Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Posisyong papel no homework policy

Nakalulungkot na katotohanan patungkol sa patuloy na pag-usad ng "No Homework Policy" ang


nagdudulot ng masidhing pagbabanta sa kalidad na edukasyon kung saan ikinukulong lamang sa apat na
sulok ng silid-aralan ang pormal na paraan ng pag-aaral mula kindergarten hanggang sekondarya.
Mariing sinang-ayunan ito ni Sec. Leonor M. Briones ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagsubok muli sa
ikatlong pagkakataon na pagpasa nito sa Kapulungan ng Kongreso.

Bago muling buuin ang itinutulak na amendasyon, dalawang bill mula sa dalawang magkaibang may
akda ng proposisyon na sina Deputy Speaker Evelina Escudero ng Quezon City at Quezon City Rep. Alfred
Vargas ang naitambak sa Senado bago maibasura. Nilayon ng mga itunulak na bill ang mga kautusang
nagbabawal sa pagkakaroon ng takdang aralin sa tuwing araw ng klase at maging sa pagtatapos ng
linggo para ilaan ang oras sa bahay nang may kalidad kasama ang pamilya.

Subalit, mistulang panaginip lamang ang pag-asam sa sinasabing 'makabuluhang oras' kasama ang
pamilya gayundin ang sapat at tamang panahon sa pagpapahinga na siyang pangunahing tunguhin ng
bill. Dahil sa totoong tala, nalulunod ang karamihan sa paggamit ng gadgets lalo na ng smartphones kung
saan iba't ibang social media sites at online games ang nabibisita ng mga kabataan at nalilimutan na nila
ang mga taong kasama nila at nakapaligid sa kanila.

Sa kalagitnaan ng proseso sa pagsasabatas nito, buo ang pasya at pagsuporta ni Sec. Leonor M. Briones
ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasabing "I am in favor of this [No Homework Bill]." Isa itong
pagbabadyang pagtaliwas sa sinumpaang tungkulin sa hanay ng mga pampublikong kaguruang kagaya
niya na alagad ng gobyerno dahil nalilimitahan ang kapangyarihan nilang magturo ng nararapat at
naaayon sa itinakda ng kasalukuyang kurikulum.

Dagdag pa aniya, marapat lamang na ang 'lahat' ng proseso ng pag-aaral ay itakda sa loob ng paaralan
kasama na ang mga gawaing bahay at mga projects na nangangailangan ng oras para matapos. Isa itong
malaking kabulaanan. Isa itong malaking katanungan. Paano mangyayari, na ang 'gawaing bahay' na
dapat gawin sa tahanan ay gagawin na sa paaralan?

Kung sa pagpapatuloy ng pangyayaring ito, ang mga mag-aaral din ang magdaranas ng hirap sa
pagpapasa ng kinakailangang outputs sa loob ng isang araw na nangangailangang gumasta ng higit sa
takdang oras ng pag-aaral upang makapagpasa lamang bago ang tumatakbong taning sa oras habang
iniisip kung maganda ang kinalabasan ng gawain. Mas nakakapagod ang ganitong panyayari kumpara sa
pagpapatuloy ng mga gawaing ito sa tahanan kung saan magkakaroon ng sapat na oras ang obligado at
responsableng kabataan na tapusin at gawin ang proyekto o takdang aralin na may panahong mailalaan
sa pagpapahinga.

Sa totoong tala, walang sinomang estudyante o mag-aaral ang nagnanais na gumawa ng takdang aralin
at mga proyekto sa paaralan sa buong kahabaan ng gabi hanggang sa madaling araw na nagdudulot para
mawalan ng panahong makapaglibang at magpahinga. Tiyak na kailangan nila ng kapayapaan matapos
ang kawing-kawing na gawain sa paaralan ngunit ang pgtatanggal ng takdang aralin ay hindi magiging
sapat na kasagutan upang matimbang ang oras sa pamilya, pag-aaral at iba pa bagkus ang pagtatakda ng
sapat na dami ng gawain ang kailangan upang hindi mabugbog ang mag-aaral sa nakakapagod na
sistema ng edukasyon.

Higit sa lahat, kung ang Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy na umaasa sa mga kabataan na pag-asa sa
kaunlaran ng bayan, kinakailangan na maituro ang importansya ng pagtitiyaga at pagsusumikap hindi
lamang sa loob ng silid-aralan o paaralan simula sa pagbibigay ng sapat na dami ng gawain ayon sa
itinakda ng Kagawaran. Ito na ang oras para maimulat ang kaisipan ng lahat na ang pagkatuto sa
pagtuturo ay matatagpuan sa di mabilang na kanto ng lipunan at hindi lamang sa apat na sulok ng silid-
panuruan.

You might also like