Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MODYUL

TEORYANG EKSISTENSYALISMO

Kasaysayan:

Ang teoryang ito ay nagmula sa Kanluran (West) at lubos na lumaganap ang teoryang ito noong ika-19 hanggang ika-20
siglo kung saan maraming manunulat ang naimpluwensiyahan. Ito ay pinangunahan at pinatatag nina Jean Paul Satre,
Albert Camus, at Andre Gide.

Kahulugan:

Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at


binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran at sinusuri ang tauhan batay sa kanyang
kilos,paniniwala,paninindigan na ang tao lamang ang tanging may kakayahanng magdesisyon sa kanyang sariling
buhay.
Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi at paninindigan. Samakatuwid
binibigyang-diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili.
Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha namakapagbibigay ng kahulugan sa kanyang sariling buhay at
kairalan, na wala nang ibang nilikha ang makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa
maliban sa kanya.
Ang pagpili ay siyang pinakasentro ng pananatili ng tao (human existence), kahit na ang pagtanggi na pumili ay
maituturing na pagpapasya. Ang kalayaang pumili na laging may kaakibat napananagutan at responsibilidad.
Yamang ang bawat isa ay malayang pumili ng kanyang landas na tatahakin,kinakailangan lamang na maging
handa ang bawat isa sa resulta o maaaring bunga ng kanilang gagawing pagpapasya.
Ayon kay Jean Paul Sartre, nauuna ang eksistens bago ang essens. Ang pagpili,kung gayon ay kailangan sa
eksistens ng bawat nilalang at hindi ito matatakasan, maging ang hindi pagpili ay isa ring pagpili.

Katangian:

 Walang sariling simulain


 Maihahambing sa Romantisismo
 tunay na paraan ng pagpapahayag at ekspresyon
 Maihahalintulad sa Modernismo
 pinipilit kalimutan ang kasaysayan at nakaraan
 Maikukumpara sa Realismo
 Isinasantabi ang mga paksang ukol sa lipunan
 Makipag – ugnayan sa mundo na may pansariling kapakanan
 May kalayaan at hangaring awtentiko
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang
dantaon

Ang bawat tao ay isang indibidwal na malaya at may pananaguton sa kanyang sarili.

Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng buhay ng tao sa mundo kasama ang mga problemang hatid nito. Sa
pananaw na ito, pinaniniwalaang:

1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal.


2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens mismo o ng isang pagiging nilalang.
3. Nagpapatuloy ang pagsusuring mmayroong iba’t ibang posibilidad.
4. Dahil sa mga posibilidad na ito, an buhay ng tao ay itinatakda ng kaniyang mga desisyon.

Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang konkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal
gayundin, ang usapan ng indibidwal sa kalayaan at pagpili.Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o
tendensiya ay nakainpluwensya sa maraming mga manunulat noong ika-19 at ika- 20 siglo.

Ayon sa mga eksistensyalistiko, dahil sa bawat isa ay may kalayaang pumili, kailangangn niyang tanggapin ang mga
panganib at responsibilidad na pasunod sa kaniyang naisin saan man ito patungo.
hal: Pag-aasawa

Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng buhay ng tao sa mundo kasama ang mga problemang hatid nito. Sa
pananaw na ito, pinaniniwalaang:

1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal.


2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens mismo o ng isang pagiging nilalang.
3. Nagpapatuloy ang pagsusuring mmayroong iba’t ibang posibilidad.
4. Dahil sa mga posibilidad na ito, ang buhay ng tao ay itinatakda ng kaniyang mga desisyon.

-Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito dahil utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing
nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang.
Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang
hindi niya ito magagampanan at maisasaayos. Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng
panitikan, at kinakailangan din ang utak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o
kahihinatnan ng isang akda.

•Sa tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla ay matutuklasan ang kanyang pagka- eksistensyalista gaya ng
mababasa sa ilang saknong sa tula:

Ako ang Daigdig

ni Alejandro G. Abadilla
I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ng tula

ako
III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang daigdig
ng tula

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula

ako

You might also like