Mga Katanungan Sa Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION

SENIOR HIGH SCHOOL


Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

Padlan, Giane R. Marso 19, 2020


STEM III – St. Cecilia
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Gawain 1

1. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa personal na paglago ng isang tao?

Bilang isang mananaliksik magmula pa noong junior high school, aking masasabi
na ang proseso ng pananaliksik ay nakapagbigay na ng mga kaalaman, leksyon, at iba
pang bagay-bagay sa akin, kaaya-aya man o hindi. Ngunit ang mga aral na ito ay hindi
nalilimitahan sa mismong mga kahulugan nito, o sa mga iba’t ibang uri nito, maging ang
mga tatahaking proseso lamang; kundi pati ang paglinang ng aspetong personal – ang
paglago ng sarili.

Unang una, payayamanin ng pananaliksik ang kaisipan ng isang indibidwal.


Buhat ng pangangailangan sa masusing pagbabasa ng mga artikulo’t aklat, maaaring
mabawasan ang linaw ng mga mata ngunit mahahasang lalo ang linaw ng isipan.

Ikalawa, lalawak din ang kaniyang karanasan. Mapagtatanto ng mananaliksik


na hindi lamang umiikot sa pag-eencode at pag-iimprinta ng dokyumento ang gawing
pananaliksik. Maipagmamabuti rin ang pakikipagkomunikasyon dahil kailangan mong
makisalamuha sa iba upang makakuha ng datos – datos hindi lamang ukol sa paano
gawin ang isang bagay kundi pati ang pagbabasehan ng inyong resulta. Maging sa
Metodolohiya ay matutunghayan ang mga bagay na hindi pa natatalakay, gaya na
lamang ng pagsasagawa ng Phytochemical Screening, ang mga laboratory equipment
na kinakailangan, ang pagpapa-authenticate ng plant sample, at marami pang iba.

Ngunit higit sa lahat, sa aking opinyon, ang pinakamahalagang maiaambag nito


sa isang tao ay hindi ang kasipagan o katalinuhan. Ito ay ang tiwala sa sarili. Hindi
lamang ito makukuha sa kumpiyansang makipagsalamuha sa iba, o magsalita sa harap
ng malaking madla. Nakakamit ko rin ito, at patuloy na lumalago, sa tuwing
matagampay na naisasakatuparan ang pag-aaral na isinagawa.

2. Ano-ano kaya ang mga maaaring humadlang sa isang mananaliksik upang


maisakatuparan ang kaniyang gawain? Ipaliwanag.
Base sa kasalukuyang kalagayan ng buong mundo, ang unang pumasok sa
aking isip ukol sa tanong na ito ay ang pag-iral ng isang sakuna. Sa ngayon, isa itong
VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

biyolohikal na sakuna – isang pandemya na tinaguriang COVID-19 o Coronavirus


disease 2019.
Subali’t, may mga hadlang pa na maaaring maharap ng isang pananaliksik mula
rito. Isa na rito ang kakulangan sa pagiging pamilyar sa proseso ng pananaliksik. Dito
pumapasok ang hindi sapat na kaalaman sa mga terminolohiya ng mga artikulong
babasahin, o ultimo ang mga dapat isagawang metodolohiya sa pag-aaral.
Ngunit may isa pang rason na maaaring pinanggalingan ng unang nabanggit:
limitadong access sa impormasyon. Hindi lamang nito tinutukoy ang kawalan ng
internet, kakulangan ng mga pampublikong silid-aklatan, at mga salik na tulad nito kundi
pati ang suliraning makalapit sa mga taong pagkukuhanan ng datos.
Isa pa sa mga hadlang na hinaharap lalo ng mga maliliit na paaralan o
unibersidad ay ang pagkukulang sa mga kagamitan at pasilidad. Dahil dito,
nabibigyang-humpay ang pagsasagawa ng ilang mga proseso na makapagpapadali
at/o makapagpapainam sana ng pagkalap ng impormasyon.
Sa mas personal na aspeto, pumapasok ang katamaran. Kung hindi pursigidong
manaliksik ang isang indibidwal ay tiyak malaking hadlang ito sa pagtapos ng kaniyang
gawain. Maging impluwensya man ito ng kakulangan ng interes sa paksa o sa mismong
asignatura, o sadyang tamad lamang, ay kakailanganin itong isintabi.
Higit sa lahat, sa aking palagay, ay ang pinakamalaking harang bilang isang
mag-aaral, ay ang kalagayang pinansyal. Ang pondo. Ang pera. Maraming
magagandang gawan ng pananaliksik ngunit maski simulan ay hindi magawa dahil sa
kakulangan o kawalan ng pondo. Kung papansinin ay halos katumbas lamang nito ang
kakulangan sa mga pasilidad, ngunit kung may sapat na pondo ay maaaring magpunta
sa lugar na mayroong magagandang kagamitan. Sayang lamang dahil hindi lahat ay
pinagpala nito.
VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

You might also like