Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga

Halimbawa nito
URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng pang-abay at ang mga
halimbawa ng bawat isa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa
mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.

Ano ang pang-abay?


Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o
naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay
tinatawag na adverb sa wikang Ingles.

May siyam na uri nito:
 Pamanahon – nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa
 Pamaraan – nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa
 Panlunan – tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari
 Pang-agam -nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay
o kilos
 Panang-ayon – nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.
 Pananggi – nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin
pa lamang.
 Pamitagan – nagpapakita ng paggalang.
 Pampanukat – nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o
bagay
 Panulad – nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao,
bagay, pook, o pangyayari.

You might also like