Banal Na Pagpbabasbas NG Krus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANAL NA PAGPBABASBAS NG KRUS

Kung ang Krus ay gagamitin sa pagsasamba, ito ay marapat na basbasan.

Pari: Sinasamba at pinupuri ka namin,


Panginoong Jesuscristo.
Lahat: Dahil sa banal mong Krus, niligtas mo mo ang mundo.

Pari: Ngayon ay ating babasbasan ang mga krus na


ito, bilang simbolo ng ating pananampalataya,
sa Panginoong Jesus,
na nag-alay ng kanyang buhay,
upang iahon tayo sa kasalanan
at magkaroon ng buhay na walang hanggan
kasama Siya, ang Ama,
at ang Espiritu Santo sa langit.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: at sumaiyo rin.
Pari: Manalangin tayo.
Mapagpalang Ama, Diyos na walang hanggan,
kalugdan mong basbasan + ang krus na ito,
upang maging daan patungo sa kaligtasan.
Ito nawa’y maging tanda ng aming
pananampalataya, at paggawa ng tama
para sa kaligtasan ng aming mga kaluluwa.
Panginoong Jesus,
basbasan mo rin nawa ang krus na ito,
tanda ng iyong pag-ahon sa amin
mula sa kasalanan at sa kamay ng kaaway.
Ang krus na naging daan ng sangkatauhan
patungo saiyong kaharian.
Ngayon, ito ay binabasbasan ng banal na tubig.
Nawa’y ang krus na ito ay magin banal,
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu
Santo, at ang sinuman na sumuot nito bilang
pagsamba saiyo ay bigyan mo ng biyaya
ng tunay na pananampalataya,
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Lahat: Amen.

Babasbasan ng pari ang mga krus ng banal na tubig. Matapos ang pagbabasbas ay hahalik ang pari sa
krus at ibibigay ito sa tao.
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Lahat: at sumaiyo rin.

Pari: Pagpalain nawa kayo ng Panginoon


na puno ng awa at pagmamahal.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.
Lahat: Amen.

You might also like