NOBENARIO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

PAGSISIYAM SA

MAKALANGIT T BUTIHING INA NG DIYOS


REYNA NG KAPAYAPAAN AT DAIGDIG
NA SI MARIA SA KANYANG TAGURING

Mahal na
Birhen ng
Fatima

1
PAROKYA NG MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA
Binakayan, Kawit, Cavite 4104

Nihil Obstat:

REV. FR. EFREN M. BUGAYONG, JCD


Chancellor

Censor Deputatus:

+ MANUEL C. SOBREVINAS, D.D.


Bishop-Emeritus of Imus

Imprimatur:

+LUIS ANTONIO G. TAGLE, D.D.


Bishop of Imus

2
11 Pebrero 2006
Kapistahan ng
Mahal na Birhen ng Lourdes

Nobena
O
Pagsisiyam
Sa Makalangit at Butihing Ina ng Diyos
Reyna ng Kapayapaan at Daigdig
Na si
MARIA
Sa kanyang taguring

MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA


Patrona ng Binakayan

3
PAMBUNGAD NA AWIT

MABUNYING REYNA’T INA


Koro:
Mabunying Reyna’t Ina
Birhen ng Fatima
Lawitan mo ng grasya
Ang bayan mong sinta

Sa mga sakuna’t karamdaman


Kami’y iyong patnubayan
Iligtas mo sa dusa’t kapahamakan
Itong kaawa-awang santinakpan
(Koro)

Sa gulo, ligalig at digmaan


Iadya ang iyong bayan
Kaya ang Rosaryo’y aming dinarasal
Upang habilin mo’y magampanan

4
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Puso ni Maria, Ina ng Diyos at amin ding Ina. Pusong kaibig-


ibig, lugod ng kaibig-ibig na Trinidad at karapat-dapat sa lahat ng
paggalang at pagmamahal ng mga anghel at ng mga tao; pusong
lalong katulad ng Puso ni Jesus, na ikaw ang tunay Niyang larawan;
pusong tigib ng kabutihan, lagging mapagmahal sa mga nagdaralita
loobin mo sanang papag-alabin ang mga nanlalamig naming puso at
yaon ay itulad mo sa Puso ni Jesus. Itanim mo sa kanila ang pag-ibig
sa iyong mga kabanalan, papag-apuyin sila sa banal na apoy na
laging nag-aalab sa iyong puso.

Bayaan mong sa iyo makatagpo ng kanlungan ang


Simbahang Banal; ikaw nawa ang maging moog ng kanyang lakas, na
matibay laban sa lahat ng pagsalakay ng kanyang mga kaaway. Ikaw
nawa ang maging landas na patungo kay Jesus; ikaw nawa ang
maging tunay na daraanan ng lahat ng biyayang kailangan sa aming
kaligtasan. Ikaw nawa ang maging saklolo namin sa
pangangailangan, ang aming aliw sa mga bagabag, ang aming lakas
sa tukso, ang katangi-tangi naming tulong sa huling sandal ng aming
pakikibaka sa buhay, sa sandali ng aming kamatayan, sa sandaling
yaon na ang lahat ng hukbo ng Impiyerno ay magsisikap na maagaw
ang aming kaluluwa. Sa sandaling yaong lubhang kakila-kilabot, na
doon nasasalalak an gaming buhay sa walang hanggan – ah Mahal
na Birhen, sa sandaling yaon ay ipadama mo sa amin ang katamisan
ng Iyong pusong ina, kung gaano kalaki ang iyong kapangyarihan sa
Puso ni Jesus. Sa sandaling yaon ay buksan mo sa amin yaong batis
ng habag, ang ligtas naming takbuhan, nang pagsapit ng araw kami

5
man ay makasama mo sa paraiso sa pagpupuri sa Puso ni Jesus
magpakailanman. Siya Nawa.

PANALANGIN NG ANGHEL
Ang pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima noog taong
1917 ay pinangunahan at pinaghandaan sa pamamagitan ang
pagpapakita ng isang Anghel ng Kapayapaan noon pa mang taong
1916. Ang Anghel ay nagturo sa tatlong batang pastol ng dalawang
panalangin na nararapat dasalin ng may pamimitagan bilang
kabayaran sa ating mga kasalanan.

O Diyos Ko, ako’y sumasampalataya sa Iyo, ako’y


sumasamba sa Iyo, ako’y nananalig at ako’y umiibig sa Iyo. Hinihingi
ko po sa Iyo na patawarin ang mga hindi sumasamba sa Iyo, hindi
nananalig at hindi umiibig sa Iyo. (3x)

Kabanal-banalang Trinidad, Ama, Anak at Espiritu Santo,


ako’y sumasamba sa Iyo na may buong pamimitagan. Iniaalay o sa
Iyo ang Kamahal-mahalang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-
Diyos ni Jesukristo na nasa lahat ng Tabernakulo sa buong daigdig,
bilang kabayaran para sa alaht ng aming mga kasalanan na siyan
nagbibigay ng pasakit sa Kanya. Sa pamamagitan ng walang
hanggang kahalagahan ng Kamahal-mahalang Puso nI Jesus at sa
pamamagitan na rin ng Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birheng
Maria, hinihiling kop o sa Iyo ang pagbabalik-loob ng mga
makasalanan. Amen.

6
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG
FATIMA
O Maria, matamis na Birhen, Reyna ng Rosaryo, alang-alang
sa maka-inang pagdalaw mo sa Cova da Iria ng Fatima upang
ipahayag ang makatarungang plano at pagmamahal ng Diyos sa
lahat ng tao, kami ay lumalapit sa iyo at napaampon sa iyo bilang
aming makalangit na Ina. Dala ng mahabang panahon na pakikipag-
uganay ng aming parokya sa iyo, at sa iyong walang sawang
pagdalangin para sa aming mga kahilingan, na nagpapahayag ng
iyong maka-Inang paglingap sa amin ikaw ay nagkaroon ng bahagi sa
aming puso. Noong ikaw ay nagpakita sa tatlong batang pastol,
iyong ipinahayag ang araw-araw na pagdarasal ng rosary upang
matamo ang kapayapaan ng daigdig, gayundin ang pagpapakasakit
para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan at bilang
pagbabayad-puri sa mga kalapastangang ginawa namin laban sa
iyong Kalinis-linisang Puso. Bilang pagtugon sa iyong kahilingan,
kami ngayon ay nangangako na iaalay naming sa araw-araw ang
mga pagpapakasakit na kaakibat ng aming pagganap sa aming banal
na gawain; gayundin ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo
kasama ang buong angkan habang pinagninilayan ang mga misteryo
nito at lalo’t higit ang pagtatalaga ng aming sarili at pamilya sa iyong
Kalinis-linisang Puso. Idalangin mo po kami na nawa’y igawad ng
Diyos sa amin ang kanyang dakilang habag at patawad sa lahat ng
mga nagawa naming pagkakasala na labis na nakasasakit sa Kanyang
kalooban. Tulungan mo kami mahabaging Ina na umiwas sa
kasalanan na naglalayo sa amin sa Diyos na siyang maylalang sa
ating lahat. Sa iyong kalinis-linisang Puso, Mahal na Ina ng Fatima,

7
kami ay nagtitiwala na matatagpuan naming ang awa at habag ng
Diyos at makapamuhay kami sa kapayapaan, pagkakaisa, at
pagmamahalan. Patuloy mong ipamalas ang iyong maka-Inang
pagkandili sa aming lahat at ituro mo sa amin ang landas na patungo
sa iyong Anak na si Jesus na aming Panginoon at Tagapagligtas na
siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan at pagmamahal. Sa
iyong kandili pinakamamahal na Ina ng Banal na Rosaryo, huwag
mong siphayuin ang aming mga pagsamo bagkus sa iyong habag ay
ipagkaloob mo sa amin ang mga biyayang ipinakikiusap sa iyo lalung-
lalo na ang mga kahilingang ito : (banggitin ang mga kahilingan)
Dinggin mo ng buong giliw ang aming mga pagsamo sa
iyong Kalinis-linisang Puso, O Mahal na Birhen. Siya Nawa.

ANG SANTO ROSARYO


Namumuno : Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang
Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bayan : Bukod kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman


Ang iyong Anak na si Jesus.

Namumuno : Buksan mo Panginoon ang aking mga labi (lahat ay


kukrusan ang kanilang labi)

Bayan : At pupurihin ka ng aking bibig

Namumuno : O Diyos ko halina at ako ay iyong tulungan (mag


Antada ng Krus)

Bayan : O Panginoon, daglian mo po akong damayan.

Namumuno : Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.

Bayan : Kapara nang sa una, ngayon at magpakailanman. Amen.

8
MGA MISTERYO NG ROSARYO…………….
Ama Namin
10 Aba Ginoong Maria
Luwalhati
O Hesus Ko
Aba Po Santa Maria….
UNANG ARAW
Lider : “….dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran
kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang
pantubos sa marami” (Marcos 10:45)
( sandaling katahimikan )
O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo:
“Maihahandog ba ninyi ang inyong sarili sa Diyos, at
tanggapin ang mga pagpapakasakit na kanyang piniling
ipadadala sa inyo bilang pagbabayad-puri sa mga kasalanang
ginawa sa Kanya at para sa ikapagbabalik-loob ng mga
makasalanan? (Fatima, Mayo 13, 1917)

Bayan : Ang katanungang ito ay isang paanyaya na makiisa sa


banal na layunin ng iyong pagpapakita sa Fatima: ang
ikapagbabalik-loob at muling paglapit ng puso ng lahat ng
tao sa pagmamahal ng Diyos. Labis mong ikinabahala ang
paglayo ng maraming tao sa kalooban at pagmamahal ng
Diyos, kung kaya’t inaanyayahan mo kami, tulad ng ginawa
ng tatlong batang pastol na makiisa sa iyong banal na
layunin. Sa ganitong paraan, kami ay makasusunod sa
halimbawa ng paglilingkod at pagpapakasakit ni Jesukristong
aming Panginoon. Sa pagsisimula ng pagsisiyam na ito sa
iyong karangalan, Mahal naming Ina, ipinagsusumamo
namin sa Iyo na aming makamtan ang biyaya na tumugon sa
iyong panawagan na maihandog ang aming sarili sa Diyos at
mahalin Siya ng lubos. Isinasamo rin namin sa iyo na kami
nawa’y makaiwas sa pagkakasala at maging kasangkapan ng
9
ipaglalapit ng puso ng aming kapwa sa Diyos. At sa iyong
Kalinis-linisang Puso ay idinudulog namin ang biyayang ito:
(Dito ay banggitin ang pansariling kahilingan). Dinggin mo
ng buong giliw ang aming taimtim na dalangin. Siya Nawa

YUGTO NG PAGHAHANDOG SA
KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA
“Kami’y dmudulog sa iyong pagtangkilik, Banal na Ina
Diyos!” Ikaw na nakababatid ng aming paghihirap at ng aming
hinahangad sa buhay. Ikaw na may maka-ianng kaalaman sa aming
pakikipagtunggali na gumawa ng mabuti at umiwas sa kasalanan,
tanggapin moa ng aming pagsusumamo sa iyong Kalinis-linisang
Puso. Lukuban mo ng iyong maka-inang pagmamahal ang buong
daigdig, an gaming bansa, lipunan, pamilya at ang aming sarili. At sa
iyong pagkakandili ay aming ipinagkakatiwala an gaming mga
alalahanin at hinaharap sa buhay na ito. “ Kami’y dumudulog sa
iyong pagtatangkilik Banal na Ina ng Diyos; huwag mong siphayuin
an gaming pagluhog, bagkus sa iyong habag, ay pakinggan mo kami.
Masdan mo kaming nakaluhod sa iyong harapan, O Ina ni Kristo, sa
harapan ng iyong kalinis-linisang puso, ninanais naming, kaisa ng
buong simbahan na isama an gaming sarili sa paghahandog na
ginawa ng iyong Anak sa ating Ama nang dahil sa pagmamahal sa
aming lahat: “Alang-alang sa kanila kanyang winika, “ay Aking
itinatalaga ang aking sarili upang sila man ay maihandog din sa
katotohanan (Jn 17:19) Ninananis naming isama an gaming sarili sa
aming mananakop sa kanyang pagtatalaga para sa sangkatauhan,
sapagkat sa kanyang Banal na Puso ay matatagpuan ang
kapangyarihan ng pagkakaloob ng pagpapatawad at pagbabayad-
puri.
Mula sa lahat ng nilalang, ikaw nawa ay ipagdangal, ikaw na
Abang Alpin ng Panginoon na sumusunod ng buong laya sa tawag ng
Maykapal.

1
0
Papuri sa iyo, ikaw na buong ganap na nakiisa sa
mapagligtas na pagtatalaga ng iyong Anak. O Ina ng Banal na
Simbahan, liwanagan moa ng sambayanan ng Diyos tungo sa landas
ng pananampalataya, pag-asa at pagmamahal!
Liwanagan mo lalo na yaong mga naghihintay sa bunga ng
isinasagawa naming paghahandog at pagtatalaga. Tulungan mo
kaming mamuhay sa katotohanan ng paghahandog na ito ni Kristo
para sa sangkatauhan ng makabagong daigdig. Sa pagkakatiwala
namin sa Iyo, O Ina ng sangkatauhan, ng aming parokya at
sambayanan at ng daigdig ay ipinagkakatiwala rin namin sa iyo itong
aming paghahandog sa sambayanan at amin ito ngayong inilalagay
sa iyong makainang pangangalaga.
Kalinis-linisang Puso ni Maria! Tulungan mo kaming
mapaglabanan ang tukso ng kasamaan na madaling makapasok sa
puso ng tao ngayon at lalo na ang di-masukat na bunga nito na labis
nang nagpapabigat sa aming kasalukuyang panahon at nagiging
hadlang sa pagtahak sa landas patungo sa hinaharap.
Mula sa lahat ng salot at digmaan, ipag-adya mo kami!
Mula sa digmaang nuclear, mula sa sariling pagkasira, mula
sa iba’t-ibang uri ng digmaan, ipag-adya mo kami!
Mula sa kasalanan laban sa buhay ng tao mula sa kanyang
simula, ipag-adya mo kami!
Mula sa lahat ng galit at pagbagsak ng dignidad ng mga anak
ng Diyos, ipag-adya mo kami!
Mula sa iba’t-ibang uri ng kawalang-katarungan ng buhay ng
lipunan, maging pambansa at pandaigdigan, ipag-adya mo kami!
Mula sa pagnanasang alisin sa puso ng lahat ng tao ang
katotohanan ng Diyos, ipag-adya mo kami!
Mula sa kawalan ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama,
ipag-adya mo kami!
Mula sa kasalanan laban sa Espiritu Santo, ipag-adya mo
kami!
Tanggapin mo nawa, O Ina ni Kristo, ang hinaing ng aming
puso at nawa’y mamalas uli sa kasaysayan ng daigdig ang
kapangyarihan ng Pagliligtas ng Kabanal-banalang Puso ni Jesus at

1
1
ang pagtatagumpay at pagkukupkop ng iyong Kalinis-linisang Puso,
at pigilan ang kasamaan, at baguhin ang kalooban ng lahat, Nawa
ang iyong kalinis-linisang Puso ay ipahayag sa lahat ang liwanag at
pag-asa upang ang buong sangnilikha ay magpuri sa Diyos
magpasawalang hanggan. Amen.

LITANYA SA KALINIS-LINISANG PUSO NI


MARIA
Panginoon, mahabag Ka sa amin.

Panginoon, mahabag Ka sa amin.

Kristo, mahabag Ka sa amin.

Kristo, mahabag Ka sa amin.

Panginoon, mahabag Ka sa amin.

Panginoon, mahabag Ka sa amin.

Kristo, dinggin Mo kami.

Kristo, dinggin Mo kami.

Kristo, pakipakinggan Mo kami.

Kristo, pakipakinggan Mo kami.

Diyos Ama sa langit, mahabag Ka sa amin.

Diyos Anak na Tumubos sa sanlibutan, mahabag Ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo, mahabag Ka sa amin.

Kamahal-mahalang Trinidad, tatlong Person sa iisang Diyos,


mahabag Ka sa amin.

1
2
Puso ni Maria, ipanalangin mo kami!*

Puso ni Maria, ayon sa puso ng Diyos, *

Puso ni Maria, kaanib ng Puso ni Jesus, *

Puso ni Maria, sangkap ng Espiritung Banal, *

Puso ni Maria, tahanan ng Kabanal-banalang Trinidad, *

Puso ni Maria, tabernakulo ng Diyos na nagkatawang-tao, *

Puso ni Maria, walang bahid-sala sapol pa ng paglilihi sa iyo, *

Puso ni Maria, punong-puno ng biyaya, *

Puso ni Maria, bukod na pinagpala sa lahat ng puso, *

Puso ni Maria, luklukan ng kaluwalhatian, *

Puso ni Maria, handog ng pag-ibig-Diyos, *

Puso ni Maria, kasama ni Jesus na ipinako sa Krus. *

Puso ni Maria, aliw ng mga nagdadalamhati, *

Puso ni Maria, takbuhan ng mga makasalanan, *

Puso ni Maria, pag-asa ng mga naghihingalo, *

Puso ni Maria, luklukan ng habag, *

*Ipanalangin mo kami

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sadaigdig,


pakinggan Mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sandaigdig, pakapakinggan Mo kami, Panginoon.

1
3
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng
sandaigdig, mahabag Ka sa amin, Panginoon.

Kristo, dinggin Mo kami.

Kristo, pakipakinggan Mo kami.

V/. Kalinis-linisang Puso ni Maria, maamo at mapagkumbabang


puso

R/ Itulad mo ang puso namin sa Puso ni Jesus

Manalangin Tayo:

Oh lubhang mahabaging Diyos, na alang-alang sa katubusan


ng mga makasalanan, at upang maging takbuhan ng mga
nagdadalamhati, ay minabuti Mong ang Kalinis-linisang Puso ni
Maria ay matulad sa kagandahang-loob at habag sa Pusong Diyos ni
Jesus na Iyong Anak; loobin Mo sanang kaming gumugunita sa
katamis-tamisan at kaibig-ibig na pusong ito, pakundangan sa mga
karapatan at pamamagitan ng Mahal na Birhen, ay matagpuan ayon
sa Puso ni Jesus. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon, Siya
Nawa.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
“Kami’y dumudulog sa iyong pagtangkilik, Banal na Ina ng Diyos!”
Ikaw na nakababatid ng aming paghihirap at sa aming hinahangad sa
buhay. Ikaw na may inang kaalaman sa maing pakikipagtunggali na
gumawa ng mabuti at umiwas sa kasalanan, tanggapin moa ng
among pagsusumamo sa iyong Kalinis-linisang Puso. Lukuban mo ng
iyong maka-inang pagmamahal ang buong daigdig, an gaming bansa,

1
4
lipunan, pamilya at an gaming sarili. At sa iyong pagkakandili ay
aming ipinagkakatiwala ang aming mga alalahanin at hinaharap sa
buhay na ito.
“Kami’y dumudulog sa iyong pagtatangkilik, Banal na Ina ng
Diyos; huwag mong siphayuin ang aming pagluhog, bagkus sa iyong
habag, pakinggan mo kami at ipagtanggol sa lahat ng kapahamakan,
na makamit nawa naming ang biyaya ng katapatan sa aming mga
ipinangako nang kami ay binayagan, at ng aming pagsumikapang
tupdin ang iyong mga mensahe sa Fatima ang “muing pagsasang-
ayon sa Mabuting Balita.” Tanggapin mo nawa, O Ina ni Kristo, ang
hinaing ng aming puso at nawa’y mamalas uli sa kasaysayan ng
daigdig ang kapangyarihan ng Pagliligtas ng kabanal-banalang Puso
ni Jesus at ang pagtatagumpay at pagkukupkop ng iyong Kalinis-
linisang Puso, upang ang buong sangnilikha ay magpuri sa Diyos
magpasawalang hanggan, Amen.

IKALAWANG ARAW
Lider : “Kaya sinasabi ko sa inyo: ‘Humingi kayo at kayo’y bibigyan,
humanap kayo at kayo’y makatatagpo, kumatok kayo at ang
pinto’y bubuksan para sa inyo.’” (Lucas 11:9)

Lider : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo:


‘Dasalin ang rosary araw-araw para sa ikapagtatamo ng
kapayapaan sa daigdig at sa pagwawakas ng digmaan.’
(Fatima, Mayo 13, 1917)

Bayan : Ninais mong dasalin ang Santo Rosaryo araw-araw


sapagkat ito ay “isang panalanging may dakilang
kahalagahan sa ikapagtatamo ng bungang kabanalan.”
Taglay nito “ang lahat ng lalim ng mensahe ng Mabuting
Balita, na maaaring masabing isang kabuuan ng Mabuting
Balita.” At sa pagdarasal ng rosary, kaming
mananamapalataya “ay tumatanggap ng masaganang
biyaya” na wari’y tinatanggap naming mula sa iyong palad,
1
5
Ina ng aming Tagapagligtas. Ipinagsusumamo naming sa iyo,
Mahal na Ina, na tunay naming pahalagahan ng pagdarasal
ng Rosaryo araw-araw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito
sa paglalakbay0espiritwal ng Kristiyanong pamumuhay
upang “muling maipahayag na si Jesus ay Panginoon at
Tagapagligtas.” At maging mabisang kalasag-espirtwal nawa
ang rosary laban sa kasamaan ng dinarasan sa maing
lipunan.

At sa iyong Kalinis-linisang Puso at idinudulog


naming ang biyayang ito (banggitin ang pansariling
kahilingan) Sa iyong pag-ibig, dinggin moa ng aming mga
hibik. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin

IKATLONG ARAW
Lider : “Tandaan ninyo: ‘Ako’y lagging kasama ninyo hanggang sa
katapusan ng sanlibutan.’” (Mateo 28:30)

(sandaling katahimikan)

Lider : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo: “Hindi


ko kayo pababayaan. Ang aking Kalinis-linisang Puso ang
inyong magiging tanggulan at daan patungo sa Diyos.”
(Fatima, Hunyo 13, 1917)

Bayan : Ang mga wikang ito ang ikinagagalak ng aming puso


sapagkat ito ay isang katiyakan kami’y hindi nag-iisa sa
buhay, katiyakan na sa tuwa, liwanad, hirap at luwalhating
nararanasa ay kasama ka naming, kaisa ng iyong Anak na
aming Panginoong Jesukristo.

1
6
Salamat aming Ina, salamat, sapagka’t sa kabila ng
aming naghihinawa sa iyong maka-inang pagkalinga ay
patuloy ka pa rin sa pagtatanggol sa amin laban sa masama
at paghihikayat na maranasan ang walang hanggang
pagmamahal ng Diyos. Ipinagsusumamo naming sa iyo,
Mahal naming Ina, na hiwag mo kaming pabayaan mawalay
sa iyong piling at sa piling ni Hesukritso na aming Panginoon
sapagkat “tanging sa hiwaga naman ng salitang
nagkatawang-tao makikita ang hiwaga naman ng tao sa
kanyang tunay na kahulugan (Redemptor Hominis#22).”
Nawa sa paglalakbay naming sa buhay na ito, “dini sa lupang
bayang kahapis-hapis”. Ika’y aming maging kaginhawaan. At
sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinudulog naming ang
biyayang ito (banggitin ang pansariling kahilingan) Sa iyong
maawaing puso ay ipagkaloob moa ng aming kahilingan. Siya
Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin

IKAAPAT NA ARAW
Lider : “Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan nun ng tulong ang
pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.
Itataboy ang mga ito sa kaparusahan walaang hanggan,
ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang
hanggan.” (Mateo 25: 45-46)

(sandaling katahimikan)

Lider : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo:


“Nakita ninyo ang impiyerno ng kung saan napupunta ang

1
7
kaluluwa ng mga kaawa-awang makasalanan? (Fatima,
Hulyo 13, 1917 Unang bahagi ng mensaheng lihim)
Bayan : Ang pagpapahayag na ito sa tatlong pinagpakitaan sa
Fatima ay pagpapatunay ng iyong pagmamalakasakit sa
maaring maging kahantungan ng sangkatuahan. Hangad mo
na maligtas ang lahat at maranasan naming, di lang sa buhay
na ito ang pagmamahal ng Diyos bagkus ang manirahan ng
walang hanggang sa “Tahanan ng Panginoon.” Ipinahayag
mo ito sa tatlong batang pastol, na kahit sila ay nasa murang
kaisipan, ay naniniwala ka sa maipapahayag nila ang iyong
mga mensahe. Patuloy kang umaasa na panininwalaan
naming ang mga pahayag na ito tungkol sa impiyerno na
pinawawalang-halaga ng kasalukuyang pag-iisip. Tulungan
mo kaming lagi naming sambitin “O Jesus ko, patawain mo
kami sa aming pagkakasala. Iligtas mo kami sa apoy ng
impiyerno, akayin mo sa langit ang lahat ng kaluluwa, lalo
na yaong nangangailangan ng iyong awa.”
Ipagnagsusumamo naming sa iyo, Mahal na Ina, na
makaiwas kami sa kasalanan, at sa tulong ng iyong mabisang
pagdalangin, kami nawa’y dinggin ni Jesus “na iligtas kami sa
apoy ng impiyerno” at huwag maging sanhi ng
ikapapahamak ng aming kapwa. Nawa sa pagdarasal naming
ng Rosaryo ay lakipan naming ito ng mabubuting gawa
upang sa katapusan ng aming buhay sa daigdig na ito, kami
at makapilinh mo at ni Jesus sa Kaharian ng Diyos Ama.
At sa iyong kalinis-linisang puso ay idinudulog
naming sa biyayang ito. (idalangin ang pansariling
kahilingan at hangarin)
Igawad mo sa amin o maawaing Ina ang iyong
paglingap at pagtangkilik. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin

1
8
IKALIMANG ARAW
Lider : “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at
nabibigatan sa inyo pasanin at kayo’y pagpapahingahin ko.”
(Mateo 11:28)

(sandaling katahimikan)

Lider : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo:


“Ninanis ng Diyos na maitatag ang pandaigdigang debosyon
sa aking kalinis-linisang puso. Kung matutupad ninyo ang
mga itinagubilin ko sa inyo, maraming kaluluwa ang
maliligtas at magkakaroon ng kapayapaan.” (Fatima, Hulyo
13, 1917 Ikalawang mensaheng lihim)

Bayan : Ang hangarin na ito ng Diyos at sa walang hanggang


kapakinabangan ng pagliligtas ni Jesus, ay muli kaming
nagtatalaga sa iyo Mahal na Ina bilang daan ng aming
kaligtasan. Dahi sa pamamagitan mo, Nagkatawang-tao ang
Anak ng Diyo, kung kaya’t sa pamamagitan mo rin
magkakaroon ng bukal ng kabanalan sa lahat ng tao. Dahil
ang puso mo ay lubos na kaisa ng Puso ni Jesus, kaya ang
sino mang lumapit sa iyong Kalinis-linisang Puso taglay ang
pusong nagsisisi at nagbabalik-loob ay tiyak makatatagpo ng
biyaya ng kabanalan at tiyak na matatagpuan ang kanilang
sarili sa Kamahal-mahalang Puso ni Jesus, na siyang tunay na
bukal ng awa at biyaya.

Ipinagsusumama naming sa iyo, Mahal na Ina, na


panatilihin mo kami sa iyong Kalinis-linisang Puso, na
magbibigay ng tiyak na kaligtasan at pagtulong ng Maykapal.
At sa aming pananatilo ay matularan ka namin na ingatan sa
aming puso ang kahanga-hangang ginawa ng Diyos. At
nawa’y maging handa kami sa pagsunod sa hangarin ng
iyong puso na: “Gawain ninyo ang anumang ipag-utos Niya
(Kristo) sa inyo.”

1
9
Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin

IKAANIM NA ARAW
Lider : “Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang ‘Ihanda ninyo ang
daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga
landas.’” (Marcos 1:3)

(sandalian katahimikan)

Lider : Wika ng Anghel “Magpakasakit! Magpakasakit!


Magpakasakit!” (Fatima, Hulyo 13, 1017 – Ikatlong Bahago
ng Mensaheng Lihim)

Bayan : O Mahal na Birhen ng Fatima, hangad mo na iligtas ang


sangkatauhan mula sa apoy ng impiyerno at muling
mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng iyong Kalinis-linisang
Puso. Ngunit mariin mong pinaalalahanan kami na
pahalagahan ang pagpapakasakit. Sa pamamagitan ng
dakilang halimbawa ng iyong Anaka na si Jesus at ng lahat ng
mga banal na martir, ang pagpapakasakit ay ang tamang
tugon sa pangkasalukuyang pangyayari sa aming kasaysayan
upang makaiwas sa kinatatakutang pagkasira ng daigdig, ng
lipunan, ng mga pamilya at ng aming sarili.

Ipinagsusumamo naming sa iyo, Mahal na Ina, na


turuan mo kaming tumugon sa panawagan ng
pagpapakasakit. Turuan mo kaming ituon an gaming isip,
puso at Gawain bilang pagmamahal sa Diyos. Turuan mo
kami na ang bawat sakit, pagsubok at kabihuang
nararanasan ay ialay namin para sa ikapagbabalik-loob ng

2
0
aming sarili at ng aming kapwa. Uang sa pagsapit ng wakas
ng aming buhay at matapos maisaktuparan ang
pagpapakasakit na inialay ay matagpuan naming an gaming
sarili na kapiling mo at ng aming Panginoong Hesukristo at
ng simbahang matagumpay sa kalangitan.

At sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinadalangin


namin ang biyayang ito (banggitin ang pansariling
kahilingan) Magtagumpay ka sa lahat ng Puso O Ina ng Awa,
Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin

IKAPITONG ARAW
Lider : “Nang Makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal
niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi “Ginang narito ang
iyong anak! At sinabi niya sa alagad, Narito ang iyong ina!”
(Juan 19:27)

(sandaliang katahimikan)

Lider : Minamahal naming Ina, winika mo: “Ako ang Mahal na


Birhen ng Rosaryo. Patuloy ninyong dasalin ang rosary araw-
araw…” (Fatima, Oktubre 13, 1917)

Bayan : Pinakilala moa ng iyong sarili upang sundan naming ang


iyong mabuting halimbawa at luwalhatiin ang Ama naming
nasa langit na gumawa sa iyo ng mga dakilang bagay. Sinsabi
na ang rosayo ay ang “dakilang halimbawa (epitome) ng
buong ebanghelyo.” Kaya’t marapat lamang na ipakilala moa
ng iyong sarili bilang Birhen ng Rosaryo sapagkat saksi ka at
isinabuhay moa ng mga hiwaga ng tuwa, liwanag, hapis at

2
1
luwalhati ni Jesus. Kahit na ang panalanging ito at patungkol
sa iyo, sa pinakabuod nito, tulad ng iyong buhay ay
nakasenttro kay Kristo. At sa aming pagdarasal ng rosary ay
sinasamahan mo kami na kilalanin si Kristo. Tunay na dapat
naming pasalamatan ang Panginoong Hesus sa pagbibigay
Niya sa iyo sa amin upang ariing maging Ina, ang Birhen ng
Rosaryo.

Ipinagsusumamo naming, mahal na Ina, na kaming


mga kristiyano ay patuloy mong turuan at akayin sa
pagninilay ng Mukha ni Kristo at maranasan ang lalim ng
kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagdarasal ng
Santo Rosaryo, “ang matamis na kadenang nag-uugnay sa
amin sa Diyos.” At sa iyong kalinis-linisang Puso ay
idinudulog naming ang biyayang ito (tumahimik sandal at
banggitin ang kahilingan) O maawain, at matamis na Reyna
ng Rosaryo. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin

IKAWALONG ARAW
Lider : “Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga
mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang
mga sisiw, ngunit ayaw mo” (Lucas 13:34)

(sandaling katahimikan)

O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima, winika


mo: “Sabihin mo sa kanila na huwag ng pasakitan ang loob
ng Diyos kailanman, sapagkat siya’y labis nang
pinasasakitan” (Fatima, Oktubre 13, 1917)

2
2
Bayan : Tunang nang malimit naming pinasasakitan ang loob ng
Diyos. Naniniwala kaming mayroong Diyos ngunit kadalasan
ay nabubuhay kami na parang walang Diyos. Batid naming
ang mga utos, aral at mabubuting halimbawa ni Kristo
ngunit kulang ang pagsasabuhay ng “kaparaanan ni Kristo.”
Bilang mga binyagan, kami ay tinawag upang “sundan si
Kristo” ngunit maraming bagay ang hinangad at sinundad
naming na nagiging dahilan ng aming pagkakasala.
Ipinagsusumamo namin sa Iyo, Mahal na Ina, turuan
mo kaming “pagsisihan at talikdan ang aming pagkakasala,”
tupdin ang inyong kahilingan at magsagawa ng
pagpapakasakit. Gayundin, tuturan mo kaming lagi na
alalahanin ang walang hanggang pagmamahal ng Diyos
upang ang puso nami’y matulad sa iyo na ang bawat tibok ay
pagmamahal sa Diyos at kapwa.
At sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinudulog namin
ang biyayang ito (Banggitin ang pansariling kahilingan)
Dinggin mo ang pagsamo ng iyong mga Anak. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin

IKASIYAM NA ARAW
Lider : “Lakasan ninyo ang inyong loob!
Mapagtatagumpayan ko na ang sanlibutan.” (Juan 16:33)

(sandaling katahimikan)

O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima, winika


mo: “Sa katapusan ang aking Kalinis-linisang Puso ay
magtatagumpay.” (Fatima, Hulyo 13, 1917)

Bayan : Ang kadahilanan ng pagtatagumpay ng iyong Kalinis-


linisang Puso sa katapusan ay sa dahilan na ang puso Mo ay

2
3
punong-puno ng biyaya, pagmamahal, pananalig, at pag-asa.
Ang puso mo ay magtatagumpay sapagkat ito ay bukas sa
Diyos, na nilinis ng pagninilay sa Diyos, at higit na malakas
kaysa baril at anumang sandata. Ang iyong pagtugon o
“Fiat” na salita ng iyong puso ay napagbago ang kasaysayan
ng daigdig dahil hinayaan mong pumasok ang Tagapagligtas
sa daigdig. Kaya’t ang iyong tagumpay ay ang katagumpayan
at paghahari ng iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo.
Ipinagsusumamo namin sa iyo, Mahal na Ina, na sa
pagtatapos ng aming pagsisiyam na ito sa iyong karangalan
ay tunay ka nawang magtagumpay sa aming buhay, sa
aming pamilya, sa aming lipunan at sa aming bansa. Patuloy
mo nawa kaming paalalahanan na magtiwala sa Diyos na
siyang buod ng iyong mensahe sa Fatima. Upang mamayani
ang kapayapaan, pag-ibig at pagkakaisa sa buong daigdig at
tanggapin ang paghahari ni Kristo na aming buhay.
At sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinudulog namin
biyayang ito (Banggitin ang Kahilingan) Dinggin mo ng
buong pagmamahal ang aming pagsusumamo O Reyna ng
Kasantu-santuhang Rosaryo. Siya Nawa
Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Pangwakas na Panalangin pagkatpos ay isunod ito:

PANALANGIN PARA SA PAGTATAPOS


NG NOBENA
Makapangyarihan at mahabaging Diyos, taglay ang pusong
lipos ng pag-ibig sa Iyo, ay ipinaaabot namin ang isang taos-pusong
pasasalamat sa iyong kagandahang-loob at habag sa pagkakaloob
mo sa amin ng isang makalangit at butihing Ina na kumakalinga at
nangangalaga para sa kapakanan naming mga anak mong
makasalanan.

2
4
Nagpapasalamat kami sa Iyo, Panginoon sa pagpapadala mo
sa Mahal na Birhen sa kanyang taguri bilang Birhen ng Fatima upang
kami ay paalalahanan na magbagong-buhay at magbalik-loob sa Iyo.
Hindi mo pa rin pinababayaan ang iyong mga anak na mapalayo sa
Iyo, bagkus patuloy mo pa rin kaming inaakay sa landas ng
kabanalan upang makaisa ka namin sa kaluwalhatian ng langit sa
oras ng pagsapit ng wakas ng aming buhay.
Ipagkaloob mo sa amin, Mahabaging Diyos, na sa pagtatapos
ng aming pagsisiyam na ito sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng
Fatima ay pagkalooban mo kami ng biyaya na kami ay magsisi sa
aming pagkakasala, umiwas sa paggawa ng anumang ikasasakit ng
iyong Banal na Kalooban, magbagong buhay at sumunod sa iyong
kalooban nang sa gayon, ay makamtan namin ang pangako mong
kaligtasan at kapayapaan ng daigdig.
Sa pagwawakas na ito ng aming pagpaparangal sa aming
makalangit na inang si Maria, nawa’y makatugon kami sa kanyang
mga panawagan at tularan siya sa kanyang mga magagandang
halimbawa upang lalo naming maipagdangal at dakilain ang iyong
kabanalan at kaluwalhatian O Diyos Ama naming mapagmahal kaisa
ni Kristong aming tagapagligtas at sa patnubay ng Espiritu Santo,
iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
Ipanalangin mo kami, O Dakilang Ina ng Diyos. Nang kami ay
maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristong aming
Panginoon. Amen.

2
5

You might also like