Professional Documents
Culture Documents
Si Julio at Ang Sapatero Sa Kanto
Si Julio at Ang Sapatero Sa Kanto
Si Julio at Ang Sapatero Sa Kanto
Magkapatid sa ina sina Dante at Julio ngunit buong kapatid ang turing nila sa
isa’t isa. Namatay ang tatay ni Dante noon at ni minsan naman ay hindi nagkwento si
Aling Nena tungkol sa ama ni Julio. Bata pa raw ito para malaman ang tungkol sa ama
niya.
Isang araw, habang naglalaro sina Julio at Dante kasama ng kanilang mga
kaibigan, pumunta sa may kanto yung bolang nilalaro nila. Hinabol ito ni Julio at doon
niya napansin na may matandang sapatero pala sa kanto.
Tinanong ni Julio ang kuya niya tungkol sa sapatero. Noong una, mukhang
nagulat ito ngunit sinabi na lang sa kanya na huwag ng pansinin iyon.
“Sapatero? Ahh… ‘Di ko alam kung sino iyan. Hayaan mo na, pasa mo na yung
bola,” sagot ni Dante sa bunsong kapatid.
Kinabukasan, sumama si Julio sa palengke sapagkat may pasok ang kuya Dante
niya. Sumakay sila ng nanay niya sa pedikab at dumaan ito sa kanto kung saan
nandoon na naman ang matandang sapatero naka puwesto.
Hindi umimik si Julio ngunit napansin niyang naiwang ang tingin ng nanay niya
sa matandang sapatero.
Hindi nakasagot agad si Aling Nena. Tiningnan niya muna si Julio bago nasambit
ang mga salitang, “hindi ko siya kilala”. Pagdating nila ng palengke, wala pang
dalawang oras ay ubos na ang paninda ng nanay niya kaya nakauwi sila agad.
Sinundo nila si Dante sa paaralan bago umuwi. Pagdating nila sa bahay nila,
pumasok na sila agad ay binilin ng nanay niya na huwag na silang maglalaro sa labas.
Pagpasok ng dalawang bata, bumalik sa labas si Aling Nena.
Napansin ito ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta ang
nanay niya. Sinundan niya ito ng patago noong makitang lumapit sa matandang
sapatero ang ina niya.
“Nais ko lamang siyang makita. Gusto ko sana siyang makilala pero alam kong
ayaw mo kaya dito lang ako sa malayo. Patawad sa lahat, lubos kong ipinagsisihan ang
mga nagawa ko,” sagot ng sapatero kay Aling Nena.
Pag-uwi ni Aling Nena sa bahay nila, lumapit sa kanya si Julio at niyakap siya.
Ipinaliwanag ni Aling Nena sa anak na ayaw niyang malaman nito na isa siyang
anak siya labas sapagkat mahal na mahal niya ito. Ipinagtapat rin niya na galit na galit
pa rin siya sa tatay ni Julio.
“Kaya pala lumaki akong walang ama dahil iniwan niya pala tayo. Pero siya pa
rin po ang tatay ko inay at nais ko siyang makilala,” sabi ng bata sa nanay niya.
Kumain na sila at natulog ngunit bago pa man tuluyang nakatulog ang ina ng
dalawang bata, napaiyak siya habang iniisip kung gaano kalaki ang puso ng anak niya.
Bakas sa mga mata ng bata na hindi ito nagalit sa ama niya.
Kinabukasan, dinala ni Aling Nena sa sapatero ang bunso niya at ipinakilala na
niya si Mang Jose kay Julio. Niyakap ng matanda ang anak niya habang umiiyak at
humihingi ng kapatawaran. Patuloy rin siya sa paghingi ng patawad sa ina ng bata.
Simula noon, araw-araw nang nakakadalaw ang sapatero sa bahay nina Julio.
Kahit sa labas lang sila hinahayaang mag-usap noong una, unti-unti ay lumambot rin
ang puso ni Aling Nena.
“Pasok ka rito at kumain ka muna, gutom na rin iyang si Julio sa kakalaro diyan
sa labas,” pagyaya niya sa sapatero isang hapon.
Sa nakikita ni Aling Nena sa anak niya, natutunan niya ring patawarin ang ama
nito at subukang maging magkaibigan silang muli.