Gomburza at Ang Alboroto Sa Cavite Taong 1872

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikalawang Antas ng Nasyonalismong Pilipino : Ang Kilusang Sekularisasyon

Gomburza at ang Alboroto sa Cavite taong 1872


Ayon sa ulat ni Manuel Artiga y Cuerva
National Glories, The Events of 1872. UP Press. 1996
Ang Alboroto sa Cavite ay dahil sa sapilitang paggawa na ipinataw ng bagong dating na
Gobernador Heneral na si Rafael de Izquierdo sa mga sundalo sa Fuerza San Felipe sa Cavite City. Si
Izquierdo ay isang malupit na gobernador heneral na nagpataw ng Polista sa mga sundalo ng Fort San
Felipe na karaniwan na exempted sa mga buwis at polo na pataw ng mga kastila. Ang naging marahas na
sagot ng mga sundalo ay naipakita nila sa pamamagitan ng pagbaril ng dalawang opisyal na kastila na
sina Capitanes Montesino at Morquecho sa kanilang Commandante Heneral ng kanilang moog o
kampo. Ito ay sa kadahilanang pinagtatrabaho ang mga sundalo na magtatanggol sa nasabing moog
upang gumawa ng galleon, kalye at tulay. Ang dalawang opisyal ay binaril diumano sa ulo ang kanilang
Commandante at nagpahayag ng Alboroto sa nasabing moog na ito sa Cavite.

Ang pagpapadala ng mga puwersang kastila upang mapatigil ang nasabing pag-aaklas ay naging
matagumpay sa halos mahigit 800 puwersa mula Maynila at karatig pook para masupil ang mga
nagsiaklas. Ang mga nagsiaklas ay tuluyang nagupo ng mas malakas na puwersang kastila at sa kanilang
pagsuko ay pinasakay sila diumano ng nga mga prahu papuntang Fuerza SanTiago sa Intramuros ang
pangunahing kulungan noong panahon ng kastila. Ayon kay Artiga, ang mga nadakip natirang
nagalboroto mahigit 200 ang bilang ay nakatali ang likuran at sa pagdala ng mga ito sa bangka ay dalawa
lamang ang nakarating ng maynila. Sila Francisco Saldua at Martin.

Ang ngalan ng tatlong Paring Pilipino na sina Pari Jose Apolonio Burgos, P. Mariano Gomez at
P. Jacinto Zamora ay lumabas sa mga labi ng dalawang lalake na si Saldua at Martin bilang pinuno ng
nasabing alboroto. Dalawa lamang ang nakarating sa piitan ng Intramuros, Fuerza Santiago sapagkat sila
ay naglutangan sa dalampasigan ng Cavite at Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni Manuel Artiga na isang
Madrilenong patnugot ng pahayagan ay nagpatiwakal ang mga nakataling preso ayon sa mga guardia
civiles napagtanungan ni Artiga sa piitan. Si Paring Burgos diumano ayon sa pakikipanayam kay Saldua
ng may-akda ng pananaliksik ay ang pinuno ng nasabing pag-aaklas at naghahangad na mging Hari ng
Pilipinas. Ayon kay Saldua, ang pinakamahusay na abogado noon sa Maynila na si Trinidad Pardo de
Tavera (abogado ng Gomburza), ang siyang gusto maging Pangulo ng Pilipinas. Ang nabanggit naman ni
Martin ay ang kabalintunaan ng pahayag ni Saldua na ang nagnanais maging Hari ay si Trinidad Pardo de
Tavera at ang magiging Pangulo kapag naging matagumpay ang nasabing pag-aaklas ay si P. Burgos. Ang
dalawang nagtutuligsaang pahayag ng dalawang natirang testigo sa kaduda-dudang pangyayari na sila
lamang ang itinira ng mga pwersang Kastila upang ipahayag ang kasinungalingang ito at para maipit ang
bayaning tatlong Paring Pilipino.

Ang pag-aaklas ay idinawit ng dalawang testigo na si Saldua at Martin ang tatlong pari dulot na
rin ang nakakaraming mga nag-aklas ay mga Indio sa pamumuno ni Sgt. La Madrid ngunit katulad ng
nabanggit sa itaas na may mga opisyales (Capitanes) na kastila na kasapi kung kaya’t ito ay hindi lamang
isang alborotong Indio ngunit lahat ng mga hindi sumang-ayon sa pagmamalupit ng Hapsburg na
Gobernador Heneral na si Rafael de Izquierdo at ang kanyang pagpapataw ng Polo y Servicios sa militar.
Ito ang ginamit na dahilan ng mga Prayle upang maparatangan ang mga Paring Pilipino ng
pagkakasangkot dahil kapag gumawa daw ng di makatarungan ang mga Indio ay dumudulog sa mga pari
para sa payot kumpisal. Ito rin ang dahilan na hindi ipinaalam ng mga Paring Pilipino ang nasabing
kaguluhan dahil kasabwat sila dito.

Ang panggigipit ng mga Prayle sa mga Paring Pilipino na nagnanais na magkaroon ng sariling
Parokya noon ang pinakaugat ng kaganapan sa pagkaka Garrote ng tatlong paring ito. Ang nasabing
parusa ay tinatawag na Garrote Vil, bilang pinakamalupit na parusang ginagawad sa mga mabibigat na
krimen at malulupit na kriminal ngunit ito ay ginawad di sa tatlong militar o kriminal ngunit sa tatlong
paring Pilipino. Ang tatlong paring Pilipino na naghahangad ng Pilipinisasyon ng Simbahan o
pagkakaroon ng papel ng pamamahala ng Paring Pilipino sa mga Parokya na noon pinamamahalaan ng
mga Regulares, Mongha o ng mga Prayleng Kastila. Ang mga Sekulares o Paring Pilipino diumano ay di
karaniwang binibigyan ng pagkakataon na mamahala ng simbahan o Parokya kung kaya’t sa Pilipinas ang
tawag sa Parish Priest ay Cura Parroco. Ang kahulugan ng Cura ay Friar Curate o Prayle at ang mga
Prayle noong panahon ng Kastila ay mga Prayle at ipinagbabawal ang mga Indio na maging Prayle hal.
Nito ang pag-aaklas ni Hermano Pule (Apolinario dela Cruz na nagnais maging Prayle ngunit di pinayagan
kung kaya’t pinatay nia ang Cura Parroco ng San Pablo at lumaban na sa mga Kastila).

Ito ang naging dahilan upang itatag ng Pari Pedro Pelaez ang Kilusang Sekularisasyon, siya rin
ang kinikilalang guro din ng batang si Burgos ngunit siya ay namatay sa isang terromoto o lindol. Si P.
Pelaez ay naging Obispong Pilipino ngunit nakita nia ang karamihan sa kanyang kababayang Pari ay
walang parokyang pinamamahalaan kung kaya’t naisipan niyang itatag ang samahang ito. Ito ay
nagmulat sa karapatan ng mga Paring Pilipino na di lamang mga Prayleng kastila ang maaaring
mamahala sa mga Parokya ngunit gayundin sa panig ng mga PIlipinong pari sapagkat iisang “Vow” lang
naman ang kanilang sinumpaan.

Sa ika-18 ng Pebrero taong 1872, ang nakahanay sa garrote, ay apat na tao ang tatlong pari at
ang naging kilalang testigo na si Francisco Saldua, pangunahing testigo na naging pangunahing unang
ginarote. Ang premyo sa pangunahing sinungaling at taksil sa kasaysayan ng Pilipinas. Inuna ang
pinakamatanda sa tatlo na may edad na 67 na si P. Jacinto Zamora at ang pinakahuling pinakamatagal
diumano sa garrote ay ang pinakabata at pinunong Pari ng kilusang Sekularisasyon na si P. Burgos. Ang
pahayag ni Artiga pagkatapos ng Garrote ay diumano santambak na dugo ang makikita sa papag ng kung
saan sila nakaupo at unti-unting pinipihit ang bakal na may taling nakakabit. Ito ay mas tumagal sa
batang si P. Burgos dahil sa pakikipagtunggali nito sa tali at sa huling habol ng hininga na kanyang
nakukuha ngunit sa patuloy na pagpihit ng nasabing tali ang pressure ng dulot ng pagkakapihit ang
dahilan na lalabas ang dugo sa mga bukas na daluyan sa ulo katulad ng bunganga, tenga, ilong at mata.
Ito ang dahilan kung bakit ang entablado ng kamatayan sa Bagumbayan ay naging madugo. Tunay nga
mapalad si Dr, Jose Rizal dahil di nia nadanas ang kamatayan na inabot ng tatlong pari na nag-alay ng
kanilang buhay upang ipaglaban ang karapatan na magkaroon ng sariling parokyang Pilipino. Ang
gomburza rin ang inalayan ng ating pambansang bayani ng kanyang mabunyi ngunit mapag-aklas na
nobela na El Filibusterismo.

Ang mga katulad ni Trinidad Pardo de Tavera kung tunay na naging kasapi ng pag-aaklas ay di
naman ginarrote ng mga Espanyol sa kadahilanan di naman ito Paring Pilipino. Naging mapalad din ang
kapatid ng bayaning si Marcelo H. Del Pilar na si P. Toribio Del Pilar, ang mga kaibigan ng Gomburza na
sina Gregorio Araneta, Joaquin Pardo de Tavera, Antonio Maria Regidor, Miguel de Lasa, Jose Maria
Basa, Pio Basa, Pedro Carillo, Gervasio Sanchez at iba pa. Sila P. Toribio del Pilar at mga ngalan nabanggit
na mga kilalang kaibigan ng Gomburza na mayaman at maunlad na Indio ay naging biktima ng
pagpapatapon ng mga kastila, o tinawag na Destierros. Sila ay ipinatapon sa Marianas Islands ngunit
dahil sila ay mga maykayang Principales o Ilustrados ay nakakuha ng barkong papuntang Espanya. Ang
tadhana naman na nagiisang buhay na testigo na si Martin ay hinanap ni G. Artiga ngunit ang kanyang
piitan sa Fuerza SanTiago ay wala ng laman kung kaya’t ito ayon kay Artiga ay pinahirapan at pinatay na
lamang upang di makapaglahad ng malaking katotohanan nalalaman nito sa kasaysayan. Si Martin ay
kilala sa tawag sa kasaysayan na bilang mga nasalvage, o Desapericidos.

You might also like