Isyung Pangwika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isyung Pangwika

"Ang wika ay kaluluwa at salamin sa


pagkatao ng isang bansa."
TELEBISYON: Tunay na, ang
karamihan na programa na
pinapalabas sa TV ay sa
wikang Ingles
Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay patuloy ang pag unlad at pagyabong
dahil sa kamangha-mangha nitong tulong at gamit sa pang araw-araw. Ngunit sa
kabila ng lahat ng pagbabagong ito hindi maikakala na ang telebisyon ay naging
malaking bahagi din ng ating pamumuhay at naging isa sa pangunahing paraan
ng telekomunikasyon. Ang telebisyon ay nagbibigay ng iba’t ibang
impormasyon na siyang nakakatulong na mabigyan ang mga manonood ng
sapat na kaalaman ukol sa pinapanood nito. Ang ilan na alamang sa mga ito
ay balita, teleserye, sports, dokyumentaryo, at iba pa na siyang nakakapukaw ng
atensyon ng mga manonood.
Sa pagpasok ng makabagong henerasyon na siyang mas pinaiiral ang paggamit
ng wikang Ingles sa pakikipag-usap o pakikipagkomunika, karamihan sa mga
palabas ngayon sa telebisyon ay gumagamit na rin ng wikang Ingles lalong lalo
na sa cable channels. Ang cable channels ay available sa mga cable
televisions na ginagamitan ng satelite upang magkaroon ng mas malakas na
signal at sumasakop ng mga channels ng iba’t ibang bansa. Ang ilan sa mga ito
ay FOX, Disney Channel, Cartoon Network, MTV, CNN, ESPN, STAR
MOVIES at iba pa. Dahil sa mas malawak na paggamit ng wikang Ingles sa mga
programa sa mga channels na ito, nakakalimutang bigyan ng pansin ng
karamihan sa atin ang ating sariling wika, ang wikang Filipino. Bakit nga ba hindi
na nabibigyan ng pansin ang ating wika na dapat siyang tinatangkilik natin
ngayon at ginagamit natin sa pang araw-araw? Ikaw anong kilos ang dapat mong
gawin para sa wika natin? May magagawa ka ba? Kung meron, umpisahan mo
na.

You might also like