Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Buwan ng Wika

Emcee Script
INTRODUKSYON
Kareen & JL: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!
Kareen: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
JL: Tama, ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.
Kareen: Higit sa lahat t. JL, nagsisilbi ito, bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t-
ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.
JL: Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang pag-alala
ng ating Wikang Filipino na may temang:
Kareen & JL: Filipino: Wika ng Saliksik
Kareen: maligayang panonood sa lahat!.
I. PANALANGIN
II. PAMBANSANG AWIT
JL: At bilang panimula tumayo po ang lahat para sa isang pambungad na panalangin na pangunguhan ni G.
Mark Anthony Dizon, guro ng ikaanim na baitang at susundan ng pambansang awit ng Pilipinas sa kumpas
ni Bb. Haidee Clemente, guro ng ikatlong baitang.
III. PAMBUNGAD NA PANANALITA
Kareen: Maaari napong magsiupo ang lahat. At para magbigay ng pambungad na mensahe tinatawagan po
natin ang ating butihing Direktora na si Dra. Catherine L. De Guzman. Bigyan po natin siya ng masigabong
palakpakan. (pananalita)
JL: Maraming salamat Dra.Catherine. Ngayon isang pampasiglang mensahe naman ang ating
matutunghayan, tawagin na natin ang ating _____________________ na si Dr. Jason De Guzman,
palakpakan po natin. (pananalita)
Kareen: Maraming salamat Dr.Jason. Ngayon naman po ay tinatawagan ang punong guro ng Elementarya at
ng Mataas na Paaralan na si Dra. Jacinta P. Corpuz para magbigay ng pangkalahatang mensahe. Bigyan po
natin siya ng masigabong palakpakan. (pananalita)
JL: Maraming salamat Mam Corpuz. Bago tayo dumako sa mga presentasyon na inihanda ng bawat baitang.
Iniimbitahan natin si Bb. Febie upang bigyan tayo ng kaalaman tungkol sa tema ngayong buwan ng Agosto
na Filipino: Wika ng Saliksik. (pananalita)
Kareen: Salamat Bb. Febie, panibagong kaalaman na naman ito para sa atin.
IV. PAMPASIGLANG BILANG / TULA
JL: Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan.
Makakatunghay tayo ng mga Pampasiglang bilang na lalahukan ng ating mga katangi-tanging mag-aaral
mula Kinder hanggang ika-anim na baitang.
Kareen: Hindi lang yan, isang patimpalak rin sa pagtula ang ating matutunghayan sa mga piling mag-aaral.
JL: Tama, kaya ano pang hinihintay natin, simulan na natin ito.
Kareen: At para ibigay ang pamantayan at mga lupon ng inampalan na siyang naatasang husgahan ang ating
mga kalahok sa tula, narito si Bb. Mary Grace Tiongson.(pananalita)
JL: Salamat Bb. Grace, sa puntong ito dumako muna tayo sa isang pampasiglang bilang na magmumula sa
Kinder. Pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan. (Sayaw)
Kareen: Maraming Salamat Kinder. Muli palakpakan natin sila. Ngayon dadako na tayo sa
patimpalak.Matutunghayan natin ang unang manunula sa ika- _________________ nasi
_______________________. Palakpakan po natin.
JL: Maraming salamat sa iyong pagtula. Sa murang edad ay kahanga-hanga na. Isang katutubong sayaw ulit
ang ating matutunghayan mula naman sa ika-unang baitang. Bigyan po natin sila ng isang masigabong
palakpakan. (Sayaw)
Kareen: Maraming salamat sa ating mag-aaral ng unang baitang. Para naman sa ikalawang manunula ating
pong tintawagan si ________________ mula sa ika-_________________. Bigyan po natin siya ng isang
masigabong palakpakan.
JL: Maraming salamat. Ngayon isa na namang presentasyon ang ating mapapanood mula sa ikalawang
baitang. Bigyan po natin sila ng isang masigabong palakpakan. (Sayaw)
Kareen: Maraming salamat. Ngayon naman isang pagpapasiklab ng kakayahan sa pagtula ang ating
matutunghayan mula kay ____________________ na nasa ika-___________________. Bigyan po natin siya
ng isang masigabong palakpakan.
JL: Salamat. At para sa pagpapatuloy ng ating programa. Isa na namang pampasiglang bilang ang ating
mapapanuod mula naman sa ikatlong baitang. Bigyan po natin sila ng isang masigabong palakpakan.
(Sayaw)
Kareen: Maraming Salamat . Habang tumatagal ay ating natutuklasan ang husay at galing ng mga mag-aaral.
JL: Tama ka diyan. Kaya wag na natin pang patagalin.Ipakilala muna ang kasunod na kalahok sa pagtula.
Kareen: Mula naman sa ika- ____________________ nasi _____________________ ang magpapakitang
gilas sa pagtula. Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan.
JL: Maraming salamat sa iyo.Ngayon dumako na tayo sa ika-apat na baitang sa inihanda nilang
pamapsiglang bilang. Palakpakan po natin.
Kareen: Maraming salamat. Panibagong manunula na naman ang ating mapapanoud mula sa ika-
___________________ nasi ____________________.Isang masigabong palakpakan.
JL: Maraming salamat. At para bigyan tayo ulit ng pampasiglang bilang. Panuorin naman natin ang
inihandang sayaw ng ikalimang baitang. Isang masigabong palakpakan.
Kareen: Maraming salamat. Para sa isa na namang pagtula bigyan natin ng isang masigabong palakpakan si
_______________ na mula sa ika- _________________.
JL: Maraming salamat. Para sa huli nating kalahok, magpapakitang gilas na siya.Tinatawagan ko si
__________________ mula sa ika- ___________________ para sa iyong pagtula. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
Kareen: Maraming Salamat. Ngayong natapos na ang patimpalak sa pagtula. Ibinibigay na natin ang
desisyon sa ating mga hurado.
JL: At habang hinihintay natin iyon. Ang pinakahuling tagapagbigay aliw sa ating programa ngayong
umaga, ating bigyan ng masigabong palakpakan ang nasa ika-anim na baitang sa kanilang sayaw. Bigyan
po natin sila ng masigabong palakpakan.(sayaw)
Kareen: Maraming salamat sa inyo. Ngayong natapos na ang lahat ng presentasyon, ay dadako na tayo sa
huling bahagi ng ating programa. Ito ay ang paggagawad ng mga sertipiko at medalya para sa mga mag-aaral
na nagwagi sa iba’t- ibang patimpalak.
JL: At para sa paggagawad ng medalya at sertipiko. Inaanyayahan po ang ating butihing direktora na si Dra.
Catherine L. De Guzman, _____________________ Dr. Jason De Guzman at ang ating punong guro nasi
Dra. Jacinta P. Corpuz.
Kareen: Para sa mga nagwagi ng Poster at Slogan. Tinatawagan po natin si Ginang Mary Grace Custodio
para ianunsyo ang mga nagwagi.
JL:Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga nanalo. At ngayon dadako naman tayo sa nagwagi ng
_______________________. Inaanyayahan natin si Mark Anthony para ipahayag ang nanalo.
Kareen: Maraming salamat. At para sa hinihintay ng lahat, inaanyayahan ko ulit ang mga nagsipagtula sa
ating entablado. At para ipahayag ang mga nanalo, iniimbitahan ko si ______________________.
JL: Maraming salamat. Binabati namin ang lahat ng mga nagsipagwagi. Ang pagpapahalaga natin sa ating
wika ay dapat hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan.
Kareen: Tama, at para sa pangwakas na panalangin, tinatawagan po natin si Bb. Kristel. Inaanyayahan po
ang lahat na tumayo.
JL: At dito na po nagtatapos ang ating programa, Muli ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa Wikang
Filipino.
Kareen: Ako po si Kareen Ballad
JL: At ako naman po si Joannaliza
Kareen & JL: Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang Tanghali sa lahat!

You might also like