Prelim Quizzes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

WORKSHEET 1

A. PAGSASANAY #1: TAMA o MALI Petsa: ____________

Panuto. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi. Sagot
lamang ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas ng pasalita ang mga simbolong ito.
2. Ang mahusay na pagbabasa ay siyang nakakaalam kung paano niya dapat ibigay ang pamamaraan ng
kanyang pagbasa sa kaniyang layunin.
3. Mabisa ang pagbabasa kung ito ay nangangailangan ng mabuting paningin, sapat na ilaw, matahimik at
ang pagiging malinaw ng isang aklat o anumang bagay na iyong binabasa.
4. Ang pagkakaroon ng interes at determinasyon ay siya ring sangkap ng mabisang pagbabasa.
5. Hindi kinakailangan ang konsentrasyon sa pagbabasa.
6. Ang pagbabasa ng mga pahayagan, magasin, at mga aklat na may kaugnayan sa kanilang propesyon ay
siyang dapat ding taglayin ng isang mahusay na mambabasa.
7. Mabuti ang uri ng babasahin kung ito ay nakatutulong upang maging mabuting propesyunal at
itinuturing niya itong bahagi ng kaniyang “professional growth.”
8. Walang malaking impluwesiya ang pagbabasa.
9. Sa pagbabasa, ay nakatutuong na makapaglilikom ng iba’t ibang uri ng impormasyon.
10. Ang mga nangyayari sa ating bansa, sa daigdig at sa iyong palibot ay maaari mo ring malaman sa
pamamagitan ng pagbabasa.
11. Maaaring makarating ka sa lunan na iyong nais sa iyong binabasa.
12. Ang hulot - aklatan ay isa sa mga lugar na makapaglilikuman ng iba’t ibang uri ng babasahin.
13. Ang reaksiyon ay kakayahang humatol o magpasiya ng kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga at
pagdama sa mga ginsulat ng may-akda.
14. Ang persepsiyon ay isang kakayahan sa pagbigkas ng mga salita bilang isang makahulugang yunit ng
pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo.
15. Ang asimilasyon ay isang kakayahan sa pagtipon-tipon at pagtatagni-tagni ng mga nakaraan at mga
bagong karanasan
16. Ang pagbabasa ay interpretasyon ng mga nakalimbagng simbolo ng kaisipan o pagpapakahulugan ito ng
mga nakatitik na sagisag ng kaisipan.
17. Hindi nabibilang sa limang makrong kasanayan ang pagbasa.
18. Sa pamamagitan ng pagbabasa, natututo tayong tumipon ng mga kaalamang nakakasakit sa kapwa.
19. Sa pagbabasa,nakaiimpok ang mambabasa ng mga impormasyon at kaalamang bisa ng babasahin.
20. Hindi kinakailangang magkaroon ng interaksiyon ang tagabasa at ang akdang kanyang binabasa.

[Inaasahang sagot: 1) tama 2) tama 3) tma 4) tama 5) tama 6) tama 7) tama 8) mali 9) tama 10) tama 11) tama 12) tama 13) tama
14) tama 15) tama 16) tama 17) mali 18) mali 19) tama 20) mali.]

WORKSHEET 2

B. PAGSASANAY #2: PAGTUKOYNG SAGOT Petsa: ____________

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod na sagot batay sa tanong. Sagot lamang ang isulat sa kuwarderno.

1. Hulwarang ginamit saan naglalayon ito na maipaliwanag ang kahulugan ng isang termino o parirala.
2. Proseso ng pagbasa kung saan iniuugnay ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at
impormasyong nasa isipan ng tagabasa na maaaring gamitin bilang pantulong sakaalamang sintaktika ng
tagabasa.
3. Ang salita ay may tunay na kahulugang nakikita sa diksyunaryo.
4. Kasanayan saan kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyang ng kaukulang kahulugan.
5. Tawag sa proseso na gumagamit ng iba’t ibang paraan upang lubusang maunawaan ang teksto.
6. Kabilang sa mahalagang kasanayan saan ang tekstong binabasa ay inuunawa, inaayos at binibigyang
anyo.
7. Ang kakayahang kilalanin ang isang nakasulat na salita ay isang pangangailangan sa pagbabasa.
8. Paraan ng pagbibigay ng pagpapakahulugan saan mga pahiwatig lamang o dili kaya’y matatalinhagang
pagpapakahulugan o di-tuwiran ang ginamit.
9. Tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya.
10. Habang isinasagawa ang prosesong ito, ang mambabasa ay naghahanap at bumubuo ng kahulugan
batay sa pag-unawa niya sa teksto.
11. Sa paraang ito ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari ay nakatutulong sa pag-unawa at
pagpapalinaw ng ideyang inihahatid ng teksto.
12. Sa hulwarang ito ipinapakita ang pagkakatulad o pagkakapareho sa agitan ng dalawa o higit pang tao,
bagay, lugar, pangyayari, ideya at iba ay ipinaliliwanag at inilalarawan sa binabasa.
13. Ang mga uri ng babasahin saan sa simula pa lamang ay ipinakikilala na ang problema.
14. Nalilinang ang ______ makrong kasanayan ng isang bata habang siya ay lumalaki.
15. Ang pagkasunod-sunod ay batay sa mga relasyon may kaugnayan sa ispasyo na maaaring mula sa
pinakamalapit patungo sa pinakamalayo; mula pailalim patungo itaas; mula Silangan patungo Kanluran,
mula Hilaga patungong Timog at mga katulad na kalagayan

[Inaasahang sagot) 1. Depinisyon 2. Sikolohikal/pangkaisipan 3. Denotasyon 4. Decoding 5. Interaktibo 6. Encoding


7. metakognitiv 8. Konotasyon 9. Enumerasyon/pag-iisa-isa 10. Interaktibo/interaktiv 11. Order/pagsusunod-sunod 12.
Paghahambing at pagkokontrast 13. Problema at Solusyon 14. 5 15. Espasyo o Distansya]

WORKSHEET 3

C. PAGSASANAY #3: PAGBASA NG TEKSTO Petsa: ____________


Batay sa mga pangungusap na nakalista sa Hanay A, maghanap ng katapat na kaisipang angkop o tugma
sa Hanay B upang makabuo ng isang usapan o dayalogo.

Hanay A Hanay B

______1. Anong oras na ba? a. Tayo na.


______2. Kaya, kailangang maghanda na tayo. b. Sus, kung narrating ng Pinay ang Saudi, eh,
______3. Si Josie, nasaan na siya? Siya ang lider. Guimaras pa.
______4. Pero anong sabi niya, hintayin siya? c. Talaga!
______5. Naku ha! Alam niyo ba papunta doon? d. Alam mo naman yon, lagging maraming
______6. Oh, ano pa ang hinihintay ninyo? inaasikaso.
______7. Eh, di kung magalit si Josie na iniwan natin. e. Ako ang bahala.
______8. Dapat matuto ng leksiyon ‘yan. f. Ay, Salamat! Nandito na si Josie.
______9. Teka, sandal si Josie nandiyan na siya! g. Aywan, Pero kung wala pa siya mauna tayo
______10. Mabuti na lang at dumating ka. h. ay, naku! Dapat lang.
i. Akala ko nga eh, umalis na kayo. Sorry ha.
j. Ay aba! Tanghali na pala!
Hanay A Hanay B

______1. Bakit ngayon ka lang anak? a. Sasabihin po? Tungkol saan po?
______2. Bakit hindi ka man lang tumawag? Nag b. Kumain na po ako, Ma. May dinner po kami.
aalala tuloy kami ng ama mo. Dinner meeting nga, eh.
______3. Kumain ka na ba? Mukhang hindi ka yata c. Ang Mama naman. Bakit bukas pa? Narito na
nagugutom. rin po ako. Ano pa ba talaga ang kailangan ng
______4. Mabuti naman. Akala ko hindi ka pa Papa?
kumain. O, sige magpahinga ka na. d. Sorry po, Ma. Ginabi ako. May meeting kasi
______5. Oo, kanina pa. Maagang natulog. Hinintay kami.
ka niya sana. e. O, sige. Bukas kung bukas. Pero parang
______6. May sasabihin daw siya sa iyo. excited lang ako.
______7. Siya nalang ang tatanungin mo bukas. f. Ganoon po ba? Bakit daw po?
______8. Bukas na lang, anak. g. Yan nga, eh. Napasarap ang usapin naming.
______9. O, sige. Matulog ka na. Hindi ba sabi mo Nakaligtaan ko tuloy tumawag.
pagod ka? h. Good night, Ma!
______10. Good night, anak. i. Okey, matulog na ako, Ma.
j. Salamat po, Ma. Pagod na po talaga ako.
Tulog na po ba ang Papa?

WORKSHEET 4

D. PAGSASANAY #4: PAGTALAKAY Petsa: ____________

1. Ano ang pagbasa ayon sa pananaw ng mga eksperto?

2. Bakit mahalaga ang pagbasa?

3. Talakayin ang apat na hakabang sa pagbasa.

4. Ipaliwanag kung bakit mahalagang malinang ang ating kasanayan sa pagbasa.

5. Ano-ano ang mga uri ng pagbasa? Talakayin ang bawat isa.

6. Ilahad ang tatlong lawak ng kasanayan sa pagbasa.

7. Ano-anong mga gawain ang makatutulong sa pag-unawa ng mga salitang nakatala, nakalimbag?

WORKSHEET 5

E. PAGSASANAY #5: KASINGKAHULUGAN Petsa: ____________

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng gma salitang nakalimbag sa bold sa pamamagitan ng pahiwatig na
kahulugan ng iba pang mga salita sa pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot:

1. Dahil sa katahimikan at kapayapaan ng paligid ay tila wala kang madamang ligamgam sa loob ng bahay.
a. galit c. ligalig
b. ingay d. kasiyahan
2. Hindi mo siya masisisi sa ginawa niyang pag-aglahi sa iyo dahil totoo naming ikaw ay walang-hiya.
a. pagloko c. paglimot
b. paghamak d. pagtaksil
3. Sino ba ang hindi maharuyo sa kasiyahang dulot ng maraming salapi at masaganang pamumuhay?
a. magayuma c. malinlang
b. masiyahan d. masilaw
4. Ang kagandahang taglay ng mga dalagang Filipina ay nakabibighani hindi lamang ng kanyang mga
kababayan kungdi maging ng mga banyaga man.
a. nakakapukaw c. nakawiwili
b. nakaaaliw d. nakakaakit
5. Ang mga matanda ay nangangailangan ng ating pagkandili lalo na kung sila ay nagkakasakit.
a. pag-unawa c. pagpasensya
b. pag-aruga d. pagsilbi
6. Lagi siyang may pera dahil Malaki ang halagang ipinadadala ng kanyang mga magulang, kaya hindi siya
nagdarahop.
a. nagtitiis c. kinakapos
b. nanghihiram d. namamalimos
7. May gutom, may baha. Laganap ang patayan at nakawan. Tunay na hilahil ang dulot nito sa mga
mamamayan
a. kalungkutan c. pagsubok
b. kalamidad d. pagkabigo
8. Halos wala ka nang makikitang nagtataasang gusali, kungdi ang mga giray-giray na dampa sa looban ng
eskinita.
a. kabit-kabit c. hanay-hanay
b. sira-sira d. tagpi-tagpi
9. Pusikit ang gabi kaya mag-ingat at masusing magmatyag sa paligid.
a. mainit c. napakadilim
b. tahimik d. nakatatakot
10. Ang katatagan ng isang prinsipyo sa buhay ay maaaring maiguguho ng matinding hangaring magkaroon
ng maraming salapi.
a. mawawasak c. mapapatibay
b. mapipigilan d. mapapatingkad
11. Hanggang kalian niya mapipisgil ang sarili at matutong tumanggap ng pagdusta sa kanya ng mga kamag-
anak.
a. pagtaksil c. pag-aabuso
b. paghamak d. pagsamaantala
12. Talagang talipandas ang babaing iyan. Kahit sinong lalaki ang kanyang kinakasama.
a. basag-ulo c. marahas
b. malandi d. malikot
13. May edad na si Gloria Romero pero nakakintal pa rin ang tunay na kagandahan ng kanyang mukha.
a. nakabakas c. humihinang
b. nakaaliw d. nagniningning
14. Sa umpisa nagmatigas siya sa kanyang paninindigan, ngunit sa wakas ay napahinuhod din dahil sa
inyong pagmamakaawa.
a. nalinlang c. napasubo
b. napaniwala d. napasang-ayon
15. Simula nang pumanaw ang kanyang ina, naging kawaksi niya ang nakababatang kapatid sa
paghahanapbuhay.
a. problema c. kasama
b. pasanin d. katulong
16. Malakas ang loob niya; hindi niya alumana ang kahihinatnan ng ginawa niyang pagtanan.
a. naisip c. alam
b. alintana d. naunawaan
17. Kahit na inaalimura siya ng mga kapitbahay, patuloy pa rin ang pagpapakita niya ng kabutihan.
a. kinukutya c. sinasaktan
b. pinababayaan d. pinagagalitan
18. Nabigla ako sa mga pangyayari. Hindi ko napigilan ang simbuyo ng aking damdamin at ako’y lumaban.
a. silakbo c. poot
b. pag-antig d. pagtibok
19. Kitang-kita pa rin ang kanyang kasiglahan kahit na talamak na ang kanyang sakit.
a. gumaling c. malubha
b. humina d. walang pag-asa
20. Hindi kapani-paniwalang naigupo ng isang baguhan ang beteranong manlalaro.
a. natalo c. natumba
b. nahigitan d. napantayan

I. Kasalungat na Kahulugan.
Panuto: Bilugan ang titik ng salitang kaslungat ng salitang nalimbag sa bold.

21. Galit nag alit ang ina nang sagutin siya nang pasinghal ng anak.
a. pasigaw c. pabulyaw
b. padabog d. pabulong
22. Balatkayo lang pala ang lahat ng kanyang ipinakikita. Naniwala naman kami.
a. pagpanggap c. totoo
b. kasinungalingan d. palabas
23. Sobrang magsalita ang palalong iyan. Akalo mo talagang anak-mayaman. Hindi bale, magigising din ‘yan
sa katotohanan.
a. matapat c. suplado
b. mayabang d. mapagkumbaba
24. Ipinagpupumilit niya ang baluktot niyang paninindigan. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanyang
kamalian.
a. baligtad c. tuwid
b. taliwas d. marangal
25. Matarik na kabundukan ang kanilang pumupunta sa lugar na ito dahil malayung-malayo sa kabihasnan at
wala pang mga transportasyong masakyan.
a. madalang c. marami
b. palagian d. kakaunti
WORKSHEET 6

F. PAGSASANAY #6: PAG-ALAM SA KONOTASYON AT DENOTASYON Petsa: ______________

Panuto: Sabihin kung ang kahulugan ng salitang naka-riin ay konotasyon o denotasyon, pagkatapos, tukuyin ang
kahulugan ng salita ayon sa gamit ng pangungusap.

1. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Tiyak na ang bawat problemang dumarating ay may magandang
umagang naghihintay.

_________________________________ _________________________________
2. Paulit-ulit ang kanyang mahiwagang panaginip tungkol sa inuupahan nilang bahay sa lunsod.

_________________________________ _________________________________
3. Mula nang siya’y musmos pa, lagging panaginip niya ang magiging isang mahusay na abogado.

_________________________________ _________________________________
4. Tuwing umaga, nakaugalian na niyang magsimba bago pumunta sa paaralan.

_________________________________ _________________________________
5. Napakabigat ng krus ang pinapasan ng mag-asawa buhat nang lumipat sila sa lunsod.

_________________________________ _________________________________
6. Napakasama ang mga alaala ng kanilang kahapon bilang magkasintahan.

_________________________________ _________________________________
7. Ang mga kastila ang nagpunla ng krus sa buong Asya, partikular na sa bansang Pilipinas.

_________________________________ _________________________________
8. Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga kababaihan para sa kaunlaran ng lipunan.

_________________________________ _________________________________
9. Talagang siya’y kahanga-hanga. Siya ang naging pader na sinasandalan ng buog mag-anak.

_________________________________ _________________________________
10. Langit ang turing ni Rosie sa kanyang Ate. Sa kalagayan niya ngayon, aywan kung kaya pa niya siyang
abutin.

_________________________________ _________________________________
WORKSHEET 7

G. PAGSASANAY #7: PAGTUKOY SA PANGUNAHING IDEYA AT KAISIPAN Petsa: ____________

Basahin nang Mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Alamin ang tapik o paksa at ang pangunahing
ideya o kaisipan. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat.

Isang maigting na industriya ang pagbabangko. Ito’y nabubuhay sa tiwala sa kanila ng


publiko. Kahit gaano katibay ang isang bangko kung mangyayaring sabay-sabay na kunin
ng mga depositor ang kanilang pera hindi mabubuhay ang bangko sa ganitong kalagayan.
Manganganib ang bangko dahil ang mga asset nito ay inilagak sa mga negosyong may
termino, maikli man o mahaba at ang mga nakataling asset ay hindi kaagad-agad
napapalitan ng “cash.”

1. Ano ang paksa ng teksto?


a. industriya c. pagbabangko
b. depositor d. negosyo
2. Ano ang pangunahing ideya o kaisipan?
a. matibay ang bangko
b. nanganganib ang bangko
c. nabubuhay sa tiwala ng publiko ang bangko
d. maigting na industriya ang pagbabangko
3. Ano ang mangyayari kung ang mga asset ng bangko ay inilalagak sa negosyong may termino?
a. matatali ang mga asset
b. manganganib ang bangko
c. hindi mabubuhay ang bangko
d. hindi mapapalitan

Ang Asya, lalo na ang Indonesia ay mayaman sa langis, gas at uling. Sakatunayan, ang
pinakamalaking exporter ng “liquified natural gas” sa buong mundo ay ang Indonesia na
siyang nagsusuplay ng milyun-milyong tonelada taon-taon sa bansang Hapon, Timog Korea
at Taiwan.

4. Ano ang paksa ng teksto?


a. Asya c. Indonesia
b. likas na yaman d. liquified natural gas
5. Ano ang pangunahing kaisipan o ideya?
a. mayaman sa langis ang Indonesia
b. may nagsusuplay ng liquified natural gas sa buong Asya
c. pinakamalaking exporter ng liquified gas ang Indonesia
d. ang Indonesia kay mayaman sa langis, gas at uling
6. Anong bansa sa Asya ang pinakamayamang eksporter ng liquified natural gas sa buong mundo?
a. Hapon c. Taiwan
b. Indonesia d. Timog Korea
Padabog na isinara ni Cheska ang pinto nang pumasok siya sa kanyang silid. Humiga at
niyakap niya ang kanyang unan habang unti-unti na ring sumungaw ang luha sa kanyang
mga mata. Umiyak siya nang umiyak. Huminto nang mapagod hanggang sa nakaidlip siya.
Pagkaraan ng ilang minute, bigla niyang binuksan ang kanyang mga mata. Dali-daling
bumangon at lumabas sa kanyang kwarto. Dumiretso siya sa kusina, sa matandang
babaeng naghuhugas ng pinggan. Tumabi siya rito at yumakap sabay sabing, “Patawad po,
Lola. Hindi na po mauulit.”

7. Ano ang paksa o tapik ng teksto?


a. pag-yak c. sama ng loob
b. pagdadabog d. paghingi ng tawad
8. Ano ang pangunahing kaisipan o ideya?
a. Paghuhugas ng lola ng mga pinggan
b. Masama ang ugali ni Cheska
c. Masama ang loob ni Cheska sa lola
d. Paghingi ng tawad ni Cheska sa lola
9. Alin ang hindi ginawa ni Cheska?
a. umiyak c. humingi ng tawad
b. naghuhugas ng pinggan d. umiyak nang umiyak
10. Anong pamagat ang angkop sa talata?
a. Ang Pagkakamali c. Ang Pagdadabog
b. Iyak ni Cheska d. Lola, Patawad!

Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas. Itanghal natin siya sa dapat kalagyan. Siya ang
idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio, at ng iba pang mga bayani, ang nagiging bukal ng kanyang
panulat at pakikibaka. Kaya dapat din natin siyang kilalanin at itanghal, bungkalin at basahin
ang iba pa niyang mga akda. Ipabasa natin sa ating mga kaibigan ng magagandang saknong sa
Florante at Laura. Sumulat tayo ng mga artikulo tungkol kay Balagtas at ipalathala ito sa mga
magasin upang magkaroon ng pagkakataon ang mga hindi Tagalog o ang ibang lahi na
makilala siya, tulad ng mga dakilang makata sa daigdig. Kailangan nating ipakilala si Balagtas
sa buong bansa at sa buong daigdig.

Gumawa ng mga sticker, tarpaulin, at iba pa, kunin ang magagandang linya buhat sa
kanyang awit upang ipaskil o idikitsa mga paaralan, pampasaherong dyip, bus, FX, pedicab, sa
mga waitng shed, mall, tambayan, tindahan, palengke, at iba pa o maging palamuting mga
mug, t-shirt, sombrero, at iba pang ating malimit na isinusuot. Ipabasa sa mga programa sa
telebisyon at radio ang ilan sa mga linya o bahaging kanyang mga akda. At kung maaari ay
maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura, tiyak na hahakot itong atin. Pero
higit pa sa mga ito, kailangan natin sa buhay ang mga sinabi ni Balagtas. Ang mga pag-aalala
sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi
dapat maging pabalat bunga lamang. Kailangan natin siyang basahin. Kailangang
maisapanahon ang paraan sa paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong
teknolohiya.
-Ang awit na Florante at Laura sa Aking Ipod at si Francisco balagtas sa Aking Desktop
Ni Genaro R. Gojo Cruz

1. Ano ang paksang binasa ng sanaysay?


a. Pagkalat ng mga gintong kaisipan ni Balagtas
b. Pagkilala kay Francisco Balagtas Baltazar
c. Pagkalimot sa mga aral ni Balagtas
d. Pagpapakilala sa masang Pilipino ni Balagtas
2. Alin sa sumusunod na kaisipan sa sanaysay ang maiuugnay sa lipunan?
a. Isa panahon ang paraan ng paggunita kay Balagtas lalo na ngayong panahon ng makabagong
teknolohiya
b. Isa buhay ang mga sinabi ni Balagtas para sa kabataan
c. Ang mga pag-aalala kay Balagtas tuwing Abril 2 ay hindi dapat maging pabalat buna lamang
d. Si Balagtas ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio, at ng iba pang mga bayani
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag kung bakit dapat pahalagahan si Blagtas?
a. Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas dahil siya ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio, at ng
iba pang mga bayani, ang naging bukal ng kanilang panulat at pakikibaka
b. Ang pag-aalala sa kanyan tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng balagtasan tuwing Buwan ng
Wika ay hindi dapat pabalat bunga lamang
c. Kailangan natin siyang basahin
d. kailangan maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng
makabagong teknolohiya
4. Alin sa mga sumusunod ang nagtuturo?
a. Kailangang maipakilala sa Balagtas sa buong bansa at daigdig
b. Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radio ang ilan sa mga linya o bahagi ng kanyang mga
akda
c. maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura
d. Kailangang maisa panahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng
makabagong teknolohiya

A. Ako’y nagkasakit at natigil ng bahay nang tatlong buwan. Dahil hindi ako makapunta sa parlor, ang
parlor ang pinapunta ko sa amin. Si Nice ang nagmamanekyur at nagkukulot sa akin. Lumuwa ang mata ko
nang una kong Makita si Nice. Naroon siya sa sala nang pumanaog ako, huli na para paalisin ko siya.

B. Matangkad si Nice, balingkinitan ang katawan at matikulusong nakapantalon at nakabulsa. Mayroon


siyang pabangong hindi ko mawari kung ano, at nakamake-up ma siya. Naka-leather sandal at sumungaw sa
strap ng mga sandal niya ang kanyang daliri sa paa. Tumindig siya nang ako’y lumapit sa kanya.

C. “Magandang tanghali, Mader. Ako si Nice na pinapunta rito upang mag-asikaso sa buhok mo. Dalian
natin, kasi, meron pa akong dalawang kostumer na magpa-home service sa akin.” Mahusay siyang magsalita,
wala siyang tigil sa kasasalita habang ang nakamanekyur niyang mga kamay ay palipag-lipat mula sa aking
mga buhok at sa tray na sisidlanng kanyang mga gamit.

“Ano ang itatawag ko sa iyo, Miss or Mr. Nice?”

D. “Tawagin mon a lang akong Nice, ang baklang galling sa Frisco; ako’y lalaki ngunit nadarama kong
ako’y babae at kung bigyan moa ko ng pagkakataong mabuhay muli, pipilitin ko pa ring maging babae,” ang
sabi niya.

E. Malakas ang boses niya ngunit malambot ang kanyang mga kamay. Ambisyoso rin siya tulad ng
sinuman sa atin, ang sabi ko sa sarili.
F. “Gusto kong makaipon nang marami, Mader” (ayaw ko ang tawag na iyon); gusto kong ipagbili ang
parlor ko sa San Francisco Del Monte; pupunta ako sa Frisco sa California at gagayahin ko ang kaibigan kong si
Pretty (isa ring bakla) sa kanyang bisnes doon. Kung maawa ang Diyos, makapagpapadala ako ng dolyar sa
amin para sa pag-aaral ng nag-iisa kong anak na nasa ikatlong baiting sa isang ekslusibong paaralan sa
Maynila.”

“Masaya ba ang mga magulang mo sa iyoong pagiging bakla?” tanong ko.

G. Noong una, pinalayas nila ako sa bahay. Pinauwi lang nila ako noong binigyan ko sila ng apo at nang
nakapagpadala ako ng pagkain sa bahay dahil sa trabaho ko. Marahil malungkot sila, ngunit ako’y masaya, at
iyon ang mas mahalaga para sa akin. O, ayan, babalik ako rito pagkatapos ng isa’t kalahating oras.
Magmamanekyur ako ng kostumer ko sa kabilang bloke. Ang tagal naman kulutin ang buhok mo.”

H. At pagkasabi niya nang ganoon, dinampot niya ang kanyang bag, pamaypay at paying. Inaayos niya
ang kanyang make-up, at nagmamadaling lumabas ng pintuan nang pakembot-kembot ang puwit hanggang sa
makarating sa gate at lumabas sa kalsada para maghintay ng sasakyan.

Iniwan niya ako sa malalim nap ag-iisip. Matagal.

5. Anoang angkop na pamagat sa kababasang teksto?

a. Kabaklaan
b. Ambisyosa
c. Magandang Tanghali, Mader!
d. Si Nice: Baklang May Pangarap

6. Pangunahing ideya o kaisipan ng talata B.

___________________________________

8. Paksa/Tapik ng talata F

___________________________________

9. Pangunahing ideya o kaisipan ng talata F

___________________________________

Batay sa pagkukwento ni Nice anong dalawang pangyayari ang naganap sa kanya?

10.________________________________

11.________________________________

You might also like