Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Pagtatag ng Isang Samahan (Study Club) ng mga Mag-aaral na Senior High School ng Mataas na Paaralan
Nasyonal ng Looc
II. Lokasyon: Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc
III. Panahon ng Pagsasagawa: Oktubre 2017- Marso 2018
IV. Bilang ng Benipisyaryo: Tinatayang Isang Libo at Limang Daan (1,500)
V. Mga Tagapanukala: John Kenneth Lim, Raymark P. Perez, Marlo S. Coching
VI. Taong Kokontakin: John Kenneth Lim - 09498421715
VII. Tinatayang Halaga: Php 5,000.00
VIII. Pagkukunan ng Pondo: Perang (registration fee) ibabayad ng mga mag-aaral na gustong sumali sa samahan
IX. Pagpapahayag ng Suliranin
Pangkalahatang Tanong:

Mahalaga nga ba ang pagbuo ng isang samahan sa Paghasa sa Kasanayan ng Mag-aaral sa Senior High School ng Mataas
na Paaralang Nasyonal ng Looc.?

Mga Tiyak na Tanong:

1. Ano ang study club?


2. Anong klase ng samahan (study club) ang dapat itatag ng mga mag-aaral?
3. Sino-sino ang mga pwedeng sumali dito?
4. Anu-ano ang mga kailangan para makasali dito?
5. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng isang samahan?

X. Mungkahing Solusyon

Iminungkahi n gaming pangkat na bumili ng school service van ang pamunuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc.
Malaking tulong ito sa pag-aaral ng mga estudyante at sa trabaho ng mga guro. Mababawasan ang gastos sa
transportasyon ng mga guro at mag-aaral sa tuwing pupunta sila sa ibang bayan at paaralan para lumahok sa mga
aktibidad, seminar o patimpalak pang-edukasyon o pampaaralan.

Subalit may mga bagay na dapat isaalang-alang bago bumili ng sasakyan. Ang pinakaunang dapat alamin sa sandaling
magdesisyon na bumili ng sasakyan ay sukatin muna ang badyet na mayroon ang paaralan na pwedeng ilaan para sa
panukalang proyekto at kung paano makahihingi ng donasyon. Matapos itugma ang badyet, alamin naman ang modelo
ng sasakyan na nararapat na bilhin ng paaralan.

XI. Kaligiran

Bahagi na sa buhay ng pagiging estudyante ang pagkakaroon at pagsali sa iba’t ibang samahan at organisasyon. Ito ay
tinutukoy bilang isang grupo na binubuo ng hindi bababa sa 80% na mga mag-aaral; gayunpaman, ang presidente,
chairperson, o punong opisyal ay dapat na isang full-time na mag-aaral. Kung pagiging miyembro ay bukas para sa mga
tao sa labas ng komunidad na kolehiyo campus, ang lahat ng mga opisyal ay dapat na mga mag-aaral.

Maraming benepisyo ang makukuha ng isang mag-aaral sa pagkakaroon nito. Nakakatulong ito sa paghubog ng
pagkatao ng isang indibidwal. Ang mga mag-aaral ay natututong maging independent at gumawa ng sariling desisyon na
nagpapatibay sa organisasyon. Hinuhubog din nito ang paraan ng pakikitungo sa kapwa at pinapaunlad din nito ang ating
pakikipagtalastasan sa ibang tao at maibahagi ang opinyon at saloobin ukol sa isyung kinakaharap ng grupo. Tunay na
mahalaga ang organisasyon sa bawat mag-aaral dahil nakakatulong ito sa karera, kasanayan sa panlipunan at pagunlad
ng personalidad ng bawat mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagbuo ng isang samahan o organisasyon (study club) ng mga
mag-aaral na Senior High School ng Looc National High School at kung ang mga ito ba ay tunay na nakakapag-ambag sa
ikabubuti ng grado ng mga mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, isang kagandahan na malaman kung ano ang kahalagahan
ng pagtatag nito sa paghasa ng kasanayan ng mga mag-aaral na Senior High School ng Looc national High School. Nais ng
mga mananaliksik na magkaroon ng linaw kung sa papaanong paraan nakatutulong ang mga organisasyon sa bawat
indibidwal na kasapi nito.

XII. Management Organization

Organizational Development and Management

Paano isasagawa ang proyekto?

Sa tulong ng mga donasyon mula sa mga Non-Government Organizations o mga taong may mabuting puso at ekstrang
pondo ng paaralan, makalikom ng sapat ng halaga upang makabili ng mga school service van. Magsasagawa rin ng
canvassing upang malaman kung ano ang angkop na modelo, laki, at brand ng sasakyan bibilhin. Tinatayang aabot ng
dalawampung buwan (Oktubre 2017- Hunyo 2019) ang gugugulin upang makalikom ng sapat na pondo at mabili ang
mga school service van.

XIII. SUSTAINABILITY PLAN

Ang pamunuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc ay magtatalaga ng maintenance ng mga mabibiling sasakyan
at driver ng mga sasakyan pag-kinakailangan ng gamitin. Magkakaroon ng kontribusyon ang mga gagamit ng sasakyan
para ipambili ng krudo o gasoline para sa van at kaunting tip sa driver. Magkakaroon din ng request upang magkaroon
ng lisensya ang bawat sasakyan o maparehistro at pati na rin ang mga magiging driver nito.

XIV. Component for Making Funds 1.

1. Halaga ng mga sasakyang bibilhin upang gawing school service.


2. Badyet na gagamitin sa pag- canvass ng mga presyo.
3. Ekstrang pondo upang ipambili ng ektstrang gamit pang maintenance ng mga sasakyan tulad ng gulong.

XV. Rekomendasyon

Ang walang sawang suporta ng mga Non-Government Organizations at taong may busilak na puso, at sa pagkakaisa ng
pamunuuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc at mga magulang ng mga estudyante, maisasakatuparan ang
proyekto na para sa mga kapakanan ng mga estudyante at mga guro. Ang nasabing proyekto ay naghahangad ng maayos
na transportasyon upang ang mga estudyante na may aktibidad sa labas ng paaralan ay hindi na mahirapang maghanap
ng masasakyan, at masuportahan ang mahihirap nating kabataan na may napakalaking potensyal at katalinuhan.

You might also like