Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

PANGWAKAS NA PABIGKAS NA PAGSUSULIT

1. Nakaugat sa Modernong Panahon sa pagkakalimbag ng Tractatus Theologico-Politicus ni


Benito Spinoza ang Disiplinang Pilosopiya ng Relihiyon. Sinimulan ni Spinoza ang mahabang
panahon ng pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng Etika at Relihiyon na umabot sa rurok ng “etika
ng pananagutan” ni Immanuel Kant at “etika ng katinuan at pagmamalay-sarili” ni
Schleiermacher. Bagamat magkakaugnay ang etika, metapisika at relihiyon, magagawa pa rin
ang pag-iiba sa pagitan ng mga ito.

• Spinoza
o Praktikal na katinuan
o May papel ang pilosopo, teologo, at pulitika sa pagtatatag ng relihiyon
§ Pilosopo: hinahanap ang rason
§ Teologo: moral na alituntunin
§ Estado: pagkumpas sa pagsasabuhay ng relihiyon
o Nakasandig sa hustisya at kawanggawa
§ Unibersal na batas ng Banal na Kasulatan
• Kant
o Etika ang puso ng relihiyon.
§ Babagsak at tatayo ang relihiyon ayon dito.
§ Dalawang konsentrikong bilog
• Sentripital – papasok na ikot
o Kategorikong imperatibo
§ Pundasyon: katinuan
§ Motibasyon: tungkulin
§ Pinanggagalingan: kabutihang-loob
o Pagtupad sa tungkulin sa kapwa
§ Relihiyon ay parerga
o May pananagutan sa kapwa, dahil lamang may tungkulin tayo sa kanila.
o Walang hinihintay na kapalit, ngunit bukas sa regalo.
§ Ang kaligayahan ay regalo
• Scheleiermacher
o Malay-sarili o pagbabalik-tiklop (pagiging repleksibo)
§ Katangian ng tao bilang nilalang na may pinakamataas na libel ng pag-
iral
§ Pag-aako sa “ako”
o Sa malay-sarili ay nauunawaan natin ang ating kalikasan bilang tao, at
kumikilos ayon dito na tinatawag na etika.
o Hindi lang etika ang pinakapuso ng relihiyon kundi relihiyosong karanasan din.
o Relihiyosong karanasan
§ Kinikilala natin ang “ako” sa pamamagitan ng kapwa
§ May utang na loob sa kapwa, dahil ang malay-sarili ay malay kapwa,
malay mundo rin
§ Absolutong pagkadepende
§ Mayroong utang na loob sa Nagpapairal
• Makikita ang pagkakaiba ng papel ng etika, relihiyon, at metapisika sa pilosopiya ng
tatlong pilosopong ito.
o Etika ang kaibuturan ng relihiyon para kay Spinoza at Kant, ang una ay
pumupunto sa katarungan at karidad, at ang huli naman ay sa tungkulin
(kategorikong imperatibo).
o Ang relihiyon para kay Spinoza at Kant ay tulong lamang (parerga) sa mas
malalim na sentro – etika (katarungan at karidad at tungkulin).
o Para kay Schleiermacher naman, hindi lang etika ang mahalaga kundi ang isang
klase ng relihiyosong karanasan na nakaugat sa pagtanaw ng utang na loob sa
kapwa, sa mundo, at sa isang Nagpapairal.
• Ang metapisika ay nagpapaliwanag sa isang Nagpapairal, ang etika ay ang relasyon ng
pagtanggap sa Nagpapairal na ito sa pagkilos alinsunod sa kalikasan na nakadirekta sa
kapwa, at ang relihiyon ang tulay na nagkakabit sa dalawang unang nabanggit.
o Halimbawa: personal na karanasan sa Katoliko Romano
• Mayroong klarong pagkakaiba ang tatlong ito, ngunit makikita sa mga pilosopiyang
tinalakay, lalo na kay Schleiermacher na inilahok ang tatlong ito, na ang etika ang
paraan ng pagtugon ng tao sa Nagpapairal na metapisikal, alinsunod sa halimbawa ng
naitatag na relihiyon.
2. Pinasimulan ni Schleiermacher ang usapan tungkol sa “relihiyosong karanasan” bilang
lubos at ganap na utang na loob. Ipinagpatuloy at tinasa ni Rudolf Otto ang pagsasaliksik gamit
ang metodo ng penomenolohiya at kinahinatnan niya ang “mysterium tremendum et fascinans.”
Pinag-inam naman ni Mircea Eliade ang ganap na pagtalakay ng rasyunal at irasyunal na
kabuoan ng paksang ito sa sanaysay nya tungkol sa “Banal na Espasyo at Panahon.”

• Schleiermacher
o Pagbabalik-tiklop
o Nauunawaan ng tao na mayroon siyang utang na loob sa kapwa
§ Kinikilala ang “ako” sa pamamagitan ng kapwa
o Kasunod nito ang pagkilala sa utang na loob sa Nagpapairal
§ Absolutong pagkadepende
o Ito ang relihiyosong karanasan na katambal ng etika sa pilosopiya niya
patungkol sa relihiyon.
• Otto
o Ang relihiyosong karanasan ng tao ay ang mysterium tremendum et fascinans
na sinusubukang ipaliwanag nang konkreto sa pamamagitan ng mga
aproksimasyon gaya ng nginig, takot, at iba pa.
o Mayroong magalang ng pag-urong sa Banal (numen) na kinakatagpo ng isang
tao.
o Ang pag-urong na ito ang relihiyosong karanasan na hindi maikakalas sa isang
taong relihiyoso.
• Eliade
o Ang tao ay rasyunal at integral.
o Tinatawag niyang homo religiosus ang tao dahil sa pagiging integral niya ay
hindi mawawala ang pagiging bukas niya sa relihiyon.
o Nakikitagpo ang tao sa Banal sa pamamagitan ng mga hieropaniya.
o Nananatili ang tao na bukas sa mas mabuti; may kinabubukasan ang tao na
lagpas sa kanyang nalamaman.
o Ang mas mabuti na ito ay nakikipagtalaban sa balangkas ng tao; nararanasan
ang mas mabuti sa pamamagitan ng pagsasapanahon, pagsasalugar, at
pagsasadiwa ng tao.
§ Sa espasyo ay maaaring mahanap ang kaayusan na nakapagpaparamdam
ng kaligtasan – kosmohenesis at axis mundi
§ Sa panahon ay maaaring makaranas ng pagbangon mula sa
pagkakalugmok – ad infinitum at ad origine
o Ang pagdanas sa mga ito ay ang relihiyosong karanasan ng isang relihiyosong
indibidwal.
• Mayroong angking naiibang pagtingin at oryentasyon sa Banal na nagiging pundasyon
ng relihiyosong karanasan.
• Pero ang “naiibang” pagtatangi sa Banal ay hindi lubos na maipaliwanag kung iuugnay
lamang sa pakikitagpo ng tao sa Banal o numen, dahil ito ay sumasaibayo at lagpas sa
sarili ng tao.
• Dahil dito, nararanasan ng tao ang pakikitagpo sa Banal sa pamamagitan ng mga
makamundong simbolo (hieropaniya) – sa pamamagitan ng kung ano ang kanyang
abot-tanaw.
• Sa katotohanang ito, sa aking palagay, kaya mahalaga ang papel na ginagampanan ng
ritwalistikong aspeto ng relihiyon – dahil dito sinasakonkreto ang hindi maipaliwanag
na pakikitagpo sa Banal.
o Naiintindihan lamang natin ito sa pamamagitan ng kalikasan na ating
ginagalawan, at ang mga ritwal sa relihiyon ay “pagsasakatawan” nito, kaya’t
mas napapalalim ang ating relasyon sa Banal.
o Halimbawa: mga sakramento sa Katoliko Romano; pagdarasal bilang
pagpapamalas ng pananampalataya
• May mas malalim na hugot ang mga ritwal na nakaangkla sa relihiyosong karanasan na
nararamdaman sa pakikitagpo sa Banal. Walang saysay ang mga ito kung hindi
nakasandig sa karanasan sa Banal.
o Halimbawa: walang saysay ang mga panalangin kung walang lubos na
pananampalataya sa Diyos (Katoliko Romano)

3. Simbolikong pag-iisip ang siyang pintuan ng disiplinadong pag-alam at usapan tungkol sa


Banal. Anumang mabibigkas natin tungkol sa Diyos ay dadaan sa tatlong puna ni San
Tommaso: Formaliter, Per Negationem at Eminenter. “Analogia ng pag-iral” sa pagitan ng
tao at Manglilikha, ayon sa pilosopiya nina Ferriols at Pieper o ontopaniya ayon kay Mircea
Eliade, ang siyang pinakamalalim na balangkas ng pagsasaliksik na ito.
• San Tomaso
o Formaliter – puntong sanggunian ng kagandahan
o Per Negationem – parehong may kabutihan ang Diyos at ang tao, ngunit
magkaiba ito
o Eminenter – ang Diyos ang kakdalan dahil Siya ang pinakadakilang
Nagpapairal
• Pieper
o Analogia: may pagkakapareho, ngunit may pagkakaiba rin
o Ang pag-iral ng Diyos ay hindi lubos na pareho, ngunit hindi rin lubos na
magkaiba sa pag-iral ng tao.
§ Parehong umiiral ang Diyos at ang tao, pero magkaiba ang antas ng
pag-iral ng mga nabanggit.
§ Nakadepende ang mga nilikha sa Lumikha.
• Ferriols
o Maihahambing ang ugnayan ng tao-sa-Banal sa ugnayan ng tao-sa-tao.
o Mayroong magalang na pag-urong
§ Ang tremendum sa numen ay may analogia sa tao-sa-tao
• Eliade
o Hieropaniya – mga simbolo na nagiging instrumento ng rebelasyon;
pagpapakilala sa Banal
o Theopaniya – Diyos ang nagpapadanas
o Ontopaniya – umiiral ka bilang tao, ngunit mayroong mas tunay na umiiral
kaysa sa iyo
• Sa mga nabanggit, makikitang ang oryentasyon ng tao patungkol sa Banal ay
nakaangkla sa paghahambing niya sa kanyang pag-iral sa Nagpapairal na mas mataas
ang libel ng pag-iral.
• Hindi lubos na maiintindihan ang Banal dahil siya ay sumasaibayo – lagpas ito sa
sarili at sa kayang makahon ng katinuan ng tao. Bagkus, sinusubukang intindihin ng
tao ang Banal sa pamamagitan ng kung ano lamang ang kanyang naiintindihan at
abot-tanaw – ang kanya mismong sariling pag-iral sa makamundong espasyo.
o Mga bata (nakitang patalastas sa Facebook) – “Ano ang imahen ng Diyos sa
iyo?”
§ Lalaking matanda, may pakpak, atbp
o Iyon lamang ang kanilang naiintindihan. Tayo rin ay walang pinakaimahen ng
Banal o ng Diyos. Nararamdaman natin siya sa pamamagitan ng ating pag-iral
na bagaman hindi lubos na pareho, hindi rin lubos na iba.
• Kaya sabi ni Ferriols: maikukumpara rin sa analogia ng tao-sa-tao
o Sino ba ang nakakasalamuha natin sa mundo na maaari nating pagkuhanan ng
karanasan o pagintindi sa pag-iral ng Diyos bukod sa ating sarili?
§ KAPWA
o Para sa akin, lubos na mahalaga ang analogia ng tao-sa-tao dahil ito ang
nagiging pagsasabuhay ng isang mas malalim na relasyon sa Banal na hindi
lubos na nauunawaan. Sa pamamagitan ng kapwa, bagaman hindi pa rin lubos
na nauunawaan ay napalalalim at nabibigyang-saysay lalo ang pakikitagpo sa
Banal.
o “Nakikita ko ang Diyos sa aking kapwa.”
• Bukod sa may pagkakapareho ang analogia ng tao-sa-Diyos sa tao-sa-tao, ang
paglagpas sa sarili na idudulot ng huli ay mas naisasakatawan nito ang una.

4. Ayon kay Immanuel Kant ang pag-asa ay igtingan ng “Pananagutan at Kaloob.” Maaaring
punahin ang Kantianong pag-asa sa pagtunaw ng biyaya (kaloob) sa kanyang pilosopiya ng
tungkulin (pananagutan). Ang pag-asa naman ayon kay Gabriel Marcel ay kilos ng kalooban
na may istruktura ng tugon; kaya ang pinakawagas na porma ng “umaasa ako” ay “inaasahan
kita alang-alang sa amin.”

• Sa Kantianong pilosopo, mayroong “pwede” na lugar ng relihiyon.


o Mayroong pag-asa sa relihiyon
o Mayroong kabukasan sa etika
• Parang baso: matigas ngunit may espasyo pa rin
• Mayroong pagtatalaban ang tungkulin at regalo
o Bagaman ang tao ay kumikilos para sa kabutihang kumon dahil sa kagustuhang
tuparin ang tungkulin sa kapwa, bukas pa rin siya sa regalo – ito ang kanyang
inaasahan
o Dito pumapasok ang kabukasan sa kaligayahang ‘di hawak – sa kaluluwang
imortal, sa postulato ng Diyos, at sa kalayaang nakagapos sa dapat
• Kay Marcel naman, ang pag-asa ay isang tugon sa panahon ng kadiliman.
o Mayroong karanasan ng kadiliman na nagtutulak ng pagkakaroon ng pag-asa
bilang pagtugon dito
• Ang pag-asa ay isang pasya. Ito ay isang aktibong desisyon sa harap ng dagok.
o Hinihiwalay ang avoir sa etrê; dapat kilalanin ang una, ngunit kumiling sa
ikalawa
• Kasunod nito ay ang “inaasahan kita”, na pinipihit ang pasya ng pag-asa bilang pasya
ng pag-ibig.
o Sa pag-ibig nakikita, o ito mismo, ang rurok ng katapatan.
o Mahal kita: hinahamak ang kamatayan
o Gising na pagtugon sa katotohanan, lalo na sa mukha ng kadiliman
o Relihiyosong karanasan ang pag-ibig na laging gustong maging matapat.
• Hindi tunay o lubos ang pag-ibig na ito kung hindi magpapatulong sa Sumasaibayo.
o Inaasahan ang “Kita”
o Nananalangin tayo: ang Diyos ay hindi isang paksa – isa siyang “Ikaw”
o Para sa “amin”
• Datapwat mayroong Kita na inaasahan, isang malaking pagtataksil ang hindi pagbabad
sa sitwasyon ang pagkalas ng sarili mula sa detalye ng katotohanan.
o Mayroon kang Kita na inaasahan, ngunit malaki ang papel na ginagampanan ng
responsibilidad
• Sa dalawang pilosopiya na ito, mahihinuha ang lugar ng relihiyon sa buhay ng tao –
pinapalooban ng pag-asa sa isang mas mataas na Nagpapairal na kinabububukasan ng
tao.
o Kant: relihiyon bilang parerga
o Marcel: Kita bilang pinakalubos na inaasahan
• Katambal nito ay ang pagtangi sa isang “ikaw”, na ginagawan ng mabuti at kinakikitaan
ng mabuti.
o Etika ng tungkulin ni Kant
o Pagmamahal na pasya rin gaya ng pag-asa ni Marcel
• Ito ang halaga ng relihiyon sa tao – hindi kaya ng tao na ilapag lamang sa
makamundong pag-iral ang kanyang buhay, lalo na sa mukha ng kadiliman – tao lang
ang tao, hindi siya perpekto. Nangangailangan ng pagsasandig sa isang mas tunay na
umiiral, sa lubos na Ikaw na sumasaibayo.
o Dito natin nahahanap ang pag-asa – sa pakikitagpo natin sa Sumasaibayong ito
o Sa Kanya nakaangkla ang buhay ng tao na hindi magiging lubos kung wala ito.
o Mayroong espasyo ng kawalan ang tao, na napupunan lamang ng
Sumasaibayong Banal na ito, na hindi kailanman mapapantayan ng kahit ano.
• Personal na pagninilay
o Ako mismo, sa mukha ng dagok, matapos ang pag-ibig na idinidirekta ko sa
kapwa, ay pumipihit sa Ikaw sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang aking
pinakasandigan.
o Mayroong mga tao na bagaman sagana sa mga ekonomikal na makamundong
pag-aari ay hindi lubos ang kaganapan ng sarili – dahil walang Ikaw na
pumupuno sa mga espasyo ng kawalan na nakapaloob sa kanyang pagkatao.
• Mayroong pagtangi sa ikaw, ngunit ang pag-asa sa Ikaw, na kinabubukasan ng sarili,
ay ang lubos na makapagpapaganap sa tao.

5. Isinasangkot ng Pakikitagpo sa Banal ang balangkas ng kabuoan ng tao. Matutunghayan


ito sa tinatawag ni Mircea Eliade na Homo Religiosus sa harap ng Hieropaniya at ang “neo-
sokratikong” pag-iisp ni Marcel patungkol sa pasya ng: katapatan sa kondisyon ng pagtataksil;
katinuan sa kondisyon ng kabaliwan; pananalig sa kondisyon ng lubos kawalan nito at pag-asa
sa bingit ng desperasyon.

• Eliade
o Ang tao ay rasyunal at integral.
o Tinatawag niyang homo religiosus ang tao dahil sa pagiging integral niya ay
hindi mawawala ang pagiging bukas niya sa relihiyon.
o Nakikitagpo ang tao sa Banal sa pamamagitan ng mga hieropaniya.
o Nananatili ang tao na bukas sa mas mabuti; may kinabubukasan ang tao na
lagpas sa kanyang nalamaman.
o Ang mas mabuti na ito ay nakikipagtalaban sa balangkas ng tao; nararanasan
ang mas mabuti sa pamamagitan ng pagsasapanahon, pagsasalugar, at
pagsasadiwa ng tao.
§ Pumapasok ang walang hanggan sa may hangganan, at ang eternal sa
temporal
§ Sa espasyo ay maaaring mahanap ang kaayusan na nakapagpaparamdam
ng kaligtasan – kosmohenesis at axis mundi
§ Sa panahon ay maaaring makaranas ng pagbangon mula sa
pagkakalugmok – ad infinitum at ad origine
o Ang pagdanas sa mga ito ay ang relihiyosong karanasan ng isang relihiyosong
indibidwal.
• Marcel
o Aktibong pagpihit sa direksyon ng katapatan – ang pag-asa ay pasya na tugon
sa mukha ng kadiliman
o “Umaasa ako” - ikaw na inaasahan at minamahal
o “Inaasahan Kita” – hindi lubos ang pag-ibig sa “kita” kung wala ang Ikaw na
inaasahan
o Sa kabila nito, hindi maikakalas ang pagbabad ng tao sa sitwasyon –
mayroong responsibilidad ang tao na nakapaloob sa pagharap niya sa mga
detalye ng katotohanan
o Neo-Sokratiko – sinusuri ang buhay ng tao at aktibong pinipihit ito sa
katapatan, sa mukha ng kadiliman
• Sa pagsasapanahon at pagsasalugar ng tao ay may aktibong pagpapasya na makitagpo
sa Banal.
• Dito ay nararanasan ang kosmohenesis at ad infinitum na nakapagpaparamdam ng
kaligtasan at ng pagbangon mula sa pagkalugmok.
• Sinasalamin din ni Marcel ang pakikitagpo na ito sa pamamagitan ng pagsasandig sa
Kita na lubos na inaasahan, lalo na sa harap ng desperasyon.
• Sa pangsangguni sa panalangin, sa pakikipagugnayan sa Ikaw na klubos na ginaganap
ang sarili sa harap ng kadiliman, nakakaramdam ng kosmohenesis o kaligtasan.
• Dahil din sa pag-asang dulot ng “inaasahan Kita” bilang tugon ng tao sa kadiliman,
nagkakaroon ng ad infinitum – bumabangon muli ang tao.
• Ngunit mahalaga ang balangkas ng tao – ang kanyang mismong pagsasalugar at
pagsasapanahon dahil dapat babad ang tao sa sitwasyon – dapat hawak niya pa rin ang
mga detalye ng katotohanan na maghahatid sa kanya upang akuin ang responsibilidad.
• Nakikipagtagpo rin ang tao sa ngayon – bago makipagtagpo sa lumalabas sa sarili ay
mayroon munang malugod na pagtanggap sa isang klase ng pag-iral na may
hangganan, na limitado, kaya’t nalulugmok sa isang klase ng kadiliman.
• Sa pagsasangayon ng tao ay binubuksan niya ang sarili sa Sumasaibayo, na kanyang
pangunahing sandigan sa pagharap sa desperasyon.
o Neo-Sokratiko – sinusuri ng tao ang kanyang buhay; katambal nito ang pag-
asa
• Hindi sapat ang pag-asa sa Ikaw na hindi sinasamahan ng pagkilos. Ang balangkas ng
tao na sumasangayon ay isang integral na bahagi ng pagtugon sa kadiliman.
• Personal na pagninilay
o Hindi maaaring asa lamang nang asa sa Diyos.
o Nagkasakit ako noong 11-taong gulang ako.
o Mga aprehensyon sa hinaharap
o Sumasandig ako at inaasahan ko ang Ikaw ngunit hindi ito isang bulag na pag-
asa – sinasamahan ko ito ng pagkilos. May responsibilidad ako sa pagbabad
ko sa katotohanan na bahagi ng aking pagsasalugar at pagsasapanahon bilang
isang rasyunal na tao.

You might also like