Professional Documents
Culture Documents
Pang Uri
Pang Uri
Pang Uri
Banghay Aralin
Filipino Baitang VII
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. nabibigyan kahulugan ang pang-uri,
2. natutukoy ang mga salitang pang – uri ;at
3. nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pang – uri.
II. NILALAMAN
A. Preliminaryong Gawain
1. Pagbabalik – aral
Hanay A Hanay B
Aray! Nasasaktan
Kamusta ka? Nag-aalala
Wow! Ang galling niya talaga. Napahanga
Sumosobra na talaga siya! Nagagalit
Yehey! Masaya
2. Pagganyak
1. Paglalahad
Mga Katanungan:
1. Ano – ano ang mga salitang inyong nahulaan?
2. Ano ang mga napapansin niyo sa mga salitang ito?
2. Pagtatalakay
Tanong: May mga ideya ba kayo kung ano ang pangngalan at panghalip?
Magbigay ng halimbawa ng mga pangalan ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari at pwedeng ipanghalili na salita sa mga ito.
Halimbawa na pangungusap:.
Siya ang napakagandang dilag.
Si Ana ay mabait at masipag.
Napakatamis ang kinain kong tsokolate.
A. Pangkatang Gawain
Magkakaroon ng dalawang pangkat. Bibigyan ang bawat
pangkat ng tig – iisang brown envelope, sa loob nito ay mga
ginupit na larawan. Kailangan buoin ito at bumuo ng limang
pangungusap na may salitang pang – uri. Pagkatapos pipili ang
bawat pangkat ng kinatawan na mag-uulat sa kanilang gawain at
magkakaroon ng katanungan na kailangan sagutin.
Mga katanungan:
Ano ang salitang pang – uri?
Ano ang inilalarawan nito?
Ito ba ay pangalan o panghalip?
A. Pagpapahalaga
Mga Katanungan:
Kung tayo ba ang maglarawan sa isang bagay o tao lahat
ba ay magaganda lamang ang sinasabi natin sa kanila?
Bakit minsan tayo nanglalait ng ating kapwa?
At minsan rin bakit pinupuri natin sila?
Bakit madali tayong manghusga sa ibang tao?
Ano ating pwedeng gawin upang maayos at mabuti ang
inyong paglalarawan sa isang tao, bagay at iba pa?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
2. Paglalapat
Panuto: May ipapakitang akong mga salita gamit ang flashcards. Tukuyin
niyo kung ito ay salitang Pang-uri o hindi gamit ang kampas ng kamay. Itaaas ang
iyong kamao kung ito ay Pang-uri at itaas ang kamay na nakabukas kung hindi.
1. Tahimik
2. Naglalaba
3. Maganda
4. Malawak
5. Mais
6. Pantay
7. Lumalakad
8. Gatas
9. Makisig
10. Salat
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pang – uri sa
bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pangngalan at panghalip na tinuturingan o
inilalarawan nito.
V. TAKDANG - ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na binubuo ng mga salitang pang – uri tungkol sa
iyong pamilya.