Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Fray Botod

I. BUOD

Ang kwento ay tungkol sa karaniwang prayleng Espanyol na dumarating sa


Pilipinas. Lumabas si Padre Botod sa “parish house” kasama ang babaeng umiiyak .
Siya ay kanyang dinadamayan, ngunit siya y sumusunod lamang sa utos ng prayle
dahil sa takot . Sinusundan sila ng maraming mga kabataang babae na magagara
ang mga suot. Ang mga babaeng ito ay tinatawag na canding- canding. Sila ay
galing sa mahihirap na pamilya at pinangakuang papag-aralin, tuturuan ng Doctrina
Cristiana at catesismo, magbasa, sumulat at iba pang mga bagay na
makapagpapahintulot sa mga magulang. Kadalasan sila ay sapilitang binibigay sa
kura. May gurong babae sa bayan, ngunit ito ay kaisa ni Padre Botod  ang mga
babae at inihalintulas sa mananayaw na taga-India. Mananayaw ng India -isang
diyosa at nagkaanak sa isang mortal (naakit siya sa mga awitin nito)  ang anak na
ito ay hindi pinayagang mabuhay sa langit dahil sa kanyang ama  siya ay binigay sa
mga Brahman na nagpapaaral sa kanya sa loob ng pagod  siya ay nagsasayaw sa
harap ng mga diyosa. May narinig silang pagkakagulo .Mayroong 5 batang lalaki na
nagagalit kay Padre Botod at ang kanyang mga kasama . Ang mga lalaking ito ay
mga estudyante galing sa University of Manila na umuwi para sa
bakasyon. Hinangaan sila ngunit naawa rin dahil mapupunta lamang ang mga ito sa
bilangguan. Natakot si Padre Botod na bubugbugin siya kaya bumalik siya sa
kumbento na galit na galit .Hindi siya nakatulog ng buong gabi at nagkaroon siya ng
pananakit ng tiyan. Kinabukasan, pumunta siya sa Kapitolyo at nagsumbong tungkol
sa pag-aklas , ngunit hindi nito binanggit ang katotohanan ng mga pangyayari.

II. PAGSUSURI
A. Kabuluhan/ Kahalagahan
1. Ang kabuluhan ng kwento ay nakatulong sa bawat isa sa atin na maging
bukas ating mata sa nangyayari sa ating lugar mapa ispiritwal man o
pagtrato sa atin na pagmamalabis.
2. Maging bukas tayo sa mga ibang bagay na makakatulong sa atin ngunit
wag tayo magbulag bulagan sa mga nagmamalabis lalo na ito ay banyaga
pa.
3. Tumatalakay sa akda ang iba’t ibang isyu na kinasasangkutan ng ating
bayan tulad sa ispiritwal at kalaswaan. Sa pagtalakay nito makikita na ng
mga mamamayan ang kanila mga karapatang pinagkait sa kanila at
mabubuksan na ang isip sa totoong kulay at nangyayri sa kanilang bayan.

B. Paano mapapayabong/mapapaunlad
1. Ang mga Pilipino dapat ay maging mapanuri sa nangyayari at tingnan nila
kung sila ba ay nasa pantay na pamamala ng nakakataas.
2. Matuto maging mapanuri sa namamahala kung ginagawa nito ay
nakakabuti o hindi sa inyong lipuinan.
3. Kung nabukasan na ang isip ng mga tao sa masalimuot na katotohanan
ng mundo maaring mabago nito ang bulok na sistema ng bayan. Maari
nating makamit ang pantay na karapatan ng bawat mamamayan kung
patuloy na maipapamana ang maprinsipyong pamumuhay na walang
nilalamangang ibang tao.
III. Suliranin
1. Ang pag dating ng mga Espanyol sa Pilipinas lalo na ang mga prayle.
2. Ginagamit ang relihiyon sa pagmamalabis at kalaswaan lalo sa mga
kababaihan.
3. Maling pamamahala ng prayle sa mga tao ng pilipinas at mga bisyo ng mga
prayle.

IV. Dagdag kaalaman


1. Ang Kwento ay umiikot sa diskusyon ng isang Pilipino at ang kanyang liberal
na kaibigan na isang Kastila .
2. Pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang katungkulan. Ang mga pangyayari
sa kwentong “Fray Botod” ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino noon.
Wala silang boses sa lipunan at minamaltrato at itinuturing lamang ng mga
Espanyol na alipin.
3. Araw-araw nagsusugal ang mga prayle maliban sa linggo pagkat ito ay
nagsasabong.

You might also like