Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCHOOLS DIVISION OF CAUAYAN CITY

Villa Concepcion High School – Rogus Extension


Rogus, Cauayan City, Isabela
IKALAWANG MARKAHANGPAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: _______________________________________ BAITANG AT SEKSYON: ____________


PAARALAN: _______________________________________ ISKOR: _____________
I. Basahin at unawain ang bawat tanong at pilitin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa linya bago ang bilang.
PAALALA: Lahat ng sagot ay nakasulat gamit ang malaking titik.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
b. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
c. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
d. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
_____2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
a. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uri ng lipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
b. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at Sistema ng pagsulat.
c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran.
d. kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan.
_____3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
a. organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at pagususulat.
b. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsusulat.
c. sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat.
d. pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado
_____4. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa
daigdig?
a. Dahil kinikilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
b. Dahil nakapagtatag ito ng pamayanan at imperyo.
c. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal.
d. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent.
_____5. Pagsunod-sunorin ang mga kaganapan sa sinaunang kabihasnang Asyano.
I. nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
II. lumitaw angmga neolitikong pamayanan sa ilog Indus
III. ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
IV. ang kabihasnang Indo-Aryan ay nabuo noong 1500 BCE
a. I-II-III-IV b. I-II-IV-III c. I-IV-II-III d. IV-I-II-III
_____6. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinikilala nilang dambana ng kanilang diyos o diyosa.
a. Great Wall of China b. Taj Mahal c. Ziggurat d. Hanging Gardens
_____7. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumer sa kabihasnang pandaigdig?
a. Sistema ng pagsulat na tinawag na Cunieform. c. Mga seda at porselana
b. Ang pagkakatuklas ng pottery wheel.` d. Pagkakatuklas ng paggamit ng Decimal System
_____8. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa
kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?
a. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaring sumira sa kanilang lupain kapag tag-ulan.
b. Nagtatanim sila ng mga malalaking puno sa tabi ng ilog.
c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kuweba kaapag tag-ulan.
d. Nagtatayo sila ng mga Dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang
pamayanan.
_____9. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
a. Dahil maayos at mabilis na natapuan ang mga labi ng kabihasnan.
b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may sentralisadong Sistema ng kanal sa ilalim ng
lupa.
c. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito.
d. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
_____10. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasanang Sumer at Indus?
a. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
b. Ang gawain ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro lamng sa tungkuling panrelihiyon.
c. Ang tirahan ng hari ng Sumer at Indus ay sa mga templo samantalang ang hari ng Shang ay malayo sa mga tao.
d. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lamang panrelihiyon.
_____11. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang epiko na umusbong sa kabihasnang Sumer?
a. Biag ni Lam-ang b. Epiko ni Gilgamesh c. Epiko ni Enkidu d. Alamat ni Gilgamesh
_____12. Alin sa mga sumusunod ang magpapaliwanag kung bakit nagkaroon ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa kabihasnang Indus?
a. Dahil sa pagkakaroon ng lansangang nakadisensyong kwadrado.
b. Dahil sa pinamumunuan sila ng haring pari.
c. Dahil sa ang lungsod ay malapit sa lambak-ilog na Indus at Ganges.
d. Dahil sa sistema ng pagsulat na pictogram.
_____13. Ang kabihasnang Shang ay pinamumunuan ng paring-hari na naging organisado sa pag-aayos ng lungsod. Ano ang isang palatandaan na
pinamunuan ng paring-hari ng may kaayusan ang lungsod?
a. Ang hari ay nagtatag ng magagandang bahay para sa mga nasasakupan.
b. Ang hari ay nagpatayo ng matataas na pader na naging paghahanda sa mga digmaan.
c. Ang hari ay nagbigay ng mga kagamitan sa mga tao sa lungsod.
d. Ang hari ay naging istrikto sa pamamalakad sa lungsod.
_____14. Alin sa mga sumusunod ang sistema ng panulat ng kabihasnang Shang na naging tagapag-isa ng mga Tsino?
a. Calligraphy b. Cunieform c. Pictogram d. Clay tablet
_____15. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa imperyong Assyrian?
a. Magulo at masikip na kalsada c. Gumagamit ng dahas at bakal
b. Mabagal na serbisyong postal d. Lahat ng nabanggit.
_____16. Alin sa mga sumusunod ang isa sa kahanga-hangang tanawin na ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawang si Amytis?
a. Hanging gardens of Babylon c. Tore ni Babel
b. Sumerian Ziggurat d. Hammurabi code
_____17. Sa panahon ng imperyong Phoenician ay nagsimula ang konsepto ng kolonya. Ano ang ibig ipakahulugan ng kolonya sa panahong ito?
a. Lugar kung saan nagdirigma ang mga tao. c. Tapunan ng mga basura o kalat sa lugar.
b. Istasyon o bagsakan ng mga kalakal. d. d. Lugar kung saan nagpupulong ang mga namumuno.
_____18. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit tinaguriang “Tagapagdala ng Kabihasnan” ang imperyong Phoenician?
a. Dahil hindi lamang ang mga produkto ang kanilang naibabahagi kundi ang kanilang pamumuhay.
b. Dahil sila ang natatanging imperyo na karapat-dapat sa taguring ito.
c. Dahil sila ng pinakamaimpluwensyang imperyo sa Kanlurang Asya.
d. Dahil sa kanilang kagalingan sa larangan ng kalakalan.
_____19. Alin sa mga sumusunod ang natatanging kontribusyon ng imperyong Hebreo sa kasaysayan ng Asya?
a. Nagsimula ang konsepto ng kolonya. c. Ang Bibliya.
b. Ang Alpabeto. d. Pagmimina ng iron core.
_____20. Ano ang naging papel ng bakal sa pamumuhay ng mga tao sa Imperyong Hittite?
a. Naging madali ang kanilang pamumuhay. c. Naging matatag ang kanilang imperyo.
b. Naging madali ang pagsakop nila sa ibang imperyo. d. Naging magaling sila sa larangan ng kalakalan.
_____21. Anong imperyo sa Kanlurang Asya ang kaunaunahang gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan?
a. Hittite b. Lydian c. Persian d. Sumerian
_____22. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang dahilan ng pagbagsak ng mga imperyo at kabihasnan noong sinaunang panahon?
a. Madalas na labanan at kawalan ng pagkakaisa. c. Kawalan ng mahusay na pinuno.
b. Mahinang Sistema ng pagtatanggol. d. Lahat ng nabanggit.
_____23. Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, saan nauwi ang paghina ng kontrol nito sa nasasakupang estadong lungsod?
a. Pagkakaisa ng mga lungsod na nasasakupan. c. Pagkakaroon ng matatag na estado.
b. Pagkakaroon ng digmaan o warring states. d. Paghina ng pamahalaan sa imperyo.
_____24. Sino ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan sa dinastiyang Zhou?
a. Alexander the Great b. Shi Huang Ti c. Confucious d. Kublai Khan
_____25. Sa Dinastiyang Qin, idineklara ni Zheng ang kanyang sarili bilang Shi Huang Ti. Ano ang ibig sabihin ng katawagang Shi Huang Ti?
a. Unang emperador b. Magaling na emperador c. Malakas na emperador d.Huling emperador
_____26. Anong pilosopiya ang nagsasaad na kailangang malulupit ang mga batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan?
a. Confucianism b. Taoism c.Legalism d. Perennialism
_____27. Ano ang ipinatayo ni Shi Huang Ti bilang proteksyon sa pag-atake ng mga kalaban sa Tsina?
a. Great Wall b. Berlin Wall c. Ziggurat d. Tore ni Babel
_____28. Ang Dinastiyang Tang ay kilala rin sa katawagang _________________.
a. Lumang Panahon ng Tsina c. Makabagong Panahon ng Tsina
b. Gintong Panahon ng Tsina d. Saganang Panahon ng Tsina
_____29. Alin sa mga sumusunod na dinastiya ang tinaguriang “unang banyagang dinastiya” sa Tsina?
a. Mongol b. Daidu c. Yuan d. Ming
_____30. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na “Apat na Dakilang Dinastiya”. Bakit tinawag itong dakilang dinastiya?
a. Lumawak ang impluwensya ng China sa panahong ito.
b. Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila
c. Nagkaroon ng pag unlad ang China sa panahong ito sa iba’t ibang larangan
d. Nagkaroon ng pag unlad sa kanilang sining at teknolohiya
_____31. Paano isinasagawa ang foot binding sa mga batang babae sa China bilang bahagi ng kanilang kultura?
a. Sa murang edad pa lamang ng mga batang babae ay tinatanggalan na sila ng kuko, binabali ang buto ng daliri, nilalagyan ng bondage, at
binabalot ng bakal o metal ang mga paa upang hindi na ito humaba pa.
b. Bilnabali ang buto ng daliri at binabalot ng bakal ang paa.
c. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinapalabas ng bahay.
d. Ang mga batang babae aay nilalagyan ng bakal sa paa.
_____32. Sa anong kaharian nagmula ang pangalan ng bansang Korea?
a. Goryeo b. Silla c. Goguryeo d. Baekje
_____33. Alin sa mga sumusunod na katangian ang HINDI kabilang sa mga katangiang taglay ng mga Indo-Aryan?
a. Matatangkad b. Kulot ang buhok c. Malakas kumain d. Mapuputi
_____34. Ano ang ibig sabihin ng salitang vedas na siya ring pangalan ng unang panitikan ng mga Indo-Aryan?
a. Katapangan b. Kalinisan c. Kapayapaan d. Karunungan
_____35. Upang mas lumakas ang kanilang kapangyarian, paano nagpatupad ang mga Indo-Aryan ng diskriminasyon o pagtatanggi laban sa mga
Dravidian?
a. Pinalayas nila ang mga Dravidian c. Itinatag nila ang Sistemang Caste
b. Naglagay sila ng mga tagapaglingkod d. Nagpayaman sila sa kanilang lahi
_____36. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakahanay ng pangkat sa lipunan ng mga Indo-Aryan?
a. Sudras → Kshatriyas → Valshya → Brahmin c. Brahmin → Kshatriyas → Valshya → Sudras
b. Kshatriyas → Sudras → Brahmin → Valshya d. Valshya → Brahmin → Sudras → Kshatriyas
_____37. Bakit napalitan ng mga Brahmin sa pangunguna ang mga Kshatriyas noong nataposang mga digmaan?
a. Dahil higi na mahalaga ang pananampalataya c. Dahil mas marurunong ang mga Brahmin
b. Dahil hindi karapat-dapat ang mga Kshatriyas d. Dahil walang kakayahan ang mga Kshatriyas
_____38. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit kabilang si Alexander the Great sa mga mahahalagang tao sa sinaunang panahon ng Timog Asya?
a. Nilupig nya ang isang malaking hukbong Indian c. Sinakop nya ang buong India
b. Dahil isa siyang magaling at matalinong hari d. Tinalo niya ang lahat ng hukbo ng mga Indian
_____39. Ano ang dahilan kung bakit niyakap ni Asoka (Apo ni Chandragupta Maurya) ang Relihiyong Buddhism?
a. Gusto niyang maging sentro ng Buddhism ang kanyang lugar.
b. Gusto niyang bigyan ng katahimikan ang kanyang nasasakupan.
c. Nais nyang pamunuan ang ibang lugar na kalapit ng nasasakupan niya.
d. Nais nito na maging matatag pa ang hukbong military na itinatag nya.
_____40. Sa anong imperyo sa Timog Asya naganap ang pag-usbong ng Ginintuang Panahon?
a. Imperyong Kushan b. Imperyong Gupta c. Imperyong Maurya d. Imperyong Mogul
_____41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patunay kung bakit umusbong ang Agham sa Ginintuang Panahon?
a. Tinalakay ni Aryabhata ang halaga ng pi at pag-ikot ng daigdig.
b. Natantiya ng ilang astronomo ang diyametro ng buwan.
c. Pinag-aralan ang sistema ng Decimals at paggamit ng Zero.
d. Pinaunlad ang mga iba’t-ibang produkto ng teknolohiya tulad ng cellphone.
_____42. Bilang isang tagapanguna, sa anong paraan nakamit ni Akbar ang kanyang naisin na matutong bumasa at sumulat?
a. Nag-aral siya sa mga mataas na paaralan sa India c. Pinaligiran siya ng mga pilosopo, arkitekto, at makata.
b. Kumuha siya ng mga aklat at inaral ang mga ito. d. Dumalangin siya sa mga diyos-diyosan
_____43. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dating kaalaman sa kabihasnan at pamumuhay ang mga taga Timog-Silangang Asya?
I. Paggamit ng metal III. Pagsamba at pagtatayo ng dambana
II. Pagbuo ng Pamilya IV. Pagpapahalaga sa kalikasan
a. I at II b. I, III, at IV c. I, II, at III d. I, II, III, at IV
_____44. Alin sa mga sumusunod ang mga namana ng mga Vietnamese sa pagsakop ng China sa kanila?
a. Paggamit ng apelyido at relihiyon c. Pagbuo ng pamilya at paniniwala
b. Paggamit ng metal at pagsamba d. Paglalakbay at pagtatayo ng dambana
_____45. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit tinaguriang pinakadakilang templo ang Angkor Wat sa panahon ng Imperyong Khmer?
a. Kinikilala ito bilang pinakamalawak na struktura sa buong Lungsod ng Camdodia.
b. Kinikilala bilang isang sagradong lugar at bahay dalanginan ng mga tao.
c. Kinikilala bilang pinakamatanda at pinakamalaking istrukturang pang-arkitektura sa daigdig.
d. Kinikilala bilang pinakamatibay at pinakamataas na gusali sa daigdig.
_____46. Sa kaharian ng Ayutthhaya ay naitatag ang kodigong legal na tinatawag na Darmasastra. Sa anong tradisyon hango ang kodigong legal na ito?
a. Tradisyong Hindu at Thai c. Tradisyong Chinese at Indian
b. Tradisyong Malay at Hindu d. Tradisyong Vietnamese at Thai
_____47. Bakit kinikilala ang kaharian ng Srivijaya bilang “Dalampasigan ng Ginto”?
a. Dahil gawa sag into ang kanilang mga gusali c. Sapagkat mayman sila sa mina ng ginto
b. Dahil sa pagkakaroon nila ng perang ginto c. Sapagkat sila ay may mga ginto sa tahanan
_____48. Bakit mayroong taglay na malakas na puwersang pandagat ang kahariang Srivijaya?
a. Dahil sa mga naglalakihan nilang sasakyang pandagat.
b. Dahil sa kapit at kontolado nila ang rutang pangkalakalan.
c. Dahil marami silang kagamitan at sasakyang pandagat.
d. Dahil sa malapit ang kaharian nila sa dagat
_____49. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Kahariang Sailendras?
I. Naniniwala sa Mahayana Buddhism III. Naniniwala sa konsepto ng kamatayan
II. Nanganahulugang “Hari ng Kabundukan” IV. Pinahahalagahan ang kalikasan
a. I at II b. I, III, at IV c. I, II, at III d. I, II, III, at IV
_____50. Sa paanong paraan pinalakas ng Majapahit ang kanilang imperyo?
a. Sa pamamagitan ng pagsakop sa maliliit na kaharian.
b. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga harang sa palibot ng kaharian
c. Sa pamamagitan ng pakikipagrulungan sa ibang kaharian.
d. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa ibang kaharian.
_____51. Alin sa mga Rehiyon ng Pilipinas ang katangi-tanging yumakap sa Islam?
a. Luzon b. Visayas c. Mindanao d. Lahat ng nabanggit
_____52. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang Latin na re-ligare na siyang pinagmulan ng salitang Relihiyon?
a. Pagbubuklod at pagbabalik-loob c. Pagsamba at pagdadasal
b. Pananampalataya at pananalangin d. Pagsasama-sama at pag-iibigan
_____53. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing relihiyong umusbong sa India at unang sinampalatayanan ng tribo ng mga Aryan?
a. Buddhism b, Hinduism c. Jainismo d. Judaismo
_____54. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahulugan ng reincarnation?
a. Ang namatay na katawan ay muling isisilang sa ibang anyo.
b. Ang pagkabuhay na mag-uli sa dating kaanyuan.
c. Ang pagkamatay at pagkabuhay na muli sa kalangitan.
d. Ang pagkabuhay at pagkamatay ng isang nilalang.
_____55. Aling siklo ang dapat na maransan ng tao ayon sa doktrina ng Jainismo?
a. Makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay.
b. Makalaya ang kaluluwa sa pagkamatay at pagkabuhay at muling pagkabuhay.
c. Makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay at muling pagkabuhay.
d. Makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay at pagkamatay.
_____56. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan kung bakit naging batayan ng Kristiyanismo at Islam ang Relihiyong Judaism?
a. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa maraming diyos.
b. Ang pagkakaroon ng paniniwala ng mga Hudyo sa iisang diyos.
c. Dahil sa pagkakaroon ng maraming doktrina ng mga Hudyo.
d. Sapagkat ang Hinduism ay matandang relihiyon.
_____57. Alin sa mga sumunod ang TOTOO tungkol sa Relihiyong Kristiaynismo?
I. Nagmula sa relihiyong Judaismo III. Batay sa turo at buhay ni Hesus
II. Pinakamalaking bilang sa lahat ng relihiyon IV. Bibliya ang tawag sa banal na kasulatan
a. I at II b. I, III, at IV c. I, II, at III d. I, II, III, at IV
_____58. Ano ang ibig sabihin ng Santisima Trinidad na pinaniniwalaan ng mga Katoliko?
a. Paniniwala sa nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espirtu Santo.
b. Paniniwala sa tatlo uri ng Diyos (Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espirtu Santo)
c. Paniniwala sa mmaraming uri ng Diyos (Polytheism)
d. Walang pinaniniwalaang uri ng diyos.
_____59. Sino ang katumbas ni Hesus sa Relihiyong Islam na siya ring nagtatag ng Islam?
a. Hudas Escariote b. Propeta Esias c. Muhammed d. Apostol Juan
_____60. Ang salitang Pilosopiya ay nagmula sa salitang Griyego na “philo” at “Sophia, na nangangahulugang _________?
a. pagmamahal at karunungan b. Katapatan at kalinisan c. Kaliwanagan at Katapatan d. Wala sa nabanggit

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


JULIUS M. RAQUEL JENALYN O. LAGGUI
Guro sa AP 7 School Head

You might also like