Laki Sa Layaw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

197    Pag-ibig anaki'y aking nakilala,

'di dapat palakihin ang bata sa saya;


at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

198    Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,


namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas  ng  sakit?
199    Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin.

200    Para ng halamang lumaki sa tubig,


daho'y nalalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init;
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.

201    Munting kahirapa'y mamalakhing dala,


dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

202    Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad


sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

203    Sa taguring bunso't likong pagmamahal,


ang isinasama  ng  bata'y nunukal;
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

204    Ang lahat  ng  ito'y kay amang talastas,


kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;
at ipinadala ako sa  Atenas  —
bulag na isip ko'y nang doon mamulat.

You might also like