1st grdng1st Quiz grd9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MATAAS NA PAARALANG BANGKAL

UNANG MARKAHAN
FILIPINO 9
PANGALAN_______________________________________________ ISKOR__________
BAITANG/PANGKAT________________________________________
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y nauuri bilang maikling
kuwentong____________
A. kababalaghan B. katutubong kulay C. pangkatauhan D. makabanghay
2. Ang tulang sinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan.” Ay nagpapahiwatig na ang kultura ay___________
A. nagbabago B. naalis C. di-nagpapalit D. itinuturo
3. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay_________
A. pagkatalo C. kawalan ng kapangyarihan
B. pagiging sunud-sunuran D. kasiyahan

“Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibang gusto kundi ipagkaloob ang sarili sa
mga nagtatrabaho, nagsisikap sa bagong kababaihan ng Europa, subalit nanatili ako sa lumang tradisyong hindi
maaaring suwayin. Balang araw maaaring ang tali at kami’y pakawalan.”
4. Ang akda ay bahagi lamang ng isang ___________________ ng Indonesia.
A. tula B. alamat C. maikling kuwento D. sanaysay
5. Ang ibig sabihin ng pahayag na “nakatali ako sa lumang tradisyong di maaaring suwayin ay________
A. hindi makawala sa kinagisnang kaugalian C. labis na paniniwala sa lumang tradisyon
B. sumusunod lamang sa lumang paniniwala D. walang pakialam sa mga nangyayari
6. Ang “maaaring lumuwag ang tali at kami’y pakawalan,” ang ibig sabihin nito ay___________
A. malayang magawa ang naisin C. walang hahadlang sa gustong gawin
B. sadyang tatanggalin ang tali D. tatanggalin ang tali at sila’y pakakawalan

“Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang
pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang babaeng Muslim sa kanyang pamilya.”
7. Ang bahaging ito ng isang sanaysay ay nagsasabing____________
A. Ang babae ay may tungkuling handugan ng anak ang kanyang asawa.
B. Ang hindi pag-aasawa ay pagtakas sa mabigat na responsibilidad.
C. Ang pag-aasawa ay tugon sa utos ni ALLAH, ang humayo kayo at magparami.
D. Higit na magiging ganap ang pagkababae ng isang babae kung siya’y mag-aasawa.
8. Ang kaugaliang ito ng mga Muslim ay dapat__________
A. Dapat suwayin dahil hindi makatarungan.
B. Sundin dahil bahagi ito ng kanilang kultura.
C. Talikuran dahil sagabal sa mga balakin sa buhay.
D. Huwag na lang pansinin.
“Ibig na ibig kong makakilala ng
babaeng moderno.”

9. Ito ang pangarap ni


A. Tiyo Simon B. Prinsesa Manorah C. Estella Zeehandelaar D. Mui-mui
10. Ang ibig sabihin ng babaeng moderno ay_________
A. babaeng sunod sa uso C. babaeng matapang
B. babaeng malaya D. babaeng pantahanan

“Noon ang bawat paghakbang ay


isang pagtalunton.”

11. Nangangahulugan ito na________


A. Bawat paghakbang ay karagdagang karanasan.
B. Bawat pakikipagsapalaran ay tanda ng pagtuklas.
C. Bawat paghakbang ay pagsubok
D. Bawat hakbang ay tanda ng pagbabago.

“Alam ko nais mo ako iligaw anak sa loob ng kagubatang ito, ang pagbali ko sa bawat sangang ating
nadaraanan ay palatandaang dito tayo dumaan upang sa iyong pagbabalik ay di ka maligaw.”
12. Pinatutunayan ng ama sa bahaging ito ang__________
A. Labis na pagmamahal ng magulang sa anak sa kabila ng lahat.
B. Na marunong ding mangunsensya ang mga magulang.
C. Mas kabisado niya ang lugar.
D. Gusto na niya talaga mamalagi sa gubat.
“Daddy patawad nasa katanghalian nap o ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa baling araw kapag kayo’y
nawala na.”
13. Nasa katanghalian nap o ako ng buhay ko, ito ay nangangahulugang____________
A. tanghali nang siya’y ipinanganak
B. nasa hustong gulang na siya.
C. bata pa siya
D. matanda na siya

“Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit pero patuloy ang
pagdarasal at pag-iyak ng ama.”
14. Ang pahayag ay nagpapahiwatig na_________
A. pabuhos na ang ulan C. gabi na
B. maganda ang panahon D. malapit ng gumabi

“Huling Sabado ng Pebrero, ikalimang Sabado, e katapusan eksaktong katapusan kasabay ng pagtatapos ng
Pebrero ay pumanaw na ang aking anak. Ilang sandal pa pagkatapos ng paglaglag ng luha at pagtirik ng kanyang
mga mata ay ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking kamay.
15. Ang kaganapang ito sa kuwento ay matatagpuan sa anong bahagi ng kuwento?
A. saglit na kasiglahan B. kakalasan C. kasukdulan D. wakas

“At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan;


mata’y napapikit sa aking namasdan.
Apat na kandila ang nangagbabantay;
sa paligid-ligid ng irog kong bangkay
mukha nakangiti at nang aking hagkan
para pang sinabing, irog ko paalam.”

16. Ang akda ay halimbawa ng isang tulang________


A. Oda B. dalit C. awit D. elehiya
17. Ang ikatlong taludtod ay sumisimbolo ng ano?
A. kamatayan B. bagong pagsilang C. kadiliman D. pag-asa
“Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti;
at ikaw ay ang lupa sinusuyo ng bituin.
Di mo man silip ang langit;
di mo man silip ito’y nandirito pa rin.”
18. Ang unang linya ng awitin ay sumisimbolo sa anong uri ng buhay?
A. buhay na palangiti C. buhay na puno ng pag-asa
B. buhay na sagana D. buhay na tahimik

You might also like