Professional Documents
Culture Documents
Prelim - Prefi Handouts
Prelim - Prefi Handouts
Prelim - Prefi Handouts
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Pagpapalawak ng kaalaman
2. Mabuting libangan
3. Nakakapaglakbay-diwa
4. Nagbibigay ng araling pang-moral
5. Nakakapagpayaman ng talasalitaan
6. Gintong susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng
karunungan at kasiyahan
7. Nagiging lunas ng mga suliranin at kahinaan ng isang tao
8. Nagbubukas din ng daan upang matuto sa iba’t ibang
disiplina tulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Kasaysayan,
Matematika at marami pang iba
PROSESO NG PAGBASA
1. Sikolohikal o Pangkaisipan
Badayos- ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay pagtatangkang isang tagabasa na maunawaan kung ang
iniisip o naisipakahuluganng isang awtor. Upang maisagawa ito, ang tagabasa ay naghihinuha, at nagbubuo ng kongklusyon.
Coady- dahil ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang intelektwal ng isang tagabasa kung kaya
kinakailangang gisingin ang isipan ng tagabasa upang makilala at mauunawaaan niya ang mga impormasyon gaya ng
kaalamang sintaktika – impormasyong tungkol sa wika.
Halimbawa, ang pagbuo ng pangungusap at mga batayang hulwaran at kaalaman sa kaalamang graphophonic – ang
pormasyon ng pantig, pagbabaybay, at iba pa.
Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng tagabasa na maaaring
gamitin bilang pantulong kung sakaling may kahinaan ang tagabasa asa kaalamang sintaktika.
Sa aktwal na pagbasa, ginagamit ng tagabasa ang mga impormasyon, ideya, mga saloobin at paniniwala. Ang mga
kaalamang ito at ang kakayahan ng tagabasang gumawa ng mga prediksyong linggwistik ang titiyak ng mga inaasahang
pangyayari sa binasa na binubuo ng tagabasa habang nagbabasa siya ng isang teksto.
Kaugnay sa mga nabanggit na kaisipan ni Badayos, nagbigay si Atanacio ng mga sumusunod na salik na maaaring
nakakaimpluwensya sa pagbasa: ang pagkilala sa mga materyal o teksto, pag-unawa sa materyal na binabasa, at ang layunin
sa pagbasa.
2. Interaktibo
Ang interaktibong pagbasa ay isang proseso na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan upang lubusang maunawaan
ang teksto. Ang pag-unawa ay batayan ng pagbibigay ng kahulugan at ang kahulugan ay inihahatid sa pamamagitan ng mga
nakalimbag na titik at hindi mula sa teksto mismo (Dechant, 1991).
Ibig sabihin, ang pagkaunawa sa teksto ay nakabatay sa kung paano nauunawaan ng mambabasa ang mga salita, at
hindi sa hindi sa kung ano lamang ang nakasulat. Ito ang sinang-ayunan ni Badayos (2008), ang ang teksto ay kumakatawan
sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman sa wika at sariling
konsepto o kaisipan. Samakatuwid, ito ay interaksyon ng teksto at ng mambabasa.
3. Metakognitiv
Ang kakayahang kilalanin ang isang nakasulat na salita ay iasang pangangailangan sa pagbabasa. Kung ang
pagbabasa ay may kakayahang bigkasin ang salita, nangangailangang nakikilala at nauunawaan niya ang binigkas.
Decoding- sa prosesong ito kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan.
Encoding- ang tekstong binabasa ay inuunawa, inaayos at binibigyang anyo.
Tatlong elemento ang isinaalang-alang dito:
1. Kaalaman sa kahulugan ng mga salita
2. Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa palaugnayan/gramatika
3. Pag-unawa sa kabuuan ng pahayag
MGA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI
Castro at Taruc- ang tekstong ekspositori ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon at
ideya. Ang tungkulin ng mga manunulat sa anyong ekspositori ay malinaw at maayos niyang maisulat ang mga impormasyon.
Sa pagbuo ng isang tekstong ekspositori ay may target na layunin ang manunulat para sa kanyang mambabasa. Ang
layuning ito ang gagabay sa kanya kung anong estilo at anyo ang tekstong susulatin na kapapalooban ng iba’t ibang
hulwarang organisasyon.
Sa mga mambabasa mahalagang matukoy at maunawaan nila ang layunin ng manunulat sa tekstong binabasa.
Halimbawa, sa hulwarang organisasyon ng teksto tulad ng depinisyon, paghahambing, enumerasyon o pag-iisa-isa, sanhi at
bunga, kahinaan at kalakasan, pagkakasunod-sunod o order, nararapat na Makita, mapahalagahan at masuri ng mga
mambabasa ang kahingian ng teksto. Samakatuwid, magiging mabunga lamang ang ginagawang pagbabasa kung natatamo
ng mga mambabasa ang layunin ng tagasulat.
DEPINISYON O PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
Hindi magiging ganap ang proseso ng pagbasa kung hindi mauunawaaan ng mambabasa ang kaisipan o ideyang
inihahatid ng mga nakalimbag na sagisag o mga salita. Ang mga salitang ito ay nararapat na bigyang kahulugan o depinisyon
upang magiging malinaw sa isipan at lubos na mauunawaan ang sinasabi ng tekstong binabasa.
Ang depinisyon ayon kina de Castro at Taruc, ay may layuning ipaliwanag ang kahulugan ng isang termino o
parirala. Maaaring ibigay ng awtor ang kasingkahulugan o sinonimo ng salita o higit na pagpapabuti dili kaya’y isang
Ayon pa rin kay Bernales, mayroon ding ekstensiv na depinisyon saan napapalawak ang kahulugan ng teksto sa
pamamagitan ng pag-uuri-uri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan, pagpapaliwanag, pagbibigay-
halimbawa, pagbanggit ng hanguan o awtoridad at iba pa. Ang mga ito ay may detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa paksa.
Ang tekstong may pagpapalawak na depinisyon ay karaniwang ginagamit upang:
1. Magbigay ng interpretasyon sa malabo, kontrobersyal at hindi maintindihang termino;
2. Magpaliwanag ng abstraktong termino o konsepto;
3. Magbigay-kasiyahan sa mambabasa sa pamamagitan ng kawili-wiling ekspresyon; at
4. Magbigay ng kahulugan sa bago o di-karaniwang termino na karaniwang matatagpuan sa jargon ng partikular na
disiplina o industriya.
ENUMERASYON O PAG-IISA-ISA
Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa
pangunahing ideya. Ang kaayusan ng mga detalye ay maaaring magkakapalitan na hindi mababago ang kahulugan (Alejo).
de Castro at Taruc- ang hulwarang enumerasyon o pag-iisa-isa ay maaaring magkahad ng mga halimbawa na
nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. Maaaring isa-isahin ang mga bahagi mula sa kabuuan at lakipan ng paliwanag sa
bawat bahagi. Ilang pamamaraan din ay ang pagbabalangkas ng mga hakbang at pagsasaayos ng mga ideya mula sa
pinakamahalaga tungo sa di gaanong mahalaga.
Ayon kay Bernales, ang pag-iisa-isa o enumerasyon ay may dalawang uri:
Simpleng enumerasyon- tinatalakay ang pangunahing paksa lamang at binabanggit ang mga kaugnay at binabanggit ang
mga mahahalagang paksa.
Kumplikadong enumerasyon- tinatalakay sa pamamaraang patalata ang pangunahing paksa at ang mga kaugnay na
kaisipan na naglilinaw sa paksa. Tinatalakay nang sunod-sunod o nang magkahiwalay at magkakaugnay na talata ang mga
bagay na iniisa-isa.
ORDER O PAGSUSUNOD-SUNOD
Ang paraang ito ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari ay nakatutulong sa pag-unawa at pagpapalinaw ng
ideayang inihahatid ng teksto.
de Castro at Taruc- ang hulwarang ito ay nagpapakita ng serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa
kongklusyon o pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan hango sa isang pangyayari
Sa hulwarang pagkakasunod-sunod ay maaaring ilahad ang mga hakbangin o proseso upang masundan ang isang
gawain. Makakatulong ang mga salitang una, pangalawa o ikalawa, pangatlo o ikatlo, matapos o pagkatapos, habang,
sumunod, ang susunod na, sa ngayon, at iba pa.
Ayon kay Posner at Rudnitsky sa aklat ni Bilbao, may mga pagkakaugnay na makikita sa tao, bagay at mga
pangyayari sa daigdig na maaaring ayusin batay sa mga sumusunod:
1. Espasyo o distansiya
Ang pagkasunod-sunod ay batay sa mga relasyong may kaugnayan sa ispasyo na maaaring mula sa pinakamalapit
patungo sa pinakamalayo; mula sa ilalim patungo itaas, mula Silangan patungo Kanluran, mula Hilaga patungong Timog at
mga katulad na kalagayan.
2. Panahon
Ang batayan ng pagkakasunod-sunod ay maaaring mula sa pinakaunang pangyayari patungo sa pinakabagong
pangyayari. Tinatawag din itong kronolohikal na pagkakasunod-sunod. Halimbawa ang pagkakasunod-sunod ng mga pangulo
ng bansa ayon sa panahon ng kanilang panunungkulan.
3. Pisikal na Katangian
Ang pagsasaayos ay batay sa pisikal na katangian ng isang phenomena tulad ng edad, hugis, laki, tangkad at iba pa.
Halimbawa ang pagkakasunod-sunod ng mga magkakapatid ayon sa dad mula sa pinakamatanda tungo sa pinakabunso.
Sa kabilang dako, ayon kina Bernales maliban sa katangiang konolohikal, ang ang pagkakasunod-sunod o
pagkakaayos ng teksto ay maaari ring prosijural.
PAGSUSURI
Paglalahad ito ng mga impormasyon o detalye buhat sa sinuri na isang bagay, pangyayari, konsepto at teorya upang
mabigyan ng malalim na analisis. Pinahihiwa-hiwalay at ipinaliliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng sangkap ng mga bagay na
sinusuri.
Ginagamit ang ganitong hulwaran sa mga akdang kritisismo gaya ng rebyung pampelikula, dula, konsyerto, likhang
sining, rebyu ng isang aklat o ng mga akdang pampanitikan (Bernales).
Sa pagsusuri ay isinama ang mga kagalingan at kahinaan ng bagay, pangyayari o taong hinuhusgahan. Maaaring
ilahad ang mga puna o ebalwasyon sa pamamaraang obhektibo kung saan gumagamit tayo ng mga itinakdang pamantayan
sa panghuhusga o pamamaraang subhektibo kung saan ibinibigay ang sarili nating impresyon (Dedufalza).
PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
Sa paghahambing ang pagkakatulad o pagkakapareho sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, bagay, lugar,
pangyayari, ideya at iba pa ay ipinaliliwanag at inilalarawan sa binabasa. Kailangang makilala ng mambabasa ang
pagkakatulad ng mga ito upang lubos na mauunawaan ang kaisipang isinasaad ng pahayag.
Sa kabilang dako sa pagkokontrast, ipinaliliwanag o inilalarawan naman sa binabasa ang pagkakaiba at di-
pagkakatulad ng dalawa o higit pang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.
Inilalahad nang punto por punto ang kaanyuan o istruktura upang mauunawaan at makikilala ang mga tiyak na aspekto
ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pinaghahambing o pinagkokontrast.
Ayon kay Galang, nilalayon ng tekstong ito ang pagpapakilala ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang nais
tukuyin.
Block methodkung saan inilalarawan muna sa unang hati ang mga aspekto ng unang bagay na tinutukoy at pagkatapos ay
ilarawan naman sa ikalawang hati ang mga aspekto ng ikalawang bagay na inihahambing (Donald).
Point by point method- na pinaghahambing at pinagtutulad nang magkasabay ang dalawang bagay na tinutukoy ayon sa
kani-kanilang katangian.
PROBLEMA AT SOLUSYON
Ayon kina Magracia, may mga nakasulat na teksto na sa simula pa lamang ay ipinakikilala na ang problema.
Karaniwang mababakas o makikita ito sa panimulang talata kung ang genre ay isang sanaysay.
Sa malaking kwento naman, maaaring sa pagpapakilala pa lamang ng mga tauhan ay mababanaag na ang problema
at sa pagtukoy ang pagtalakay sa pangyayari ay maaaring nahahawan ang sagabal. Ngunit, sa pangwakas na talata maaaring
mabigyang-solusyon ang problema. Maaari rin namang ang paglutas ng suliranin ay iniiwan sa mga mambabasa kung hindi
tinitiyak sa teksto ang wakas o ang pagbigay ng kalutasan sa suliranin.
SANHI AT BUNGA
Ang hulwarang sanhi at bunga ay nagpapakita ng mga kadakilaan ng isang bagay o pangyayari at kaugnay na epekto
nito. Ang mga salitang makatutulong sa paglalahad ng mga sanhi at bunga ay: sa dahilang/kadahilanang, dahil, kung kaya’y,
upang, at iba pa.
Maaaring buuin ang teksto sa pamamagitan ng pagpapapakilala ng ugnayang sanhi at bunga. Itinatala ng manunulat
ang isa o higit pang sanhi, na siyang kadahilanan ng mga pangyayari at bunga na siya naming naging resulta nito (Alejo).
Ang talatang sanhi at bunga ay maaaring simulan sa pagpapakilala ng sanhi na susundan ng mga bunga o di kaya ay
pagpapapakilala muna ng bunga pagkatapos na ilahad ang mga sanhi. Nakakatulong ang paggamit ng mga pang-ugnay na
dahil sa, kaya, kasi, bilang bunga/resulta, sapagkat upang maging malinaw na maipakita ang ugnayang sanhi at bunga (Ulit).
KAHINAAN AT KALAKASAN
Sa hulwarang organisasyong kahinaan at kalakasan, inilalahad ang positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng
sitwasyon o pangyayari. Maaaring ibigay muna ang kalakasan at susundan ng kahinaan o vice versa.
Makatutulong sa paglalahad ang paggamit ng mga salitang gayunpaman, sa kabilang banda, mga
kahinaang/negatibong dulot, mga positibong/kalakasang dulot, dahil sa, bunga ng, at iba pa.
Panuto. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi. Sagot lamang ang
isulat sa iyong kuwaderno.
1. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng
pasalita ang mga simbolong ito.
2. Ang mahusay na pagbabasa ay siyang nakakaalam kung paano niya dapat ibigay ang pamamaraan ng kanyang
pagbasa sa kaniyang layunin.
3. Mabisa ang pagbabasa kung ito ay nangangailangan ng mabuting paningin, sapat na ilaw, matahimik at ang pagiging
malinaw ng isang aklat o anumang bagay na iyong binabasa.
4. Ang pagkakaroon ng interes at determinasyon ay siya ring sangkap ng mabisang pagbabasa.
5. Hindi kinakailangan ang konsentrasyon sa pagbabasa.
6. Ang pagbabasa ng mga pahayagan, magasin, at mga aklat na may kaugnayan sa kanilang propesyon ay siyang dapat
ding taglayin ng isang mahusay na mambabasa.
7. Mabuti ang uri ng babasahin kung ito ay nakatutulong upang maging mabuting propesyunal at itinuturing niya itong
bahagi ng kaniyang “professional growth.”
8. Walang malaking impluwesiya ang pagbabasa.
9. Sa pagbabasa, ay nakatutuong na makapaglilikom ng iba’t ibang uri ng impormasyon.
10. Ang mga nangyayari sa ating bansa, sa daigdig at sa iyong paligid ay maaari mo ring malaman sa pamamagitan ng
pagbabasa.
11. Maaaring makarating ka sa lunan na iyong nais sa iyong binabasa.
12. Ang hulot - aklatan ay isa sa mga lugar na makapaglilikuman ng iba’t ibang uri ng babasahin.
13. Ang reaksiyon ay kakayahang humatol o magpasiya ng kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga at pagdama sa
mga sinusulat ng may-akda.
14. Ang persepsiyon ay isang kakayahan sa pagbigkas ng mga salita bilang isang makahulugang yunit ng pagkilala ng
mga nakalimbag na simbolo.
15. Ang asimilasyon ay isang kakayahan sa pagtipon-tipon at pagtatagni-tagni ng mga nakaraan at mga bagong
karanasan.
16. Ang pagbabasa ay interpretasyon ng mga nakalimbagng simbolo ng kaisipan o pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik
na sagisag ng kaisipan.
17. Hindi nabibilang sa limang makrong kasanayan ang pagbasa.
18. Sa pamamagitan ng pagbabasa, natututo tayong tumipon ng mga kaalamang nakakasakit sa kapwa.
19. Sa pagbabasa, nakaiimpok ang mambabasa ng mga impormasyon at kaalamang bisa ng babasahin.
20. Hindi kinakailangang magkaroon ng interaksiyon ang tagabasa at ang akdang kanyang binabasa.
WORKSHEET 2
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod na sagot batay sa tanong. Sagot lamang ang isulat sa kuwarderno.
1. Hulwarang ginamit saan naglalayon ito na maipaliwanag ang kahulugan ng isang termino o parirala.
2. Proseso ng pagbasa kung saan iniuugnay ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong
nasa isipan ng tagabasa na maaaring gamitin bilang pantulong sa kaalamang sintaktika ng tagabasa.
3. Ang salita ay may tunay na kahulugang nakikita sa diksyunaryo.
4. Kasanayan saan kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyang ng kaukulang kahulugan.
5. Tawag sa proseso na gumagamit ng iba’t ibang paraan upang lubusang maunawaan ang teksto.
6. Kabilang sa mahalagang kasanayan saan ang tekstong binabasa ay inuunawa, inaayos at binibigyang anyo.
7. Ang kakayahang kilalanin ang isang nakasulat na salita ay isang pangangailangan sa pagbabasa.
8. Paraan ng pagbibigay ng pagpapakahulugan kung saan mga pahiwatig lamang o dili kaya’y matatalinhagang
pagpapakahulugan o di-tuwiran ang ginamit.
WORKSHEET 3
Batay sa mga pangungusap na nakalista sa Hanay A, maghanap ng katapat na kaisipang angkop o tugma sa Hanay B
upang makabuo ng isang usapan o dayalogo.
Hanay A Hanay B
Hanay A Hanay B
______1. Bakit ngayon ka lang anak? a. Sasabihin po? Tungkol saan po?
______2. Bakit hindi ka man lang tumawag? b. Kumain na po ako, Ma. May dinner po kami.
Nag-aalala tuloy kami ng ama mo. Dinner meeting nga, eh.
______3. Kumain ka na ba? Mukhang hindi c. Ang Mama naman. Bakit bukas pa? Narito na
ka yata nagugutom. rin po ako. Ano pa ba talaga ang kailangan ng
______4. Mabuti naman. Akala ko hindi ka Papa?
pa kumain. O, sige magpahinga ka d. Sorry po, Ma. Ginabi ako. May meeting kasi
na. kami.
______5. Oo, kanina pa. Maagang natulog. e. O, sige. Bukas kung bukas. Pero parang
Hinintay ka niya sana. excited lang ako.
______6. May sasabihin daw siya sa iyo. f. Ganoon po ba? Bakit daw po?
______7. Siya nalang ang tatanungin mo g. Yan nga, eh. Napasarap ang usapin naming.
bukas. Nakaligtaan ko tuloy tumawag.
______8. Bukas na lang, anak. h. Good night, Ma!
______9. O, sige. Matulog ka na. Hindi ba i. Okey, matulog na ako, Ma.
sabi mo pagod ka? j. Salamat po, Ma. Pagod na po talaga ako.
______10. Good night, anak. Tulog na po ba ang Papa?
WORKSHEET 4
1. Dahil sa katahimikan at kapayapaan ng paligid ay tila wala kang madamang ligamgam sa loob ng bahay.
a. galit c. ligalig
b. ingay d. kasiyahan
2. Hindi mo siya masisisi sa ginawa niyang pag-aglahi sa iyo dahil totoo naming ikaw ay walang-hiya.
a. pagloko c. paglimot
b. paghamak d. pagtaksil
21. Galit nag alit ang ina nang sagutin siya nang pasinghal ng anak.
a. pasigaw c. pabulyaw
b. padabog d. pabulong
22. Balatkayo lang pala ang lahat ng kanyang ipinakikita. Naniwala naman kami.
a. pagpanggap c. totoo
b. kasinungalingan d. palabas
23. Sobrang magsalita ang palalong iyan. Akalo mo talagang anak-mayaman. Hindi bale, magigising din ‘yan sa
katotohanan.
a. matapat c. suplado
b. mayabang d. mapagkumbaba
WORKSHEET 5
Panuto: Sabihin kung ang kahulugan ng salitang naka-riin ay konotasyon o denotasyon, pagkatapos, tukuyin ang kahulugan
ng salita ayon sa gamit ng pangungusap.
1. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Tiyak na ang bawat problemang dumarating ay may magandang umagang
naghihintay.
_________________________________ _________________________________
2. Paulit-ulit ang kanyang mahiwagang panaginip tungkol sa inuupahan nilang bahay sa lunsod.
_________________________________ _________________________________
3. Mula nang siya’y musmos pa, lagging panaginip niya ang magiging isang mahusay na abogado.
_________________________________ _________________________________
4. Tuwing umaga, nakaugalian na niyang magsimba bago pumunta sa paaralan.
_________________________________ _________________________________
5. Napakabigat ng krus ang pinapasan ng mag-asawa buhat nang lumipat sila sa lunsod.
_________________________________ _________________________________
6. Napakasama ang mga alaala ng kanilang kahapon bilang magkasintahan.
_________________________________ _________________________________
7. Ang mga kastila ang nagpunla ng krus sa buong Asya, partikular na sa bansang Pilipinas.
_________________________________ _________________________________
8. Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga kababaihan para sa kaunlaran ng lipunan.
_________________________________ _________________________________
9. Talagang siya’y kahanga-hanga. Siya ang naging pader na sinasandalan ng buog mag-anak.
_________________________________ _________________________________
10. Langit ang turing ni Rosie sa kanyang Ate. Sa kalagayan niya ngayon, aywan kung kaya pa niya siyang abutin.
_________________________________ _________________________________
WORKSHEET 6
Basahin nang Mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Alamin ang tapik o paksa at ang pangunahing ideya o
kaisipan. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat.
Isang maigting na industriya ang pagbabangko. Ito’y nabubuhay sa tiwala sa kanila ng publiko. Kahit
gaano katibay ang isang bangko kung mangyayaring sabay-sabay na kunin ng mga depositor ang
kanilang pera hindi mabubuhay ang bangko sa ganitong kalagayan. Manganganib ang bangko dahil ang
mga asset nito ay inilagak sa mga negosyong may termino, maikli man o mahaba at ang mga nakataling
asset ay hindi kaagad-agad napapalitan ng “cash.”
Ang Asya, lalo na ang Indonesia ay mayaman sa langis, gas at uling. Sakatunayan, ang
pinakamalaking exporter ng “liquified natural gas” sa buong mundo ay ang Indonesia na siyang
nagsusuplay ng milyun-milyong tonelada taon-taon sa bansang Hapon, Timog Korea at Taiwan.
Padabog na isinara ni Cheska ang pinto nang pumasok siya sa kanyang silid. Humiga at niyakap niya
ang kanyang unan habang unti-unti na ring sumungaw ang luha sa kanyang mga mata. Umiyak siya nang
umiyak. Huminto nang mapagod hanggang sa nakaidlip siya. Pagkaraan ng ilang minute, bigla niyang
binuksan ang kanyang mga mata. Dali-daling bumangon at lumabas sa kanyang kwarto. Dumiretso siya
sa kusina, sa matandang babaeng naghuhugas ng pinggan. Tumabi siya rito at yumakap sabay sabing,
“Patawad po, Lola. Hindi na po mauulit.”
Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas. Itanghal natin siya sa dapat kalagyan. Siya ang idolo ni Rizal,
Mabini, Bonifacio, at ng iba pang mga bayani, ang nagiging bukal ng kanyang panulat at pakikibaka. Kaya
dapat din natin siyang kilalanin at itanghal, bungkalin at basahin ang iba pa niyang mga akda. Ipabasa natin
sa ating mga kaibigan ng magagandang saknong sa Florante at Laura. Sumulat tayo ng mga artikulo tungkol
kay Balagtas at ipalathala ito sa mga magasin upang magkaroon ng pagkakataon ang mga hindi Tagalog o
ang ibang lahi na makilala siya, tulad ng mga dakilang makata sa daigdig. Kailangan nating ipakilala si
Balagtas sa buong bansa at sa buong daigdig.
Gumawa ng mga sticker, tarpaulin, at iba pa, kunin ang magagandang linya buhat sa kanyang awit upang
ipaskil o idikit sa mga paaralan, pampasaherong dyip, bus, FX, pedicab, sa mga waitng shed, mall, tambayan,
tindahan, palengke, at iba pa o maging palamuting mga mug, t-shirt, sombrero, at iba pang ating malimit na
isinusuot. Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radio ang ilan sa mga linya o bahaging kanyang mga
akda. At kung maaari ay maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura, tiyak na hahakot itong
atin. Pero higit pa sa mga ito, kailangan natin sa buhay ang mga sinabi ni Balagtas. Ang mga pag-aalala sa
kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging
pabalat bunga lamang. Kailangan natin siyang basahin. Kailangang maisapanahon ang paraan sa paggunita
sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
-Ang awit na Florante at Laura sa Aking Ipod at si Francisco balagtas sa Aking Desktop
Ni Genaro R. Gojo Cruz
A. Ako’y nagkasakit at natigil ng bahay nang tatlong buwan. Dahil hindi ako makapunta sa parlor, ang parlor ang
pinapunta ko sa amin. Si Nice ang nagmamanekyur at nagkukulot sa akin. Lumuwa ang mata ko nang una kong Makita si
Nice. Naroon siya sa sala nang pumanaog ako, huli na para paalisin ko siya.
B. Matangkad si Nice, balingkinitan ang katawan at matikulusong nakapantalon at nakabulsa. Mayroon siyang
pabangong hindi ko mawari kung ano, at nakamake-up ma siya. Naka-leather sandal at sumungaw sa strap ng mga sandal
niya ang kanyang daliri sa paa. Tumindig siya nang ako’y lumapit sa kanya.
C. “Magandang tanghali, Mader. Ako si Nice na pinapunta rito upang mag-asikaso sa buhok mo. Dalian natin, kasi,
meron pa akong dalawang kostumer na magpa-home service sa akin.” Mahusay siyang magsalita, wala siyang tigil sa
kasasalita habang ang nakamanekyur niyang mga kamay ay palipag-lipat mula sa aking mga buhok at sa tray na sisidlanng
kanyang mga gamit.
D. “Tawagin mon a lang akong Nice, ang baklang galling sa Frisco; ako’y lalaki ngunit nadarama kong ako’y babae at
kung bigyan moa ko ng pagkakataong mabuhay muli, pipilitin ko pa ring maging babae,” ang sabi niya.
E. Malakas ang boses niya ngunit malambot ang kanyang mga kamay. Ambisyoso rin siya tulad ng sinuman sa atin, ang
sabi ko sa sarili.
F. “Gusto kong makaipon nang marami, Mader” (ayaw ko ang tawag na iyon); gusto kong ipagbili ang parlor ko sa San
Francisco Del Monte; pupunta ako sa Frisco sa California at gagayahin ko ang kaibigan kong si Pretty (isa ring bakla) sa
kanyang bisnes doon. Kung maawa ang Diyos, makapagpapadala ako ng dolyar sa amin para sa pag-aaral ng nag-iisa kong
anak na nasa ikatlong baiting sa isang ekslusibong paaralan sa Maynila.”
G. Noong una, pinalayas nila ako sa bahay. Pinauwi lang nila ako noong binigyan ko sila ng apo at nang nakapagpadala
ako ng pagkain sa bahay dahil sa trabaho ko. Marahil malungkot sila, ngunit ako’y masaya, at iyon ang mas mahalaga para sa
akin. O, ayan, babalik ako rito pagkatapos ng isa’t kalahating oras. Magmamanekyur ako ng kostumer ko sa kabilang bloke.
Ang tagal naman kulutin ang buhok mo.”
H. At pagkasabi niya nang ganoon, dinampot niya ang kanyang bag, pamaypay at paying. Inaayos niya ang kanyang
make-up, at nagmamadaling lumabas ng pintuan nang pakembot-kembot ang puwit hanggang sa makarating sa gate at
lumabas sa kalsada para maghintay ng sasakyan.
a. Kabaklaan
b. Ambisyosa
c. Magandang Tanghali, Mader!
d. Si Nice: Baklang May Pangarap
___________________________________
7. Paksa/Tapik ng talata F
___________________________________
9. ________________________________
10.________________________________
MIDTERM
Isa nang malaong pahayag na sinangsang-ayunan ng maraming dalubhasa sa larangan ng pagbasa ang linyang
Reading without comprehension is just like eating without digesting. Hindi maganda ang hindi matunawan dahil nagdudulot ito
ng kawalan ng ginhawa, ng problema. Sa kaso ng pagbabasa, ang kawalan ng pag-unawa sa tekstong binabasa ay
nagdudulot ng problema sa iyong kakayahang maisagawa ang mga kahingian ng gawain kaugnay sa iyong binabasa.
Upang maiwasan ang problemang ito, kinakailangang madebelop mo ang iyong kakayahang maunawaan ang iyong
binabasa. Sa pamamagitan ng kakayahan mong makilala at mauri ang mga ideya o detalye at matukoy ang layunin, tono, at
pananaw ng teksto, mas madali mong maisasagawa ang iyong tiyak na layunin sa pagbabasa . Kailangan mo ring malinang
ang kasanayan mong mapag-iba ang opinion at katotohanan, masuri kung balido o hindi ang ideya sa teksto, makabuo ng
hinuha at hula sa mga mangyayari sa teksto, at makagawa ng lagom at kongklusyon ng teksto upang maging epektibo at
produktibo ang pagbabasa mo.
Ang mga ideya o kaisipang nasa isang teksto ay maaaring pangunahin o pantulong. Bilang mambabasa, dapat may
sapat kang kaalaman kung paano kumilatis ng mga ideya. Nakatutulong kasi ito upang matukoy mo ang layunin ng awtor sa
pagsulat ng kanyang teksto at kapag alam mo na ang layunin ng teksto, mas madali mong maunawaan ang tekstong ito.
Ngunit ang tanong palagi ay kung paano matutukoy kung ang isang ideya o kaisipan ay pangunahin ba o pantulong.
Pamaksang pangungusap (ng isang talata) at Tesis na pangungusap (ng isang sanaysay)-sa pamamagitan nito ay
ipinahahayag ang pangunahing ideya. Kapwa naglalaman ng pinakabuod o pinakapunto ng isang teksto ang dalawa, at
nagiging batayan din ang mga ito ng mga pantulong o pansuportang ideya.
Pantulong na kaisipan- nililinaw nito ang puntong nasa pamaksang pangungusap. Nilalaman nito ang ideyang dala-
dala ng pamaksang pangungusap. Ang pantulong na kaisipan ay maaaring mga halimbawa, tiyak na detalye, patunay at
katotohanan.
Lahat ng tekstong nabasa mo ay hindi basta na lamang sumulpot mula sa kawalan; bagkus, nabuo ang mga iyong
dala ng kung ano mang layunin kung bakit sinulat ng isang awtor ang isang akda dahil makatutulong ito upang mas
maintindihan mo ang akda.
Layunin ng teksto- tumutukoy sa dahilan ng pagkakasulat ng awtor ng kanyang teksto. Ilan sa mga layunin ng mga
teksto ay ang magpaliwanag, magbigay-impormasyon, mangaral, magbabala, magpatawa, manakot at mangumbinsi.
Damdamin- tumutukoy sa emosyong nangingibabaw sa iyo habang binabasa mo o pagkatapos mong basahin ang
isang akda. Ang damdamin ng isang teksto ay maaaring iba-iba at/o pagkaminsan ay magkasalungat sa iba-ibang
mambabasa.
Tono- tumutukoy sa tinig at saloobin ng awtor kaugnay sa paksa ng kanyang sulatin. Sa pamamagitan ng estilo- salita,
pagkakabuo ng mga pangungusap at paraan ng presentasyon- matutukoy ang tinig at saloobin ng awtor. Ang tono ng teksto,
kung gayon ay maaaring masaya, malungkot, mapang-inis, mapanakot, mapagbiro, mapanghimagsik, mapanuya, mapangutya
at iba pa. Sa pamamagitan ng tono ay natutukoy mo ang damdaming namamayani sa awtor hinggil sa paksa ng kanyang
teksto.
Pananaw- tumutukoy sa punto de bista na ginamit ng awtor. Makikilala ito sa pamamagitan ng ginamit na panghalip.
Para makilala ang punto de bista, gawing gabay ang tanong na Anong panauhan ang ginagamit sa isang teksto?
Sa pagbabasa, mahalagang matukoy mo kung ang isang impormasyon ay isang opinyon o isang katotohanan. Kung
bigat ng argumento ang pag-uusapan, mas nakalalamang kasi ang katotohanan kaysa opinion, kaya mas tinatanggap ang una
kaysa huli.
6. PAGHULA AT PAGHIHINUHA
Halimbawa, sa isang multiple choice na pagsusulit, hindi mo alam ang sagot sa isang aytem. Dahil walang-wala kang
ideya hinggil sa tanong at sa mga pagpipiliang sagot, wala ka nang opsyon kundi manghula ng sagot.
Samantala, kung hindi ka sigurado kung ano ang tamang sagot maaari kang gumamit ng mga teknik sa pagsagot.
Halimbawa, inaalis mo muna ang mga tiyak na mali o pagpipilian na imposibleng maging tama at pinipili mo sa mga natitira
ang isa na mas malamang na maging tama.
Ang sagot mo sa una at ikalawang sitwasyon ay kapwa mga hula lamang. Ang una ay isang wild guess o predicting at
ang ikalawa ay isang intelligent guess. Ang kasanayan na ginamit mo sa una ay isang simpleng paghuhula, samantalang sa
ikalawa ay paghihinuha.
Paghuhula- maituturing ito na pagbibigay ng kongklusyon sa mga teksto o sulatin na mayroong bitin o hindi buo o ganap ang
pagkakasulat.
Paghihinuha- tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay ilang clues.
Sa isang mambabasang nakauunawa sa tekstong kanyang binasa ay nakagagawa ng isang sulating mas maikli ngunit
nagtataglay pa rin ng diwang mula sa orihinal na teksto.
Lagom- ang pinaikling bersyon ng isang teksto. Bilang mag-aaral na nakatakdang gumawa ng pananaliksik sa
katapusan ng semestre para sa kursong ito, mahalagang idebeloop mo ang iyong kakayahang gumawa ng lagom dahil hindi
lahat ng mababasa mong kaugnay sa paksa ng iyong pananaliksik ay ilalakip mo nang buong-buo sa iyong papel.
Kongklusyon- ito ang mga paglalahat na ginagawa mo batay sa mga nakuhang datos at ebidensya. May mga
tekstong ipinapahayag ang kongklusyon, ngunit mayroon din namang hindi nakasulat kung kaya ikaw, bilang mambabasa, ang
siyang gagawa ng kongklusyon. Maikli lamang at makikita dito ang impormasyong nakapaloob sa teksto o sulatin.
May mga tekstong ang mga impormasyon ay inilalahad sa pamamagitan ng mga grap, talahanayan, tsart at iba pang
mas pinasimpleng paraan ng paglalahad.
Upang magkaroon ng wastong pagpapakahulugan sa mga impormasyon sa grap, tsart, mapa at talahanayan, tandaan
ang mga sumusunod na tagubilin:
a. Pansinin mo ang pamagat na maaaring kasama mismo ng grap, tsart, mapa at talahanayan o nasa talatang
nagpapakilala sa mga ito. Pamagat ang nagsasabi sa iyo kung tungkol saan ang mga datos ng grap.
b. Pansinin ang leyenda. Para sa pabilog na grap, ang leyenda ay palagi nang magkasamang mga salita at kulay.
Para sa palinyang grap na may dalawa at tatlong baryabol na pinaghahambing, ang leyenda ay maaaring nasa anyong
kulay ng linya, uri ng linya (paalon-alon, tuwid, makapal o manipis). Para sa mga paglarawang grap, makikita ang mga
imaheng tulad ng hugis tao at iba pang bagay na kadalasang may katumbas na bilang o halaga. Halimbawa, ang isang
tao sa isang palarawang grap ay katumbas ng isandaang katao.
c. Tingnan din ang leybel sa pahalang at pahanay na bahagi ng grap. Nagsasabi ito ng impormasyon tungkol sa mga
datos ng grap. Maliban sa pabilog na grap ang sukatan ay maaaring makita sa pahalang o pahanay na bahagi ng grap,
depende sa gustong presentasyon ng gumagawa ng grap.
d. Pansinin din ang talababa. Nagbibigay ito ng mga impormasyong tulad ng pinanggagalingan ng mga datos.
GRAP – Ang graph ay isang dayagram na sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos. Ito ay paraan para madaling
maunawaan at mabigyang kahulugan ang mga impormasyon. Ang grap ay ginagamitan ng mga simbolo.
B. PALINYANG GRAP (Talangguhit)- ginagamit upang ipakita ang iba’t ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng
paggamit ng mga linya. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang panahon o
pangyayarisa madaling salita ito ay ginagamit sa paghahambing.
C. PABILOG NA GRAP (Pie graph)- ang paggamit ng pie graph ay ganap na popular. Tulad ng bilog, ito ay nagbibigay ng
biswal na konsepto ng buo (100%).
D. PAHALANG NA GRAP (Bar graph) – kahawig ito ng pahanay na grap. Ang paglalarawan lamang ng mga datos sag rap
na ito ay pahalang sa halip na pahanay. Ginagamit sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat.
E. PICTOGRAP(picture graph) – gumagamit ng larawan na kumakatawan sa mga bagay na pinaghahambing. Katulad din ito
ng ng mapa na gumagamit ng leyenda na nagsasaad kung ano ang kahulugan ng simbolong ginamit sa grap.
G. TSART (chart) – ito ay isang ilustrasyon o biswal kung saan itinatala at inuuri ang mga impormasyon tulad ng mga
planong gagawin, mga direksyon, termino, istruktura ng organisasyon, flow tsart at iba pa.
H. MAPA – ang mapa ay isang ilustrasyong nagbibigay ng malawak na impormasyon. Ipinapakita nito ang hugis at
nilalaman sa loob at paligid ng isang lugar, saklaw at ayos ng pook, bayan, lalawigan, bansa o maging sandaigdigan.
1. Tumutukoy sa kung ano ang saloobin o nararamdaman ng mambabasa habang binabasa niya
ang isang teksto.
2. Naililipat na saloobin ng manunulat habang isinusulat ang teksto. Ito ay maaaring banayad, marahas,
masaya, seryoso, tuwiran o kaya ay pangungutya at iba pa.
3. Pagbibigay ng sariling palagay ng isang may-akda na hindi dumadaan sa eksperimentasyon ay
maituturing na ___________.
4.Impormasyong paktwal o tunay na mga pangyayari na hindi masisinungalingan sapagkat ito ay may
sapat na ebidensyang pinanghahawakan.
5. Ano ang isa pang katawagan sa pananaw?
GAWAIN 1 B.
Makulimlim na ang kalangitan at nagbabadyang umulan ano mang oras. Ang panghapong hangin ay sinasayaw ang
kanyang buhok na hanggang balikat habang ang tubig na bumabasa sa kanyang mga paa ay nanunuot sa kanyang kalamnan.
HANDOUTS IN Fil.1 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Bb. ELNA
TROGANI Page 14
Tanaw niya ang unti-unting pag-alis ng mga mangingisda kasabay ng mga batang nagtatawanan. Wala siyang pakialam sa
mga nangyayari sa kanyang paligid, hindi niya alintana ang mga nangyayari. Kasabay ng kanyang pagyuko ay ang pagpatak
ng mga butil ng luha na mula sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang dalawang kamay na nakapatong sa kanyang
magkabilang tuhod. Napabuntong hininga siya upang maibsan ang lungkot at sakit na kanyang nadarama. Unti-unti na
namang nanumbalik sa kanyang balintataw ang huling sinabi ng taong nagdulot ng damdaming iyon “Hindi ko sinasadya na
nakalimot ako at naging biktima ng maka-mundong Pag …..ngu-ngunit nangyari na…..nangyari na ang pagsibol ng munting
buhay, mahal kita p-pero ”.
Sa muling pagbalik niya mula sa masakit na alaala ay ang pagbuo ng isang matibay na desisyon. Kailangan may
gawin siya… Napahagulgol na lamang siya dahil sa pagsagi sa kanyang isipan ng pangalang Cecelia.
GAWAIN 2 A. Pansinin ang kasunod na grap/ talahanayan at sagutin ang mga kasunod na tanong.
HUDIKATURA
3% 6%
4% 1st Qtr
7% 2nd Qtr
18% 3rd Qtr
1st Qtr 4th Qtr
62% 5th Qtr
62% 6th Qtr
GAWAIN 2 B.
1. Isang dayagram na sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos. Ito ay paraan para madaling maunawaan at
mabigyang kahulugan ang mga impormasyon. Ang grap ay ginagamitan ng mga simbolo.
2. Sa grap na ito, makikita ang sukat na nakahanay sa kaliwa at nasa ibabang bahagi naman ang mga baryabol.
3.Isang ilustrasyong nagbibigay ng malawak na impormasyon. Ipinapakita nito ang hugis at nilalaman sa loob at paligid ng
isang lugar, saklaw at ayos ng pook, bayan, lalawigan, bansa o maging sandaigdigan.
4.Sa pamamagitan nito ang mga datos ay inilalahad sa pormang tabyular na sistematikong inilalagay sa mga hanay at kolum
ang mga nilikom na datos.
5. Ito ay isang ilustrasyon o biswal kung saan itinatala at inuuri ang mga impormasyon tulad ng mga planong gagawin, mga
direksyon, termino, istruktura ng organisasyon, flow tsart at iba pa.
6. Kahawig ito ng pahanay na grap. Ang paglalarawan lamang ng mga datos sa grap na ito ay pahalang sa halip na pahanay.
Ginagamit sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat.
8.Gumagamit ng larawan na kumakatawan sa mga bagay na pinaghahambing. Katulad din ito ng ng mapa na gumagamit ng
leyenda na nagsasaad kung ano ang kahulugan ng simbolong ginamit sa grap.
10.Ang paggamit ng grap na ito ay ganap na popular. Tulad ng bilog, ito ay nagbibigay ng biswal na konsepto ng buo (100%).
PRE-FINAL
Aghamo siyensya ay isang sistematikong kaalaman na bunga ng masusing pagsusuri, pag-aaral at pagmamasid.
May tatlong pangkalahatang sangay ang agham: ang agham pisikal (physical sciences), agham-pangkapaligiran
(environmental sciences) at agham ng buhay (life sciences).
Heolohiya (Geology)- pag-aaral ng kalikasan, pormasyon nito, pinagmulan at debelopment ng panlabas na mabatong
bahagi ng kalupaan.
Metaluhiya (Metallurgy)- pgbubukod o pagdalisay ng metal mula sa mga bato.
Pisika (Physics)- pag-aaral ng anumang materyal na bagay (matter) at ng enerhiya at
interaksyon ng dalawa.
Pisikang Nukleyar (Nuclear Physics)- pag-aaral ng enerhiya mula sa atom at paano ito magagamit ng tao sa
kanyang pag-unlad.
Hydroliks (Hydraulics)- pag-aaral ng pagkontrol at paggamit ng lakas ng tubig.
Thermodynamics- dito ay pinag-aaraln ang relasyon ng init at iba pang anyo ng enerhiya.
Mekaniks (Mechanics)- pag-aaral ng enerhiya at lakas sa kanilang relasyon sa anumang materyal na
nagpapakilos dito.
Astronomiya (Astronomy)- pag-aaral ng lahat ng mga bagay na makikita sa kalawakan.
Ufology ay pag-aaral naman ng unidentified flying objects o UFO.
Kosmolohiya (Cosmology)- pag-aaral ng kalikasan, anyo at pinagmulan ng buong uniberso.
Astrolohohiya (Astrology)
Meteorolohiya (Meteorology)- nag-iimbestiga sa kundisyon sa himpapawid o atmospera ng daigdig.
Kemistri (Chemistry)- ito ay tungkol sa komposisyon, kalikasan at anyo ng mga substances
at ng kanilang mga pagbabago.
Kemistring di-organiko (inorganic chemistry
Kemistring organiko (organic chemistry)
Agham Pangkapaligiran- pinag-aaral nito ang buong kalikasang nakapaligid sa atin at kung
paano itomapapangalagaan.
Agham ng Buhay
Biology
Botany- pag-aaral ng mga tanim
Zoology- pag-aaral tungkol sa mga hayop
Pathology- pag-aaral ng sakit ng mga hayop at mga manipestasyon o sintomas ng mga sakit nito
Ornitolohiya (Ornithology)- siyentipikong pag-aaral tungkol sa mga ibon
Genetics- nag-aaral ng heredity at ang baryasyong mga namamanang katangian ng organismo ay nasasakop
kapwa ng botany at zoology
Agham Panlipunan
Ang Agham Panlipunan ay pag-aaral ng tao at ang pag-uugnay ng tao sa ibang pangkat na may ibang kultura. Ito ay
maaari ring tumukoy sa pangkat ng mga disiplinang akademya na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Ang
disiplinang ito ay nagsusuri sa ugnayan ng mga tao sa lipunan at kung paano sila nakikitungo sa isa’t isa at sa kanilang
kapaligiran.
Humanidades
Ang Humanidades ay sangay ng pagkatuto na may kinalaman sa pag-iisip ng tao at kultura na kinakatawan ng wika,
panitikan, pilosopiya at ng iba’t ibang sining gaya ng musika, sayaw, arkitektura, pagguhit at pagpipinta, literatura o
panitikan, pelikula at potograpiya. Ito’y nauukol sa kaalamang kaugnay sa katutuhana at kagandahan.
Panitikan o Literatura- tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao; pagpapahayag ng mga damdamin ng
tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang lumikha.
Wika- ang pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang
mga tao.
Ekspresib- nagpapahayag ng nararamdaman o nasasaloob. Ang mga damdamin tulad ng saya, tuwa, lungkot, galit,
kabiguan, tampo at iba pang mga personal na damdamin ay maaaring maging dahilan ng pagsulat.
3. Audience o mambabasa- kailangang makiklala ang target na mambabasa upang ang paksa at
tono ng pananalita ay masasaalang-alang sa kanilang edad, interes,
trabaho, at iba pa. Kailangang maunawaan ng mambabasa ang
isinulat ng manunulat.
4. Wika- ang wika ay kailangang gamitin ayon sa okasyon. Ang wika ay maaaring uriin sa iba’t
ibang kategorya. Ayon sa antas, ito ay maaaring balbal, lalawiganin, kolokyal,
pampanitikan, at pambansa. Ayon sa pagkakagamit ito ay maaaring: krudo bersus
makinis/iskolarli; bastos bersus magalang; mababaw bersus malalim at retorik bersus
simple. Ayon naman sa istilo, maaaring intimeyt (sa pagitan ng mag-asawa, o
Proseso ng Pagsulat
1. Bago sumulat- binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya, at pagbuo ng mga
ideya.
2. Pagsulat- pagbuo ng burador, pagtanggap ng fidbak/pagsasangguni at pagrerebisa.
3. Paglalathala- sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon/sulatin sa bulletin board o kaya’y
pagpapalimbag/paglalathala.
1. Panimula o Simula- ito ang pinakamukha o salamin ng sulatin. Kadalasan ito ang sukatan kung
ipagpapatuloy pa ang pagbasa sa akda. Kapag naantig agad ang kawilihan
o kuryusidad, tuloy-tuloy na ang pagtunghay rito ng mambabasa. Kaya
nga, sa sulyap pa lamang ng babasa, ito ay dapat na kaakit-akit na upang
hindi na magawang bitiwan pa o ipagwalang-bahala. Kung baga sa tao ay
may angking karisma o magic touch na di maaaring isantabi. Sa simula
nga nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng akda.
2. Katawan/ Gitna/ Panggitna- ito ang pinakakatwan at ang pinakamalaking bahagi ng teksto.
Dito makikita ang mga kaalaman. Binubuo ito ng talatang kinapapalooban
ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pamunong mga
detalyeng maayos ang masuring pagkakauri-uri at pagkakasama-sama, at
makatwiran ang pagkakahanay-hanay at pagkakasunod-sunod tungo sa
malinaw na ikapapaliwanag ng paksa. Sa katawan ipinaliliwanag ang lahat-
lahat tungkol sa paksa. Ang lahat ng datos na nakalap ay kailangang
maisaayos rito. Ang mga impormasyong nakalap ay ipinipresenta sa
bahaging ito. Samakatuwid, binibigyan ito ng mahabang preparasyon
upang ganap na maorganisa. May tatlong hakbang para magawa ang
panggitna: ang pagpili ng organisasyon ng padron, pagbabalangkas ng
nilalaman, at paghahanda sa transisyon ng talataan.
1. Nobela- mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang
mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ng maraming
tauhan.
2. MaiklingKuwento- salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kaintalan.
3. Dula- tinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto at sa bawat
yugto ay maraming tagpo. Maaaring uriin ang dula sa trahedya, kumedya, melodrama,
parsa (farce), saynete at parodia.
5. Pabula- salaysaying hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata
sa mga pangyayaring makahuhubo ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa hayop
ang kuwentong ito.
6. Anekdota- likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang
tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang
kuwento ng mga hayop o bata.
8. Talambuhay- tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring Ito’y pang-iba o pansarili.
10. Talumpati- isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito
ay humikayat, magbigay ng impormasyon, magatwiran, magpaliwanag, at
magbigay ng opinyon o paniniwala.
11. Parabula- salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota ang layunin nito’y makapagbigay-
aral sa mga mambabasa o nakikinig.
12. Tula- pagpapahayag ng marikit na kaisipansa marikit na pananalita. Karaniwang ito ay may
tugma, sukat, diwa, kariktan kung hindi ito tuluyan o prosa. Mauuroi ang tula sa liriko o
tulang pandamdamin, tulang pasalaysay, tulang patnigan at pantanghalan.
13. Mito- kuwentong nahahawig sa alamat nvunit ang mga tauhan ay mga bathala, bathaluman,
tinatawag ding diyos at diyosa; engkantada o diwata o nimpa.
14. Epiko- tulang bayani, mahahabang tula ukol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng tauhang
nagtataglay ng pambihirang lakas at kapangyarihan.