Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Puting Tigre

By: Dorothy Custudio

Alam mo ba?
Ang Korea....
Sa isang malayong lugar malapit sa kabundukan ng Kumgang sa Korea
ay may namumuhay na sa isang batang lalaki. Ulila na siya sa ama
simula noong sanggol pa. Naitatak na niya sa isipan niya na hindi na
babalik ang kanyang ama nang mangaso ito upang hanapin at
paslangin ang Puting Tigre.

Ang naninirahang tigre sa kabundukan ng Kumgang ay malaki at


mabagsik. Kasa-kasama niya ang alalay niyang uwak na nagtuturo sa
kanya ng susunod na bibiktimahin. Bumababa sila sa kabundukan at
wala siyang pinipiling biktima, kabayo, baka, kung ano-ano pang hayop
at mga tao.

Lumaki ang batang lalaking may dinadalang matinding galit sa tigre


kaya ipinangako niya na siya ang kikitil ng buhay sa tigre upang
makapaghiganti. Nang tumuntong siya sa edad na labinlima kinausap
niya ang kanyang ina at nagpaalam na pupunta siya sa kabundukan
upang hanapin ang tigre. Ngunit nanumbalik ang takot ng ina noong
nagpaalam ang ama. Kaya’t sinabi niya sa anak na pagisipan muna ito
mabuti.

Nangako naman ang anak na kaya na niya hanapin ang tigre. Pumayag
naman ang ina sa isang kondisyon, kung kaya niya gawin ang mga
ginagawa ng kanyang ama noon. Tumango naman ang anak at
tinanggap ang hamon. Noon daw ay pinatayo siya na may sunong sa
bangang puno ng tubig sa ibabaw ng kanyang ulo. Babarilin niya ito sa
hawakan sa layong isang milya at hindi matatapon ang laman nitong
tubig. Kumuha ng baril ang anak at sinubukang gawin ang hamon
ngunit nabigo siya. Kaya ipinagliban niya ang pagpunta sa kabundukan
at nagsanay pa ng tatlong taon.

Dating tinatawag na Choson na ang ibig sabihin ay "Lupain ng


Mapayapang Umaga"
Nahahati sa dalawa, ang Hilagang Korea at Timog Korea
Pagkatapos ang tatlong taon ng pagsasanay ay sinubukan niyang muli.
Nagulat ang kanyang ina at sa kalituhan, sinabi niya na ang kanyang
ama ay kayang patamaan ang butas ng karayom na may layong isang
milya. Sinubukan niya muli ngunit hindi niya

nagawa. Sinikap niya muli magsanay ng 3 taon at habang siya ay


naghahanda ay muling nanalasa ang puting tigre. Matapos ang 3 taon,
nang 21 taon na ang binata ay sinubukan niyang muli at sa
pagkakataong ito ay nagtagumpay siya.

Kinabahan ang ina sa nakita. Lingid sa kaalaman ng anak, ang lahat ng


sinabi ng kanyang ina ay pawang kasinungalingan lamang at iyon ay
kanyang ginawa upang mapigilan na ang pag-aasam nito na hanapin
ang tigre. Ngunit nakita niya ang pagpupursigi kaya pumayag na rin ito
kahit

labag sa kanyang kalooban


Noon rin ay iniwan ng anak ang bayan at pumunta sa kabundukan.
Noon ay nakilala niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng
mga mangangaso sa kanyang bahay. Tinanong ng matanda kung ano
nga ba ang pakay ng binata. Kinuwento ng binata ang kanyang pakay
at doon ay binalaan siya na ang puting tigre na nakakaramdam ng
panganib.

Kinuwento ng matanda na natatandaan niya ang kanyang ama na


dumaan doon bago tumuloy sa kabundukan. Sinabi niya na kayang
kaya ng kanyang ama na patamaan ang pinakamataas na dahon sa
puno kahit nakatalikod. Kung hindi niya ito kayang gawin ay hindi niya
makakayanan ang puting tigre. Sinubukan ito ng binata at siya ay
nabigo. Kaya ipinagpaliban niya ang pangangaso at nagsanay muli
upang magawa ang hamon. Bumalik siya at nagtagumpay siya sa
hamong ibinigay
Namangha ang matandang babae at sinabing hindi dahil yun ay kaya
na niyang talunin ang puting tigre. Kinuwento niya na kaya ng kanyang
ama na barilin ang isang langgam sa bingit ng isang bangin. Napatigil
ang binata at napagisipang magsanay muli ng 3 taon. Habang siya ay
nagsasanay, nagpatuloy ang pananalasa ng puting tigre. Sinubukang
muli ng binata at siya ay nagtagumpay. Lingid sa kaalaman ng binata
ay gawa gawa lamang ang mga tinuro ng babae upang mapigilan itong
umakyat sa kabundukan.dahil sa kakaibang gilas ng binata ay hindi na
ito napigilan ng matandang babae.

Matiyagang naglakbay ang binata sa kabundukan. Ilang araw na ang


binilang ay hindi niya mawari kung saan matatagpuan ang puting tigre.
Isang araw habang kumakain ang binata ay may dumating na isang
matandang pulubi at humingi ng pagkain. Tinanong ng pulubi kung
ano ang pakay ng binata. Isinalaysay ng bata ang kanyang pakay sa
kabundukan. Pinayuhan siya ng pulubi na kung gusto niyang paslangin
ay tiyak na wala kang kalaban laban

Tumanggi ang binata at sinabing kailangan niya iyon gawin para sa


ama niya. Kaya't pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at
mapagmasid. Sinabi niya na kailangan niya itong barilin habang ang
nakikita pa lamang ay isang maliit na puting tuldok at kailangan ay
hindi ito magmintis sapagkat masasayang lamang ang mga taong
nilaan upang mapaghandaan ito.
Nagpatuloy ang binata sa paglalayag. Nakaramdam naman ang puting
tigre na mayroon siyang kalaban. Isang araw habang nagaabang ang
tigre ay nakaaninag ang binata ng puting tuldok. Ipinutok agad ng
binata ang kanyang baril. Agad namang pumunta ang binata sa
kinalalagyan ng binaril niya.

Namangha ang binata nang makita niya ang tigre na nakahandusay.


Nakita niya ang malaking bibig ng tigre at kaniya itong tinahak. Ilan
pang sandali ay nakita niya sa isang sulok ang isang dalagang walang
malay.Pinainom ng binata ang dalaga ng tubig na kanyang baon.
Nagulat ang dalaga at pinasalamatan niya ang binata at ikinuwento
niya kung paano siya napunta roon.
Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay may narinig silang anas ng isang
tao. Sinundan nila ang pinagmulan ng tinig at nagulat sila nang may
matagpuan silang matandang lalaki sa isang sulok.
Lalong nagulat ang lalaki nang malaman niyang iyon pala ang
nawawala niyang ama. Ubod ng galak ang binata at pinasalamatan
niya ang Panginoon.
Sa pagitan ng paghikbi niya ay nasabi niya na tunay ngang kapag may
ninais ka at pinagsikapan mo ito, makakamtan mo ito at higit pa sa
inaasahan mo.
Nang lilisanin na nila ang kabundukan ng Kumgang ay nagdiwang ang
mga hayop sa kabundukan, sumisigaw at sinasabi, "Mabuhay ang
binata! Mabuhay ang pinakamahusay na mangangaso!"
Hindi naglaon ay napaibig na ng binata ang dalaga. Ikinasal silang
dalawa at naging saksi
kanilang mga magulang. Nagkapamilya at itinuro nila sa kanilang
supling ang karanasan nila sa Puting Tigre.

You might also like