Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Para magkaroon ng bonding sa pamilya ang estudyante - DepEd

HOMEWORK BAWAL NA SA WEEKENDS

REY CASTILLO

Ipagbabawal na ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng mga guro ng homework

o assignment sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Base sa ipinalabas na Memorandum order #392 Series of 2010 ni Education Secretary Bro.
Armin Luistro, ipinagbabawal sa mga guro na magbigay ng assignment sa kani-kanilang mag-aaral
tuwing Biyernes para sa weekends.]
Nais ng DepEd na magkaroon nang sapat na oras ang mga batang mag-aaral sa kanilang pamilya
na tuwing weekends lamang nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bata ng mahabang oras na maka-
bonding ang kanilang mga magulang at kapatid.
Ikinatwiran pa sa inilabas na memo na kung bibigyan ng takdang-aralin ang mga bata,
mababawasan sila ng oras para sa kanilang pakikisalamuha sa kanilang mga mahal sa buhay at pamilya.
Nabatid pa na bukod sa weekends, hindi maaaring tambakan ang mga estudyante ng assignment o
aralin mula Lunes hanggang Biyernes upang hindi umano masyadong mahapo at mapagod ang isipan ng
mga mag-aaral.
Nakatakdang ipatupad ang kautusan simula bukas, Lunes, Setyembre 20, 2010.

PAGSASANAY:
1. Sumulat ng sariling pananaw at reaksyon sa tekstong ito. Pangatwiranan ang baliditi ng naturang
memorandum ng DepEd.
______________________________________________________________________________

You might also like