Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino 2: Pamanahong Papel

Noong nasa unang taon ako sa dalubhasaan, pangalawang hatintaon, pinagawa kami ng aming guro sa Filipino 2 (Pagbasa at
Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina) na si Gng. Rhodelia Hernandez Mendoza, Ph.D ng pamanahong papel. Ito ay ang aming
huling pangangailangan upang pumasa sa nasabing asignatura. Mahirap gawin ang isang pamanahong papel dahil sa ang
isang mag-aaral ay magsasalin ng wika dahil lahat ng mga panitikang ginamit ay nakasaad sa wikang Ingles.

Mad Cow Disease


Inihanda ni: Gel "Saavedra"

I. Pambungad

Nang pumasok ang bagong milenyo, ginimbal ang buong mundo ng sakit na Mad Cow Disease. Nakilala ang sakit na ito ng
mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Mula sa pahayagan hanggang sa telebisyon, kumalat ang mga maaaring gawin ng
sakit na ito sa mga tao. Dahil dito, pinangambahan na ng mga tao ang pagbili at pagkain ng mga baka sa iba’t ibang bansa.
Nabulabog rin ang Pilipinas sa sakit na ito, kaya’t naapektuhan na rin ang mga Pilipino. Ngunit ano nga ba ang Mad Cow?
Ano ba ang maaaring idulot nito sa mga tao? At paano ba ito maiiwasan? Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman ng
mga kaalaman tungkol sa Mad Cow, ang kasaysayan, kaugnay na sakit, epekto at pag-iwas sa sakit na ito.

A. Paglalahad ng Suliranin

Ang BSE o kilala sa Mad Cow Disease, ang pinagmulan, mga sintomas, mga epekto sa katawan at mga paraan ng pag-iwas.

B. Paglalahad ng Layunin ng Pamanahong Papel

Ang pamanahong papel na ito ay may tatlong layunin; magbigay-kaalaman, magbigay-paraan at magbigay-karunungan.
Nagbibigay ito ng mga kaalaman tungkol sa Mad Cow Disease. Dito ay malalaman ng mambabasa kung ano ang sakit na ito,
mga sintomas ng sakit at mga kaugnay na sakit na nakakaapekto sa buhay ng tao. Ito ay nagbibigay rin ng mga paraan upang
maiwasan ang sakit na ito. Ito rin ay nagbibigay ng karunungan sa ibang tao sa paraang Ito’y huhubog ng isipan ng
mambabasa upang magsaliksik pa tungkol sa sakit na ito at dagdagan pa ang mga kaalaman tungkol sa Mad Cow Disease.

C. Paliwanag sa Metodong Ginamit sa Pamanahong Papel

Ang metodong ginamit sa pamanahong papel na ito, ay pananaliksik sa silid-aklatan, pananaliksik gamit ang CD-ROM
Encyclopedia at pananaliksik gamit ang internet. Maraming nakalap na mga kaalaman tungkol sa Mad Cow gamit ang silid-
aklatan ng Pamantasan ng Santo Tomas. Nagtaglay ang silid-aklatan ng mga magasin na ginamit na sanggunian sa
pamanahong papel na ito. Ginamit din na sanggunian ang Encarta Encyclopedia sa CD-ROM. Taglay nito ang lahat ng
kaalaman tungkol sa lahat ng bagay-bagay sa iisang CD-ROM lamang. Ginamit rin dito ang internet na taglay ang kaalaman
ng lahat ng mga bagay na gamit bilang sanggunian ng mga tao sa mga particular na mga web sites.

II. Pagsusuri ng mga Datos

A. Pagbibigay-kahulugan sa Mad Cow

Ang Mad Cow Disease o Bovine Spongiform Encephalopathy (BSE) ay isang malalang sakit sa utak ng mga baka. Sinisira nito
ang maayos na lagay ng utak ng baka. Ang mga sintomas na makikita sa baka kung ito ay may BSE ay ang pagkabawas ng
paggawa ng gatas, paggaan ng timbang, nahihirapang makatayo at ang mga kakaibang ikinikilos nito tulad ng pagkanerbyos,
hindi mapakali sa sarili at pagkawala ng kagustuhan sa kanyang kapaligiran. Ang bakang nagkaroon BSE ay hindi kaagad
mararamdaman ang mga sintomas. Ito ay tatagal pa nang ilang taon bago lumabas ang sintomas. Tinatawag na incubation
period kung hindi pa nakikita ang sintomas. Pagkaraan ng ilang taon, makikita ang mga sintomas at kadalasan, ang mga baka
ay namamatay. (Encarta, 2004)

B. Kasaysayan ng Mad Cow

Ang sakit na Mad Cow ay unang nakilala sa United Kingdom noong taong 1985. nang pumasok ang taong 2003, humigit sa
185,000 kaso ng BSE ang nakilala sa buong mundo. Ayon sa mga pag-aaral na mahigit sa isang milyong baka ang
naapektuhan ng sakit na ito nang nasabing taon. Ang mga hayop na ito ay hindi pa nagamot o napatay bago ang mga
sintomas ay lumabas. Ang BSE ay kumalat sa mga bansa ng Europa tulad ng Aleman, Pransya, atbp. maging sa Asya tulad ng
Japan at Pilipinas. (Sherman RPh, p. 43)

C. Kaugnay na mga Sakit ng Mad Cow

Nang siyasatin ang bangkay ng patay na bakang may BSE, nakita ang mga butas sa mga tissues ng utak na nagbigay dito ng
pagiging spongiform o spongy parang kesong Swiss. Ito ay kaugnay ng sakit sa mga tupa mula pa noong dalawang dantaon
nang nakakalipas na kung tawagin ay scrapie. Sa tao, iniuugnay ito sa sakit na Creutzfeldt-Jakob Disease o CJD, isang human
spongiform encephalopathy. Ang mga sakit na ito ay dulot ng prions o proteinaceous infectious particle. Ang mga prions ay
mga normal na protina na tumitiklop sa mga hindi normal na mga hugis at nagsasanhi ng sakit at ito’y kumakalat. Dahil sa
ito’y kumakalat sa utak, nagsasanhi ito ng mga hindi kilalang mga paraan ng spongiform sa mga neurons sa katawan at ang
katangian ng mga sintomas na lalabas. Wala pang lunas sa mga sakit na ito at mga gamot na pamuksa rito. Sinisiyasat rin
kung ang mga prions na ito ay kumakalat rin sa spinal cord at sa mga nerves ng mga nilalang. (http://www.fsis.usda.gov)

D. Sanhi ng mga Sakit dulot ng Prions

Nalaman ng mga nag-aaral sa kalusugan na ang sakit na kumalat sa iba’t ibang mga baka ay dahil sa pagpapapakain dito ng
mga recycled animal tissue o mga dumi na inilalabas nito sa katawan. Ginagawa ang pagpapakain na ito sa mga baka upang
magkaroon ng protina sa katawan ang mga baka noon pa man. May dalawang teyorya tungkol sa pinagmulan ng BSE prions;
una ay ang scrapie prions galing sa mga utak ng mga tupa na ipinakain sa mga baka at ang ikalawa ay ang pagbabago sa mga
genes o mutation. Ang mga pagbabago na ito ay pinaniwalaang nagtiklop sa mga protina na nagsanhi ng mga prions na ito.
(Encarta, 2004)
 
E. Epekto sa Tao ng CJD

Dahil sa BSE, naipapasa nito ang sakit sa kahit kanino kung kakainin ang bakang naapektuhan. Maraming mga tao ang
naapektuhan ng CJD dahil sa pagkain ng bakang may CJD. Pagdating ng taong 60 hanggang 65, ang isang tao ay
nararamdaman ang sintomas ng CJD halintulad sa BSE tulad ng pag-uugali, pagkilos at pagbabago sa mga tissues ng utak. Ang
dahilan ng CJD ay ang pagkain ng bakang may BSE, ngunit may mga nagsasabing wala itong kinalaman sa CJD. Noong taong
2004, may mga pag-aaral nang ginawa tungkol sa CJD at BSE. Nalaman nila na ang mga palatandaan ng CJD prions ay katulad
sa BSE prions. Sa isang experiment, nang ininiksyunan ang isang unggoy ng tissues ng utak na may CJD at isang unggoy ng
tissues ng utak na may BSE, magkatulad na nagpakita ng sintomas ang dalawang unggoy ng sakit sa utak. (Encarta, 2004)

F. Pagpuksa at Paraan ng Pag-iwas

Maraming mga Amerikano ang hindi na nagpapasalin ng dugo na galing mula sa isang taong galing Britanya. Dahil sa
napapasa ang prions sa dugo, maraming mga tao ang takot nang magpasalin ng dugo kung ang dugo ay nagmula sa isang
taong galing Britanya. Ang BSE ay pinaniwalaang nagmula sa Britanya. Nang makain ng mga tao sa Britanya ang mga baka,
malamang may mga prions na ang mga taong ito sa kanilang katawan. Ngunit kahit papaano, ito’y maaaring magsanhi ng
kakulangan ng dugo sa bangko ng dugo. (Boyce, p. 43)

Ipinahintulot na ng United Kingdom at European Union ang pag-iimport ng mga baka. Dahil dito, bumaba ang ekonomiya ng
mga pagpapalaki ng mga baka sa bansang ito gayundin ay apektado ang mga iba’t ibang negosyo tulad ng restaurant,
groceries, atbp. Ipinagbawal na rin ang pagpapakain ng mga karne sa mga baka at iba pang mga hayop na pagkain ng mga
tao. Para mapuksa ang sakit na ito, pinatay ang lahat ng mga bakang hininalang may BSE noong 1999 sa United Kingdom. Sa
Hilagang Amerika, pinahintulutan na rin ang pag-iimport ng mga baka dahil sa pangamba sa BSE. Nakaalerto ang mga iba’t
ibang bansa sa mga ilegal na mga pag-iimport at pag-eexport ng mga baka dahil sa sakit na BSE. (Encarta, 2004)

Upang maiwasan ang sakit, kailangang maingat sa pagbili ng mga bakang itinitinda sa palengke. Siguraduhing nakapasa ang
mga bakang ibinebenta sa kagawaran ng pagkain. Iwasan ang pagbili ng double dead meat. Iwasan rin ang pagpapakain sa
mga baka ng mga hindi kanais-nais na mga pagkain tulad ng mga dumi, atbp. Siguraduhing malulusog ang mga bakang
inaalagaan at malayo ito sa sakit. Magtalaga rin ng mga bans sa mga bansang nag-eexport ng mga bakang may hinalang may
BSE. (www.cfsan.fda.gov)

III. Pangwakas

Dahil sa mga ipinakitang datos at masusing pag-aaral, nalaman ng may akda na ang BSE o Mad Cow Disease ay walang lunas,
ngunit maaaring maiwasan. Tanging sa pagsunod lamang sa mga pag-iwas nito ay maaaring makaligtas sa Mad Cow Disease.
Mas mahalaga pa rin ang pag-iwas kaysa sa paglunas. Kaya’t kailangan ng pag-iingat sa sarili, sa mga kinakain at sa kalusugan
ng tao upang maiwasan ang ganitong sakit.

- Rekomendasyon:

Ang may-akda ay ibinabahagi ang pamanahong papel na ito sa mga iba pang mga manunuri. Sa pagdaan ng mga panahon,
maaraming mga kaalaman ang lalabas tungkol sa sakit na BSE. Maaari nilang gawin ang pamanahong papel na ito bilang
sanggunian sa mga nakaraang kaalaman. Inirerekomenda rin ito ng may-akda sa mga nagbabalak na dagdagan ang
pamanahong papel na ito ng mga karagdagang kaalaman na kalalabas lamang. At nais rin ng may-akda na suriin ito ng mga
taong babasa nito upang mabigyan ito ng ebalwasyon at kritiko.

Talasanggunian:

"Bovine Spongiform Encephalopathy," Encarta Encyclopedia Deluxe 2004 CD-ROM (Updated January 20, 2004)

"Bovine Spongiform Encephalopathy: Mad Cow Disease," http://www.fsis.usda.gov/OA/FAQ/bse_general.htm (Updated


January 14, 2004)

Boyce, Nell, "Rusting up a plan," U.S. News (January 29, 1998) p. 43

"FDA: Consumer Questions and Answers about BSE," www.cfsan.fda.gov/~comm/bsefaq.html (Updated January 30, 2004)

Sherman, Max RPh, "Mad Cow Disease," Pharmacy Times (July 1996) p. 43-45

You might also like