Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Shakira Mae J.

Adena NSTP CWTS –


Cycle 2
BSA 1-4 August 11, 2019

TAKDANG ARALIN BLG. 1

1. Naniniwala ka bang May Diyos? Kung hindi, bakit? Kung oo, magbigay ng isang
karanasan sa buhay na nakapagpadama sa iyo ng presensya ng Diyos at
nagpatatag sa iyong pananampalataya.

Opo, naniniwala ako sa Diyos. Isa sa mga karanasan kung kailan sobra ko siyang
pinasalamatan ay noong nasangkot ako sa isang aksidente last year habang ako ay
tumatawid. Ako ay papasok noon sa eskwelahan, mga bandang alauna ng tanghali, ng
biglang nasagasaan ako ng isang four-wheel na sasakyan. Isa ito sa mga pinakadelikado,
nakakatakot at di malilimutang pangyayari sa buhay ko dahil sa puntong iyon, muntik nang
malagay sa alanganin ang buhay ko. Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan at kung hindi
ako napatigil, isang bagay na bigla ko na lamang nagawa, buong katawan ko na sana ang
nasagasaan. Nagulungan ang dalawang paa ko. Nahampas naman ng side mirror ang aking
mga braso. Masalimuot, oo, pero it could've been worse ika nga. Kaya lubos pa rin ang
pasasalamat ko sa Diyos na iniligtas niya ako sa kapahamakan.

2. Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas, sa paanong pamamaraan sa tingin mo


ang mabuting gawin upang masugpo ang droga at krimen habang
pinangangalagaan ang mga karapatang-pantao ng isa’t isa?

Sa tingin ko, kailangang mas pagtuunan ng pansin ang pagpapagawa at paglulunsad


ng mga rehabilitation centers kung saan dito, mabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang
ating mga kababayang "bulag" dulot ng ipinagbabawal na gamot. Mas makatao ito kaysa sa
lantarang pagkitil, lalo't ang mga napapatay ay kadalasang hindi pa makatuwiran o hindi
naman talaga gumagamit ng droga. Marapat din na kung may susugpuin, mga drug lord
dapat ang pinakaprayoridad na unang tinutuligsa. Sa sistema kasi ngayon, puro mga
mahihirap lamang ang "nasusugpo" pagkat ang mga drug lord mismo ay
nakikipagkontsabahan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbabayad ng salapit upang
sila'y maging ligtas sa proseso. Maging pantay at makatarungan - yan ay mga bagay na
dapat iapply ng mga awtoridad.

3. Sa isang maghapong pananatili sa PUP, ipunin ang sarili mong kalat o basura.
Kunan ng larawan, bilangin at usisain bago itapon. Sagutin ang mga sumusunod
na katanungan:

a. Gaano karami ang naipong sariling kalat? Alin ang mas nakararami, ang
mga nabubulok o ang mga hindi nabubulok?
Nakaipon po ako ng limang
piraso ng kalat. Lahat ito ay hindi
nabubulok.

b. Ano sa palagay mo ang


implikasyon kung sa humigit
kumulang 60,000 na bilang ng mga
estudyante ng PUP ay
magkakaroon ang bawat isa ng
ganitong karaming kalat sa araw-
araw?

Hindi nakapagtataka kung bakit


ganoon na lamang ka"massive" ang
bilang ng mga basura na matatagpuan
sa mundo dahil kung dito pa nga lamang sa PUP Quadrangle ay marami-rami na kaming
nakalap na basura, paano pa kung buong 60,000 na estudyante ay mag-aambag ng kalat?
Paano pa kung buong Pilipinas? Buong mundo? Tunay na, mahirap jwasan ang pagpproduce
ng basura ngunit saan tayo pupulutin kung ituturin nating hindrance ang paglilimit ng
pagpproduce ng basura dahil lang ito ay mahirap?

c. Sa paanong paraan ka makakatulong sa Unibersidad sa pagsugpo ng


problema nito sa basura? Anu-ano ang maari mong imungkahi na sa mga
estudyante at sa pamunuan ng paaralan upang masolusyunan ang mga
suliranin nito sa basura?

Ugaliin natin ang paggamit ng mga tupperwares, water bottles, kutsara, tinidor at refillables.
Sa ganitong paraan hindi tayo aasa sa mga disposables, especially plastic, goma, na hindi
basta-basta natutunaw (dispose) at makababara sa mga daluyan sa napakatagal na
panahon.

4. Halimbawang may isang dayuhan na hindi pa kailanman nagagawi sa bansang


Pilipinas, paano mo sya mahihikayat na pumunta sa bansa natin? Anu-ano ang
mga bagay na sasabihin mo upang makilala niya ang kultura at bakit? Anu-anong
katangian at kaugaliang Pilipino ang magpa hanggang ngayon ay tinataglay/
isinasabuhay mo o ng iyong pamilya?

Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman-mapa-yamang lupa man ito, tubig, yamang tao o
mineral. Sa yamang lupa, matatagpuan ang iba't ibang klase ng landforms na kinbibilangan
ng kapatagan, burol, talampas, at mga bundok, habang sa yamang tubig naman ay mga
karagatan, ilog, talon, at iba pa. Ang mga likas na yaman na ito, na ipinagkaloob ng Diyos,
ang siyang maipagmamalaki ko sa nasabing dayuhan. Liban sa mga materyal na bagay,
matatagpuan din sa Pilipimas ang mga Pilipinong di papatalo pagdating sa larangan ng
katatagan, pagiging masayahin, pagalingan sa pagluluto, hospitability, pagiging malapit sa
pamilya, makaDiyos at makataong mga mamamayan

You might also like