Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri sa Maikling Kwento

I. A. Pamagat
Impeng Negro ni Rogelio Sikat
B. Sanggunian o Aklat na Pinagkuhanan
https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---impeng-negro.html

II. Buod ng kwento


Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, naghuhugas ang isang batang negro kung saan
pinangangaralan siya ng kanyang ina na huwag nang makipag-away pa. May mga kapatid siyang iba-
iba ang ama. Sina Kano, Boyet, at Ding-ding. Si Impen lamang ang iba sa kanila dahil mapuputi ang
mga ito at siya lamang ang negro. Siya’y maglalabing-anim na taong gulang na. Lahat ng taong
nakapaligid sa kanila ay pinagchichismisan ang kanyang ina na iba-iba raw ang naging asawa nito.
Pagkatapos niyang maghugas ay aalis na siya upang maging agwador at makasahod sa
pamamagitan ng pag-iigib. Ngunit hindi pa siya nakakalapit ay alam niya nang naroroon ang kanyang
kaaway na si Ogor. Si Ogor na siyang nambubully kay Impen at isang basagulero na kailan man ay
hindi niya itinuring na kaibigan si Impen. Agad siyang pumila at tiniis na lamang ang init dahil
naroroon ang mga tao sa tindahan kung saang pwedeng sumilong. Naka-anim na karga na si Impen
at habang nakaupo sa balde na kanyang pinipilahan ay agad lumapit si Ogor na kakatapos lang
umigib para agawin kay Impen ang posisyon ng pila. Nagparaya nalang si Impen ngunit ng paalis na
siya ay bigla siyang pinatid ni Ogor dahilan upang dumugo ang kanyang pisngi. Galit na galit si
Impen kay Ogor dahil sa ginawa nito sa kanya. Sinigawan ni Impen si Ogor pero hindi ito natinag,
imbes na tigilan ay sinipa niya pa ito. Nang akmang uulitin nanaman ni Ogor ang pagsipa sa kanya ay
agad nitong sinunggaban at kinagat upang bumagsak si Ogor.
Nagpatuloy ang kanilang sapakan hanggang sa hindi na makayanan ni Ogor ang lakas ni Impen.
Itinaas ni Ogor ang kanyang mga kamay bilang pagsuko. Agad na natahimik ang mga taong
nakapaligid sa kanila. Makikita ang gulat at pagkamangha sa kanilang mga mukha na kanilang
nasilayan kay Impen. May galak siyang nadama. Isang luwalhati.

III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Uri ng Maikling Kwento — isang maikling kwento tungkol sa buhay ng isang impeng
negro.
B. Istilo ng Paglalahad
Daloy ng kaisipan — ito ay may daloy ng kaisipan dahil isinasalaysay ang bawat
pangyayari sa kwento.

C. Mga Tayutay

1. Nakukulili na ang kanyang tainga (Eksaherasyon)


— nakukulitan na siya sa ingay ng kanyang ina.
2. Nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta (Paglilipat-saklaw)
— nakuha niya ang luma niyang kamiseta.
3. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. (Eksaherasyon)
— Agad na dumilim ang kanyang paningin.
4. Unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga paang
alikabukin.
— Unti-unti niyang nasisilayan ang mga paang paparating sa kinaroroonan niya.
(Eksaherasyon)

D. Sariling Reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya


Teoryang Realismo —

You might also like