Vaping Article Approve

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

HIPAK LAGANAP SA KABATAAN

By: Lara Sirineo & Jolan Bautista

Bata man o matanda, lalaki o babae, mahirap man o mayaman ay may


sariling bisyong kinalululongan, at numero uno sa listahan ng mga bisyong
ito ang paninigarilyo, na una rin sa listahan ng pagkamatay ng 13 na tao kada
segundo o 1 milyong taon katao kada taon. Ang mga ibang tumigil naman na
sa paninigarilyo ay ibinaling ang kanilang bisyo sa paggamit o paghithit sa
electronic cigarette o vaping dahil sa kanilang pag-aakalang mas ligtas ito sa
kanilang kalusugan. Laganap na ang paggamit ng e-cigarette simula ng
patok sa mga mamimili. Marami ang nahuhumaling sa e-cigarette na ito na
nagpapakita naman ngayon ng mga ebidensya ng short-term effects,
maaring positibo at negatibong dulot nito sa kalusugan ng tao. E- ciggarete,
ay isang battery powered device na nagiinit ng likido o juice- karaniwang
nagsasangkap ng nicotine, propylene, glycol at glycerin ganun din ang iba’t
ibang flavoring katulad na lamang ng watermelon at chocolate, na naging
vapor na siyang kanilang nalalanghap. Nagdadala ito ng nicotine( highly
addictive drug) sa iba’t ibang parte ng katawan na hindi naglalabas ng
anumang usok. Ngunit paalala ng mga doktor, ang nicotine sa e-ciggarete ay
maaring makaapekto sa kalusugan ng gumagamit. Maari ring makaapekto
ang vaping sa pagtatalik ng magasawa. “The erection of the penis and the
erection of the clitoris are caused by a very very good microcirculation…if
you smoke…hindi mag eerect yan” paliwanag ni Dr. Lulu Marquez, Ang
vaping ay pwedeng magdulot ng sakit na cancer, iba’t ibang komplikasyon at
sakit sa baga. Kahit ang masarap at mabangong flavors na pwedeng
masubukan sa vaping ay may kaukulang negatibong epekto sa kalusugan ng
gumagamit nito. Kumilos na ang Department of Health (DOH) para
ipagbawal ang electronic cigarette o vape sa mga pampublikong lugar.
Nilagdaan ni DOG Secretary Francisco Dugue III ang Administrative Order
2019-2007 na nagsasabi na kabilang na rin sa smoking ban ang mga
Electronic Nicotine and Non-Nicotine System (ENOS) dahil sa kautusan,
papayagan lamang ang paggamit ng e-cigarette sa mga designated smoking
area. Mas maganda nalang iwasan ang ano mang bisyo kaysa sa magsisisi sa
bandang huli.

You might also like