Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Skit

(Unang eksena)
Makikitang animo’y may hinahanap ang magkakaibigang sina Pepito (pinakalider sa grupo), Jose at
Karding. Para silang mga action star sa kanilang mga moves: tumbling, silip, at iba’t ibang porma. Maliban
kay Karding na panay ang kain ng cupcake.
Pepito: Jose, talasan mo mga mata mo, baka andyan lang sila sa paligid!
Jose: Oo Pepito, kilala na natin sila, maliliksi, malalaki at matatapang!
(Mapapansin ng dalawa si Karding na abalang inuubos ang kaniyang cupcake.)
Pepito: Ano ba Karding! Mas inuuna mo pa ‘yang cupcake mo kesa sa misyon natin!
Karding: Pasensya na, masarap kasi eh.
Jose: Ano ba yan Karding? Chocolate flavour na naman ba?
Karding: Hindi ah, strawberry naman, filled with chocolatey milk and topped with honey and butter,
seasoned with--- (Parang natatakam naman yung dalawa)
Pepito: Tama na nga yan! Deadly yan eh! Sasakit ngipin natin diyan. Tara na!
(Patuloy na umaksyona ng tatlo, maya-maya)
Karding: Pepito! Jose! May nakita nako. (Props: Tangkay with dahon)
Pepito: Asan patingin!
Jose: Wow! Ang laki! Ayan may panlaban na tayo sa gagamba ni Pepito!
(Inilabas ni Pepito ang kaniyang posporo at ipinakita ang kaniyang alagang gagamba)
Pepito: Mas malaki pa rin ‘tong akin. Talo ‘yang sa inyo!
Jose: Grabe ka naman Pepito, malaki din naman ‘yung akin, medyo mahina lang nung isang araw kaya
natalo mo.
Karding: Wala! Panis ‘yang mga sa inyo sa akin, sa gagamba ko. Mas Malaki ‘to at mas malakas!
Pepito: Sige tingnan natin.
(Naglaro ang tatlo ng gagamba. Halo-halong emosyon ang namayani sa labanan nang biglang may
dumating…)
Si Norman, ang lider ng troupe ng deadly cupcakes…kasama sina Noemi, Lara at Gerald at ng iba pang
boy scout.
Norman: At anong ginagawa niyong tatlo?
(Hindi makasagot ang tatlo)
Norman: Ano sabi?
Pepito: M-medyo, ano. Ano.. n-naglalaro k-k-kami ng ano..
Norman: Ng ano? Gagamba na naman?
Jose: Pasensya ka na Norman, nabagot kasi kami kanina eh, kaya naisipan naming maggagamba.
Karding: Oo nga Norman, lagi na lang kaming nag-iigib tsaka naglilinis. Lagi mo na lang kaming
inuutusan.
Jose: Oo nga Norman.
(Magsasalita sana si Pepito ngunit sinupalpal siya ni Norman)
Pepito: A-ano…
Norman: Ano?!....Di ba mag-iigib dapat kayo? Kung sa mga simpleng gawain eh nagrereklamo na kayo,
kung gayon kawawa nga ang ating bansa. Iyong mga kabataang inaasahan niya ay heto’t nagrereklamo.
Ibang boyscout: Kawawang bansa!
Naomi: Oo nga. Hindi tayo sumali ng boy scout para magpasikat, sumali tayo rito upang ipakita ang ating
pagmamahal at paggalang sa ating bansa!
Ibang boyscout: Mahalin ang ating bansa!
Lara: Tayo ang magdadala sa ating bansa sa tagumpay! Tayo ang pag-asa ng ating bansa!
Ibang boyscout: Mabuhay!!!
Norman: Kaya naman, alamin sana ninyo ang inyong mga prayoridad. Sa ngayon, ang ating bansa ang
ating prayoridad. Ipakita natin sa kaniya ang ating pagmamahal at paggalang. Ipakita natin na kaya natin
siyang mapagtagumpayan.
Pepito: Pasensya na Norman at sa inyong lahat. Ako ang nagpasimuno sa paghahanap ng gagamba.
Jose: Pasensya na Norman, binalewala ko yung tungkulin nating mga boy scout.
Karding: Norman at mga kasama, pasensya na kayo. Mula ngayon aalamin na naming ang aming mga
prayoridad at responsibilidad.
Norman: Ayos lang ‘yun. May oras pa para magbago, hindi pa huli ang lahat. Let’s go Deadly Cupcakes!
Mag-igib na tayo! At maghanda para sa mga aktibidad para bukas!
(habang paalis…)
Pepito: Nasaan ba yung malaking drum…

You might also like