Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Allen Jae A.

Pascua
BSEd – 2A
Eksistensiyalismo at Istrukturalismo

Teoryang Eksistensiyalismo

Layunin nito na ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
Ayon sa mga eksistensyalista, kailangang tanggapin ang mga panganib at responsibilidad sa kanyang naisin.
Ang pagpili ay kailangan sa eksistensya ng bawat nilalang, kung gayon, ang hindi pagpili, ay isa pa ring uri ng
pagpili.

Søren Kierkegaard (5 Mayo, 1813 – 11 Nobyembre, 1855)

Danish Philosopher, Theologian, Poet, Social Critic, and Religious Author

Pinakaunang eksistensyalista sa mundo


Tinaguriang “Ama ng Eksistensyalismo” o “Father of Existentialism”
Tinagurian din bilang “The Ultimate Anti-Christianity Christian” dahil ang iba sa kanyang mga akda ay umaatake sa
mga Kristyano.

Pananaw Eksistensyalismo

Malaya ang Tao


Reponsable ang Tao
Indibidwal ang Tao
Walang makapagsasabi kung alin ang tama
Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao

Istrukturalismo

Mula sa salitang “Istruktura”, lahat ng bagay ay may istruktura. Upang malaman ang totoong esensiya ng isang
bagay, kailangan mo muna itong tingnan sa isang malawak na istruktura.
Nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maari lamang mapalitaw kapag ito ay titingnan sa mas malawak na
istruktura
Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue) na nakadepende naman sa aktwal na
sinasabi o binigkas (ang parole).
Ferdinand De Saussure (26 Nobyembre, 1857 – 22 Pebrero, 1913)

Swiss Linguist and Semiotician

Inimbento niya ang konsepto ng pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita – na walang isang salita na nakatayo
na mayroong kahulugan.
Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay
napapabilang (meanings are relational). Nalilikha lamang kung ganoon ang kahulugan dahil sa pagkakaiba
(difference) ng salita sa iba pang salita.
Halimbawa nito ang kahulugan ng kulay na “pula” sa water dispenser: “pula”=mainit. Iba ito sa
“bughaw”=malamig. Itong pagkakaiba ang nagbigay sa pula ng kahulugan. Siempre pa kung ang kulay pula ay
makikita na hindi na bughaw ang katabi, mag-iiba ang kahulugan nito. Itinuring din ni Saussure ang wika bilang
sistema ng senyas (sign) na binubuo ng tagasagisag (signifier) at sinasagisag (signified).

Sa kabuuan, masasabi na ang istrukturalismo ay lumitaw bilang reaksiyon sa namamayaning teorya na Formalismo. Layon
nitong isantabi ang autoridad ng awtor at itanghal ang paghahari ng sistema (wika) kung saan ang lahat ng kahulugan ay
matatagpuan. Nasa paniniwala nito na wala nang bago sa mga sinusulat dahil lahat ay “nasulat na.” Nauna na ang wika sa
paglikha ng kahulugan kesa sa magsusulat pa lang.

You might also like