Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION

SENIOR HIGH SCHOOL


Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

Padlan, Giane R. Abril 16, 2020


STEM III – St. Cecilia
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Gawain 4

1. Ano ang plagiarism? Paano nagiging doble ang kasalanan ng taong gumagawa
nito?

Ang plagiarism, o binabansagan din na intellectual dishonesty, ay ang gawi ng –


ngunit hindi limitado sa – pangongopya ng ideya, salita, o gawa ng ibang tao nang
walang pahintulot at nang hindi sila kinikilala. Ayon kay Mary Geraldine Clairde, may
mga iba pang paraan na nakikilala bilang plagiarism, gaya ng: (1) paghiram ng salita
mula sa orihinal na awtor nang hindi siya binabanggi to binibigyan ng pagkilala sa
pamamagitan ng citation; (2) pagrereproduce ng mga aklat sa mga photocopier nang
walang pahintulot, paalam, o permiso sa orihinal na gumawa; (3) kapag ang tao ay
gumamit ng salita ideya mula sa isang malikhaing gawa gaya ng mga larawan o litrato
na kuha ng ibang tao, musika, at sining.

Doble-sala ang taong may kagagawan ng plagiarism dahil nagnanakaw siya sa


paraang pagkuha ng ideya o salita na hindi naman sa kaniya at nagsinungaling siya
sa intensyong ikubli ang krimen kung hindi ito matutuklasan o panindigan pa kung
mailalantad.

2. Paano nagiging kasangkapan ang teknolohiya sa plagiarism? Paano lumalaki


ang posibilidad ng plagiarism sa mga klase ng guro na hindi maalam sa
teknolohiya?

Hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa pangkalahatan, ang internet ang siyang
dulugan sa tuwing nahihirapan. Sa kontekstong ito, teknolohiya ang isa sa mga
nanggaganyak sa mga tao na pagkunan ng impormasyon kapag kinakailangan. Ang
sino man, basta’t may daang nagkakabit mula tao tungong teknolohiya, ay mayroong
access sa bilyun-bilyong papeles sa internet sa ilang pindot ng kompyuter lamang.
Maaaring ang isasagawa ay magda-download ng isang tapos nang trabaho at ipapasa
na lamang, o bagkus kokopya ng iilang sipi mula sa isang dokyumento nang hindi
mahalata. Gayunpaman, ano mang pamamaraan ng plagiarism ay tiyak masasabing
may malaking impluwensya ng teknolohiya.

Sa mas partikular na konteksto, sa isang klase ay tumataas ang probabilidad na


magbase sa plagiarism ang mga mag-aaral sa pagsasaalang-alang na ang kanilang
guro ay kulang ang pangwatas sa makabagong teknolohiya. Ito ay dahil nakatitiyak sila
VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

na ano mang gawi ng pangongopya at/o academic dishonesty ang isasakatuparan nila
ay hindi, o mababa ang posibilidad, na mahuli sila – lalo na kung ang isinasagawa pa
nila sa mga pare-parehong sagot ay ang mag-“revise” ng piling salita.

You might also like