Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

BATAYANG

KAALAMAN SA
PAGSULAT NG FLYER,
LEAFLET AT MGA
PROMOTIONAL
MATERIALS

12 TVL STRAND
MGA GABAY NA TANONG
• 1. Ano ang itsura at pisikal na
anyo ng a at b?
• 2. Ano-ano ang nilalaman ng mga
babasahing ito?
• 3. Ano ang katangian ng wika at
paraan ng pagkakasulat ng mga ito?
• 4. Ano ang gamit ng mga
babasahing ito?
• 5. Ano ang itsura at pisikal na
anyo ng c?
MGA GABAY NA TANONG
• 6. Ano-ano ang nilalaman ng
babasahin c?
• 7. Ano ang katangian ng wika
at paraan ng pagkakasulat nito?
• 8. Ano ang kaibahan ng c sa a
at b?
• 9. Ano ang itsura at pisikal na
anyo ng d at e?
• 10. Ano-ano ang nilalaman ng
mga ito?
MGA GABAY NA TANONG
• 11. Ano ang katangian ng wika at
paraan ng pagkakasulat ng mga ito?
• 12. Ano ang kaibahan ng d at e sa
iba pang babasahin?
• 13. Ano ang gamit ng mga ito?
• 14. Mabisa bang gamitin ang mga
ganitong babasahin sa pagbibigay
ng impormasyon sa marami?
• 15. Paano nakapanghihikayat ang
mga babasahing ito sa iyong
partisipasyon sa pagdiriwang ng
Tanglawan?
BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA FLYER
• Makikita sa mga promotional material (a, at b)
na detalyado ang pagkakabuo ng nilalaman nito.
May mga katanungan at tiyak na kasagutan para sa
mga ito. Madaling basahin at unawain ang mga
nilalaman nito na mainam para sa target na
mambabasa ng mga promotional material.
Impormatibo at sadyang makatutulong ang mga ito
sa kung sinumang nais makaalam tungkol sa
paksang inilalahad ng materyales.
• Mapapansin ding may mga larawan at kulay ang
mga flyer upang higit na makapukaw ng atensiyon
sa mga mambabasa. Kahit ang pagpili ng estilo ng
font ay isinasaalang-alang sa pagsulat ng mga ito.
Marapat lamang na malinaw at madaling basahin
ang gagamiting font sa paggawa ng promotional
materials
BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA FLYER
• Ang mga ito ay flyers o uri ng papel na patalastas na
naglalayong ibahagi sa maraming tao. Madalas din
ito na ipaskil o ipinamamahagi sa pampublikong
lugar. Ang mga flyer ay maaring gamitin ng
idibidwal, kalakal o organisasyon upang:
• • Ipatangkilik ang mabuting serbisyo tulad ng
restawran,spa atbp
• • Hikayatin at padalhan ng sosyal, relihiyoso, at
political na mensahe ang mga tao
• • Mag-recruit ng kaanib
• • Ipatalastas ang isang pangyayari tulad ng
konsyertong musical, pagdiriwang, patimpalak o
pagsasama-samang political o sosyal
BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA LEAFLET
Makikita naman sa promotional
material (c) na mas kakaunting teksto
ang nakasulat ngunit higit na maraming
larawan at makulay ang kabuuan nito.
Kahit pa mga susing salita lamang ang
nakalagay, madali namang maunawaan
ang nilalaman dahil sa mga ginamit na
salita. Ang mga ito ay leaflet.
BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA LEAFLET
Ang leaflet ay madalas na mas maganda ang
disenyo kaysa flyer. Ito ay makulay at higit
na maganda ang kalidad. Ang layunin ng
leaflet ay ang mga sumusunod:
• Magpromote ng produkto, serbisyo o
organisasyon
• Mailagay sa pahayagan
• Maipamigay sa mataong lugar
• Makatawag ng pansinat
makapahayag ng ibig na mensahe
BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA POSTER
Samantala, sa materyales (d at
e), na pawang mga poster, tanging mga
batayang impormasyon lamang hinggil
sa gawaing ipinababatid ang nakalagay
maliban sa larawan nito at kalimitang
ipinapaskil sa mga pampublikong lugar
upang mabasa at makita ng maraming
tao.
PAGSULAT NG PROMOTIONAL MATERIAL
• Ang mga promotional
material ay nagsisilbing gabay
tungkol sa isang produkto o
serbisyo.
• Sa pagsulat ng mga
promotional material,
mahalagang panatilihin ang
pagiging tiyak sa mga
impormasyong isusulat dito.
PAGSULAT NG PROMOTIONAL MATERIAL
• • Mahalaga ring tandaang layunin
nitong manghikayat kung kaya’t ang
mga impormasyong isusulat dito’y
marapat na makatawag-pansin sa
mga makakabasa nito.
• • Mahalaga rin ang anyo, kulay,
teksto, at pagkakabuo ng mga
promotional material Maaaring
gumamit ng mga aplikasyon sa
kompyuter para sa mabilis na
paggawa ng mga ito.
PAGSULAT NG PROMOTIONAL MATERIAL
• Kalimitang binubuo ang
promotional materials ng pangalan
ng produktong nais ipakilala o
ikampanya, mga tiyak na
impormasyong hinggil dito, mga
piling larawan upang higit na
maging malinaw ang pagpapakita
sa ibig ipatangkilik, tagline, at iba
pang mahalagang impormasyong
makatutulong sa layunin ng
ginagawang flyer o promotional
material.
PAGSULAT NG PROMOTIONAL MATERIAL
• Kalimitang binubuo ang
promotional materials ng pangalan
ng produktong nais ipakilala o
ikampanya, mga tiyak na
impormasyong hinggil dito, mga
piling larawan upang higit na
maging malinaw ang pagpapakita
sa ibig ipatangkilik, tagline, at iba
pang mahalagang impormasyong
makatutulong sa layunin ng
ginagawang flyer o promotional
material.
PAGLALAHAT

Sabihin mo…
Sa pamamagitan ng…
Flyer, leaflet at poster.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like