Tunog ng alarm clock ko at hudyat naman ng panibagong araw at
panibagong pagsubok na naman. Agad-agad ko naman ito pinatay para di magising ang roommate ko. Heto na naman ako nakatulala, binabasa ang salitang sinulat ko para i-cheer up ang sarili ko "KAYA MO YAN!" na bigla naman kinuntra ng isip ko "Kaya ko ba?"
Bigla akong bumangon at kinuha ang tuwalya para maligo. Habang
naliligo iniisip ko kung ano na naman ang mangyayari sa araw na ito. Sa bawat araw na dumaraan ay may dalang kaba sa aking dibdib kung kakayanin ko ba, o kung magiging productive manlang ako sa araw na ito. Ito na parati ang routine ko araw-araw. Biscuit at kape lang okay na ang agahan ko wala na kasi akong oras para magluto pa dahil 7:30 pasok ko. Heto na naman sunod-sunod nang nagbigay ng mga requirements at outputs mga prof. namin partida di ko alam kung alin doon ang uunahin ko. Finals na ng 1st semester kaya ganun nalang kadami ang mga gawain namin. Kulang sa tulog dahil sa Research namin dagdagaan pa ng compilation of art works tsaka kailangan mag-study kasi nga finals exam na naman. Gulong-gulo talaga ang utak ko. Kahit anong tiwala mo sa "Time Management" kung kulang na kulang ka na talaga sa oras di na talaga yan papasok sa isip mo. 3:00 AM nakakatulog at gigiding ng 5:00 AM para mag prepare pumasok. Nagsisimula na akong mapagod at panghinaan ng loob. Tinatanong ang sarili "kaya ko ba talaga?" Ito yung mga panahon na kailangan ko ng taong makikinig sa akin, dadamayan ako sa sakit at pagod na nararamdaman ko pero wala ako nun ehh. Pamilya ko? Nandoon iniisip nila kalagayan ng kapatid ko pero ako kinamusta ba nila? Kahit isang text manlang kung "kumain na ba ako" wala akong natanggap. Pero grabi pa galit nila kung di sila nirereply ng kapatid ko. Minsan napapa isip nalang talaga ako, "Anak ba talaga nila ako?" Pinipilit kung intindihin na baka ganun lang talaga lahat ng magulang pero hindi ehh. Sa akin lang sila ganito. Alam kong may kulang talaga sa pagkatao ko simula pa noong una. Kahit nandyan sila pero parang nag iisa lang ako. Di ko alam kung saan ako patutungo. Napapagod na ako. Pagod na pagod na. Gusto kong umiyak nalang ng umiyak hanggang magsawa nalang ako. Napapa isip tuloy ako "Subrang sama ba ang mga nagawa ko sa nakaraang ako kaya ako nilagay sa buhay na ito? Ito na ba ang kapalit sa mga nagawa ko noon?" Para akong naglalayag sa gitna ng dagat na di alam kung saan patutungo. Sumasabay nalang sa bugso ng alon at hinayaan kung saan ako dadalhin. Napakalayo na ng narating ko, di ko maalala ang mga masasayang panahong mayroon ako dahil natabunan na ito ng mga malulungkot na alaala. Gusto ko ng bumalik sa dating ako gusto ko lang maging masaya at walang problemang inaalala. Nilulunod ako ng sarili kong isip. Humihingi ako ng tulong ngunit tila walang nakikinig at walang nais makinig. Tulong!!!!
~~~ kringgg kringgg kringgg~~~
Tunog na nagpagising sa makatutuhang panaginip ko.