ang aking nasisilayan.
b. Ikaw ay hindi tao ng Diyos, Benigno. Ikaw ay isang Satanas sa lupa.
c. Pagkakaisa! Ito ba ay isang mithiin o mananatiling bukambibig lamang?
d. Ang mamatay nang dahil sa iyo.
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gabay sa panunuri?
a. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri
b. Ibatay ang pagsusuri sa mga takdang pamantayan
c. Bigyang-halaga ang hindi lamang ang nilalaman kundi pati istilo ng pagkakasulat.
d. Ang tanging binabanggit sa pagsusuri ay kahinaan lang ng pagsusuring likhang-sining.
5. Ito ay tinatawag ding pangulong-tudling at itinuturing na “pinakapuso ng pahayagan”.
a. jornal c. editoryal
b. talaarawan d. refleksyon
6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawing rebyu?
a. maikling kwento c. eskultura
b. pelikula d. lahat ng nabanggit
7. Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng isang mananalumpati MALIBAN SA __.
a. may angking kakayahan c. may himig na parang makatang tumutula
b. may ganap na kaalaman d. may malinaw na pagbigkas ng mga salita.
8. Ang diskors na ito ay nagtataglay ng maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
a. maikling kwento c. jornal
b. talumpati d. rebyu
9. Si Raymund ay namasyal sa Luneta kasama ang kasintahan. Nakakita sila ng pahayag na, “Bawal
mamitas ng mga bulaklak.” Ito ay isang halimbawa ng ____.
a. patalastas c. editoryal
b. panuto d. lathalain
10. Alin sa mga sumusunod na kumpas ang nagpapahiwatig ng matinding damdamin gaya ng poot o
galit?
a. kumpas na paturo c. kumpas na pahagod
b. kuyom na palad d. palad na nakataob
Guimaras State College
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

11. Ang _____ ay tumutukoy sa galaw ng alinmang bahagi ng katawan na ang layunin ay maihatid sa
mga nakikinig ang isang kaisipan ng damdamin.
a. mabuting tinig c. himig
b. magandang lakas d. kumpas
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng panuto?
a. Bitoy, hindi ka ba marunong magbasa?
b. Kung mukhang hindi kaya ng ibang bareta, ang Sunflower Bar ay narito na!
c. Tinatawagan ang mga opisyal na kasapi ng Lupon Party.
d. Bumaba sa jeepney stop.
13. Ang mga sumusunod ay itinuturing na pinag-uugatan ng maikling kwento MALIBAN SA __.
a. epiko c. alamat
b. tula d. kwentong-bayan
14. Doon at dito ko masisilip sa kabila ng madalang na hanay ang mga bahay, ang mabiyaya at
mapagkundiling mga bukid. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga,
ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. Ano ang inilalarawan sa pahayag na ito?
a. pangyayari c. bagay
b. damdamin d. pook
15. Ang ________ ay nagbibigay ng bisa at bigat sa isang pangangatwiran.
a. katibayan c. kasanayan
b. perswasyon d. kunbiksyon
16. Si Alex ay inimbita para magbigay ng talumpati sa isang Parangal para sa mga magsisitapos
sa susunod na linggo. Anong uri ng talumpati ang gagawin ni Alex?
a. impromtu c. pinaghandaan
b. kumbersasyunal d. daglian
17. Alin sa mga sumusunod na aspekto sa pagbigkas ng talumpati ang natatamo sa pamamagitan ng
paggamit ng mga tiyak na salitang nauunawaan ng mga tagapakinig?
a. tikas c. pang-akit
b. kalinawan d. estilo
18. Ang diskors na ito ay naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isipan ng mga
mambabasa.
a. narativ c. argumentativ
b. ekspositori d. deskriptiv
19. Anong uri ng pandama ang ginagamit sa pahayag na, Isa itong matipuno, may kakayahang
kabataan, may taglay na kislap ang mga mata na nakapag-uutos para sundin kaagad, at may
ngiting sinlambot ng buwang kabilugan.
a. paningin c. paghipo
b. pandinig d. panlasa
20. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang mahusay na proposisyon?
a. Napapanahon ang paksa c. Hindi pa ito napagpasyahan
b. Mahalagang pagtalunan ang paksa d. Lahat ay tamang sagot.
21. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagtatalong pormal MALIBAN SA ___.
a. Pinipili at pinag-iisipan ang paksang pagtatalunan.
b. May takdang panahon, araw at oras na gaganapin ang pagtatalo.
c. Itinatakda ang haba ng panahon sa pagtatalumpati o ganting matuwid
d. Walang tamang sagot.
22. Alin sa mga sumusunod ang mga katangian ng isang deklamasyon?
a. Gumagamit ng iba’t ibang boses ayon sa tauhang binibigyang-buhay.
b. Nagpapakita ng nakakatawang joke ang mga karakter.
c. Partikular na ginaganap para sa radyo.
d. Ginagamitan ng iisang tao lamang.
Guimaras State College
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

23. Kung sa uban ng buhok tatakalin ang karunungan ng isang nalikha, si Ingkong Gaton ay isang
aklat ng panahon. Anong paraan sa pagsisimula ng isang paglalarawan ang ginamit sa pahayag.
a. Paglalarawan ng Tagpuan c. Paglalarawan ng Pangunahing Tauhan
b. Panimulang gumagamit ng Salitaan d. Panimulang gumagamit ng Pagsasalaysay
24. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwento.”
a. Teresita Sayo c. Alejandro Abadilla
b. Edgar Allan Poe d. Aesop
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng pagtatalong pormal?
a. Oxford c. Oregon-Oxford
b. Oregon d. walang tamang sagot
26. Ang sumusunod ay halimbawa ng tekstong ekspositori MALIBAN SA __.
a. patalastas c. diary
b. panuto d. depinisyon
27. Anong panuto ang angkop sa pahayag na ito, Ale, Ale! Ano ka sinuswerte? Ang bilis naman ng
pasok mo. Hindi ba huli kang dumating? Bakit mauuna ka pa?
a. Mag-iingat sa masamang loob c. Basahin ang panuto
b. Dito tumawid d. Pumila para mapagsilbihan
28. Ngayon naniwala si Caring na may impyerno rin sa lupa, kung papaanong sinasabing may
langit sa lupa. Ang pahayag na ito ay gumagamit ng _________.
a. Paglalarawan ng Tagpuan
b. Paglalarawan ng Pangunhang Tauhan
c. Isang Masaklaw na Pangungusap
d. Isang Pagsasalaysay
29. Alin sa mga sumusunod ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring inilalarawan
sa nakikinig o bumabasa.
a. kaisahan c. pananaw
b. tema d. panugnahing larawan
30. Si Mutya ay isang diwata dahil mahaba ang kanyang buhok, maganda, may kapangyarihan,
mahiwaga, at nakatira sa gubat. Anong paraan ng pangangatwiran ang ginamit sa pahayag?
a. pagtutulad c. kaalaman sa estadistika
b. pagbanggit ng patunay d. nag-uugnay ng pangyayari sa sanhi
31. Ang lahat ng mga kahoy ay nilikha ng Diyos
Ang narra ay isang kahoy
Kung gayon, ang narra ay nilikha ng Diyos.

Ang pahayag na ito ay halimbawa ng pangangatwirang _______.


a. pabuod c. kunbiksyon
b. pasaklaw d. perswasyon
32. Alin sa mga sumusunod ang kinakailangang taglayin ng isang mabuting pagtatalo?
a. pamamalagi ng pagkamapitagan sa katalo at sa nakikinig
b. pagbibigay ng iba’t ibang uri ng mga patunay o ebidensya
c. pagkamagalang at kagandahang-asal
d. lahat ay tamang sagot
33. Ang mga sumusunod ay mga uri ng tekstong narativ MALIBAN SA _______.
a. chamber theater c. pantomina
b. talaarawan d. dulang panradyo
34. “Relaks na relaks talaga si Ann Mariette habang nagsasalita, may katiyakan ang pagbibitiw
niya ng mga salita, hindi lumalayo sa paksa at higit sa lahat nakatingin siya nang direkta sa
mga mata ng kanyang mga tagapakinig.” Ito ang pahayag ni Jonalyn pagkatapos makinig sa
talumpati ni Ann Mariette.
Guimaras State College
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Ang pahayag sa itaas ay may kaugnayan sa anong sangkap ng talumpati?


a. kaanyuan c. kahandaan
b. kaalaman d. kalinawan
35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mapaghanguan ng balita?
a. pakikipanayam o interbyu c. pagbasa ng mga rekord o dokumento
b. pagmamasid o aktwal na karanasan d. panonood ng telebisyon
36. Ang parabula ay isang uri ng salaysay na karaniwang buhat sa Banal na Kasulatan at may
layuning magbigay ng aral. Nasa anong anyo ang tekstong ekspositori ang pahayag na ito?
a. pagbibigay-katuturan c. patnubay o direksyon
b. panuto d. pagsusuri o pamumuna
37. Talumpati na karaniwang binibigkas sa mga salu-salo, sa mga pagtitipong sosyal, mga miting ng
mga klab at mga bangkete.
a. pampalibang c. pampasigla
b. panghikayat d. nagbibigay-kabatiran
38. Sa kanilang pagkakadapa sa ibabaw ng gulod ay hindi halos sila kumikilos. Painit nang painit
ang araw ngunit hindi sila makapangahas na gumapang sa malagong kulumpong ng
matataas na damo ilang dipa lamang ang layo sa kanila. Anong pamamaraan ang ginamit sa
pagsimula ng pahayag?
a. pangyayari c. paglalarawan ng pangunahing tauhan
b. gumagamit ng salitaan d. gumagamit ng pagsasalaysay
39. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng salawikaing “Ang bayaning nasusugatan,
nag-iibayo ang tapang.”
a. Ang katapangan ay kabayanihan.
b. Lalong nagiging matapang ang bayaning nasusugatan.
c. Ang bayaning sugatan nagiging puno ng katapangan.
d. Kailangang masugatan ang isang bayani upang maging matapang.
40. Anong kumpas ang angkop na gamitin sa pahayag na ito? “Mga kaibigan, mga taga Roma, mga
kababayan, dinggin niyo ako.”
a. kuyom na palad c. kumpas na paturo
b. kumpas na pahagod d. bukas na palad na unti-unting itataas

Blg. 41-50 Panuto. Tukuyin kung anong uri ng diskors ang ginamit sa bawat pahayag. Isulat ang
tamang sagot sa mga pagpipilian.

a. Narativ/ Pasalaysay c. Deskriptiv/ Paglalarawan


b. Ekspositori/ Pagpapaliwanag d. Argumentativ/ Pangangatwiran

41. Ang bahay ni Ka Inte ay matanda na ring kawangis niya, yari sa mga haluang sangkap, ang
haligi’y taga sa panahon, ang batibot na tuwinang nilalagare sa gubat; ang bubong ay siim; ang
mga dingding at sahig ay malalapad na tablang kulay ala-kastanyas. Nakatayo sa isang pook na
hindi kalayuan sa pinanggalingang kagubatan.

42. Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, Dinakip at ibinilanggo si Mabini dahil sa
kanyang labis na paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya’y palayain, agad siyang umanib sa
pangkat ni Emilio Aguinaldo at kalauna’y nanging kanyang tagapayo at kanang-kamay. Simula
noon, si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
Guimaras State College
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

43. Ang tunay na lunas sa aking palagay ay ang wastong edukasyon sa mga nais mag-asawa. Ang
pag-aasawanang hindi handa’y dapat tukuying mali. Ngunit pahihintulutan ang diborsyo,
mawawalan nang saysay ang ganitong edukasyon. Inalis ng diborsyo ang pangangailangang
magpataw ng disiplina sa sarili, ang pangangailangang magkaroon ng prinsipyo sa buhay. Ito ang
mga mabibigat na dahilang moral laban sa diborsyo.

44. Dapat nang itigil ang pagpapadala ng mga manggagawag Pilipino sa labas ng bansa. Ang mga
nangyayaring pagmamaltrato, panggagahasa at pagpatay hindi lamang sa mga domestic helpers
na nagtatrabaho sa Singapore at Saudi Arabia kundi maging sa mga narses, inhenyero, at
marinong nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo ay halos sapat nang dahilan upang
mamulat ang mga Pilipino. (B.C. Espina)

45. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa kalagitnaan ng Luzon.
Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at malinaw-linaw na alikabok. Mga
puno ng kawayan, niyog, mangga, at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at
sunog sa araw ang dingding at bubong. Pasalit-salit ang isang tindahang hindi mapagwari kundi
titigan sa malapit. (mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes)

46. Ang kaibigan ay isang taong kasundo at karamay sa halos lahat ng gawain. Siya ay laging
naririyan sa likod ng hirap at ginhawa. Wala nang iba pang taong mas lalong nakakilala at
nakakaunawa sa atin kundi ang ating kaibigan. Alam niya maging ang ating kahinaan. Sa
panahon ng problema at pagsubok, inaasahan ang tulong at pakikiramay niya ngunit hindi rin
siya kumokonsenti sa masasama at maling gawain. (B.C. Espina)

47. Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isinungaw niya ang mukha sa bintana ng
sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang salaming may
kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumalubong sa kanya.
Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin. (Banyaga)

48. Pitong taon na ang nakalipas at ngayon ay hayskul na si Ryan, ang kaisa-isa niyang anak. Pitong
taon din siyang naghintay ngunit wala. Wala kahit na anino ng kanyang asawa. Bakit hanggang
ngayon ay hindi pa rin niya matutuhang tanggaping wala na talaga si Rufo. Hanggan kailan pa
siya maghihintay? Oero natanggap na nga niya ang malaking halagang ibinigay ng kompanya
bilang kabayaran sa buhay ng kanyang asawa. At ngayon, tanging si Ryan na lamang ang
naiwang alaala ng isang mapait na lumipas. (B.C. Espina)

49. Inalok siya nang inalok at pinakaing mabuti ng kanyang ina. Animo’y nagkagutom siya sa
Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang nasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam.
Tipid na tipid ang subo ng kanin. Ang ulam niya’y kamatis at bagoong na may talbos ng kamote,
isang mangkok na burung mustasa at ilang pustang piniritong bangus. Maya’t maya ay sinaway
ng kanyang ina ang mga batang parang aso’t pusa sa pag-unahan sa pagkain.

50. Ang dala ng kulay berde ay dalang kapanatagan. Nakapagpapaalala ito sa atin ng kabukiran,
kabundukan, at kagubatan, ng kalikasan, at kasaganahan. Nagpapahiwatig din ang kulay berde
ng mapagpalang kalinga ng Maykapal sa kanyang nilikha, gaya ng pagka-antig ng ating
damdamin sa pagtanaw ng malawak na kaparangan, matatayog na bundok at mga burol na tila
napakalinaw.

You might also like