Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LARA JASMINE B.

ALCOS

BS PSYCHOLOGY – 1ST YEAR

MGA TEORYA SA PAGBASA

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga
proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang
pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa
pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.
Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart:
(A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at
(D)teoryang iskema.

MGA TEORYA PALIWANAG


A. Teoryang Itaas – Pababa Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-
(Top-Down) unawa ay nagmumula sa isipan ng
mambabasa mayroon nang dating
kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito


ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa
ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-
unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng
teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating


kaalaman ng mambabasa patungo sa
teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng


kanyang dating kaalaman (prior
knowledge) at mga kaalaman (schema) na
nabubuo na sa kanyang isipan batay sa
kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at
hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga
ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

 Mga proponent ng teorya: Kenneth S. Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay
Goodman (1985) at Frank Smith (1994) isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong
ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya”
kung saan siya ay bumubuo ng sariling
hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng
tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang
mambabasa ang sentro ng proseso ng
pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang
mambabasa ay madalas nang may dating
kaalaman o iskema tungkol sa paksa.
Samakatuwid, sa teoryang ito, ang
mambabasa ay higit na nakapokus sa kung
ano ang alam niya upang maunawaan ang
binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-


out model, concept-driven model, at
whole to part model (Goodman, 1985 at
Smith 1994).

B. Teoryang Ibaba – Pataas Ito ay salungat sa teoryang top-down.


(Bottom-Up)
Ito ay pananaw sa pagbasa na
naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay
batay sa mga nakikita rito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram o iba
pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o


bottom-up na nangangahulugang ang pag-
unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa
ibaba (bottom), ito ang teksto (reading
text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng
mambabasa matapos maproseso sa tulong
ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang


behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay
isang blangkong papel o tabula raza.

 Mga proponent ng teorya: Rudolf Flesch Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon
(1955), Philip B. Gough (1985), at David La ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi
Berge at S. Jay Samuels (1985) sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-


driven model o part to whole model. Ibig
sabihin, higit na umaasa ang mambabasa
sa mga impormasyong nasa teksto.

C. Teoryang Interaktibo Ito ang kombinasyon ng teoryang


bottom-up at top-down sapagkat ang
proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-


up at top-down), nagaganap ang
interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa
sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong


pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng
isang mambabasa ang kaalaman niya sa
estruktura ng wika at sa bokabularyo
kasabay ang paggamit ng dating kaalaman
(schema) at mga pananaw.

 Mga proponent ng teorya: David E.


Rumelhart (1985); Rebecca Barr,
Marilyn Sadow, Camille Blachowicz
(1990); at Robert Ruddell, Robert
Speaker (1985)

D. Teoryang Iskema Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan


(Schema) ay nakaimbak sa ating isipan o memorya.
Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya
nang malaki sa pag-unawa kung ano ang
alam na o hindi alam ng mambabasa.

 Mga proponent ng teorya: Richard Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-


Anderson at David Pearson (1984) iimbak ng impormasyon sa utak ng tao
(Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang


kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang,


nababago at napauunlad.

E. Teoryang Istruktural Naniniwala ang mga nagpapahalaga sa


teoryang istruktural na ang pagbabasa ay
set ng mga kasanayan na dapat
natutuhang mabuti na mapag-ugnay ugnay
ng isang mahusay na mambabasa.
Sumasang-ayon din sila na ang mga
kasanayan ay dapat matutuhan ng bukud-
bukod at paisa-isa hanggang maging
mabilisan at mapag-ugnay –ugnay nang
maayos.
Nagbigay si David La Berge at S.J. Samuel
ng isang modelo o hulwaran sa pagkatuto
ng pagbasa. Iminumungkahi nila na ang
gawing pagtuturo ng yunit ay maliit palaki
at pagsama-samahin upang matutuhan
nang mabuti. Ayon sa kanila, ang
pagkatuto ay mula sa letra, pantig at salita.

Sinasabi ni Frank Smith(1978) na ang


pagkatutong bumasa ay nangangailangan
ng impormasyong hindi biswal at hindi rin
ito maituturo pagkat produkto ito ng
kanyang dating kaalaman. Ayon pa rin sa
kanya, natututong bumasa ang bata
katulad ng pagkatuto niyang magsalita. Sa
teoryang pa ring ito sinasabing
kailangangbigyan ang mambabasa ng mga
pagkakataon o kondisyon upang
makahikayat sa kanya na matutong
bumasa.

F. Teoryang Saykolinggwistiks Ang nakuha ng mata na impormasyong


biswal ay inihatid sa utak kung saan ito ay
binigyang kahulugan sa tulong ng dating
kaalaman ( prior knowledge) ng wika
(tuntuning pangkayarian at nilalaman.).
Ang unang impormasyon ay nasa biswal na
konpigurasyon ng pahina. Ang nag-
uugnay sa konpigurasyong biswal (pang-
ibabaw na kayarian) at sa kahulugang
semantika (malalim na kahulugan) ay ang
sintaks o kayarian ng pangungusap at ang
pinagbabatayan ng buong proseso ay ang
dating kaalaman. Ang huling kalalabasan
ng proseso ay ang pagtukoy sa kahulugan.

Ayon kina Cooper at Petrosky, (1976)


pinagsasama ng saykolinggwistiks ang
linggwistika at sikolohiyang kognitibo sa
pagsusuri at pag-unawa sa proseso ng wika
at pag-iisip.

You might also like